bc

Chase Mendoza

book_age0+
30
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Simple lang naman ang gusto ko sa buhay; ang maretain kung ano man ang mayroon ako ngayon.

May pera ako para mabili lahat ng gusto ko, ang mga pangangailangan ko.

Perpektong pamilya, na salamat sa Diyos ay binigay sa akin.

Kaibigan na may pagkashunga at wirdo minsan pero laging nariyan para suportahan ako.

Mapagmahal na boyfriend, na gustong magkaroon ng lahat, na gustong agawin sa akin pero hindi naman nagpapadala sa mga pang-aakit.

I give love to, practically, everyone and thank God dahil minamahal rin ako pabalik ng mga taong minamahal ko.

Iyan ang mga rason kung bakit para sa akin, napakaperpekto ng buhay ko, kung bakit gusto kong manatili sa ganito ang buhay ko.

Pero...

Paano kung iyong kalungkutan naman ang namuno dahil napagod na ang sayang nararamdaman ko?

Paano kung pumailalim ako sa mga taong tumitingala sa akin, ang mainggit sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila?

Paano kung bumalikad ang mundo ko?

Paano ako mabubuhay kasama ang mga bagay na iyon?

Paano ako masasanay sa mga iyon?

Magiging maayos rin ba ang lahat?

May papasok pa ba sa buhay ko para ayusin ang lahat at bigyan ulit ako ng kaligayahan?

Natatakot akong maranasan ang mga iyon.

Ako si L, at ito ang istorya ko.

chap-preview
Free preview
1
-L "Robiiii." pagkuha ko sa atensyon niya dahil hindi niya ako tinitignan. Hindi man lang ako nilingon. Nakatingin lang siya sa mga taong palakad-lakad rito sa mall. Apparently, nagtatampo na naman ito. May kasalanan kasi ako. Hindi naman mabigat pero kasalanan pa rin. Knowing him? Mabilis siya magtampo sa akin. Pero dahil ako si L, mabilis ko naman siya mapaamo. It's Sunday kasi. And every Sunday is our D-Day (Date Day). Iyon lang kasi ang araw na wala siyang pasok. Gahol na gahol kami sa time para sa isa't-isa sa totoo lang. We're both third year college students na kasi. Alam naman ng lahat kung gaano kahectic ang schedule kapag college na, right? Buong vacation namin, hindi kami masyado nagkakasama. Nagpart time kasi siya tapos ako, wala, nakipagbonding lang sa family ko, family ni Robi pati na rin sa iba ko pang kaibigan. Kaya nga every Sunday na lang kami nagkakasama. The rest of the day? Magkausap lang kami sa cell phone o kaya nagtetext. Minsan naman dinadalaw ko siya sa bahay nila, and ganuon rin siya; nadalaw sa bahay namin kapag gusto niya. Si Robi? Boyfriend ko siya. Two years na kami and still counting. Kahit abutin pa ito ng forever. Yeah, I know I'm being mushy but who cares? "Haaa." Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Hindi niya man aminin, alam niyang alam ko ang gusto niya mangyari kapag bumubuntong hininga na siya sa maarteng paraan. Someone might even call him gay because whenever he does that, he really looks like one; bubuntong hininga, iikutan ka ng mata tapos titignan niya mga kuko niya. And I really find him cute whenever he does that. Gusto niya na naman magpalambing. "Robiiiii." Tinusok-tusok ko ang pisngi niya. Ayaw pa rin akong pansinin kasi late ako. Yeah, that's the reason kung bakit nagtatampo siya, kasi late ako. Kasi naman, hindi ako nagising noong tumunog iyong alarm clock ko. Usually kasi hindi ako nale-late. Ako pa ang nauuna minsan. "Sorry na. Hindi na po mauulit." Napatingin siya sa akin. "Siguro?" Bigla naman siyang sumimangot dahil sa pahabol ko. "I'll try my best!" Ayoko naman kasi mangako, ano. Baka mapako lang. Bumuntong hininga siya, and this time, hindi na iyong pacute niyang buntong hininga kaya napangiti ako. Yes! He heaved a sigh of defeat! That only means one thing: He's going to forgive me! "What will I ever do to you?" Ngumiti siya then pinched my nose. That smile. The kind of smile that only he has. The kind of smile that always make my heart racing. He's not a heartthrob. Really. Pero he has the looks. He's cool. Besides, the only heart that throbs whenever he's around is mine. Minsan talaga, hindi ko maimagine kung paano ako naging ganito kacheesy. Siguro siya ang nagturo. He's sweet kasi. And when I say sweet, he's really, really sweet. It's rare na makahanap pa ng ganitong klase ng lalake, sa totoo lang. Nasa kaniya na lahat ng hinahanap-hanap ng mga babae; looks, great personality, sporty, caring, a gentleman - what more could I ask for? Kaya minsan talaga, kapag may nahuhuli akong nakatingin sa kaniya, lilingkis kaagad ako sa braso niya. And he knows kung bakit ko iyon ginagawa. Sinasabi niya pa minsan na selosa raw ako. Natatakot lang naman kasi ako na bigla siyang maagaw. I trust him pero hindi ko pa rin maiwasan na lumingkis para bakuran siya. Woman's instinct nga yata ito. "Bati na tayo?" He nodded as a response. "Hindi kasi ako nagising nang mag-alarm iyong alarm clock ko." "Tulog prinsesa ka kasi." Tumawa siya pero mahina lang habang nailing saka sumandal sa upuan niya. Do you know how much I'm deeply in love with this guy? "Hindi naman kaya..." My voice trailed off. Kasi alam niyang alam ko na alam niya na tulog prinsesa talaga ako. Nako, dapat ko nang baguhin ang kaugalian kong iyon. Kaya lang mahirap naman kasi baguhin ang naging habit mo na. "You're forgiven. Kaya tara na, kumain na tayo." Tumayo siya tapos hinila na ako paalis sa bench na inuupuan namin. He even had the audacity to pull me, but I didn't care kasi ganuon rin naman ako sa kaniya. Actually, mas naging tamed na kami sa mga ganiyang bagay, iyon bang bagay na masasaktan ka. Dati kasi, before we even get to be together, mas grabe kami magpisikalan pero hindi niya naman maitodo pananakit sa akin kasi, as to what he always said, babae pa rin ako. But his pranks? Sa ganuong bagay siya bumabawi. I can take most of his pranks kasi bumabawi naman ako pero kapag sumobra na siya, like asarin o kulitin ako habang may hawak na bote or pack ng suka, ako na lang ang sumusuko at hindi na siya papansinin. Yeah. Suka. Vinegar. The smell kills me! Hindi ko talaga matagalan iyong amoy nuon! Never in my life have I ever tasted or even ate a food with vinegar in it. Marunong akong magdistinguish kung may vinegar or wala ang isang pagkain. Even the famous adobo? Ayoko nuon! -- "Sige na," Itinulak niya ako papasok sa gate ng bahay. "Baka hanapin ka na nina Tita." Lumapit siya sa akin habang nakangiti tapos inialis iyong ilang strand ng bangs na humarang sa mukha ko. "Hindi ka ba papasok para magpakita sa kanila?" tanong ko. Pero hula ko tatanggi siya sa alok ko. Lagi naman kasi siyang tumatanggi kapag ganitong oras na. Alam niya kasing maghahapunan na kami. Hindi kasi siya pinaaalis ni Mama hangga't hindi marami nakakain niya. Even Leigh, ayaw niya pumunta kapag ganitong oras na; same reason as Robi kung bakit. "Hindi na. Takot ko na lang kay Tita. Baka hindi na naman ako makauwi hangga't hindi ko nauubos iyong inihain niya. Isa pa, maggagabi na, o?" aniya sabay turo niya sa langit kaya napatingin ako. Yeah. The sun is setting. Napabuntong hininga ako dahil hindi na naman siya kakain sa bahay. "Sige na nga," I understand how he feel, though. Lalo pa ngayon at magdidinner na kami. Malaki ang possibility na nag-aayos na sila ng pagkain. Nakakalungkot kasi maghihiwalay na naman kami pero okay lang since sa iisang university lang naman kami napasok. Magkikita at magkikita pa rin kami. "Ingat ka sa paguwi, ha? Diretso uwi. Baka sumama ka na naman kina Topher, ha?" Usually kasi, after ng D-Day namin, hinihintay na siya ng mga kabarkada niya para maglaro ng Dota. Masaya iyong Dota, natry ko na. Lagi kasi naming nilalaro iyon rito sa bahay. Yeah. May installed akong Dota sa laptop ko. "Try ko na lang silang taguan." He chuckled. "Sige na," Gamit ang isang braso niya, iniyakap niya ito sa akin then gave me a peck on the forehead. "Say hi to them for me, okay? L." I smiled as he said that word. I really love him. There's no doubt about that. "Okay. L." I hugged him back and buried my face on his chest. Sobrang bango niya. Ayaw ko man bumitaw, bumitaw pa rin ako. "Sige, kita na lang sa school, ha?" Kumalas na siya sa yakap saka humalik ulit sa noo ko tapos lumakad na siya palayo. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko, isinara ko na iyong gate tapos pumasok na ako sa loob. I know that it's already obvious but legal kami. Kilala ako ng pamilya niya at ganuon rin siya sa pamilya ko. And he's my first on everything except that thing that married couples do. Duh. Ang bata pa namin for Pete's sake. Alam namin ang limitations namin. And also, about the L thing. I know na pangalan ko iyon. Sakto nga, eh. Well, L stands for I love you para sa amin. Ewan ko kung paano niya naisip iyon; Kung paano siya nakacome up ng ganuong three words turned into a letter para pakiligin ako palagi. Masyado na rin daw kasing gasgas iyong I love you, mahal kita, 143 and any other I love you term. Basta. Minsan nga naguguluhan ako kung nag-a-I love you na siya sa akin o tinatawag lang ako. Ang baliw lang kasi nuong lalakeng iyon. "Hi, Ma." I hugged her at the back saka pinudpod ng halik sa pisngi. Yeah, I know this act is kind of not right for my age pero kasi habit ko na itong ganito so deal with it na lang. I just really love my mother to bits kaya sobrang lambing ko sa kaniya. "Kumusta date niyo ni Robi?" Ibinaba niya muna sa lamesa iyong mga hawak niyang plato saka ikinalas ang pagkakayakap ko sa kaniya. See? Legal kami. Si Ate lang naman ang hindi trip si Robi para sa akin. Ewan ko ba ruon, napakasuportive na kapatid. Please do note of the sarcasm. "Hi, Pa." nakangiting bati ko kay Papa, na nakaupo na sa upuan sa harap namin ni Mama. Ngumiti naman si Papa sa akin. "L, mag-iingat lang kay Robi, ha? Tandaan mo, lalake pa rin iyon kahit pa alam namin na sobra ka niyang rinerespeto." "Hon naman. Alam nila iyong limitasyon nila." Matawa-tawang sinabi ni Mama kay Papa saka humarap sa akin. "Right?" Tumango naman ako habang nakangiti. Minsan talaga sobrang paranoid ito si Papa. He really likes Robi for me kasi alam niya na mahal talaga ako nito, plus the fact na alam niya na nirerespeto ako ng sobra nito. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit palagi siyang paranoid. Lagi niya akong sinasabihan ng mga bagay na katulad ng sinabi niya kanina, na kesyo lalake pa rin si Robi and so on kaya dapat mag-ingat pa rin ako. Hindi naman kasi pervert ang boyfriend ko, eh. Okay, I admit. He's slightly perverted. Normal naman sa lalake iyon, hindi ba? He always steal kisses from me pero hanggang duon lang ang ginagawa niya. Kaya naman raw kasi niya maghintay hanggang sa ikasal kami kaya for the mean time, labi ko raw muna ang gagalawin niya. I know. Ang sagwa ng term niya, right? Gagalawin talaga? "Cassie, pinaaalalahanan lang." nakasimangot na sinabi ni Papa habang nakatingin kay Mama pero nang tumingin siya sa akin, ngumiti na ulit siya pero na siya pilit, alam ko. "Kain na tayo." -- "L, first week pa lang naman ngayon, eh!" rekalmo ng best friend ko. Iyan na si Leigh. Throwing tantrums. I just rolled my eyes heavenwards dahil nakukulitan na ako sa kaniya. Hindi ko kasi siya sinusunod. Hindi pa ako siraulo para sundin ang gusto niya. "Leigh," Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Iyon nga. First week of school pa lang ngayon tapos gusto mo na magcutting tayo? You're nuts. Hindi porque malapit iyong mall rito, sasagad sagarin mo na ang pagpunta ruon para magsasasayaw sa Quantum." Yeah. Iyon lang ang dadayuhin niya, ang mag-Quantum at magsayaw ruon. "Best friends tayo, hindi ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. I know where this is going. Ilang beses niya nang ginamit sa akin itong tactic na ito pero ngayon, hindi na niya ako madadala niyan. "Alam kong best of friends tayo pero hindi ko dapat itolerate iyang kagagahan mo." Hinila ko na lang siya paupo sa katabi kong upuan. Wala naman kasing seating arrangements na sinabi sa amin iyong mga nagdaang prof namin. At saka hello naman. College students na kami. Hindi na uso ang seating arrangement. "Here," Iniabot ko iyong pack ng marshmallows na kinuha ko sa bag ko. Trust me, that's the only thing para mapastay ko siya sa rito. "Nibble on this, okay? Stay ka lang rito." "Alam mo, L, masama naman talaga magcutting." Mabilis na kinuha niya ang iniabot ko sa kaniyang marshmallows. "Ewan ko ba kung bakit gustong gusto nilang gawin iyon. As if naman na papasa sila sa klase kapag nagkacutting sila." See? I'm right. Masashock na lang siguro ang ibang makakakita sa eksena pero nasanay na ako sa nakikita ko ngayon dahil this crazy girl sitting beside me, who happens to be my best friend, shoved three pieces of mallows in her mouth. Another one... Another one... Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kaniya. Sinasamba niya kasi ang mga marshmallows. I, too, love marshmallows pero hindi kasing adik niya. And also, she lied. Siya ang mahilig magcutting at iwanan akong mag-isa rito school. Kahit noong senior high pa lang kami. Pero okay lang, may iba pa naman akong kaibigan. Pero hindi ko sila best friend. Si Leigh lang talaga. Kahit praning ito, mahal na mahal ko itong babaeng ito. "Alam mo," Napatingin ako kay Leigh na nagsasalita habang punong-puno ng mallows ang bibig. Napangiwi ako. "Lunukin mo muna iyan. Take your time sa paglunok." Sinabi ko saka ko ipinatong iyong mga braso ko sa armchair. Napansin ko ang paggalaw ng lalamunan niya kaya alam kong nilunok niya na ang kinakain niya. "Tignan mo, ubos na." aniya saka ngumanga. Crazy! Dapat pa ba niyang gawin iyon?! Sabagay. Sanayan na lang iyan. "Heto nga... si Dylan," She sighed dreamily saka niyakap ang pack ng marshmallows. "Ang gwapo talaga niya." "Dito na rin siya nag-aaral?" Si Dylan kasi iyong crush niya ever since high school pa lang kami. Ewan ko ba. He is a jerk, I know that fact pero may mga babae na nagkakagusto sa kaniya kahit lantad na ang ginagawa nitong paghahasik ng kalandian sa mundo. I really don't see the why some girls go gaga on a bad boy. Why don't they open their eyes, look for a cute boy type, pretty boy type, a prince-like type like my Robi? Pero please lang, huwag na nilang pag-intiresan ang boyfriend ko dahil he's mine! "Oo! Katatransfer niya lang. Grabe! Nakita ko pa ngang napatingin siya sa akin, eh." Bigla siyang kumaagat ng mariin sa marshmallow na akala mo kumakagat ng plato. Kinikilig na naman ito. "Asa ka pa na papansinin ka nuon. Mga babaeng nawawala sa landas ang type nuon." Yeah. Mga ganuong babae ang gusto ni Dylan. Heto pa. Ang galing nitong babaeng ito. Nalalaman niya kapag may bagong girlfriend iyong crush niya. Daig pa imbestigador. At tutol na tutol siya sa mga nagiging girlfriend ni Dylan the jerk. Una, dahil gusto niya siya ang maging girlfriend nito. Pangalawa, mas maganda raw siya sa mga napupulot na babae nito. Oo, napupulot talaga ang term na ginagamit niya sa mga babae ng crush niya dahil garbage raw ang mga ito. Pangatlo, iyong mga nagiging girlfriend kasi nito, parang mga kinapos ng tela sa bahay nila kung magsuot ng mga damit at shorts. Sabi kasi ni Leigh, gusto raw nito iyong mga mahahaba iyong legs tapos nakapokpok shorts. Err. Hindi naman ako ganuon kaconservative. Tutol lang talaga ako minsan sa mga babaeng grabe na lang magsuot ng shorts. As in short shorts kasi ang suot nila. Tapos kapag nabastos, magagalit. On the first place, bakit ba sila nagsuot ng short na ganuon kung ayaw nilang mabastos gayong alam nilang maraming manyak sa tabi-tabi? Dumb girls. Iba pa naman ang panahon ngayon; magsuot man ng pangmadre, nadadali pa rin ng mga manyak. What more pa kung ganuon ang suot nila kaya mas maganda nang magdoble-ingat lalo pa sa pananamit. Pero kung iyon ang trip nila, wala akong magagawa. Ako kasi, magsuot man ako ng shorts, above the knee naman. Hindi iyong sobrang ikli na talagang sumisigaw iyong legs ko kasi masyadong exposed. Magagalit rin kasi si Robi sa akin kapag nagsuot ako ng masyadong marereveal iyong balat ko. "L!" I snapped back to reality nang pinitik ako ni Leigh sa ilong. Ang sakit. Napahawak tuloy ako sa ilong ko. "Bakit? Ang sakit, ha?" reklamo ko habang hinihimas ang ilong ko. "You're spacing out. Nakay Robi na naman isip mo." Inirapan niya ako saka tinignan iyong kumpol ng wrapper sa tapat niya. "I am not. At wala kay Robi, ano." Depensa ko. Bakit ba kapag natutulala ako dahil sa pag-iisip ko, si Robi kaagad ang sinasabi nilang dahilan? Hindi ba puwedeng marami akong iniisip bukod kay Robi? Sige, aaminin ko, most of the time, boyfriend ko ang iniisip ko. "Asa." "Nakay Dylan kaya isip ko." Napatingin siya bigla sa akin tapos tinignan ako ng masama. "At talagang makikiagaw ka pa, ha?" "Asa. Hindi! Nakay Dylan. Iyong mga tipo ng babae nito." "Ah, The Impures." "Yeah. Magpakaimpure ka na rin para magustuhan ka niya." Tinawanan ko siya kaya nabatukan ako. "As if! Magugustuhan ako ni Dylan kahit hindi ako impure!" mataray na sinabi niya tapos sinwing niya iyong buhok niya sa mukha ko kaya naitulak ko siya sa braso. Ang abusive ng relationship na mayroon kami ng babaeng ito. -- Monday na naman. Nakakatamad kanina bumangon sa kama. Grabe. Hinihila ako ng gravity pahiga ulit sa kama kanina. Kung hindi pa tumawag si Robi, malamang nakahiga pa rin ako hanggang ngayon. Antok na antok pa talaga ako dahil buong gabi kami magkausap ni Robi sa tapat ng bahay ko. Pumunta kasi siya kagabi sa bahay. Gusto niya raw kasi ako makita. We stayed outside talking hanggang alas dos ng madaling araw despite the fact na may pasok kami. Yeah, alas dos! Crazy, right? Kagabi ko pa talaga siya pinipilit na umuwi na dahil baka malate siya sa pagpasok kaso ayaw niya. Malamang iyon puyat rin. Mas maaga pa nga pasok niya sa akin kaya mas inaantok pa iyon, sigurado ako. "Good morning, everyone." bati ng pumasok na prof namin at inilapag na nito iyong mga gamit na dala sa table niya. "Good morning, ma'am." we greeted back matapos naming bumalik sa trip naming pwesto. "Maaga tayong maglelecture para hindi kayo matambakan ng gawain, okay? Masyado kasing marami iyong magiging topic natin." 8th day pa lang at may mga nadagsa pa rin sa degree namin, which is BSBA. Medyo dagdag pa rin nang dagdag iyong mga estudyante na napupunta sa section namin. Iniisip ko nga, iyong iba rito, pumasok lang sa course na ito kasi puno na iyong ibang slot sa ibang courses. O hindi kaya, trip lang nila. Puwede rin naman na pumasok sila rito para lang masabi na nag-aaral sila. Iyong iba lang siguro ang pumasok rito kasi ang reason ay may hahawakan talagang business. At isa na ako ruon. Biglang may kumatok, na siyang nag-interrupt sa klase, kaya napatingin kami sa pinto. There's a guy standing in the door frame. Napakunot ang noo ko dahil para siyang bagong gising tapos nakasuot pa siya ng jacket. But I like his hair, though. Bed hair. Parang buhok lagi ni Robi. "Yes?" Lumapit sa prof namin iyong lalakeng kumatok kanina, na may hawak na papers, tapos iniabot nito ang mga papel na iyon kay Prof. "You belong in this section?" tanong ni Prof habang iniscan iyong isa sa mga papel. The guy just nodded. What a response. "Just take any available seat, okay?" Nginitian siya ni Prof then naglakad na iyong lalake papunta sa kung saan. May mga kaklase akong babae na nag-ooffer ng seats na katabi nila pero hindi nito pinansin at umupo sa likod, sa pinakalikod. That guy is weird. Parang ang bait-bait niya yet parang ang snob ng itsura niya. "L," Nagulat ako nang may sumundot sa tagiliran ko. Pagtingin ko, si Leigh pala. "Hmm?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Makatingin ka kay New Guy, wagas. L, may boyfriend ka, tandaan mo." mataray na paalala niya sabay tingin sa whiteboard. "I know, you witch." She grinned kaya inirapan ko rin siya. Minsan talaga ang sarap isumbong kay Dylan nito at sabihin na patay na patay ito sa kaniya. The problem is, ayoko lumapit sa lalakeng iyon. Kaya no, nevermind na lang. Isa pa, hindi naman ako kilala nuon. Napatingin ulit ako sa new guy. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nito. Straight-faced lang kasi ito. Antisocial kaya ito? Bakit wala siyang pinapasin? Sabagay. Wala pa siguro siyang kakilala. Siyempre naman first day pa lang niya. Kahit siguro ako, ganuon ang gagawin ko. Medyo nataranta ako nang bigla siyang tumingin sa akin at nahuli akong nakatitig sa kaniya. Bigla nga ako nagsalita ng kung ano-ano, pero mahina lang, pagkaharap ko kay Leigh. Wala, excuse lang para kunwari hindi ako nakatingin sa kaniya. Nawirdohan nga sa akin si Leigh kaya nabatukan ako ng mahina. -- "Ano gusto mo?" tanong sa akin ni Robi pagkalapag niya ng bag niya sa upuan. After kasi ng klase kanina, dumiretso na kami ni Leigh dito sa cafeteria. At swerte kasi sabay ang vacant period namin ni Robi. Isang himala ito para sa akin, sa totoo lang. Kasi noong first and second year namin rito, hindi kami sabay ng vacant period. "Ako? Hindi mo tatanungin?" tanong ni Leigh kay Robi pagkakalabit niya rito tapos nagpout pa. "Hmm..." Inilagay ni Robi ang daliri niya sa noo niya pagkatungo, na animo'y nag-iisip. Iyong curiosity and eagerness na mailibre? It's written all over Leigh's face. Natawa tuloy ako sa itsura nito. Ang priceless kasi. Para naman kasing ginugutom parati itong babaeng ito kung umasta. Buhay prinsesa naman siya sa bahay nila kaya minsan, naiisip ko na PG talaga itong best friend ko. "Pasuspense." Bulong nito. "Hindi." Dumila siya kay Leigh saka siya tumingin sa akin. "Ano na? Anong gusto mo?" "Ang daya mo, Robi!" Inihampas niya ang bag niya kay Robi tapos naglakad na papunta sa counter habang nagdadabog. At, opo. Galante ang boyfriend ko. Pagagalitan pa ako nito kapag nagbayad ako ng lunch if ever sabay kami. Kahit sa mga date namin. Sabi kasi niya, liligawan niya ako habang buhay. See how cheesy this guy is? "Kahit ano." "Hintay mo na lang ako rito." Humalik muna siya sa pisngi ko saka siya pumunta sa counter tapos ginitgit niya si Leigh, na naghihintay ng order. Ang kulit lang ng dalawang iyon. Kaya mahal na mahal ko sila, eh. Maganda itong cafeteria kasi ang raming binago over the course of our vacation. Para siyang... karindirya? Hindi naman sa karindirya. Nasa labas kasi ito. Napapalibutan ng puno, na dati ay kaonti lang. Tapos bawat table, may payong sa gitna. May tatlo pa ngang hut sa gilid, eh. Puwede ka ruon kumain. Kumain na kami ruon ni Leigh once pero umayaw rin dahil maraming lamok. Hindi naman puwede na habang nakain kami, pinapapak rin kami ng lamok. I don't know kung paano susulusyonan ng school iyon. Marami na rin kasi nagrequest na ayusin ang mga hut na iyon dahil masaya tumambay ruon. Habang naghihinay, inilibot ko ang paningin ko. Ang ganda rin pala ng campus na napasukan namin. Actually sa nagdaang dalawang taon namin rito, ngayon ko lang talaga naappreciate iyong ganda at lawak ng campus na ito. Ewan ko ba. Praning lang siguro talaga ang utak ko minsan. Oh, siguro kaya ko ito naappreciate kasi first time na nagkasabay kami nina Robi at Leigh ng vacant? Meh. Pero sigurado ako na dahil sa rami ng pagbabago kaya bigla ko itong naappreciate. At may napansin akong eksena. Si New Guy, na hindi ko pa kilala, nabunggo ng isang estudyante. I think humingi ng sorry iyong estudyante based on her gestures pero tinignan lang siya ni New Guy tapos lumakad na ito padiretso rito. At Nagtama iyong paningin namin. Teka. More like nahuli niya na naman akong nakatingin sa kaniya. Teka nga. Why am I even looking at him on the first place? Nawiwirdohan lang kasi talaga ako sa kaniya. Parang antisocial kasi ito. Tapos sa klase para siyang mute. Hindi siya nagsasalita. As in parang okay, nariyan siya physically pero mentally absent. Argh. Stop thinking about him na nga, L. "Ay!" Napatingin ako sa nangwisik sa akin ng tubig. Si Leigh. "Why did you do that?" Sinumangutan ko siya saka ko pinunasan ang mukha ko ng panyong nadukot ko sa bulsa ko. "You're spacing out na naman kasi." Hinawakan niya iyong spoon and fork niya pagkaupo niya. "Don't tell me iyan na ang gagawin mong hobby?" Inirapan niya ako saka niya isinubo iyong spoon full of rice na hawak niya. Glutton! "Anong mayroon?" tanong ni Robi pagkaupo nito tapos iniayos niya iyong mga biniling pagkain na para sa akin. "Si L, hobby na ang pagspace out palagi." I glared at her. Baliw ka talaga, Leigh! "Spacing out?" takang tanong ni Robi pagkatingin nito sa akin. "Bakit?" "Wala iyon." Dinilaan ko nga si Leigh. "Panget." "Itong mukhang iniinsulto mo ang magpapaluhod kay Dylan, sorry." pataray niyang sinabi tapos sumubo ng kanin. "Iyong marshmallows, ha?" Sumubo ulit siya ng pagkain kahit puno pa ang bibig niya saka niya hinablot iyong bottled water ni Robi. This girl really doesn't know what table manner is. "Ahem. Manners. Ahem." sabi ni Robi pagkahawak niya sa spoon and fork niya. Natawa tuloy ako. Naisip niya kasi iyong iniisip ko. "Tse! Pagtutulungan niyo na naman ako." Umirap ito sa amin pagkatapos niyang lagukin ang tubig na para sa boyfriend ko. Sanayan na lang talaga kapag itong babaeng ito ang naging kaibigan mo. "Isusumbong kita." ibinulong niya sa akin. Napataas tuloy kilay ko. Isusumbong? Have I done something wrong? If so... what? "Ha? Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" Seriously, hindi ko alam ang pinagsasasabi niya. Wala akong maalala na nagawa kong kasalanan. Tapos isusumbong niya pa ako? Kanino? Kay Robi? Wala naman kaya akong kasalanan. "Isusumbong kita kapag hindi mo inilabas mamaya iyang mga marshmallows ko sa bag mo." She ignored my question! At sa akin iyong marshmallows! Glutton ka talaga! Makaangkin?! "Ano ba ginawa ko? Wala kaya akong ginawa." "Ano iyon?" biglang sabat ni Robi. "Ew-" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang magsalita si Leigh. "Isusumbong na nga lang kita tutal makukuha ko naman iyang mga marshmallows sa bag mo, eh." Dumila siya sa akin tapos tumingin kay Robi. "Nakikita mo iyong cute na nilalang na iyon?" aniya sabay turo sa... more like kay. Duon sa new guy. Anong mayroon? "Saan?" Ito naman si Robi, hinahanap pa iyong itinuturo ng babaeng ito. "Ayun! Iyong mag-isang kumakain na lalake. Iyong cute na parang anime character iyong buhok." nakangiting sinabi niya habang nakaturo pa rin kay New Guy. Anime character? Parang normal na iyan sa mga lalaki, ha? Nothing anime character like naman sa buhok? Black at mahaba lang naman? And seriously? Dapat ba talagang ituro? Hindi ba nahihiya itong babaeng ito? Baka makita siya! "Ibaba mo nga kamay mo, Leigh." saway ko sa kaniya pero hindi ako pinansin. "Oh? Anong mayroon?" "Tinitignan ni L kanina iyong lalakeng iyon sa room. Actually, hindi lang tingin; tinititigan pala." Matawa-tawang sinabi niya. Napatingin ako bigla sa kaniya habang nanglalaki ang mga mata. Bakit kailangang sabihin iyon?! At talagang napansin niya?! Bumungad sa akina ng masamang tingin ng boyfriend ko nang tignan ko ito. "Bakit mo tinitignan iyon?" "Baka kung ano na naman iniisip mo, ha? Wala lang iyon." I tried to calm myself down kaya I decided na sumubo ng kanin. Err. Baka magselos siya. Siraulo kasi si Leigh. "Bakit mo tinititigan?" Pagtingin ko kay Leigh bigla niya akong dinilaan. I just rolled my eyes heavenwards saka ibinalik ang tingin kay Robi. "Ang weird kasi niya. Iyon lang. Believe me." balewalang sagot ko pero deep inside, medyo kinakabahan ako kahit alam ko sa sarili ko na I wasn't cheating on him by means of staring at the new guy on our section. "Iyon lang talaga?" paninigurado niya. Sus. Ano pa ba ang rason? "Hmm." I nodded. "Bagong classmate namin iyon. Ang weird niya kasi wala siyang pinapansin kanina. Parang... physically present pero mentally absent siya." Kinuha ko iyong water bottle ni Leigh sabay inom rito. "Ah." "Sus." Napatingin kami kay Leigh. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman pagpapalit niyan. Takot ka naman." Then the next thing I knew uwian na. At si New Guy, ang tahimik talaga. Ang creepy na niya. Promise. Parang ngayon lang ako nakakita ng taong ganuon sa tanang buhay ko. All of the people kasi na kilala ko, either friendly or naturally loud kaya medyo nawiwirduhan ako sa lalakeng iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
475.0K
bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

read
573.1K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook