Kasalukuyan kaming bumabyahe patungo sa bayan. Nakasuot ako ng black na fitted dress at kitang kita ang hugis ng aking katawan, mayroon itong slit sa gilid na umaabot hanggang hita. Samantalang si Calix ay napakagwapo sa suot nitong suit. " Uuwi ba tayo agad pagkatapos? " tanong ko dito. " Bakit may gusto kang puntahan? " " Diba fiesta yun? Gusto ko maexperience ang peryahan. " sabi ko rito na ikinatingin niya sakin. " Babe, hindi tayo pwedeng sumugod sa maraming tao na ganyan ang suot mo. " sabi nito. " Please! " pakiusap ko dito with matching puppy eyes na ikinangiti niya ng malapad. " Okay pero magpapalit ka ng damit. Tawagan ko na lang ang isa kong tauhan na magdala ng damit dito. " sabi nito na ikinatuwa ko. " Thank you! " masayang sabi ko saka hinalikan siya sa pisngi. Narati

