Chapter 6

466 Words
                "Mamamatay na kayo." Rose: Nasaan ang mga kaibigan ko? Jovin: Andun lang naman sila sa salamin kasama sina Franz at Lyn. Matapos ko kayong tapusin, susunod din sila sa inyo. Rose, mamili ka ikaw o siya? (sabay turo kay Mikael) Walang salita ang lumabas kay Rose. Jovin: Wala kang sasabihin? Pwes, unahin lang muna natin si Mikael. (pumikit si Rose. ) Habang tinutulak ni Jovin ang mga kutsilyo na nasa harap ni Mikael, napapikit na lamang siya sa kunting kirot na dala ng mga kutsilyong damang-dama niyang tatama sa kanya. Mikael: AHH!! Dumilat si Rose. Rose: Sandali lang!! Napahinto si Jovin. Jovin: May huli ka bang tagubilin, Rose? Rose: Itigil mo yan Jovin. Ako ang gusto mo di ba? Ako ang kunin mo. Jovin: (ngumiti) Yan ang gusto ko sa inyo. Nagpaparaya. Mikael: Jovin!! Wag kang makikinig sa kanya! Dahil pag ginawa mo yun hindi ka tunay na lalaki. Alam mo ba? Kaya ka ganyan kasi gusto mo lang mahanap ang kahinaan ng babae at nang sa ganung paraan, ikaw ang manalo.(unti-unti nagalit si Jovin) Ayaw mo ata ng lalaki sa lalaki ah. Jovin: Walang hiya ka!!! Sinaksak ni Jovin ang kutsilyong hawak-hawak niya. Rose: 'WAG!!! Mikael: AAHH!! Jovin: Hoy, lalaki, wag kang mang-asar para hindi ka mapatay pero sige pagbibigyan kita. Rose, mamili ka. Sinong mabubuhay ikaw o si Mikael? Diretsahang sumagot si Rose. - - - - - "Si Mikael." Mikael: Hindi Rose, ayos lang sa akin na ako ang mamatay. Wag mo na akong pahirapan pa. Tumulo ang luha ni Rose. Rose: Pati ako nahihirapan din. Pero mga kaibigan ko kayo kaya kahit anong mangyari, mawala man ako, andiyan lang ako. Nagbabantay sa inyo. Jovin: TAMA NA ANG DRAMA!! Inip na inip na ako sa inyo!! Pulang-pula ang mga mata niya dahil sa galit. Jovin: Sige, simulan na natin. Lumapit ito kay Rose. Jovin: Wag kayong mag-alala. Magsasama rin naman kayo. Inilabas niya ang panyo at ipinahid sa kutsilyo dahil sa dugo na nakuha niya sa pagsaksak kay Mikael. Mikael: Jovin!! Itigil mo na 'yan!! Pabayaan mo na siya! Iyak nang iyak si Rose. Inilapit ni Jovin ang kutsilyo sa kanyang palad. Itinusok niya ang kutsilyo sa kanang palad ni Rose. Rose: AAHH!!! Mikael: ROSE!! JOVIN! ITIGIL MO YAN!! Sumunod namang nagbakas ng hiwa si Jovin sa kaliwa nitong palad. Sa bawat palad ay pinatuluan niya ito ng sarili niyang dugo. Nagsimula na ang pagpasa ng kaluluwa ni Rose kay Jovin. Mikael: WWAAGG!!! TULONG!! TULONG!! Jovin: HAHAHAH!!! Rose: M...ikael.. mag..pa..ka—tatag kayo.... (ang huling salitang lumabas sa kanya.) At pumikit na ang mga mata nito, sa madaling salita.... wala na siya. Halos tumulo na ang luhang pinipigilan ni Mikael. Jovin: HAHHA!! Ngayon, malakas na ako. Nasa akin na ang kaluluwa ng magkapatid. . . . "Salamin, salamin, lumapit ka sa akin." *************************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD