Chapter 4 'Over Drive'

1120 Words
Panay ang kagat ng labi ng dalaga habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linyang. Ang tinatawagan niya ay pang lima na sa mga tinawagan niya. Ung iba hindi siya sinasagot ung iba naman ay pagkarinig pa lang sa salitang favor ay ibinababa na ang telepono. Naisip tuloy ni Hailee kong may kaibigan nga ba siya? Imposible naman kasing nakauwi na sina Dominigue at Brienne kakaalis alis pa lang ng mga ito. Magbabakasakali lang siya na may mga pera ito kahit utangn na lang makaraos lang siya sa kahihiyang ito. Sa mundong ginagalawan niya ay pantay pantay sila ng pinagaralan pero hindi pantay pantay ang paghusga ng mga tao batay na rin sa katayuan sa buhay. Mahipap ang pamilya niya at pipitsugin ang paaralan pinagtaposan niya. Hindi niya alam kung bakit siya kinaiingitan o mas tamang sabihing hinihila pababa. Pero ganun ang uri ng kompetesyn meron sa pinapasukan niya. Pumatak ang luha ni Hailee habang nakatingin sa huling numerong siya sana niyang pagasa pero nakailang tawag na siya ay ring lang ito ng ring. Alam niya na posibleng tulog na ang tinatawagan dahil ala una na ng madaling araw. Mas yun ang gusto niyang isipin kesa sa totoong tumatakbo sa isip niya na sadyang hindi nito sinasagot ang telepono dahil may ibang dahilan. Nagpunas ng luha si Hailee saka tumayo para magpunta sa counter kakausapin na lamang niya ang may ari, kung ano na lang ang pwede gawing paraan para makabayad siya. ______ Samantala, Nagbukas naman ng wallet si Lucas para magbayad ng kanyang bill, senenyasan niya ang waiter pero sumenyas ito ng saglit. Abala itong nakikipagusap sa taong kanina lang ay kausap niya. Natuon ang pansin ni Lucas sa paulit ulit na pag swipe ng card nito pagkatapos ay iiling iling habang ang babaeng nakatalikod na may mahabang buhok ay panay naman ang tila pakiusap sa cashier na ulitin. Kanina lang ay nangtungo si Lucas sa banyo hindi lamang para magbawas kundi para alisin ang in is sa babae kanina. Paglabas niya ay napansin niyang wala na ang mga babaeng maiingay.Tumayo si Lucas para siya na mismo ang magpunta na counter para magbayad. Paglapit ni Lucas ay saktong narinig niya ang usapan ng ibang waiter. "Sus, mga pasosyal kase yun pala wala namang laman ang card. Naku kunwari pang nakalimutan na zero balance siya" Sabi ng isang babaeng waitress. "Langhiya, tatawag daw ng pwede ng magbayad, sino lulukihin niya? scam yan pustahan tayo mamaya maagpapaawa na yan oh?" sabi naman ng isa. Kasalukuyang nasa cashier si Lucas ng bumalik si Hailee. Dahil sa ligalig at problemado ay hindi na napansin ni Hailee kung sino pa ang mga naroon. "Baka kamo mamaya maglasing lasingan at mamgbayad kay Charlie sa ibang paraan, naku mga babae ngayon ganyan na ka-chep." sabi pa ng isang waiter. Ang Charlie na binaggit ay ang kanilang Store supervisor na medyo may edad. Tumaas ang kilay ni Lucas sa narinig habang nangtagis ang bagang dahil sa mga mapanghusgang nadaana, pagdating sa Counter ay nagulat si Lucas. "Ma'am, Sir, sorry po hindi ko matawagan ang mga kaibigan ko na kasama ko kanina, paano ba ito? Ah, pwede po ba paki debit na yung 1k sa Atm ko po tapos yung remining balance ko na 5k, pwedeng po bang bayaran ko na lang sa ibang paraan" sabi ni Haile. Nakita niyang nang apir ang ilang mga waiter sa di kalayuan. "Pwede po bang maghugas na lamang ako ng pingan o maglinis ng buong bar?" Pakiusap ni Hailee. Nawala ang ngiti ng ilang waiter na nakiki tsismis sa kanila. "Naku Miss, hindi po pwede yan, saka gawain ng mga tao ko yan, hindi po ito restaurant" singit na sabi ng supervisor na naroon. Nagtawag na kase ng supervisor ang cashier dahil nga sa walang pangbayad ang dalaga. "Naku parang awa nyo na. Babayaran ko naman ho, gagawan ko po ng paraan bukas. Madaling araw na kase at wala na akong matawagan baka mga tulog na." Pakiusap ulit ng dalaga. "Sige po pero for security purpose eh kailangan naming magtawag ng pulis at kailangan mong iwan ang ATM at ID mo Miss." Sabi ng lalaking supervisor at tuluyan ng nag dial ng police hotline. "Pulis? Teka, why? Teka lang po hindi naman ako kriminal.Saka po magbabayad naman ako.willing akong iwan ang ATM ko at ID kung kinakailangan pero pulis, bakit po may pulis?Sandali po tatawagan ko ulit sila." Pigil ni Hailee. Pagkatapos ay tumalikod at halos mataranta sa pagdadayal na naman sa telepono, panay ang fidget nito at panay ang hagod sa buhok na halatang tensiyunado at natakot sa pagtawag ng pulis. "She said she will pay, why do you need to call the police?" Aroganteng singit ni Lucas. Naroon ito at nakasandal sa counter habang nakasuksok ang kamay sa bulsa at matamang nakikinig pala sa usapan nila. Kanina pa nakikinig si Lucas sa usapan ng mga ito at hindi siya natutuwa sa trato ng mga ito sa babae. Nagulat si Lucas ng makalapit siya at malamang ang babaeng kinaiinisan niya kanina ang nakikiusap na iyon, Hinanap ng mga mata ni Lucas ang mga kasama nito ngunit narinig niya mismo sa bibig ng babae na iniwan ito ng mga kasama. Inis siya sa babae kanina ngunit ng marinig niya kung paano ito kutsain ng iba at iwan sa sitwasyung ganito ng mga kasama ay nakaramdam ng guilt si Lucas sa ginawa sa babae kanina. "Sir, wala po siya pangbayad. Wala po pala siya pera dapat hindi sila umorder ng madami at mamahalin pa" sabi ng kahera. "Yung Budweiser lang sir na inorder nya na senerve sayo halos kalahati ng bill nila ang presyo. Kung wala po kase tayong pera Miss, ay 'wag tayong mayabang at pasosyal." Sabi pa nito na tila kinukumbinsi si Lucas. "Don't go that Far, You kn ow nothing about her situation. Maaring wala nga siyang per o baka hindi niya alam na wala siyang cash, pero hindi nyo siya kailangang husgahan lalo na ang insultuhin." sabi ni Lucas at dinukot ang wallet. "Here, ako na ang magbabayad ng bill nila. Next time be reasonable. Kanina pa ako dito and I never saw her act like those ways tulad ng mga sinasabi mo. Paki add sa bill ko ang balance niya." sabi ni L:ucas sabayabot ng kanyang Card. Pasimple niyang pinandilatan ang kaherang matalas ang dila. "And one more thing, Okay na diba? so titikom mo na yang bibig mo? Learn some manners" dagdag pa niya. "Ah isa pa pala, please cancel the police report or kayo ang ipapupulis ko for mistreatment." babalang sabi ni Lucas ng iabot sa kanya ng kahera ang kanyang credit card. Pagkatapos ay tahimik na naglakad si Lucas palabas at hindi na muli pang sinulyapan ang noon ay aligaga at problemadong si Haile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD