-L
"Wala. Talo." sabi ni Leigh habang nakasimangot.
"Bakit?" Anong talo ang sinasabi nito? Bigla na lang kasi niyang sinabi habang naglalakad kami kaya naguluhan ako. Nakapako ang mga mata ko sa kaniya dahil sa pagtataka habang itinatali niya ang buhok gamit ang sanrio.
Papunta kami ngayon sa cafeteria. Nagpasama kasi ako bumili ng pagkain, nagugutom na kasi ako. PG-bar ito si Leigh kaya alam kong hindi siya tatanggi kapag nagpasama ako bumili ng pagkain. Alam niya kasi na hindi ako makakahindi sa kaniya kapag nagpalibre siya. Ewak ko ba kung bakit ang hilig niya magpalibre, may pera naman siya palagi. Ayoko naman magsabi kina Tita kasi parang kapatid ko na rin naman siya kaya wala na sa akin kung ilibre ko man ito o ano.
"Kasi naman, noong pumunta ako ng Starbucks, sinabi ko na ako iyong magiging kadate niya, aba, biglang nagwalkout!" Ah, so iyong date pala. Napangisi tuloy ako. Halata kasing apektado siya masyado. "Tapos noong hinabol ko siya, ang sabi ba naman niya sa akin, hindi raw niya ako type! Halata rin sa mukha niya na nagagalit siya. Bakit? Ang ganda ko tapos hindi niya ako type? Siguro alam niya na pure pa ako at hindi impure. Ayoko naman makisapi sa samahan ng mga nagiging girlfriend niya, ano! The Impures. Bwiset!"
Tumawa ako kaya napatingin siya sa akin at napahinto sa pagbato ng ballpen niya na dapat ihahagis niya dahil siguro sa frustration. "Isa lang ibig sabihin niyan-- actually, either of the two na sasabihin ko."
"Ano?"
"It's either be part of the sorority, The Impures, o kaya hindi ka talaga niya magugustuhan." Ani ko sabay tawa ng sobrang lakas sa tenga niya kaya napatakip siya ng mga iyon.
"Sabi mo isa lang ibig sabihin pero dalawa sinabi mo. Bungal ka?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa magkabilang tenga niya. "Nagpaganda pa man rin ako. Sayang!" Ang mga mga kamay niyang nakatakip sa mga tenga niya ay unti-unting napunta sa buhok niya saka siya nagkamot.
"Asa, hindi ako bungal. Alam kong alam nating lahat iyan."
"Tse." Hinawakan niya ako sa kamay saka hinala. "Tara na, nagugutom na ako."
--
"Alam mo ba kung paano ko magiging kaibigan ang isang lalakeng masungit?" tanong ko kay Leigh pagkaupo namin sa damuhan sa field.
Vacant namin ngayon kaya napagdesisyonan namin na dito kumain. At siyempre, nasa ilalim kami ng puno. May shade naman sa inuupuan namin tapos sobrang hangin pa. Ang sarap sa pakiramdam. Ang peaceful.
"Hmm." Kumagat siya sa burger niya. Courtesy of my purse. Nilunok niya muna iyong nasa bibig niya bago niya ipinagpatuloy iyong sinasabi niya. "Bakit mo naitanong?"
"Because. Just because." balewalang sagot ko saka ako kumagat ng sa akin.
"Connected na naman ito kay Chase, ano?" makahulugang tanong niya.
Napabuga ako ng malalim na paghinga. Ayoko man umamin na dahil kay Chase, wala, kailangan dahil alam ko ugali ni Leigh; mangungulit ito nang mangungulit kapag hindi ako umamin kaagad.
"Kind of." Biglang humampas ang malakas na hangin sa amin kaya inayos ko iyong buhok ko na tinatangay.
"You mean, most of?" Napatingin ako sa kaniya. "Alam ba ni Robi na gusto mong mapalapit sa isang lalake?"
