6

3695 Words
-L "Yaaaaa!" sigaw ko habang pababa sa hagdan. Inilibot ko ang paningin ko habang bumababa pero walang katao-tao sa salas. Napangiti ako nang makita ang paglabas ni Yaya sa kusina. Nagpupunas pa ito ng kamay at mukhang naghuhugas ito ng pinggan nang hanapin ko. Kaagad naman itong lumapit sa akin habang nagpupunas pa rin ng kamay. "Oh? L, anak, gising ka na pala." bungad niya matapos niya akong salubungin sa hagdan. "Ah, opo. Ano po iyong iniluto niyo?" nakangiting tanong ko. May hula ako dahil sa naaamoy ko pero gusto ko lang kumpirmahin. Dumiretso kami sa kusina tapos binuksan niya iyong isang cover sa lamesa pagkaupo ko sa upuan. "Heto," Ipinakita niya sa akin iyong bacons, eggs at saka fried rice na siyang nasa loob ng cover. "Ya, sabay na po tayo." aya ko sa kaniya pagkatapos ko hawakan ang kutsara at tinidor na nakalapag sa plato na nakahanda na pero umiling lang siya. "Nako, anak, huwag na. Katatapos ko lang rin. At saka, bilisan mo," Tumingin siya sa wallclock habang ako naman, inililipat na sa plato ko ang mga gusto kong kainin. "Hindi ba't may pupuntahan ka? Iyong kaibigan mo?" "Ah, opo." Sumubo ako ng kanin tapos isinunod ko ang bacon. Nginuya't nilunok ko muna iyong pagkain sa bibig ko bago sumagot ulit. "Pupuntahan ko po si Chase. We need to review po kasi. Malapit na po ang exams, hindi ba?" "Oh, sige. Bilisan mo na riyan. Pag-igihan ang pag-aaral, ha?" Pagkatapos na pagkatapos ko kumain, nag-ayos na ako. Aalis na dapat ako pero biglang may tumawag sa landline. Pinutahan ko ito saka ito sinagot. "Hello?" Ilang segundo akong naghintay pero wala akong naririnig bukod sa paghinga ng tao sa kabilang linya. "Hello, sino ba ito?" Pag-uulit ko. Naghintay ulit ako ng ilang segundo pero ayaw talaga nitong sumagot! Nakakainis, ha?! Nagmamadali kaya ako! "Aray, ha?" Si... si Dylan ba ito? Kaboses kasi niya. Pero bakit siya tumawag rito kung siya niya ito? "Anong aray? Sino ba ito?" pagkukumpirma ko. Ayoko lang magjump sa conclusion na porque kaboses ni Dylan, iisipin ko na kaagad na siya nga ito. Mamaya, ibang tao pala ito, napahiya pa ako. "Kahit sa paghinga ko hindi mo ako makilala?" Ang arte ng boses nitong lalakeng ito, seryoso. "Baka po kasi wala namang boses ang hininga." sarkastiko kong sinabi pero tinawanan lang ako ng lalake sa kabilang linya. What's his problem ba? "You'll be mine soon, L Punzalan." banta niya tapos binabaan na ako. Inilayo ko ang telepono sa tenga ko saka ito tinignan. Sino ba iyon? Hula ko kasi si Dylan. Kaboses kasi niya. Kung siya iyon, ano bang problema niya? May you'll be mine soon, L Punzalan pa siyang nalalaman. Mabilis rin akong nakarating sa tapat ng bahay ni Chase. Tinignan ko iyong papel kung saan nakasulat iyong address ng bahay niya tapos tinignan ko rin iyong nakalagay na addess sa gilid ng gate. Just making sure. I really don't want to commit mistake. Nakakahiya kaya kung ibang tao pala nakatira dito. Ilang beses ko pa tinignan ng paulit-ulit ang papel pati na ang address ng bahay bago ko nasabi sa sarili ko na ito na nga. Mayaman pala sina Chase? Sabagay. Hindi naman siya makakapasok sa school na pinapasukan namin kung mahirap lang sila; unless he's a scholar. Sa totoo lang kasi, medyo may kamahalan talaga ang tuition fee sa school namin. At saka, malaki kasi iyong bahay niya kaya nasabi ko talaga na mayaman siya. Ang gentleman lang rin kasi nuong lalakeng iyon. Sabi ko sunduin ako, pero ayaw. Tinatamad raw siya. Tinanong ko nga siya na paano kapag naligaw ako. Aba, ang sagot, pahanap raw ako kay Dora kasi may mapa iyon. Kainis. Pinress ko iyong doorbell ng isang beses at naghintay. Saglit lang rin naman nang may lumabas na babae. Ito yata iyong mama ni Chase? "Uhh. Good morning po. Si Chase po?" nakangiting tanong ko. Nanglaki ang mata niya. Bakit? Para siyang nagulat. Tama naman siguro itong bahay na ito, right? Tinignan ko ulit ang papel at ang address kahit alam ko naman sa sarili ko na tama naman ang bahay na napuntahan ko. Nahagip nga rin ng paningin ko na napatingin rin ang babae sa papel na hawak ko. "Si-Si Chase?" Napaangat ang tingin ko nang magsalita ito. Tumango ako habang nakangiti ng bahagya. "I-Ikaw ba iyong... kaklase niya?" "Ah, opo." sagot ko habang nakangiti pa rin. "Halika, hija," Binuksan niya iyong gate saka ako hinawakan sa kamay. "Pasok ka." Inilead niya ako hanggang sa makapunta kami sa likuran ng bahay nila kung nasaan iyong garden. Iyong mga nadaanan ko ngang katulong, grabe makatingin sa akin. Parang ngayon lang sila nakakita ng tao. "Chase!" pagkuha ko sa atensyon nito. Nakatalikod ito mula sa pwesto ko at may binabasang diyaryo. Lumingon naman siya kaya kinawayan ko siya at nginitian. Inilapag niya iyong diyaryo sa table tapos lumapit sa akin habang nakangiti. "Nandiyan ka na pala." Tumingin naman siya sa likuan ko habang nakasimangot. Pagkatingin ko rin sa likuran ko, nasa likod ko pa pala iyong mama niya. At iyong kamay nito, nakahawak pa rin sa kamay ko. "Ma," Grabe iyong ngiti ng mama niya, ang laki. Nakakatuwa. "Ay, oh?" Nabiglang sagot nito saka binitawan ang kamay ko. "Gusto niyo ng makakain?" Hindi naman halatang sobrang saya ng mama niya? Parang ang hyper kasi tapos ang laki pa ng ngiti. "Sige po--" Hindi ko pinatapos iyong sasabihin ni Chase kasi umextra kaagad ako. "Ay, sorry po." Nginitian ko iyong mama niya. Buong mukhang araw akong ngingiti rito, ha? "Hindi pa po pala ako nakapagpakilala. Ako po pala si L Punzalan." "Ako iyong mama ni Chase. Mama na lang itawag mo sa akin--" "Ma!" biglang sigaw ni Chase. Imbis nga na magalit itong mama niya kasi sinigawan niya, tinawanan lang siya. What? That's not the response I was exactly expecting. "Tita na lang itawag mo sa akin, anak--" "Ma, naman, eh!" maktol ni Chase. Ang cute. Natatawa tuloy ako pero nabura rin ang ngisi ko dahil sa tinging ibinato sa akin nito. Bumaba rin ang tingin niya sa isang kamay ko na may hawak na mga box bago ibinalik ang tingin sa mama niya. Kanina ko pa napapansin na patingin-tingin siya sa box na hawak ko. Curious siguro. At saka, ganito ba lagi sila? Nakakatuwa. Iyong mukha kasi niya, parang gusto nang itapon ang mama niya sa Mars dahil sa ginagawa nito. Ikinahihiya niya ba ang