Pagdating namin sa mansion ay nagpaalam na si Calvin na aalis na, kaya ako na lamang ang pumasok sa loob. " Si Calix po? " tanong ko sa isang kasambahay na nasa kusina. " Ah nasa kwarto! " sagot nito. Magkasama kaya sila ni Zenaida? " Sige po, pag hinanap ako pakisabi sa garden lang ako. " sabi ko. " Sige po! " sagot nito at iniwan ko na ito, nagtungo ako sa may garden. May iba't_ibang uri ng halaman dito at amoy na amoy ang mababangong bulaklak. Napatingala ako nang mapansin ang ilang mga butil ng tubig na unti-unting pumapatak. Ilang sandali pa ay palakas na ito ng palakas, napangiti ako at ninamnam ang tubig na pumapatak sa aking mukha. Lumakas pa ang ulan at mas lalo akong natuwa. Lumabas ako ng garden at naglakad lakad. Tila batang nag-e-enjoy sa malakas na ulan. Umupo ako sa d