"No. And I don't have any intention of telling him." Uminom ako ng tubig sa bottled water saka siya tinignan habang nakangiwi. "Alam mo naman iyon, hindi ba? Seloso. Magsabi lang ako ng pangalan ng lalake, o kahit kaibigan ko na lalake ang ikuwento ko, magsasalubong na kaagad iyong mga kilay nuon."
I remember, one time, nagkaroon kami ng away dahil may kinausap akong kablock kong lalake. Last year lang nangyari ito. Nakikipag-usap lang ako kasi parehas kami nuong lalakeng kinakausap ko na mahilig sa stories sa w*****d. Tapos ayun, biglang pumasok si Robi sa room namin tapos ipinatong niya sa armchair ko iyong sandwhich na binili niya para sa akin then lumabas ulit ng room. Buong dalawang araw iyon, hindi niya ako kinibo. Tapos noong pangatlong araw na, hindi siya pumasok kaya napagpasyahan kong pumunta sa kanila after class. Nang puntahan ko siya sa kanila, nalaman ko na hindi pala nalabas ng kwarto niya. Nang kausapin ko naman siya, ang sinabi niya, nagseselos siya dahil kumausap raw ako ng lalake.
See? Ang bilis niya magselos. Kaya why would I tell Robi na makikipagkaibigan ako kay Chase? Kung magpapaalam man ako, para saan pa? Alam ko naman na hindi niya ako papayagan at posible pa na bakuran niya ako.
I know na kaya niya lang ginagawa iyon dahil natatakot siya na baka maagaw ako. I find that sweet kasi he's showing me how much he loves me. Pero may times talaga na nakakainis kasi wala ba akong karapatan makipagkaibigan sa lalake? Kaya ayun, minsan iyong selos niya talaga ang mitsa ng tampuhan namin.
"Sabagay." Tumango siya. "Bakit kasi kailangan mo pang kaibiganin si Chase? Bakit hindi mo na lang hayaan na siya ang mag-approach sa iba kung gusto niya naman ng kaibigan? Iyong tipo ng mukhang mayroon siya? Siya na ang lalapitan kaya hindi kita magets."
"Yeah, I know. Pero... what if wala siyang guts para sabihin sa isang tao na gusto niya makipagkaibigan?" That's what I'm thinking; paano kung naduduwag nga si Chase para makipagkaibigan? Siyempre, dahil nga sa naduduwag ito, may tendency na hindi ito makagawa ng move at makapag-approach ng tao na gusto nito maging kaibigan.
Hindi naman sa nagpapakasuperhero pero kasi I just can't stand it when someone's being an outcast. Nature ko na siguro talaga itong ganitong ugali. A lot of people has been very grateful because of it kaya I decided to keep it.
"Then it's his problem, not yours. Umandar na naman kasi iyang pagkagood girl mo. Baka mamaya niyan, abusuhin na ng mga tao iyan."
"Sa iyo pa talaga nanggaling iyan, ha?" sarkastikong sinabi ko sabay turo sa burger niya na ako ang nagbayad. Nagpeace sign lang siya. Tsk. "Basta. If hindi niya kayang mag-approach sa ibang tao para makipagkaibigan, ako ang lalapit sa kaniya. I can't stand seeing someone that doesn't fit in and being an outcast in my section, and I know that you know that attitude of mine."
"Yeah, I know, I know."
Kinulit ko siya nang kinulit hanggang sabihin niya na sa akin ang dapat kong gawin. At ang ganda ng sagot; kulitin ko raw hanggang sa maubusan ng hininga sa kakabuntong-hininga dahil sa irita sa akin.
Ang nice!
Sumandal ako sa puno saka ko niyakap iyong bag ko. "Wait lang, Leigh. Iiglip lang ako." Inaantok na talaga ako. Maybe a wee bit nap wouldn't be bad, right? I just wanted to rest my eyes for a bit.
"What? May klase--"
"Kaya ka nga nandiyan para gisingin ako, eh. What's your use, hindi ba?" Kinindatan ko siya. Umakto naman siya na parang kinilabutan. Arte. "Huwag mo ako iiwan, ha?"
"Meanie."
--
Nagising ako dahil pakiramdam ko, may humahalik sa pisngi pati sa mga labi ko. Hindi ko iyon pinansin dahil akala ko kasama iyon sa effects ng panaginip ko. May dumidila kasing aso sa pisngi ko sa loob ng panaginip ko. Pero habang tumatagal, narerealize ko na nangyayari na pala talaga iyong karumaldumal na paghalik sa akin.
"Robi..." sabi ko habang nakapikit. Subconscious ko siguro ang nagsalita. Si Robi lang naman kasi ang humahalik sa buong mukha ko kapag tulog ako, kaya siguro siya kaagad ang lumabas na pangalan sa bibig ko.
Once again, the person kissing me claimed my lips.
Robi... He's, sometimes, such a pervert. Kukuha talaga ng pagkakataon makachansing lang. Okay, truth be told, gusto ko rin minsan iyong ginagawa niyang paghalik-halik sa mukha ko.
"Robi... Stop..." Pagkamulat ko, hindi si Robi ang nakita ko na humahalik sa akin. Si Dylan. Nakapikit pa. Itinulak ko siya tapos sinampal. How dare him?! Dumara ako tapos pinahiran ang buong mukha ko pagkakuha ko ng panyo sa bulsa. "H-How dare you?!"
"Ayaw mo kasing gumising." Tumawa siya. Not a good sight to see. A devil laughing. "Ang alam ko, ganuon gisingin ang mga prinsesa, eh." Tumayo ako at ganuon rin siya tapos humakbang papalapit sa akin kaya umatras ako hanggang sa wala na akong aatrasan dahil sa puno.
I just remembered. Where the hell is Leigh?! Wala kasi siya rito!
Luminga-linga naman ako para hanapin siya pero fluff lang, wala siya! Ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Dylan, pero masamang tingin ang ipinukol ko rito. "Shut up! Clearly, hindi ako prinsesa!"
"Talaga?" Luminga-linga siya tapos tinignan ulit ako. Kinorner niya ako sa pagitan ng dalawa niyang braso habang ibinababa iyong mukha niya, para siguro magkasing level na kami, hanggang sa magtama ang paningin namin.
"Oo!" Pilit ko siyang itinutulak pero hindi ko siya kaya. Ano ba naman kasi ang laban ko sa taong sporty? I'm a wimp, I know. Kaya nga hindi ko siya kaya. Basketball player ito sabi ni Leigh kaya anong laban ko sa lakas nitong taong ito? Kahit nga yata pagsama-samahin ang lakas ng tatlong ako, wala pa ring laban sa lalakeng ito.
"Walang tao rito, oh?" He grinned. Disgusting. Napatingin ako sa labi niya. How many girl's lips has he claimed already? Naiimagine ko pa lang iyong eksena, nandidiri na ako! At ngayon, hinalikan niya pa ako. Countless times kaya... madumi na ako. Nahawa ako sa karumihan ng mga Impures. Ibig ba sabihin I'm now officially part of The Impures? "You know, ang sarap mo. Sobrang sarap mong halikan sa labi. Ang tamis--" Hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi sinampal ko siya nang makaalis ako sa pagkakakulong niya sa akin mula sa dalawang braso niya. Ang bastos! Impit naman akong napatili nang bigla niya akong hilahin pabalik sa pagkakakulong sa dalawang braso niya matapos niyang haplusin iyong pisngi niya na sinampal ko. Seriously?! Hindi man lang ba siya nasaktan sa sampal ko?! "Inaakit mo ba ako?" He grinned. Not a sight to be seen by kids. Tinaasan ko siya ng kilay. Inaakit?! Ang kapal! "Gusto mo ba na ako na kumuha ng papel sa dibdib mo? You know, I'm very much willing na tanggalin iyan for you. I can even use my lips on doing it."
Oh, God, no.
"I don't care! Umalis ka nga!" Itinutulak ko siya pero hindi ko talaga siya kaya. "I said get lost!" May papel ako sa dibdib? Pagtingin ko, mayroon nga. Saan nanggaling ito?
"May kasalanan ka pa." Napahinto ako sa pagtulak sa kaniya tapos napatingin ako right straight into his eyes. Kasalanan? Ano ang... Ah. Iyong date? "And here's the punishment." Hinawakan niya iyong dalawang kamay ko gamit lang iyong isang kamay niya. Iyong isa naman niyang kamay, ipinanghawak niya sa likod ng ulo ko then he banged his lips on mine and started kissing me again. At wala akong magawa. He's too strong for me to be able to beat the crap out of him.
Habang ginagawa niya akong totally impure, at habang panay ang tulo ng luha ko dahil sa nangyayari sa akin, may nagsalita sa gilid kaya napahinto siya sa ginagawa niya sa aking kawalanghiyaan.
"Hindi ba't sinabi na ng babae na umalis ka na? Get lost?" Napatingin kami sa nagsalita matapos niyang putulin iyong halik. Si Chase.
"Sino ka ba? Ano bang pakielam mo?! Umalis ka nga rito!" singhal niya kay Chase habang hawak pa rin ang dalawang kamay ko ng isa niyang kamay tapos itinago niya ako bigla sa likuran niya pagkaatras niya.
I mouthed help nang mapatingin sa akin si Chase pero wala itong reaksyon sa ginawa ko. Tinignan niya lang ako, that's all, tapos tumingin ulit siya kay Dylan.
God, bakit ba magpapadala na lang Kayo ng tutulong sa akin, si Chase pa? Para nga po siyang walang pakielam, oh? And seriously, kaya ba patumbahin nito ito si Dylan? Mas malaki katawan nitong taong ito. God, magpapadala Ka na lang ng tao, palpak pa.
"Who am I?" Inilagay niya iyong isa niyang kamay sa bulsa sabay hugot ng cellphone. "I'm just someone. What do I care? I just happened to be your victim's classmate."
Bakit ba parang bored ka pa rin ngayon, Chase?! Now is not the right time to be bored! Ano ba?! Tulong!
Wala naman akong magawa kung hindi umiyak. Ang higpit kasi ng hawak ni Dylan sa dalawa kong kamay kaya hindi ako makaalis. At saka naiiyak ako dahil baka mag-away kami kapag nalaman ni Robi na may ibang lalake nang nakatikim sa labi ko. I really hate Dylan!
"Kaklase ka lang pala--"
"See this?" May ipinakita siya. Iyong cellphone niya. May nakaplay na video. Ang laswa. Hindi ko masikmura. Me, being kissed by this devil while unconscious. "Get lost before I press send." Inilagay niya iyong thumb niya sa screen kung saan nakalagay iyong icon na send. "Do you want to get expelled? I said get lost."
Bumitaw na si Dylan. Thank God-- and also Chase.
"s**t!" Dinuro niya ito saka ako tinapunan ng tingin bago ibinato ulit kay Chase ang tingin. "Hindi pa tayo tapos." Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin saka lakad paalis.
Kanino naman niya isesend iyon? Oh, well. Nevermind. At least, umalis na si Dylan.
Nagbuntong hininga lang si Chase tapos tumalikod na sa akin.
"Ch-Chase," Huminto siya sa paglalakad. He, I think, is just two feet away from me. "Thank you."
"Before you say thank you, get that piece of paper off of your future first."
Oo nga pala, may papel na nakalagay sa dibdib ko. Inalis ko naman tapos binasa.
L, nauna na akong umakyat, ha? Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Ang ganda mo kaya pinicturan pa kita. Saka mo na ako patayin kapag nagkita tayo ulit. Oo nga pala, bago ka umakyat, bumili ka ng marshmallows sa cafeteria. May nakita ako ruon, chocolate coated rin. Salamat~ Mwamwatsuptsup.
That... that girl. Humanda talaga sa akin iyong babaeng iyon! Dapat ba akong iwanang natutulog in the open?! As you've said, papatayin talaga kita!
I crumped the paper saka ko ito ibinulsa. Ipapakain ko ito kay Leigh! I hid my frustrations and faced Chase, who's not facing me. "Chase, kanina ka pa?"
"Obviously." Humarap siya sa akin. Nice, ngayon ko lang narealize, hindi siya nakajacket ngayon. Lumapit ako sa kaniya kaya lang medyo umatras siya. Bakit?
"Chase... can we be friends?"
"No." simpleng sagot niya tapos tinalikuran niya ako at maglalakad na sana palayo pero hinawakan ko iyong damit niya.
"Puwede ko bang malaman kung bakit?"
That's what puzzles me: Bakit ayaw niya ng kaibigan? May traumatic experience ba siya sa previous friend niya kaya ayaw niya ng kaibigan? I really can't decipher him. He's really weird and mysterious.
"You're weird."
What?!
"I'm not!"
"Yes, you are. You almost got raped and now you're asking me, who happens to be a guy, if we can be friends like nothing happened to you? Yeah, you're definitely weird." Sabi niya habang natango, as if convincing himself na weird ako gaya ng sabi niya.
Hindi ako weird! I swear, hindi ako weird!
"Hindi ko na kasi iniisip iyon. I always let karma do its job. Sige na, friends na tayo."
"No."
"Bakiiiit?" Hinila hila ko iyong damit niya. Nakita kong medyo ngumingiti at nagpipigil siya ng tawa kaya mas nilakasan ko pa iyong paghila sa damit niya. "Dali na! Napapatawa na kita, oh? At saka, antisocial ka ba? Bakit ayaw mo makipagkaibigan sa akin?"
"If only that's the reason..." pabulong na sagot niya tapos tumungo siya. Hindi ko siya magets.
"Ha?"
"I'm not against socializing, so long as it's not tiring."
"Iyon naman pala, eh."
Bigla naman siyang nagstraight face pagkatapos niyang magpeke ng ubo. "No." Bigla naman naging malambot iyong itsura niya. Parang... maiiyak? Ewan. Hindi ko talaga siya madecipher! "I can't have, don't want and don't need a friend." Napabitaw ako unti-unti sa damit niya tapos pagkabitaw ko, tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo.
Bakit?
I can't have, don't want and don't need a friend?
Anong ibig niyang sabihin?
That day rin, pinagalitan ko si Leigh. I really berated her with auditory assault. Nakakainis kasi siya. Hello, I'm a girl, who happened to be asleep on a public place tapos iiwan niya ako despite the fact that I clearly said na huwag akong iwanan?! That's just so wrong! Tanong siya nang tanong kung bakit raw ba ako galit na galit, na para raw akong minolestya ng kapre kung makapagreklamo. Gusto ko sanang sabihin, kung alam mo lang! Pinudpod ako ng halik nuong lalakeng kinababaliwan mo! Pero hindi ko na lang sinabi iyon, pati iyong part na muntik na akong rape-in ni Dylan. Alam ko kasi na sasabog siya. Then after niya sumabog, magsusumbong na siya kay Robi.
Tanga na kung tanga pero ayaw kong malaman ni Robi iyon. Baka mapaaway ang boyfriend ko at saka baka masaktan siya. Kilala ko iyon. Ayaw nga niyang magpalapit ng lalake sa akin hangga't maaari. Pero, siyempre, inevitable naman iyon since hindi naman ako nag-aaral sa all-girls school, hindi ba?
Days passed, turned to two weeks at ganuon pa rin ang routine. Pero... Chase was absent the whole two weeks na lumipas.
Natrauma kaya sa akin iyon? Hindi naman siguro, hindi ba?
At ang weird pa ruon, parang wala lang sa mga profs namin. Parang, okay, absent siya. Eh, ano? At sa two weeks na iyon, nacucurious talaga ako sa lalakeng iyon. Grabe, bakit wala lang sa teachers ang pag-absent niya? Ang unfair!
At saka sa two weeks na iyon, si Robi, pinoproblema ko.
Feeling ko kasi, nagwewaver na siya. I text and call him a lot. Always!
He's being cold. Tapos iyong isang D-Day namin, pinaghintay niya ako ng halos isang oras. Tapos iyong next na D-Day naman, hindi natuloy nang dahil sa kaniya. Ang rason niya? Tinatamad siya. Nanduon na ako sa pagkikitan namin na lugar, sobrang ready na para sa date namin pero nang sabihin ko na nanduon na ako, pinauwi niya ako kasi tinatamad raw siya makipagdate noong araw na iyon.
Nakakainis? Oo. Sobra. Masakit? Oo. He's not being his usual self.
Kapag magkasama kami, lagi siyang may katext. Salita ako nang salita tapos iyong usual na mga sagot niya, mahahaba pero these past few days, oo, hindi, ewan. Basta. Mga ganiyan ang isinasagot niya. Inis na inis na ako sa kaniya pero hindi ako galit. Nakakainis lang kasi bakit bigla siya naging ganuon, hindi ba? Hindi naman ganuon ang boyfriend ko, eh. Alam niya na nasasaktan ako sa mga ginagawa niya pero, ano? Did he come to me para mag-explain? Kasi kapag alam niya na na may gusot kami, na nasasaktan ako, hindi niya palilipasin ang araw na hindi kami nagkakaayos. Pero ano na nangyayari ngayon? Ni hi ni ho wala.
Kaya ngayon, nakiusap ako sa kaniya na makipagkita rito sa field. Dito lang kasi iyong kaonti ang tao. Pinuntahan ko pa talaga siya sa room nila para lang makausap ko siya ng personal. Ayoko naman kasi na itext lang dahil baka balewalain niya lang, right? Siguro nga, nakulitan na siya sa akin kaya kinonsider na niya ang pakiusap ko. Nagmatigas kasi talaga ako para lang mapapayag siya. Sinabi ko kasi talaga na hindi ako aalis sa room nila hangga't hindi siya napayag na magkapag-usap kami.
Masyado na ba akong clingy? Nairita na ba siya sa akin? Nasasakal ko na ba siya? Kasi kung nararanasan niya iyong mga bagay na iyan sa akin, all he need to do is tell me. Kasi gagawin ko naman iyong mga bagay na gusto niya kung hihilingin niya sa akin. Honestly, parang naiisip ko nga na isubmit iyong sarili ko sa kaniya kung hilingin niya. Pero katangahan iyon. I won't and I can't just submit myself to him that early. Alam ko na alam niya ang limitations namin.
Pero... what if hindi niya na kinoconsider iyong limitations naming iyon? What if he's tired of waiting, of me, kasi alam niya na hindi ko kayang isubmit iyong sarili ko sa kaniya?
And dami ng what-ifs na umiikot sa ulo ko.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" narinig kong sinabi ng lalake sa likuran ko.
Kilala ko may-ari ng boses na iyon.
Nilingon ko siya at nagtama ang paningin namin. "Robi,"
"Oh?"
Tumayo ako tapos pinagpag ang pang-upo ng skirt ko. "Bakit--"
"Ano bang sasabihin mo? Kung hindi importante, aalis na ako. May klase pa ako." aburidong pagkakasabi niya.
Natulala ako sa kaniya dahil sa sinabi niya tapos naramdaman ko pa ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko.
Ano bang nangyayari?
"B-Bakit ganiyan ka magsalita?"
"Puwede ba diretsuhin mo na ako?"
