" Zane, pls! " pagsusumamo ko sa lalaking nasa harap ko ngayon.
" Avery, hindi na siya ang dating Calix. Ilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan. Besides, you're heart is too weak. Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo! " nag-aalalang wika nito.
" Walang mangyayari sakin, i promise. I just want to be with him and i'll do everything to get his forgiveness. " desidido kong sabi.
" Avery, kung sasabihin mo sa kanya ang totoo tapos na sana ang problema mo. " he crossed his arms and stared at me.
" Alam mong hindi ko pwedeng gawin yun. "malungkot kong saad, napabuntong hininga naman ito.
" I love him and i miss him so bad " nakayuko kong sabi.
" Avery, move on! Hindi kana niya mahal and he's engaged. "
Tila may kumurot sa aking puso. I love him and i'll do everything makasama ko lang siya sa huling pagkakataon.
" Zane, this is the last! Just give me 3 months and after that ako na ang kusang lalayo. All i want is his forgiveness bago ako tuluyang mawala. " napabuntong hininga naman ito na tanda ng pagsuko sa kakulitan ko.
" Okay fine! Pero basta promise me that if you need anything, call me no matter what happen " i smiled at him while nodded.
" Thank you! " sabi ko dito sabay lapit sa kanya at niyakap siya.
Zane was Calix cousin and my bestfriend husband, he knew what happened to us.
" Kakausapin ko muna siya kung anong available na trabaho na pwede mong pasukan sa kanya. " sabi nito pagkaalis ko sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya at nagdial.
" Calix! " napatingin si Zane sakin, i smiled sweetly at mukhang nagets niya ang nais kong sabihin. Pinindot niya ang loudspeaker nito para marinig ko ang boses ni Calix.
" Zane, what's up? " napangiti ako nang marinig ang boses nito, wala paring pinagbago. I missed him.
Lagi ko itong naririnig, kapag pinupuntahan ko si Zane ay inuutusan ko itong tawagan niya si Calix para marinig ko ang boses. Sobrang miss na miss ko na siya, it's been 5 years since we broke up.
" Baka may available na trabaho dyan, kahit ano " -Zane.
" Naku, wala e. Kaka-hire lang din namin ng mga bagong employee kaya wala ng available. Sino bang ipapasok mo? " napatingin sakin si Zane.
" Ahmm.. Anak ng katulong namin. " pagsisinungaling nito.
"Ano bang natapos niya? " napaisip sandali si Zane.
" Ah, education. Ang kaso hindi pa siya nakakapag board exam. " tila hindi siguradong sabi ni Zane.
" Bat sa company mo? " tanong ni Calix.
" Ah, wala din e. " tila nauubusan ng rason si Zane.
" Naku, e maghintay na lang siya na magkaroon ng slot. Siguro next month meron na. " napasimangot ako sa narinig, nasapo naman ni Zane ang kanyang nuo at inirapan ako.
" E sa bahay mo kaya? Kahit maid na lang, Kailangan niya kasi talaga ng trabaho. " napangiti ako ng maluwag, i like you na talaga Zane.
" Alam mo namang mag-isa lang ako sa bahay ko. Saka hindi ko kailangan ng helper dun at- "
" Please! " putol ni Zane sa sinasabi niya, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Calix. Mas napangiti ako dahil dito, i miss his laugh.
" Okay okay! Dalhin mo siya bukas ng hapon sa bahay. " sabi nito, muntik na akong mapatalon at mapasigaw sa tuwa kung di lang sumenyas si Zane na wag akong maingay.
" Thank's dude! " masayang sabi ni Zane.
" No problem! " sabi nito at nagpaalam na sila sa isa't-isa.
" Oh! Okay na? " baling sakin ni Zane, i smiled widely sabay tango.
" Thank you! " masaya kong sabi.
" How's your heart? " seryosong tanong nito.
" It's fine " kibit balikat kong sagot.
" Bakit ba kasi ayaw mong magpa-opera? " ilang beses niya na itong tinanong sakin at iisa lang din ang sagot ko.
" Mamamatay lang din naman ako, bakit pa? " walang gana kong sagot at sumimangot naman ito.
" Avery, 50% ang tiyansang mabubuhay ka. "
" At 50% din ang tyansang mamamatay ako. Kaya kesa sayangin ko ang oras ko sa pagpapaopera, wag na lang. " tinignan niya ako ng masama.
" Wala na ba talagang magpapabago ng isip mo? "
" Wala na! " sagot ko dito at tumayo na, hahaba lang na naman ang usapan namin tungkol dito.
" Avery... "
" Aalis na ako, salamat! " paalam ko dito at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Paglabas ko ng office niya ay dumeretso ako condo na tinitirahan ko. Pagkapasok ko ay sumalampak ako sa sofa.
" Andyan kana pala " napalingon ako sa may ari ng boses.
" Paano ka nakapasok? " takang tanong ko dito.
" Sus, bestfriend mo ako. Alam ko lahat ng tungkol sayo at iisa lang ang lagi mong gamit na password " umupo siya sa tabi ko.
" Anong kailangan mo at bigla kang nakaalala? " tanong ko dito.
" Wala akong magawa e, kumusta pala si Jaycee? "-Farrah
" Nasa business trip, dipa tumatawag e. For sure, bigla na lang ulit yun susulpot dito. "
Farrah, Jaycee and me are bestfriend since we are in highschool.
" Wala ka parin balak kausapin si Zane? " tanong ko dito, kibit balikat lamang ang sinagot niya.
Zane and Farrah are married pero nag-hiwalay sila, gago din kasi si Zane. Nahuli lang naman siya ni Farrah sa isang hotel at may katabing babae sa kama. Maski ako nagalit din pero wala nang magagaw ang galit dahil nga nangyari na, ang sabi niya lasing siya at hindi matandaan ang mga nangyari. Gusto ni Farrah ng annulment pero ayaw ni Zane, alam kong mahal pa nila ang isa't-isa. Sadyang pareho lang silang mapride.
" Alam niyo, wag niyong sayangin ang oras niyo. You love each other and i can see that pero heto kayo at nagpapataasan ng pride. " humiga ako sa sofa, napagod ako bigla.
" If he really love me, hindi niya magagawang mambabae. And it's not about the pride Avery, it's about the trust that he ruined. " may galit sa tono na sabi ni Farrah.
" Nakinig kana ba sa explanation niya? Diba hindi? Pag nagkamali ba hindi na pwedeng magbago? " sunod-sunod na tanong ko dito habang nakapikit.
" Pwede ba wag mo na kaming isipin, isipin mo yang sarili mo! Gustong-gusto na kitang tadyakan e para matauhan ka at pumayag ka nang magpaopera. " naiinis nitong sabi.
Hindi ko sinabi sa kanya ang plano kong paglapit kay Calix dahil siguradong hindi ito papayag at katakot-takot na sermon na naman ang aabutin ko dito.
" Hay naku! Heto na naman " ipinikit ko ang mga mata ko at tumagilid patalikod sa kanya.
" Avery, hanggang kailan kaba magmamatigas? hanggang sa konting konti na lang ang chance mong mabuhay? Isipin mo naman ang mga taong nag-aalala sayo, Avery. Yung mga magulang mo, yung kuya mo, si Jaycee at ako. Kahit hindi na para samin, para na lang sa sarili mo. " sabi nito pero hindi na ako nagsalita.
" Ganyan! ganyan lagi ang ginagawa mo kapag kinakausap kita tungkol dito. Ang tigas ng ulo mo. "
Bahala ka dyan, magsawa ka kakasalita. Hindi nagtagal ay bumuntong hininga na lamang siya at naglakad patungong kusina.
Si Zane, Farrah at Jaycee lamang ang nakakaalam tungkol sa sakit ko. Maging sina mama, papa at kuya ay hindi alam, at ayaw ko ring malaman nila.
Sa ngayon ay inalis nila ako sa company, dahil sa pagmamatigas ko sa kanila. Gusto nila akong ipakasal, sino namang may gustong magpakasal sa hindi naman nya mahal? Syempre umayaw ako, kaya ayon sabi aalisin ako sa company at kukunin ang mga ATM. Hindi naman ako takot e, i have my own money pero hindi nila alam ang tungkol dito.
Saka hindi ko naman talaga gustong magtrabaho sa company. I want to pursue my passion, i want to become a good writer.
Napagod na ako sa kakasunod sa gusto ni papa. Para akong robot na sunod-sunuran sa kanila noon pero ngayon ayaw ko na.
I want to enjoy every moment in my life, para man lang may baon akong ala-ala pag alis ko, kapag kinuha na ako ni Lord.