Chapter 7

314 Words
Parang isang bula ang nangyari kay Rose. "Lumapit ka sa akin." Sa paghampas ng malakas na hangin, sumunod na lumapit ang salamin kay Jovin. Jovin: Ngayong malakas na ako, salamin. Ikalat mo ang lagim, kasamaan ay iyong paunlarin. Ang maitim na usok ay lumabas sa salamin at kumalat sa buong paligid. Ang usok na ito ay nagtataglay ng kamatayan, kung sino man ang mapaligiran nito ay kamatayan ang naghihintay dito. Samantala, na-trap ang mga magkaibigan sa salamin. Mira: What are we going to do? Hindi natin alam kung anong nangyayari kina Rose. Ara: Sige, maghawak-hawak tayo ng kamay.. ipikit niyo ang inyong mga mata at magdadasal tayo. Sinunod naman nila ang utos ni Ara. Ara: Abigail, kung naririnig mo man ako, kami'y tulungan mo. Tulungan mo sina Rose at Mikael. Ilayo mo sila sa kapahamakan. Kahit na wala si Roxanne, siya'y tila nagmamasid, nakangiti. Isang pinto ang bumukas. Josh: What's that? Ara: Ito'y isang pinto papalabas. Paglabas ko, sumunod kayo sa 'kin. Nang lumabas si Ara, wala nang gustong sumunod sa kanya. Mira: Uhh, guys, we need to get out of here. Para fair, sabay-sabay tayong lalabas. Walang mauuna, walang mahuhuli. Ok, in the count of 3. All: 1.... 2.... 3.... (sabay silang nakalabas) . . . . . "Mikael!! Bilis, tulungan natin siyang makawala." Matapos nilang pakawalan si Mikael. Gulat na gulat sila nang makita si Rose. Josh: A-a-anong n-nangyari? Mikael: P-pinatay siya ni J-jovin. (patuloy ang tulo ng kanyang luha) Ara: Tingnan ninyo. Malapit nang sumikat ang araw. Sa pamamagitan nito'y mapapatay natin si Jovin. Biglang umusok. Palapit nang palapit ang tinig ni Jovin at ito'y papunta sa kanila.. "Kung akala niyo'y mapapatay niyo ako. Pwes, nagkakamali kayo. (bawat isa sa kanila'y kanyang pinalibutan ng usok, walang nakawala at kamatayan na ang patutunguhan nila.) "hahahhaha!!!!!!" Mikael: R—o...s.e.. (nanghihinang tinig nito) - - - - - - Roxanne: Jovin!! *************************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD