Luke's PoV "Ayoko." "Kailangan mong kumain ng marami--" "Bobo ka ba? Sinabing ayoko! Uuwi na ako sa mansyon." Hays! Binabaliw na naman ako ng babaeng ito. Napaka initin ng ulo niya. Ayaw niyang nakikita o kinakausap ako. Hindi ko na alam ang gagawin sa isang 'to. Inis na inis siya sa akin. Siguro dahil nagdadalang tao siya. Napangiti ako ng palihim. Dinadala niya ang magiging baby namin. Flash back. ( noong dalhin ni Luke si Betty sa Ospital ) "Kumusta? Okay ka na ba?" Nag-aalala kong tanong kay Betty pagkalabas niya sa isang room. "Bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo?" Galit na mga tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba nagagalit sa akin ang isang 'to? At natututo na siyang tignan ako ng masama. "Sabi ng doctora, nagtatae lang ako--" "You're the boyf

