"Eh, sabi ko nga hindi ka payag, ang suplado mo naman. Magtatanong tanong tapos "No" naman pala ang isasagot." bubulong-bulong na sabi ni Haiiee sabay nag walk out ito. Pero ilang hakbang pa lamang ay natigilan siya at binalikan ang table ng estrangherong supladong tarantadong lalaki kausap niya kanina. Kinuha ang inorder na beer at saka isang lagukang inubos sa harap ng lalaking saksakan ng yabang. Nang maubos ay nakita niyang wala man lang reaction ang lalaki sa ginawa niya. Buwiset napakamanhid talaga. Hinarap ulit ni Hailee ang lalaki at nameywang pa.
"Wow ha, diyos ka ba. Kiss lang sa pisnge o kaya sa noo, pwede nang sa kamay basta kiss yun lang okay na, ang mahalaga nagawa ko ang dare at hindi ako pagtawanan ng mga plastic kong kasama at hindi ko babayaran ang ininom nilang mga mahalin dahil natalo ako sa dare." hindi napiglan ni Hailee ang sariling sumbatan ang walang pusong lalaki.
"Napakalupit mo naman, walaka bang puso, Hoy lalaking saksakan ng yabang, for your information hindi nga free ang halik ko noh. napakayabang mo. malamang pangit ka humalik o kaya malamang bakla ka no." sabi in hailee na dahil sa nilagok ang Budweiser ay lalong lamang nadagdagan ang hilo at kalasinga niya.
"Shandali, Bwaket nahihilo akoh! " biglang sabi ni Hailee na napakapit sa lamesa. "Wow! anak ng teteng bakit umiikot ang paligid ko sheeeeet. Dyan ka na nga, makalayas na nga, pangeet ka naman mayabang kang hinayupak ka." Sabi ni Hailee na nawala biglang ang pagka keme. Pasuray suray ito naglakad pabalik sa dulong bahagi ng bar kung nasaan ang mga kasama nito nakapuwesto.
Nagsalubong naman ang makakapal na kilay ni Lucas. Hindi niya sana palalagpasin ang mga binitwang salita ng estrangherang babae kaya lamang ay tumunog ang kanyang telepono kaya doon na natuon ang pansin niya at ipinagkibit balikat na lamang ang mga sinabi ng babaeng alam naman niya na lasing na. Bumalik na lamang muna si Lucas sa pagkakaupo at sinagot an tawag. Palabas na sana siya at magbabayad na sa cashier, yun nga lang ay inabala siyang baliw na babaeng iyon. Pagkabalik sa upuan, agad napuna ni Hailee ang kakaibang ngiti ng mga kasama, ngiting alam niyang kukutyain siya.
"Oh my God, Hailee rejected ka?" bungad agad sa kanya ni Domingue. Dismayadong tumango si Hailee at hinintay ang inaasahang mga pang aasar mga nito.
"OMG Hailee kahit na kailan talaga ang tanga mo dumiskarte. Bakit kase may paalok alok ka pa ng drinks? Ano? pa sosyal effect. Di na uso yan.Sabi kase sayo mamg flirt ka agad, dapat kumapit ka agad sa baraso sabay kiskis alam mo na yun diba." Sabi naman ni Brienne.
"Your so dumb, Dapat kase pinakiusapan mo na lang.Beg..Beg..Beg on him. malay mo baka naawa pa sayo" sabi pa ni Dominique.
"Oh well, actually hindi naman ako talaga nag eexpect that you can do it. You're a loser kahit sa team natin. So, ano pa nga ba ang ini expect ko sayo?" Sabi pa ni Dominique. "Bueno since ikaw ang loser, you'll pay for our bill. Mauuna na kami dahil we know magbibilang ka pa ng barya sa wallet mo" Dagdag pang pang iinsulto nito.
"Ano? Wait, iiwan nyo ako dito. Teka lang, hindi nyo ba ako hihintayin?" dismayadong sabi ni Hailee.
"Are you out of your mind? Naka kotse si Dominique diba? at lahat kami sakto sa way niya, ikaw ay hindi.So hassle girl.Mabuti pa ay mag taxi ka na lang pauwi o maglakad ka hanggang labasan then mag jeep ka, bahala ka na. Basta i settle mo muna ang bill dito ha." Paalala pa ng mga ito.
Walang ng nagawa pa si Hailee kundi ang mangalumbaba sa mesa. He feels dizzy na rin kase, meyo nabigla siya sa ininum na Budweiser at medyo nakailang tagaly siya ng Eruption kaya sa totoo lang mukha ng naka ON na washing machine ang tiyan niya. Pero sa kabila ng paghalukay ng tiyan at ng pagikot ng paningin ay haos manikip ang dibdib ni Hailee. Hindi niya alam kung bakit napunta siya sa mga kaibigang ganun. Ever since kase talaga ay loner siya. Pinilit niyang makisama at ang grupo lamang ni Dominigue ang nagtityaga sa kanya. Kaya lang kung hindi utusan, utuin at ibala sa kanyon ang trip nito ng mga ito sa kanya. Saglit pang nangmuni muni si Hailee bago humugot ng malalim na hininga at niligpit ang lamesa.
Pagkatapos ay malungkot niyang kinawayan ang waiter. Sinenyasan ni Hailee ang waiter to hand her the bill, Ini-expect na ng dalaga na malaki ang bill na babayaran niya at malamang kakalampagin na naman niya si Andrea para ikuha siya ng patubuan dahil wala na naman siyang budget for 2 months dahil dito.
Tama nga siya, malaki ang bill nila dahil sa pagkakaalam niya halos 2600 ang isang round ng Eruption Drinks na inorder nila, eh nakadalawang round sila plus sisig at lechon kawali pa ang kanilang pulutan. Pero sadyang ang gabing iyon ay nakasulat na ni San Pedro na magiging pinakamasaklap na kapalaran abg gabing iyon para kay Hailee dahil pag swipe ng Atm niya ay insufficient balance na siya. Halos tatlong beses pinaulit ni Hailee para lang makasiguro, halos pagtinginan na siya ng ibang costumer.
"Mam, okay lang po ba kung ibalance inquiry po natin?" sabi ng attendant sa cashier.
"Okay pero I know may laman na yan since kahapon ang payday namin." sabi ng dalaga.
Ginawa nga ng babae na cashier ang pag balance inquiry ni Hailee at laking gulat nito ng makitang halos 1k na lang ang laman ng Atm niya. Napasulyap si Hailee sa kahera na tila naka ismid na sa kanya. Kadalasan ay hind naman siya apektado ng mga ganitong pagtrato pero paminsan minsan ay nasasaktan at naiinsulto si Hailee. Para bang ang maging gipit at pagiging ordinaryong empleyado ay isang nakakasukang sitwasyun. Nagisip ang dalaga kung bakit wala na halos lamang ang ATM niya.
"Paano nga ba? Imposible namang hindi siya sumuweldo?ano yun prank ng taon? Dahil sa katotohan ngang may halos 1k na laman ang ATm niya ibig sabihin lamang noon ay sumuweldo na siya. So, anong nangyari?" Sa isip isip ni Hailee.
"Pasensya na ma'am pero ilang ulit ko na pong nai swipe ang card nyo pero wala po talagang laman. Alam nyo ma'am kung wala po kayong pera sabhin nyo lang hindi yung niloloko at pinapagod nyo pa kami. Imposible naman ho na 'di nyo alam na wala kayong pera sa ATM." Nakasimagot ng sabi ng kahera. Kung hindi lamang siya nahihiya at totoong nakakaabala na ay nais sanang patulan ni Hailee ang kasamaan ng ugali ng kahera, na kung umasta eh akala mo naman ay executive ang posisyun niya, gayun mas maganda pa nga ang trabaho niya.
"Oh my God, Anong gagawin ko? Wait um, pwede ba balikan mo na lang ako. Gagawan ko lang ng paraan ito, please"
pakiusap ng dalaga. Binalikan ng dalaga ang lahat ng nangyari bago sila mapunta sa bar ngayon.
"Sheemay, paano ba nawala sa isip ko na kinaltas na nga pala lahat ngayong buwan ang nakuha kong loan ng mamatay si inang? Sheet, ang bobita mo Hailee." Kausap niya sa sarili.