" Paano kung magalit yun pagkakita niya sakin? " tanong ko kay Zane.
" Ako bahala! " napangiti naman ako sa sinabi niya.
Mas lalo akong kinabahan nang huminto na ang kotse at nakapark na sa isang bahay. Hindi ito ganun kalaki pero napakaganda nito at makikitang pangmayaman talaga.
Hindi na ako magtataka, dahil isa lang naman siya sa top 10 na pinakamayamang tao sa mundo. Lumakas ang t***k ng puso ko nang lumabas na si Zane at pinagbuksan ako ng pinto.
Paglabas namin ng kotse ay nakasunod lang ako kay Zane, pero hindi kami sinalubong ni Calix.
Namangha ako nang kusang bumukas ang pinto at mas namangha ako nang makapasok kami dito. Kung maganda ang labas, mas maganda na naman ang loob at napakalinis nito.
" Zane! " para akong na estatwa nang marinig ang boses niya, rinig ko ang paghakbang niya pababa ng hagdan.
Hindi ko siya nilingon dahil natatakot ako sa magiging reaction niya. Siguro kung hindi ganito ang sitwasyon namin ngayon, kanina ko pa siya tinakbo at niyakap. Sobrang miss na miss ko na siya.
" Calix! " lumapit si Zane dito at masaya silang nag-apiran.
" So, siya yung sinasabi mo? " tanong ni Calix kay Zane.
" Ha? Ah oo! " tila wala sa sariling sagot ni Zane.
Pumikit ako ng mariin at nagpasyang lumingon na sa kanila, nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha pero agad din itong napalitan ng galit.
" Nagbibiro kaba Zane? " galit na tanong nito.
" No " maikling sagot ni Zane na mas lalong ikinagalit ni Calix. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, parang kinukurot ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya sakin.
" Zane! Ilabas mo ang babaeng yan sa pamamahay ko ngayon din! " mariing sabi ni Calix.
" Let's talk first! " sabi dito ni Zane.
" No! Ilabas mo muna ang babaeng to! " naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha pero bago pa man ito tumulo ay nahila na ako ni Zane palabas.
Dinala muna niya ako sa kotse, pagkapasok ko ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat, deserve ko naman ang ganitong trato niya sakin.
" Sssssh enough! Stay here! Kakausapin ko muna siya " sabi ni Zane at hinaplos pa ang aking buhok, i just nodded.
Bumalik siya doon at makalipas ang ilang mga minuto ay bumalik siya sakin.
" Come here! Okay na, pumayag na siya. " nakangiting sabi nito na ikinangiti ko, nagmukha tuloy akong bata.
Pinunasan ko ang aking luha at masaya akong bumaba ng kotse, muli kaming pumasok sa bahay niya. Dala narin ni Zane ang mga gamit ko, pagpasok namin ay matatalim ang tingin sakin ni Calix.
Iginiya niya kami sa taas. Nang nasa tapat na kami ng isang kwarto ay may pinindot siya sa may touchscreen na nasa pintuan at agad itong bumukas.
" That is your room! " cold na sabi nito, tumingin ako kay Zane at senenyasan akong pumasok na muna sa room. I mouthed THANK YOU to him bago ko isara ang pinto.
Pagkasara ko ay inikot ko ang paningin ko dito, malawak ang buong kwarto at simple lang ang pagkakaayos nito. Pero saan ko kaya ilalagay ang mga damit ko? Wala ding banyo, kailangan ko pang bumaba para mag banyo?
Nagpasya akong lumabas na ng kwarto at nakita ko sila sa may sala na nag-uusap. Bumaba ako at napatingin sila sakin.
" Avery, i'm going. Si Calix na ang bahala sayo. " paalam ni Zane, medyo kinabahan ako kahit na ako naman ang may gusto nito.
" Sige, salamat! " sabi ko dito, hinatid pa siya ni Calix palabas. Naghintay na lamang ako sa sala. Pagbalik ni Calix ay matatalim ang tingin nito sa akin na lumapit.
" Do whatever you want in this house just don't you ever go to my room " sabi nito habang umaakyat na sa hakdan, sinundan ko naman ito.
" At wag na wag kang magdadala ng lalaki dito. " ma-awtoridad na sabi nito, napakagat ako sa aking labi.
Nagtaka ako nang pumasok siya sa room ko, kaya sinundan ko ito. May pinindot siya sa may pader na touchscreen at bumukas ang pader. Tumambad sa akin ang dressing room at narito narin ang banyo.
" Come here! " utos nito at lumapit ako sa kanya. Amoy na amoy ko ang paborito niyang pabango. Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ipinakita niya sa akin ang touchscreen at itinuro kung ano ang gagawin dito. Hindi ko alam kung naintindihan ko ba lahat ng sinabi niya, mas nakafocus kasi ako sa pagtitig sa kanya e.
Kung gwapo siya noon, mas gwapo siya ngayon at mas lumaki pa ang katawan.
Pagkatapos niyang ipaliwanag yung sa kwarto ko ay bumaba kaming muli sa sala. Sana inuna mo na ito kanina e, pero okay lang. Masaya na ako sa sitwasyon naming ganito.
" If you're going to lock the house, just tell Alexa. " wika nito habang pababa kami ng hagdan.
" Ha? Alexa? " takang tanong ko dito, sino yun?
" It's Alexa enabled! " sagot nito, ano yun? Ang hirap naman pala tumira sa mayaman. Mayaman din naman kami pero walang wala kami sa yaman nila.
" Watch me! " napatingin ako dito.
" Alexa, turn the house off " inikot ko ang paningin ko upang makita kung ano ito.
" Okay " sabi ng isang boses babae pero hindi ko mahanap kung sino ito.
Namatay ang mga ilaw, rinig ko rin ang pagsara at paglock ng mga pinto. Nakita ko rin ang makapal na salaming sumara sa mga bintana.
" Alexa, turn the house on! " utos muli ni Calix.
" Okay! " sagot naman ng boses babae.
Bumukas ang mga ilaw, naalis ang pagkalock ng pinto at yung makakapal na salamin na sumara sa bintana.
Manghang-mangha ako sa nakikita ko, napatingin ako kay Calix at muntik na akong mapatalon nang nakatitig ito sa akin at nakakunot ang noo.
" Lagi kang magsasara ng bahay lalo na kung wala ako at matutulog ka, for your safety. "
Safety? sabagay maraming akyat bahay ngayon.
" Magluto kana dun! " utos niya sa akin sa kusina.
" O-okay! " sagot ko at nagtungo sa kusina, bubuksan ko na sana ang ref nang lumapit siya dito.
" You can see what's inside if you do this "
Kinatok niya yung pinto ng ref at napahanga na naman ako nang, tila naging salamin ito at kitang kita ang laman nito sa loob.
Itinuro pa niya kung paano gamitin ang mga gamit dito, puro kasi mga high tech. Pagkatapos ay iniwan niya ako at nagtungo siya sa kanyang kwarto. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag nang iwan niya ako.
Kanina pa kasi tila nagwawala ang puso ko, mukhang nagdidiwang ito dahil sa muling pagkalapit kay Calix.
" Ito na yun Avery, wag mong sayangin ang chance na to para makasama siya " bulong ko sa aking sarili.
Pagkaluto ko ay naghain na ako, handa na akong tawagin sana siya sa kanyang kwarto nang pumailanlang sa buong kusina ang boses niya.
" I'm not going to eat. Kumain kana lang dyan. " cold na sabi nito at hindi na muling nagsalita.
Bagsak ang balikat kong kumain mag-isa. Expected ko naman na ito, medyo nagi-guilty nga ako dahil pinipilit ko pa ang sarili ko sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa aking kwarto pagkaligpit ko ng kinainan. Pinindot ko yung tinuro niya kanina at bumukas ang kisame at ngayon ay kitang kita ko ang ganda ng langit. Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama, napangiti ako nang mapagmasdan ang mga bituin at ang maliwanag na buwan.
Napamulat ako ng mata nang marinig sa buong kwarto ang boses ni Calix.
" Wag mong iniiwang bukas ang bubong, gusto mo bang pasukin ka dyan? " inis nitong sabi at nakita ko na may makapal na salamin na sumara sa bubong pero kitang kita ko parin naman yung mga bituin.
Nakaidlip na pala ako nang hindi ko namamalayan. Pero paano niya kaya nalaman na bukas ito? Inikot ko ang paningin ko, may cctv kaya dito? pero wala naman akong makita.