Hindi ko siya mabara dahil sa sinabi niya. Serious talk kasi ang nangyayari ngayon. Usually kasi, kapag sinabi niya iyan ng pabiro, babarahin ko siya na: Straight ka naman, ha? Magiging tayo ba kung hindi?
"Bakit ka ba ganiyan? Bakit ang cold mo?"
"Tsk." Pumamewang siya tapos tumingala at bumuntong-hininga. "I'm going." aniya pagkaalis niya ng mga kamay niya sa magkabilang bewang niya. Maglalakad na dapat siya paalis pero pagkatalikod niya, niyakap ko siya mula sa likuran. Pinipilit niyang ikalas ako sa pagkakayakap sa kaniya pero mas hinihigpitan ko lalo para hindi siya makaalis. No, ayoko siyang umalis nang hindi kami nagkakalinawan. Kasi ako, gulong gulo na ako kung bakit siya ganito umakto. Ilang araw na akong isip nang isip ng kung ano-anong mga bagay na may kinalaman sa amin. Ilang beses ko na rin tinanong ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali para umakto siya na parang wala na kaming relasyon. "Ano ba?!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw kaya medyo napaluwag ang pagkakayakap ko sa kaniya.
Unang beses niya akong sinigawan. Sa loob ng mahigit dalawang taon na magkasama kami, ngayon lang niya ako sinigawan. Natatakot ako sa kaniya ngayon. Hindi niya naman kasi ako sinisigawan. Sa totoo lang, kahit hindi ko siya ina-under, siya mismo ang gumagawa ng paraan para lang ma-please ako, na para ko siyang ina-under kaya nakakagulat na sinigawan niya ako.
"May problema ba tayo?" tanonong ko at muntikan na akong pumiyok. Pinipigilan ko kasi talaga na umiyak.
"Kung problema iyong hindi na kita gustong mahalin edi may problema nga." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinabi niya iyon na sobrang casual lang. Na parang wala lang. No... This isn't happening. Oh, God, no. "Masyado kang perfect para sa akin. Minsan nga iniisip ko kung paano ako nagkagusto sa iyo. Bonus pa kasi minahal mo ako pabalik."
"Robi... Please... Stop joking naman, oh? Kinakabahan na kasi ako." Pumunta ako sa harap niya't hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya ng dalawang palad ko tapos ibinaba ko ng kaonti iyong mukha niya para makita ko ang mga mata niya.
"Sana nga joke na lang ang lahat. Pero, hindi, eh. Hindi, L."
"Robi--"
"Masyado kitang mahal. Natatakot ako na baka dumating iyong oras na sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, wala na akong itira sa sarili ko."
That's when I broke down. Alam ko kung saan mapupunta itong usapan na ito at ayokong mangyari iyon. Not now, not ever. Hindi ko na napigilan, umiyak na ako. Alam ko kasi na after ng pag-uusap namin na ito, kapag hindi ko siya napakiusapan, wala na.
"Iyon naman pala, eh. Mahal mo ako. Mahal naman kita. Walang problema duon. Please naman, Robi, huwag mo naman itapon iyong two years. Magtatatlong taon na tayo; sasayangin mo pa ba?" Niyakap ko siya ng sobrang higpit tapos ibinaon ko iyong mukha ko sa dibdib niya pero kumakawala siya kaya halos durugin na ng sakit ang dibdib ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos tinignan niya ako sa mata. Parang gusto na nga rin niyang umiyak sa lungkot ng itsura niya tapos namamasa na rin ang mga mata niya. "Stop it. Please, tama na. Huwag mo na akong pahirapan, L. Please. Stop loving me. Ako kasi, sinusubukan na kitang kalimutan."
"Okay naman tayo, ha? Why are you being like this, Robi? Nasasaktan ako, eh."
Tumungo siya. Napansin ko rin na may tubig na tumulo mula sa mata niya. Umiiyak siya. Umiiyak si Robi. Ang masayahing si Robi, umiiyak nang dahil sa akin. "Ayokong ikaw ang maging dahilan ng pagkasira ko."
Ha? Hindi ko siya maintindihan. Ako? Magiging dahilan ng pagkasira niya?
Inangat niya iyong ulo niya tapos tinignan ako. Umiiyak nga talaga siya. Hindi ako namamalikmata. He really is crying. My Robi's crying. "At paanong ako ang magiging dahilan ng pagkasira mo, ha? Sabihin mo nga."
"Listen to me. It's not that I don't want to love you, L. In fact, being in love with you is the best thing that has ever happened to me. It's my first wish that has been granted. Ayoko man pero I need to stop loving you, L. Please, you have to understand me." Gamit iyong likod ng kamay niya, pinunasan niya ang mukha niya na basang basa na ng luha.
"How could I understand you kung ayaw mo naman sabihin iyong dahilan mo kung bakit ayaw mo na akong mahalin? Robi, gulong-gulo na ako."
"L, please stop crying--"
"Don't tell me to stop dahil shet lang kasi, Robi, ang sakit-sakit! Answer me! Paanong ako magiging dahilan ng pagkasira mo? Am I not a good girlfriend para masira ka?! Bad influence na ba ako sa iyo?!"
"N-No, L. That's not true." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi tapos pinunasan iyong mga luha ko gamit ang kamay niya. "You know that's not true. You're the best girlfriend I could ever ask for."
"Then why, Robi? Why am I the reason kung bakit ka masisira?"
"Kasi once na mawala o kamuhian mo ako, wala na, magiging sirang sira ako. Oa na kung oa pero iyon ang mararamdaman ko, eh. At alam ko na iyon ang mangyayari kaya ngayon pa lang, tinatapos ko na ito."
"Then don't push me away, Robi. Please. Hindi naman ako mawawala, eh. At hindi ko kayang magalit sa iyo. I'll always be with you. Forever. Kahit hindi mo hilingin na magstay ako sa tabi mo, gagawin ko."
"Tama na." Binitawan niya ako. "Let's just stop loving each other. Stop loving me." Tumalikod na siya at naglakad na palayo. "Let's just end this here." Nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ulit siya. Tatlong salita na dumurog sa mundo, katinuan at puso ko. "Let's break up."
Wala na.
Ayokong magkahiwalay kami pero siya na mismo ang bumitaw. Sabi niya mahal niya ako pero bakit siya nakipaghiwalay? Hindi ko maintindihan kung bakit. Bakit ang gulo-gulo niya ngayon?!
Ano ba ang nagawa ko?!
Wala na...
Paano na ako?
Kakayanin ko ba? Alam kong ang exage pero kakayanin ko ba na iwan niya ako?
Dati, just the mere thought of it kills me. Paano na ngayon na nangyari na? Baka ikamatay ko na dahil sa depression. Ever since I laid my eyes on him back when we were fourth year high school, I dedicated my love to him. Just for him. Corny man pakinggan itong sasabihin ko pero ito, eh. Ibinigay ko iyong puso ko sa kaniya nang una ko siyang makita. I dedicated my mind to that guy that always makes my heart flutter; to him, to Robi.
Lahat naman ng ginagawa ko para sa kaniya. Nang dahil sa kaniya... Nang dahil sa kaniya, naniwala ako sa love at first sight kasi nangyari mismo sa akin iyon.
I considered myself the luckiest girl on earth dahil nagustuhan ako ng taong gusto ko, na kahit maraming gustong umagaw sa kaniya, hindi niya pinapansin.
Ano ba talaga ang rason niya at ginusto niya na maghiwalay kami?
Ang sakit dahil wala na siya, wala na sa buhay ko.
Tanga na kung tanga pero hihintayin ko siya. Babalik siya, alam ko. Hihintayin ko siya. Sabi niya kasi mahal niya ako so babalik siya. Babalikan niya ako.