" Nakakainis naman! " napatingin ako kay Callix. " Bakit? " tanong ko dito, katatapos ko lamang maligo at alas otso na ng umaga. " Gusto mo sumama mamayang gabi? " tanong nito. " Saan? " takang tanong ko. " Inimbitahan ako ng Mayor dito e, fiesta kasi ng bayan nila, hindi ako maka-hindi " sabi nito saka umupo sa may kama at hinila ako paupo sa kandong niya. Ipinulupot niya ang mga braso sa aking bewang. " Sige, basta hindi ako makakaabala sayo dun. " nakangiting sabi ko, hinalikan ako nito sa labi. " Ano kaba? Kahit kailan hindi ka abala sakin. " napangiti ako ng malapad. Kahit simple lang mga sinasabi nito kinikilig agad ako. " Buti kilala ka nila dito? " tanong ko. " Yep, lagi kasi akong nagbibigay ng tulong dito. Gaya ngayon, i donated 5 ambulance and 500 laptops para sa mga est

