Chapter 2 'The Truth or Dare'

1241 Words
"Gets mo agad kung anong dare namin ha, naku girl iba ka talaga, pakeme keme ka dyan ,game ka din pala. Well, since nakakatatlong magkakasunod na penalty ka na, this time kung hindi mo magagawa ang dare namin, you need to take 2 rounds of shot." babala ni Brienne. Natigilan si Hailee, una if inumin niya ang two shots, siguradong bagsak siya dahil nakakarami na siyang tagay. Puro truth nga siya ang kaso ang mga tanong naman ng mga kasama ay hindi naman niya masagot. Alam ni Hailee na bukod sa magiging laughing meme na naman siya sa office pagpasok nila, alam na alam ni Hailee na pagti-tripan na naman siya ng mga ito at kung anu-anong gagawin sa mukha niya, pagkatapos malamang siya pa ang magbabayad ng bill nila. Yun kase ang usapang nila kanina bago pumasok sa bar. Tumingin si Hailee sa lalaking itiniro ng mga kasamahan. His cute, mukha nga lang totoy. Looking at him, mukhang nasa between 22 or 24 yrs old lang ito. Base sa tikas at mischievous smile nito mukhang hindi na ito virginat mukhang game. Looking at his physic mukhang palaban at playboy pa nga ata ito" sa isip isip ni hailee na medyo nakahinga ng maluwag. Nakita niya itong tumayo at nag smile kanina. "Hah! so mukhang alam nito ang mga karakas nila. Ang kaso nga lang, she is not one of them." bulong ni Hailee saka huminga ng malalim. "Okay fine!" ika niya knowing na mukhang game ang lalaking tinitingnanng mga ito alam ni Hailee na hindi siya mahihirapan sa dare. Pero minabuti pa rin ni hailee na tanungin ang mga katrabaho kung ano ang dare ng mga ito baka kase assuming lang siya." So, anong dare ba ang gagawin ko?"Tanong ni niya na sinisigurong hindi siya lasing at tama ang pagkakaintindi niya. "Ooh nice, exciting to. Do you see that guy over there? Ang dare namin is you should kiss that guy and say oops I did it again loud and clear. Yung dapat dining hanggang parking." utos ni Brienne. "What? Kiss Him? yun lang? Okay, fine, kahit saan na kiss lang ha, basta ang usapan iki kiss ko lang. Go, game na, i will do it. Get your camera's." matapang pang sabi ni Hailee. "Aba, palaban ka girl. Fine, kapag kinaya mo sa lips ako ang magbabayad ng lahat ng bill." hamon na sabi ni Ghael. "But I doubt that you can, Knowing you Hailee, you're the Santa Santita peg. Innocent and kind" Sabi naman ni Dominique sabay tumawa na halatang kaplastikan. "If i were you dadaanin ko muna sa malupetang flirting, Eh kung ibuhol mo kaya yang blouse mo saka itupi mo sa beywang ang palda mo ng umiksi naman, sakong lang ata ang kita sa baba mo eh. Fliert harder girl, you need it." Sabi pa ni Domingue. "I'll show you what i got." Bagaman medyo tipsy na talaga kaya din siguro parang malakas na ang loob niya. Tumayo si Hailee, habang busy ang isip kung paano i a aproach ang lalaki at kung paano nanakawan ng halik. Hindi niya papayagang maging katawa tawa. "I will not do what they want, but i will do the dare. I will never flirt then iki kiss ang lalaki tulad ng payo nila. No choice na lang yung lalaki dun. Gusto kong style na honest at sincere. Wala naman sa condition na bawal sabihin na dare lang ang mangyayari hindi ba?" kumbinsi ni Hailee sa sarili saka tinapunan ng saglit na tingin ang beer na iniinom ng lalaking target niya. "Sh*t, Budweiser beer ang iniimom nito? ang sosyal pa ng natiyempuhan nila. Shucks! Kaya niya kaya ang isang ito?" biglang nanlamig si Hailee. Noong mga nakaraan na nasali siya sa trip ng mga kaibigan ay natiyempuhan nilang Broken hearted yung lalaki kaya game ito at simpleng beer lang ang iniinom. This one here looks expensive ang even the drinks is expensive. "Sh*t, sira na naman ang budget ko nito paano ko ba ito ipapaliwanag kay inang" Bakit pa kase ako nasama sama sa grupogn ito eh. Kaso wala naman siyang choice ka grupo niya ito at TL niya ang nag dare. So, wala na ngang choice si Hailee kaya mag order ng expensive beer and slowly sneak into that guy's table. "Hi, I saw you from afar, mukhang stress ka ata. Take this libre ko yan" Sabi ni Hailee nasa isip niya ubos na ang beer ng lalaki at sakto ang dinala niya. Kapag inimom ito ng lalaki saka niya babanatan na may kapalit iyon. Para caught in the act na ang lalaki at hindi na makatangi pa. Kesa bungaran agad niya ng sadya niya dito, baka mare reject siya hindi pa man nagsasalita. But the man looks at her, from head to foot, then smirks. "Inaabutan mo ako ng mamahaling beer, pagkatapos ang beer na hawak mo is the cheapest one? anong klaseng modus ito Miss?" Curious na tanong ni Lucas. Nagulat si Hailee pero hindi nagpahalata. "Look, sanay ako sa beer na ito and this is the only brand I can take smoothly. Nakita ko na expensive ang beer mo, kaya sa tingin mo dapat bang alukin kita ng ibang brand?" Palusot ni Hailee. Again, he saw him smirk. Tinukod ni Lucas ang dila sa loob ng bibig saka pasimpleng tinasan ng kilay ang kausap. He hates tricks like this bobo ba talaga ang tingin ng mga ito sa lahat ng lalaki? "Look here Miss, I had enough, nakita ko naman na pinagtitinginan nyo ako kanina pa so, i bet alam mong kanina pa ako umiinom right? Salamat na lang beer, anyway," Sabi ni Lucas, tried to dismiss Hailee by waving goodbye. "Eh teka, sayang naman ito diyos ko kalahati na ng suweldo ko ang presyo niyan eh. Sa tingin ko naman kaya mo pa. Inumin mo na lang para hindi masayang." sabi ni dalaga na nanghihinayang na sa sitwasyun. Bukod kase sa napabili pa siya ng mamahaling beer ay babayaran pa niya ang naimom ng mga kasama because she failed again. Talo siya sa Dare. "If I drink this, ano ang kapalit?" Tanong ni Lucas ng makita niyang nagsisimula ng mag fidget ang kausap. "Hah, kapalit ano? ah eh wala ano lang ito naman, napakapranka." Natarantang sabi ni Hailee. "Look Miss, sa tingin mo ba ikaw ang unang gumawa ng technique na yan, sa tingin mo ba first time ko sa bar with people like you?" Inis na sabi ni Lucas" "With people like me" Biglang parang sinampal si Hailee sa mukha ng marinig iyon. Ano ba ang tingn nito sa kanya pokpok? Pero mas itinuon na lang niya ang atensiyon sa pagkumbinsi dito. Nanghihinayang talaga siya sa beer. Saka sanay na siya sa mga taong mapanghusga.Ano pa bang bago roon. "Talk or I'll leave now" sabi ni Lucas na matiim ang titig kay Hailee. "Aah, kase narinig mo naman na nag to truth or dare kami diba?" "I can see that, so…" "Over na kase ang chance na puro truth ako ko kaya no choice ako kung hindi ang mag dare kase...." Napatigil si Hailee magsalita ng lumapit ng sobrang lapit sa kanya si Lucas. "Stop the drama, what do you want?" Pabulong na sabi ni Lucas. "Kiss" I need to get a kiss from you, yun ang dare sa akin." Sabi ni Hailee. Humalakhak si Lucas pero mahina lamang sapat lamang na marinig ng pangahas na babae sa kanyang harapan. "Hell No!" mariing tangi ni Lucas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD