Napalingon si Jovin sa harap niya mismo, naroon si Roxanne. Lumipad ang kanyang kaluluwa at pagbaba niya sa sahig, ang kaanyuan ni Abigail ang lumabas.
Jovin: Ikaw! (ginamitan niya ito ng mahika, pinalibutan ng usok, ngunit hindi ito tumalab.)
Abigail: Sa sobrang takot ko sa 'yo matagal na panahon akong nagtago. Pero ngayon, paghihigante ko ang mararanasan mo. (bumukas ang mga bintana, nabasag ang salamin, nawala ang mga usok, sumikat ang araw.)
"HINDI!! HINDI!!!!" (tumakbo siya sa isang kwarto at doon, sumabog nang malakas)
Ara: Abigail. (lumapit sa kanya si Abigail at ngumiti, niyakap siya) Salamat at pinakinggan mo ako sa aking dasal.
Abigail: Kahit saan nakagabay lang ako sa inyo, sa 'yo, kaibigan.
Matapos silang mag-usap, lumapit sila kay Rose. Buhat-buhat si Rose ni Mikael, walang buhay.
Mikael: Tulungan mo 'ko. Baka may paraan pa para maibalik siya.
"Sumunod kayo sa akin."
Sa paglalakad palabas ng bahay, nadatnan nila ang kwarto kung saan sumabog ito kasabay ni Jovin.
-
-
-
Naging sanhi ng pagkabigla nila ang paglusob ni Jovin. Sunog na ang mukha nito pero malakas pa ang kanyang pangangatawan. Si Mikael ang kanyang gustong patayin, may dala siyang kutsilyo. Sinaksak niya si Mikael sa tiyan.
Janie: MIKAEL!!! (nahulog si Rose, natumba si Mikael)
Jovin: HAHAHA!! Ang masasama naman talaga, matagal mamatay,
Kahit na malayo na ang kanilang distansya papunta kay Mikael, sinubukan pa rin nila tumakbo para maabutan siya.
Josh: MIKAEL!!! Mag-ingat ka!!
Hindi nila namalayan si Roxanne na nakahandusay pa sa sahig malapit kina Jovin.. unti-unti siyang nagising at narinnig ang malakas na sigaw ng kanyang mga kaibigan. Palapit nang palapit si Jovin kay Mikael.
Mira: Mikael!!! TAKBO!!!!
Nanghihina na si Mikael, hindi na nito kaya pang tumayo. Kumuha agad si Roxanne ng kahoy at inihampas kay Jovin. Sa sobrang lakas ng palo nito, nakalabas ang kaluluwa niya kay Nelsi. Papunta ang kanyang kaluluwa sa labas ng pinto.
Abigail: Janie, Jerry, buksan niyo ang pinto para maarawan siya.
Sinunod naman agad nila ang kanyang utos. Nang lumabas ang kaluluwa, dali-dali naman silang pumalabas.
"AAARRRGG!!!!!"
Ara: Bilis! Palibutan niyo siya, manawagan tayo sa kabutihan.
Naghawak-hawak sila at nang mapalibutan si Jovin. Pumikit sila at nagdasal si Ara.
"Hindi niyo 'ko mapapaalis dito!"
Ara: Kabutihan, kabutihan, nananawagan kami sa inyo, kasamaan ay iwaksi ninyo sa mundong ito.
Paulit-ulit nila itong binigkas. Ilang minuto ang nagdaan, pinakinggan sila. Maya-maya, gumuho ang lupa sa gitna nila at mga kamay ang bumungad na humila sa kaluluwa ni Jovin papunta sa ilalim ng lupa.
"Hindi!!!HINDI!!!"
Wala itong nagawa kaya nahila siya ng mga ito at bumalik sa dating anyo ang gumuhong lupa. Nagsitayo silang lahat.
Janie: Wala na ba?
Josh: Bakit? Gusto mong pabalikin natin?
Inirapan lang siya ni Janie.
Abigail: Ligtas na tayo.
Janie: Sina Mikael pala!
Pumasok sila Janie at Mira. Samantala, napansin nina Jerry at Josh na nagtatago sa likod ng puno sina Lyn at Jeff. Tumakbo agad sila at sinundan sila ng dalawa.
Jerry: Teka pare, hindi na natin sila kailangang habulin.
Josh: Anong hindi? (nagpumilit siya na sundan ang dalawa ngunit pinigilan siya ni Jerry)
Nagulintang si Josh nang tangayin ng gumuhong lupa sina Lyn at Jeff katulad ng nangyari kay Jovin.
Jerry: Sabi ko naman sa'yo, we don't need to follow them.
Josh: Well, you were right. They deserve it. (nagtawanan sila)
Mira: Help!!
Paglabas nila, hinang-hina na si Mikael. Dala na rin nila si Rose kahit na wala na itong buhay. Si Roxanne naman, inalalayan niya si Nelsi.
Janie: Abigail, tulungan mo ang kaibigan namin.
Abigail: 'Wag kayong mag-alala ayos lang si Mikael.
Umiyak si Mira.
Mira: B-but, what about Rose?
Nalungkot ang magkakaibigan. Ngumiti si Abigail at unti-unting naglaho ang kanyang kaluluwa.
Jerry: Teka, Abigail!! Ara, bakit siya umalis? Hindi niya man lang tinulungan si Rose.
Ara: Naniniwala akong may dahilan siya.
Tumingin siya sa langit at ngumiti. Humangin nang malakas.
Roxanne: Ano'ng nangyayari? Babalik na naman ba si Jovin?
Nagsitinginan sila sa taas. Isang kaluluwa ang bumungad sa kanila. Pumasok ang kaluluwang ito sa katawan ni Rose.
-
-
-
-
-
"Rose!!"
Dumilat ang mga mata ni Rose at ngumiti sa langit.
Rose: Ate,, salamat.(pabulong nito)
Josh: Ayos ka lang?
Rose: Oo.(pabulong niya, nakahandusay si Mikael sa sahig at halos hindi na makahinga)
Janie: 'Wag kang mag-alala. Ayos lang daw siya sabi ni Abigail.
Rose: Mikael...(hinawakan niya ito sa kamay)
Napansin ni Rose na nagliwanag ang kanyang mga palad ngunit hindi niya binitawan si Mikael.
.
.
.
.
Nawala ang mga sugat nito sa katawan at nagising.
Mikael: Rose?
Nagngitian silang dalawa.
Mira: Are you okay Mikael?
Mikael: Oo.
Josh: Ho!! (pagbitiw nito ng hininga) Akala ko mamamatay ka na
Jerry: This is the first time na naging miserable ang life ko. Buti na lang we survived.
Josh: Buti na lang hindi matakaw ang mga yun at hindi kinuha ang chocolate sa bulsa ko. Makain na nga baka agawin niyo sa 'kin eh.
Nagtawanan silang lahat. Mula noon, pinagbabawalan nang pumunta pa o pumasok ang mga tao sa bahay na iyon. Naging maayos na ang kanilang buhay. Natututo na rin si Rose na makipagkaibigan. Siya ang Magna c*m Laude sa kanila. Nagkaroon uli sila ng trip pero pangako nila na hindi na uli mangyayari ang mga naranasan nila sa lumang bahay.
*WAKAS*
***********************
Dear Readers,
Sa mga nagtataka kung bakit part 2 agad itong story, yun po ay dahil sa hindi ko pa nare-retrieve yung part 1 neto. Hindi ko na po mahanap yung notebook na pinagsulatan ko nung unang part sa tagal ng panahon. Hihi. Anyways, wala man yun, naiintindihan pa rin naman ang kwento. So far, wala namang naghahanap nung first part. Salamat sa pagbabasa. :))
P.S. May magaling bang gumawa ng cover photo dito? I hope you can send me a message. It is highly appreciated. Thank you :)