"Franz?"
Lyn: Oo Rose. Hindi ko pa pala sa'yo nababanggit. Ako ang kapatid ni Jovin, o sabihin natin na Nelsi muna sa ngayon. Bago tayo pumunta dito, ako na ang nauna na makapunta. Kinausap ko ang kaluluwa niya at naikwento niya sa 'kin ang lahat-lahat kaya tinulungan ko siya na maghiganti.
Rose: Ibig sabihin, may kinalaman kayo sa pagkawala ni Ate?
Nelsi: Ha! Tama ka. Siya ang ginamit ko para mabuhay akong muli. Kaya wag na tayong magpasikot-sikot pa. ngayong alam mo na ang katotohanan, papatayin na kita.
Hinawakan nina Lyn at Jeff si Rose.
Rose: Bitiwan niyo 'ko!!!
Ihinarap ni Nelsi ang salamin.
Rose: AAHH!!
Sinipa ni Rose si Jeff ng malakas kaya nabitawan niya ito. Mabilis na tumakbo si Rose upang makawala.
Nelsi: Habulin niyo siya!!!
Lumabas si Rose. Iyak siya nang iyak.
Rose: Tulungan niyo ko!!!! Tulong!!!(bigla itong nadapa)
Nelsi: HAHAHA!! Kahit ano'ng gawin mo hindi ka sa amin makakatakas.
Umusok nang makapal. Tinig na lamang ang naririnig ni Rose at wala siyang makita.
Rose: TULONG!!!
"Hindi ka na makakatakas! Hinding-hindi na!!!! hahaha!!!
Hindi na makayanan ni Rose ang makakapal na usok. Hindi na siya makahinga. Unti-unti siyang natumba hanggang sa dumilim.
Sa kalahating oras ng gabi,muling dumilat ang mga mata ni Rose.
Mikael: Rose... R..o..se...G-gi..sing.
Hindi na makapagsalita si Mikael nang maayos dahil sa sugat ng mga saksak sa kanyang katawan na kanyang natamo. Unti-unti na namang pumikit ang kanyang mga mata.
-
-
-
-
(Makalipas ang maraming oras.)
Gising na gising na si Rose. Nakita niya si Mikael, nakatali ang mga kamay at paa, duguan at hindi na halos makahinga nang maayos.
Mikael: R...os...e..? Gising ka na!!....(masaya nitong habilin)
Rose: Mikael!! (gagalaw sana ito ngunit--)
Mikael: Rose, wag kang gagalaw!
Mapanganib ang sitwasyon nilang dalawa. Si Mikael hindi siya pwedeng gumalaw dahil sa kaunting pagkakamali niya lang, tatama agad ang kanyang katawan sa mga kutsilyong nakatutok at napakalapit sa kanya. Samantala, gayun din si Rose, nakatali ang kanyang kamay at paa at kunting galaw lang ay matatamaan siya sa mukha man o katawan ng mga malalaking karayom.
Rose: Ayos ka lang ba? Bakit mo ba 'ko pinagtanggol?
Mikael: 'Wag mo kong alalahanin, ayos lang ako. Isa pa hindi ba ang magkakaibigan nagsasakripisyo para sa isa't-isa kaya hangga't nandito ako, walang pwedeng manakit sa'yo.
Rose: S-salamat Mikael. 'Wag kang mag-alala, balang araw masusuklian ko rin ang kabaitan mo sa 'kin.
*whoosh* "HAHAHA!!!"
Bigla silang nagulat nang marinig nila ang tinig na iyon.
"Hahahah!! Tapos na ba kayo?"
Mikael: Pawakalan mo na si Rose.
Nelsi: Ano ako? Tanga?
Unti-unting nagbago ang anyo ni Nelsi sa anyong tunay na Jovin.
Jovin: Ngayon na nakuha ko na kayong lahat, mamamatay na kayo.
*********************