pagkilos ng mama niya? She's cute kaya. "Oo na!" sinabi nito sa anak tapos humarap ito sa akin. "Pagpasensiyahan mo na ang ugali ng anak ko, ha? Nahihiya lang sa iyo iyan. Tita na lang itawag mo sa akin, hija." Nginitian niya ako matapos niyang sabihin iyon. Ang bait naman ng taong ito. Pero halata naman kasi ang pagiging friendly nito. "Sige po." Tumingin ako sa dala kong box saka ito inilahad kay Tita. "I also brought a box of pizza rin po pala. I just don't think kung kakasya po sa ating lahat ang three boxes." "Nako, hija, nag-abala ka pa. Actually, naghanda ako kasi nasabi ni Chase na may darating na bisita ngayon." Tinignan nito ang boxes matapos itong kuhanin sa akin bago ibinalik ang tingin sa akin. "Pero salamat pa rin." Biglang may humawak sa kamay ko, at alam kong si Chase iyon, kaya nilingon ko siya. "Halika na nga." Hinila niya ako paupo sa upuan na parang pinutol lang na katawan ng puno. Pero ang galing kasi may style siya. Iyong table kasi sa gitna, kung saan niya ipinatong iyong dyaryo kanina, babasagin tapos may apat na nakapaligid na kahoy, putol na katawan ng puno. Stump yata ang tawag, kung hindi ako nagkakamali. "Simulan na natin nang matapos na." sinabi niya pagkakuha niya sa bag niya sa lapag. May damo naman sa garden kaya hindi naman marurumihan iyong bag. "Bakit ang atat nito?" ibinulong ko lang pero mukhang narinig niya kasi sinamaan niya ako ng tingin. "Peace!" nakangiting sinabi ko saka ko inilapat ang nakapeace sign kong kamay sa pisngi niya kaya niya ito tinabig. -- Grabe, apat na oras kaming nagrereview at ang sakit-sakit na ng ulo ko. "Chaaassee" Ipinatong ko ang ulo ko sa table pati na ang mga braso ko. "Hindi ko na kaya. Next time naman." reklamo ko sa kaniya pero hininaan ko lang ang boses ko. Pakiramdam ko, lahat na ng dapat aralin sa buong mundo, inaral ko na. Hindi ko kaya ang learning method nito ni Chase; masyadong mabigat para sa akin. Bigla niyang pinalo iyong ulo ko ng ruler kaya napahawak ako ruon habang nakasimangot. "Huwag kang tamad." Inirapan ako nito saka iniayos ang reading glasses na suot. Inilipat niya sa susunod na page ang libro sa tapat niya saka nagsulat sa notebook. "Grabe naman kasi! Hindi pa ba napapagod iyang utak mo?!" maktol ko sa kaniya. Ganito ba talaga mag-aral itong nilalang na ito?! Sagaran?! Naconfirm niya ang iniisip ko kanina. At kung ganito nga, ayoko na! Hindi ko na siya gagawing study buddy! Bumuntong hininga siya tapos isinara ang librong hawak niya. "Fine. Magmeryenda muna tayo. Nagugutom na rin naman ako." Tumayo siya at nagsimula nang maglakad papasok. Siguro kung nakikita ko lang sarili ko, malamang nahuli ko ang mga mata ko na nagningning dahil sa sinabi niya. Sa wakas kasi, ceasefire na. "Ayan ang gusto ko sa iyo, Chase! Kaya gusto kita, eh!" Napahinto siya sa paglalakad saglit saka umiling bago tuluyang pumasok sa loob. Ano iyon? Bakit siya gumanuon? Pagdating namin sa kusina, grabe, ang rami ng pagkain na nakalatag sa lamesa. Napahinto pa nga ako dala ng gulat. "May okasyon ba?" bulong ko pagkatabi ko sa kaniya. Nakatayo lang kami sa harap ng lamesa habang nakasimangot siya. "Wala." bugnot na sagot nito. "Bakit ang raming pagkain?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain sa lamesa pero nang may nakita akong leche flan, napatigil ang mundo ako. May flan! "Oh, kain kayo!" masiglang sabi ng mama ni Chase tapos nilapitan ako at hinila paupo. "Kain lang nang kain, hija, huwag kang mahiya." "Tita, ang rami naman po." Nilagyan niya ako ng kutsara at tinidor sa plato na nakalagay sa harap ko. Natatawa talaga ako sa inaasal ni Tita. Kanina pa kasi talaga siya sobrang asikaso sa amin ni Chase habang nagrereview. Hanggang ngayon nga, todo asikaso pa rin siya. Pabalik balik nga siya sa garden kanina kaya ang rami na rin ng plates na nanduon, which is a weird thing dahil gutom pa rin si Chase despite those snacks that we ate earlier. Mga lalake talaga, akala mo may zoo sa tiyan dahil ang bilis magutom. "Hay nako, okay lang. Kumain ka lang nang kumain." Parang si Mama pala ito pagdating sa pagkain? Huwag lang sana siya maging kapareha ni Mama na hindi nagpapaalis kapag marami pa ang pagkain sa lamesa dahil diyos ko, baka umuwi akong lobo ang tiyan. Pagtingin ko naman kay Chase, nakita kong nakasimangot siya habang nakain. Ano bang drama ng lalakeng ito? Nakakatuwa nga mama niya. Dinala ko iyong plato ko sa katabing upuan niya at duon ako pumwesto. "Bakit ka nakasimangot? Pangit ka na nga pinapapangit mo pa sarili mo." Nangaasar lang ako. Baka kasi maglighten up iyong mood niya. "Tss." Okay, fail iyong pangaasar ko. "Hoy, ano ba talagang mayroon?" Kinuha ko kaagad iyong isang lagayan ng flan pagkaayos ko sa pagkakaupo ko. Flaaaan! "Hindi mo pa ako sinasagot." "Bakit? Nangliligaw ka ba?" Bigla namang may tumawa sa likuran namin kaya medyo nagulat ako. Ang lakas ng tawa, diyos ko! "Ma naman, eh!" reklamo ni Chase saka tumayo. "Ma, duon ka na nga muna sa salas. Hintayin mo na lang ruon si Papa." Hinawakan niyai to sa magkabilang balikat saka itinulak hanggang sa mapunta sila sa salas. Ang saya siguro talaga ng pamilya niya. Namiss ko tuloy bigla si Ate pati sina Mama at Papa. Masaya rin kasi talaga kami kapag magkakasama. Kwentuhan, asaran – basta, masaya kami. Bumalik na si Chase sa upuan niya habang nakatungo. "Nakakahiya..." pabulong na sinabi niya saka hinawakan ang kutsara at tinidor niya. Binalewala ko na lang ang sinabi niya kasi dapat nga, proud siya na may masiyahin siyang magulang. "Nagutom ka?" Sinimangutan niya lang ako. "Chase, sino ba kasing may birthday? May fiesta ba? Ano ba talagang okasyon?" Niyugyog ko siya habang hawak sa magkabilang balikat niya. Nacurious kasi ako. Baka mamaya, birthday pala ng isa sa mga kapamilya niya na nakatira dito, wala man lang akong alam. Ang awkward kaya ng ganuon. Napabuntong-hininga siya at napahilot sa sintido. "Hindi ka ba talaga titigil hangga't hindi ko sinasabi?" Inialis niya iyong pagkakahawak ko sa kaniya tapos kumain na ulit. "Oo! Kaya magsalita ka na kasi hindi ako mapakali." "Halata naman." Bumuntong-hininga siya bago dinugtungan ang sinasabi. "Alam kasi nila na may bisita ako." "Iyon lang?" Weird. Parang pang isang pamilya o higit pa kasi iyong nakahanda sa lamesa. Para sa amin lang yata talaga itong mga pagkain na ito? Hindi ko alam. Hindi naman kasi kami sinaluhan ng mama niya o pati ng ibang maid. "May darating pa ba na ibang bisita ngayon?" Kaagad akong napatingin sa direksyon kung nasaan ang pinto, waiting kung may papasok na iba pero nabalik ang tingin ko kay Chase nang magsalita siya. "Tapos... nalaman pa nilang babae." sinabi niya habang nakatungong kumakain. "And no, wala nang ibang bisita." I think I know kung bakit ganito kagarbo ang handa nila. "Ah, let me guess. Siguro akala nila girlfriend mo iyong bibisita, ano?" nakangising hula ko, na siyang nakapagpasimangot pa lalo sa kaniya. Taray lang ni Chase kasi parang may level ang pagsimangot niya; pagrabe nang pagrabe every second. "Kind of. Pero sinabi ko na kaklase lang at hindi girlfriend. At saka..." "Pasuspense naman ito!" Sinimangutan ko siya. "Ituloy mo na." "Wala. Wala iyon." Inirapan niya lang ako at itinuloy na ang pagkain. Aba! "Itutuloy mo o itutuloy mo?" "Do I have a choice?" Tumigil siya sa pagsubo ng saging tapos humarap sa akin. "No. Kaya ituloy mo na." Then again, bumuntong-hininga siya. Hindi naman halatang mahilig siya bumuntong-hininga, ano? "Ikaw pa lang kasi iyong tao sa lahat ng dinala ko rito. Babae pa." "Ako lang iyong tao?" Tumango siya. "Nakapagdala ka na ba ng alien rito?" Sinamaan niya ako ng tingin sabay tutok sa akin ng tinidor. "Nagtatanong lang. Masama ba? Masama?" Sinimangutan ko siya. Para naman kasing masamang magtanong. Matalinong gawain kaya ang pagtatanong. At saka, masama ba ang maging curious? Kung sa case ng pusa, oo. Dahil ika nga, curiosity killed the cat. Pero sa case ko, na tao, hindi! -- "Sige po, Tita," Isinukbit ko sa balikat iyong bag ko tapos nginitian ko ito. Katabi niya iyong asawa niya. Mabait rin iyong papa ni Chase. Pati nga iyong mga maid, mababait rin. Kinausap rin kasi nila ako. Iyong kapatid niya lang ang hindi ko pa nakikita. Sabi niya kasi, hindi ba, may sakit raw iyong kapatid niya? Nakalimutan ko namang itanong kung nasaan kaya hindi ko na lang itatanong. Puwede pa naman raw ako bumalik rito any time sabi ni Tita. So kukumustahin ko na lang iyong kapatid niya kapag nakabalik na ako rito. "Uuwi na po ako." "Teka," Humarap si Tita kay Chase. "Ihatid mo na siya. Magpahatid na lang kayo sa driver." utos nito sa anak habang nakangiti. Seriously, kanina pa siya nakangiti. Parang hindi na mabubura iyong ngiti niya na iyon. "Sige na." Lumapit si Chase sa akin tapos kinuha iyong bag ko. "Tara na." "Mag-ingat kayo, ha?" paalala ni Tito bago pa man kami makapaglakad. "Opo, Tito." Humarap ako sa mama ni Chase matapos ko sumagot. "Tita, salamat po pala." Nginitian ko siya. Ngumiti naman siya pabalik. Natawa nga ako ng bahagya nang nakita ko na kinindatan niya ako kaya natawa rin siya. May secret kasi kami. "Uhh... teka, gusto mong magstay for dinner?" tanong ni Tita habang hawak iyong laylayan ng damit ni Tito. Bigla namang tumawa si Tito kaya napatingin kami sa kaniya. "Gusto mo dito ka na lang forever?" Nakisabay naman sa pagtawa si Tita pati iyong ilang maid na nanunuod yata sa amin. Anong tanong iyon?! Lakas maka-Mulan, ha? "Tara na nga!" Hinila na ako ni Chase habang nakasimangot hanggang sa makarating kami sa garage nila. Kinausap niya ruon iyong manong at sinabing ihahatid niya kami. -- "Tigilan mo nga ako." nakalabing sinabi niya sabay takip ng hood ng jacket sa ulo niya. "Kahapon ka pa, ha?" Inubob niya iyong ulo niya sa armchair ng upuan matapos niya ayusin iyong hoodie na suot niya. "Sus. Ang cute mo kaya!" Tumawa ako at sinundot-sundot ang bewang niya kaya napapaiwas siya. "Tsk. L, stop!" "Ano ako? Aso? Alaga mo?" Tumigil na ako. Ginawa pa akong hayop. "Pero grabe, ang cute mo!" "Ayoko na, L. Tigilan mo na ako. Pakielamera kasi." inis na sinabi niya bago umubob patalikod sa akin. Paano ba naman kasi, ipinakita sa akin ni Tita kahapon iyong photo album ni Chase noong bata pa ito. Iyon iyong secret namin ni Tita. Grabe nga; ang cute! Parang walang ipinagbago iyong itsura niya dati sa itsura niya ngayon. At wala siyang kaalam-alam kahapon na hinila na pala ako ng mama niya para ipakita sa akin iyong photo album niya. "Hoy, excuse me! Ipinakita kaya sa akin ni Tita iyon. Hindi ako ang nangielam. Nakitingin lang ako, eh." pagdadahilan ko. Technically, hindi ako ang nakielam kasi si Tita lang naman ang nanghila sa akin; si Tita ang kumuha ng photo album; si Tita ang nagpakita nito sa akin kaya paanong naging kasalanan ko? "Kahit na." Pumihit ito paharap sa akin habang nakapatong pa rin ang ulo sa mga brasong nakapatong sa armrest. "Tampo ka naman?" Ipinatong ko naman iyong dalawang braso ko sa likuran niya. Close naman kami, eh. Bakit ba? "Sorry na. Kasi naman, ang cute mo. Weak ako sa mga bata, ano." May ibinubulong siya pero hindi ko marinig. Tatanungin ko sana kaya lang naudlot at napatingin ako sa tumawag sa akin. "L, may naghahanap sa iyo." sabi ni Claire pagkakalabit nito sa akin. Sabay kaming umayos ng upo ni Chase tapos tinignan si Claire. "Sino raw?" Naghahanap? Sino naman ang maghahanap sa akin? "Ewan. Iyong varsity player. Basta sabi tawagin raw kita." "Sige, salamat, Claire." Nginitian ko ito. Tumayo ako at tumingin kay Chase. "Hindi pa tayo tapos, baby ko." Isinabit ko sa likuran ng tenga ko ang buhok ko saka ako ngumisi. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tinawanan ko siya at tinalikuran para puntahan na iyong taong tumawag sa akin. Sino ba iyong tumawag? Naglakad ako palabas pero napahinto ako nang makita ko kung sino ang naghahanap sa akin. Sana pala hindi na lang ako lumabas at pinaghintay na lang iyong tumawag sa akin. Kung alam ko lang na siya iyong tatawag, nako! Huwag na siyang mag-expect na sisiputin ko siya. Kaya lang wala na; nakita na niya ako pagkalabas ko. "Hi." Si Dylan. Si Dylan na malandi. Si Dylande! "Why?" Tinaasan ko siya ng kilay. Wala akong panahon makipaglandian sa kaniya. As if naman na magkakaroon ako ng time para makipaglandian sa kaniya? Iyong gugugulin kong oras sa pakikipaglandian sa kaniya, ibubuhos ko na lang sa pangungulit kay Chase, ano. "Ang aga-aga, ang sungit mo." Nilapitan niya ako at nginitian. "Mayroon ka ba?" "Ewan ko sa iyo. May klase kami, kaya umalis ka na at huwag ka nang babalik." Papasok na sana ako kay lang hinawakan niya ako sa kamay kaya hindi ako natuloy. "Ayaw mo ba sa akin?" nakapout na tanong nito, na parang nagpapacute. Ay, tanga? "Ay, hindiiii. In fact, gustong-gusto kita!" Nginitian ko siya kaya umaliwalas ang mukha niya. Lumaki na naman ulo nito. Akala niya siguro, totoo sinabi ko. Hindi ba niya alam kung paano idistinguish ang sarcasm sa hindi? Ang laki ng ngiti niya, eh. "Talaga? Iyon naman pala--" "Gustong-gusto kitang itapon sa Mars!" pabalang na sinabi ko kaya natigil siya sa sinasabi niya. Tumawa siya kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Nakuha niya pang tumawa, ha? Ibang klase. "Kaya gusto kita, eh; palaban ka na, ang ganda mo pa." "Pwes, hindi kita gusto. Gets mo na?" Papasok na sana ako kaya lang hinila na naman niya ako. "Ano--" Nanglaki iyong mga mata ko dahil sa ginawa niya. Bigla niya kasi akong hinalikan... sa labi. "Hoy! Hoy!" Napabitaw siya sa halik tapos napatingin kami sa sumigaw. Iyong taga-OSA. Lagot. Gusto kong sampalin nang sampalin si Dylan hanggang sa mamatay kaso baka mas lumala pa iyong parusa sa akin. At what's worst... nasa likuran lang ng taga-OSA si Leigh. Nanglalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa amin. Halatang nasaktan siya. Nakita niya siguro iyong ginawa nitong hayop na nilalang na ito! -- "Pero--" Magpapaliwanag na sana ako kaya lang biglang tinakpan ni Dylan iyong bibig ko gamit ang kamay niya. Ano ba?! Gusto ko rin naman magpaliwanag pero kanina niya pa ako sinasapawan! "Sorry po. Hindi na mauulit." sinabi niya habang nakangiting nakatingin sa taga-OSA. "Sa susunod, huwag kayong magkiss and make up sa corridor." May isinulat ito sa papel bago kami sinimangutan. "Sige na, you may go." "Thank you po." Ngumiti lang ang hayup tapos hinila niya ako palabas ng OSA. "Anong sabi mo?!" Itinulak ko siya pagkakalas ko sa hawak niya. Napatingin pa nga iyong ibang estudyante na dumadaan pagkasigaw ko. Who cares? Naiinis ako kay Dylan! "Shh." Nagquiet sign siya. "Huwag kang maingay. Baka gusto mong ma-OSA ulit?" "Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ako girlfriend! At anong kiss and make up iyong sinabi mo?!" Gusto kong ihagis lahat ng kaya kong buhatin sa paligid namin at ibato sa kaniya nang mawala na siya kaya lang malalagot ako kapag ginawa ko iyon. "Palusot. Huwag ka ngang engot, babe." matamis na pagkakasabi niya habang nakangisi sabay pisil sa pisngi ko. Tinapik ko nga iyong kamay niya saka ko siya sinampal. Nakakainis! "That's for kissing me!" Tinalikuran ko na siya at bumaba na. Grabe! Ang impure ko na! Curse that guy! I hate him! Hindi ako kabilang sa Pokpok Brigade na nagsusuot ng malapanty na shorts o kahit na sa The Impures, ano! Wala siyang karapatan na bastusin ako nang bastusin hangga't gusto niya dahil unang una sa lahat, matino akong babae! Hindi ako iyong tipo ng babaeng pinupulot niya para maging girlfriend at gagawin niya kung ano man ang gusto niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD