Chapter 5 'The Hell Night'

1282 Words
Mga limang hakbang pa lamang na nakakalayo si Lucas ng lumapit muli si Hailee sa kahera at kinausap ang supervisor ng bar. Kahit papaano ay nabyuhayan siya ng loob ng sa wakas matapos ang sampong ulit na re-dial ay sumagot na rin ang kanyang kaibigan. "Sir, teka po, heto o nagpadala ng message ang kaibigan ko," sabi ni Hailee na ipinakita pa ang mensahe ng kanyang kaibigan. "Sabi sa message ng class mate ko, susubukan daw niyang magpadala sa akin kaso need ko maghintay till morning. Kaya, please wag na kayo tumawag ng pulis." pakiusap niya ulit. "Miss, ang sabi susubukan lang, meanng di sin sure, saka miss hanggang 3 am lang po kami dito, Ano? hihintayin namin magising ang classmate mo? Wow ViP?" singit ng isa sa mga waiiter na kanina pa nakamasid sa kanila. pagkatapos ay nagtawana ang mga ito kasama ang mga ito ngunit sinaway sila ng kanilang supervisor at pinigilan naman ng kahera. "Tumigil kayo! Miss, Okay na po, wala ng problema makakauwi na po kayo. Binayaran na po Sir ang bill nyo," sabi ng supervior at itinuro ang lalaking palabas na ng pinto. "Binayaran na? Nino? wait, What? Teka..!Sinong nagbayad? Bakit niya binayaran" takang tanong ni Hailee. "Iwn ko Miss, siguro naawa na sayo. Yung pong lalaking kakaalis lang yung pogi at matangkad at maganda ang katawan, siya po ang nangbayad" paglalarawan ng supervisor. "You mean, the guy wearing a brown jacket? Siya ba ang nangbayad?" "Yes, Miss, siya nga po." "OMG.. bakit siya pa?" Pagkarinig niyon ay agad na lumingon si Hailee at nakita pa niya ang likuran ng lalaki na kanina ay kausap niya.Palabas na ito ng pinto.Hindi siya makapaniwala na ang tumulong sa kanya ay ang lalaking supladong sinungitan niya kanina. "Oh, sheeemay, yari ka Hailee, kapag minamalas naman talaga." maktol ni Hailee at agad na tumakbo ang dalaga at mabilis na hinabol ang papalabas ng lalaki. Sa parking niya ito inabutan at papasok na sa kotse nito. "Excuse me,wait lang," pigil ni Hailee kay Lucas na papasok na ng kotse. "Yes,what now?" masungit pa ring sagot ni Lucas. "Ah, sabi sa loob, you pay for my bill. Well gusto ko lang mag thank you." sabi bi Hailee. "Well, you're welcome pero hindi libre yun." Walang ganang sagot ni Lucas. "Yeah, i know, give me your account number at ise-send ko sayo bukas na bukas din ang bayad."sabi ng dalaga na totoong nagpapasalamat sa lalaki. "Here," Inabot sa kanya ng lalaki ang account number na isinulat sa likod ng kanyang business card.mangha si Hailee, tinulungan siya nito but still cold and arrogant pa rin ito sa kanya. "Ano ba tong lalaking ito? Okay lang ba siya? napipilitan lang pala bakit ginawa. Tuloy nagkautang na loob pa ako." bulogn ni hailee habang nakatitig sa numero ng lalaki. "I want my money back by 9 am tomorrow. Next time kase, bago ka sumama sa mga lakad nyo ng tropa mo, i check mo muna ang bulsa mo. And if i were you magpapalit ako ng circle of friends." Sabi ni Lucas. "Hindi na kailangan mamersonal noh. Hindi porket binayaran mo muna ang bill ko may karapatan ka ng insultuhin ako. You know nothing about the situation Sir. Pero ganun pa man, salamat pa rin, Salamat talaga sa pag save sa akin na maipapulis. Huwag kang magalala, broke man ako at may mga hindi kanais nais na friend , hinid naman po ako scammer. Ese-send ko sayo bukas na bukas din ang bayad bago mag 9am. Salamat talaga, Sige mauna na ako salamat ulit." paalam ni Hailee. Naglakad na siya ng mabilis, una upang maiwasan ng magka engkuwentro pa sila ng supladong lalaki. Ikalawa, kailangan na niyang magmadali dahil wala na siyang aabutang biyahe. Malamang maglakad siya dahil kahit pala pang taxi ay wala siya. Nadebit na kanina yung 1k na nasa Atm niya. Meron naman siyang konting pra sa wallet pero sapat langna pang bus at tricycle papasok sa kanila. Hindi niya talaga akalaing aabot ng 6k plus ang bills nila at hindi niya akalain na halos 1k ang isang beer na iyon. "Grabe, ang isang bill nila sa isang gabi lang na halos wala pa ngang apat na oras ay katumbas ng isang suweldo niya." hndi pa rin makapaniwalang sabi ni Hailee. Wala pang kalahating kilometro ang nalalakad niya ng isang malakas na busina ang narinig ni Hailee. Paglingon niya ay ang guwapo pero saksakan ng aroganteng lalaki sa bar ang nakita niya. Huminto ito sa tabi niya "Hop in, walang biyahe dito kapag ganitong oras." sabi ni Lucas. "Okay lang ako salamat" nahihiyang sabi ni Hailee. "Taxi lamang ang makukuha mo kapag tinumbok mo ang palabas na yan" giit ng binata. "I know pero kaya ko namang maglakad. Nakakahiya na kase, Ang dami ko ng abala." sabi ni Hailee. "Yung pag angkas sa kotse malaking bagay sayo? pero yung magka- utang sa akin ay hindi?" Sarkastikong sabi ni Lucas. "Yung utang kong pera mababayaran ko yun, pero ung sakay at utang na loob mahirap magbayad Sir" Sabi ni Hailee. "Okay!ganun pala, Fine. Ganito na lang, hop in then bayaran mo ako.One day give me a fre ride too." Nang iinis nf sabi ni Lucas. "Nangiinsulto ka pa rin ba? Wala akong ride, Sir so, malabo yan kaya maglalakad na lang ako, Thank you!" sabi ni Hailee at muling naglakad. Pero sinundan ito ni Lucas. "Okay then pay me sa kahit anong paraan" sabi ni Lucas. "Tulad nang ano aber...?" Tanong ni Hailee. "I don't have an idea right now . Can you get in please mukhang uulan eh saka medyo nakainom na rin ako so gusto ko na ring umuwi please." Naiiritang sabi ni Lucas pero hindi naman niya makontrol ang sarili na alukin ang babae. Halos hindi siya makapaniwalang kinukulit niya ang isang tulad nito para sumakay sa kotse niya. Kahit mukha itong inosente alam niya ang karakas ng mga ganitong mga babae na maglalasing sa bar. Hindi nga rin niya alam kong modus din nito ang sitwasyun sa bar kanina, pati ang kunwari ay pagbabayad nito bukas, hindi rin niya alam kung scam iyon. ilang beses na ba siyang nakatagpo ng mga ganitong klase ng babae sa bar. Pero lahat ng mga iyon nagawa niyang tanggihan at iwasan. At hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi niya nagawang umiwas ngayon. Kanina ay natawa si Lucas ng habulin siya nito at magbabayad daw. Gusto sana niya itong supalpalin agad na hindi niya kailangan ng 'hot night' pero ewan ba nia kung bakit sinakyan niya ang babae. Kaya heto ngayon at nangsisimula na ang drama nila. "Now ang balak niya ay ihatid ito kung saang lupalop ito nakatira?' Hindi malaman ni Lucas kugn sanhi ba ng nainum o ano pa man pero malapit na siyang mainis sa sariling katangahan at sa babae narin.. Tila naman nakaramdam ng hiya si Hailee ng makita niyang nagtiim bagang ang lalaki. Nag aalok lang naman ito ng tulong. Kaya minabuti na lang ni Hailee ang sumakay. Lasing na rin siya kaya pasuray na din siya maglakad at masakit na nga rin ang ulo niya dahil sa halo halong ininom at sa stress sa bayarin kanina. Sa palagay ni Hailee ay wala pang 10 metro ang tinatakbo ng kotse ng makaramdam siya ng pagikot ng kanyang sikmurra kaya sasabihin sana niya sa lalaki na ipara na muna kotse para makababa siya pero pag buka ng bibig niya ay bigla siyang napasuka. "Oh s**t!" narinig niyang malaks na mura ng lalaki. "S-sorry..kase....buuuuuwak!" sumuka ulit ang dalaga. Halos lumubog sa lupa si Hailee dahil eksaktong humarap pa naman siya sa lalaking busy sa pagmaneho kahit halos pikit na din ang mata sa antok at kalasingan. Kaya dito lumanding ang sumabog na bulkan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD