Episode 3

1184 Words
Bumangon ako ng maaga at nagluto, sabado pala ngayon kaya marahil ay wala siyang pasok. Ito ang unang araw ko dito, kaya masigla akong kumilos. Pagkatapos kong magluto ay siya namang pagbaba niya ng hagdan, nagulat pa ako dahil gumalaw ang hagdan at tila naging escalator ito. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sakin. Pagbaba niya ay hinarap ko siya ng may ngiti. " Let's eat! " aya ko dito pero tinignan niya ako ng masama. " Stop smiling, hindi ako natutuwa sayo! " tila bulang naglaho ang mga ngiti sa aking labi. Nilagpasan niya ako at dumeretso siya sa dining table, sinundan ko na lamang ito. Pigil ang ngiti ko habang kumakain kami, hindi ko kasi maiwasang maging masaya dahil sabay kaming kumakain. Ang paborito niyang pagkain ang niluto ko. " Next time, don't cook adobo. I don't like it anymore. " napahinto ako sa akmang pagsubo. Dun ko napagtanto na todo nga ang galit niya sakin, sino bang hindi? Hay naku Avery! Ako ang unang nagpatikim ng adobo sa kanya nang maging kami. Ako din ang nagturo sa kanyang magluto. " Okay! " malungkot kong sagot. " Every Sunday ang day off mo, ayaw ko na nagdadala ka dito ng bisita lalaki man o babae. Dun ka sa labas makipagkita wag dito sa pamamahay ko. " ma-awtoridad na sabi nito habang nakatuon ang tingin sa kanyang pagkain. Tumango na lamang ako dahil wala naman akong karapatang humindi. "I put your uniform in your room, wear it everyday. " Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. " Ayaw kong pag-isipan ng fiancee ko ang pagtira mo dito. " dugtong nito. Tila may kung anong kumurot sa puso ko, i know that he's engaged already. Ako lang yung mapilit na lumapit sa kanya. " Zane told me na naglayas ka sa inyo. Tinanggap kita dito dahil sa pakiusap niya pero please lang, wag na wag kang gagawa ng gulo. " hindi ko siya magawang tignan. Sinabi pala ni Zane! Napansin kong tapos na siya kumain at tumayo na. " Mali-late ako ng uwi, just turn off the house. Ako na bahalang magbukas. " sabi nito at tuluyan nang umalis. Akala ko wala siyang pasok, napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko na tinuloy ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Naglinis na lang ko ng bahay, wala naman masyadong linisin dito kaya pagkatapos ay lumabas ako at nagbunot ng damo sa may garden. Nang mapagod ako ay agad akong pumasok ng bahay at nagpahinga. Naligo saka nahiga sa kama. Nagising ako sa boses na nagmumula sa katabi kong kwarto. Lumabas ako ng kwarto at saktong lumabas din si Calix at may kasamang babae, it was his fiancee. Kilala ko siya dahil sa kaka-stalk ko narin kay Calix. Wala man akong karapatan ay nakaramdam ako ng selos, lalo na at galing sila sa loob ng kwarto. Para akong kinukurot sa puso nang maisip kung anong ginawa nila dito. " Avery, right? " tanong ng babae na ikinagulat ko. " Oh, Calix told me about you. I'm Zenaida. " pagpapakilala nito at inilahad pa ang kanyang palad na agad kong tinanggap. " Can you help me to cook? " nakangiting tanong nito at ramdam ko ang kanyang kabaitan, nakokonsensya tuloy ako. " Yeah, sure! " sagot ko dito at masayang hinawakan ako sa kamay, hinila ako at nagtungo kami sa kusina. Naglabas siya ng mga seafood sa ref na ipinagtaka ko. " This is Calix favorite " masayang sabi niya. Pero allergy si Calix sa seafood, imposible naman. I looked at Calix at nakita ko siya sa may sala na prenteng nanonood ng tv. " Hindi siya allergy? " kunwaring tanong ko. " Well, ang sabi niya hindi. This is our favorite at lagi kaming kumakain nito pero hindi ko siya nakitang nagka allergy. " kwento nito. Pero imposible talaga, kitang kita ng mga mata ko kung paano siya nagka-allergy nang minsang aksidente siyang nakakain nito. " Avery, pagpasensyahan mo na siya kung masungit man siya. Ganyan talaga yan minsan e. " natatawa nitong sabi, pinilit ko ng sarili kong mapangiti kahit na nasasaktan na ako. " Wala namang problema yun sakin " saad ko. " Ikaw na ang bahala sa kanya dito ha! Lagi kasi akong wala e. " Tama na ang kabaitan mo, mas lalo akong nakokonsensya e. Pagkatapos naming magluto ay tinawag niya na si Calix at sabay sabay kaming kumain. Parang gusto kong pagsisihan na sumabay sa kanila. They are so sweet, nagtatawanan at nagkwekwentuhan. And yes, kumakain nga si Calix ng seafood. Ganito pala kasakit na makita yung taong mahal mo na masaya na sa piling ng iba. Tila pinapaulanan ng mga pana ang puso ko, nahihirapan man ay tiniis kong huwag maluha sa nakikita ko. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit ako ng pinagkainan habang sila ay nagtungo sa cinema room. May diswasher machine dito, nilagay ko lang ang mga hugasin dito saka hinintay na matapos ang oras bago binuksan. Then pagbukas ko, charaaaaan! malinis na ang mga ito, wala rin kaming ganito sa bahay. May mga katulong naman kasi kami. Pagkatapos ko ay umakyat na lang ako sa kwarto ko, hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko para puntahan sila dun. Nagpasya akong magshower muna bago humiga sa kama, pero para akong na-estatwa nang paglabas ko ng banyo ay nasa kwarto ko si Calix mukhang nagulat din siya pero agad ding nagbawi ng tingin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi. Towel lang kasi ang bumabalot sa aking katawan at wala talaga akong suot na iba. " What the hell Calix " rinig kong bulong niya sa sarili niya, kaya napatingin ako sa kanya. " A-ano? " tanong ko dito, pero nagulat ako nang inilang hakbang niya ang pagitan namin at nanlaki ang mg mata ko nang hilain niya ako at halikan sa labi. Marahas ang kanyang paghalik na tila sabik na sabik ito. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib at bumilis ang t***k ng aking puso. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Hindi nagtagal ay kusang pumulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg at sinabayan ang mapupusok niyang mga halik. Pero napamulat ako nang huminto siya sa paghalik at agad inalis ang aking mga braso mula sa kamyang leeg. Napabuga siya ng isang malakas na buntong hininga at naisuklay niya ang mga daliri sa kanyang buhok. Sa itsura niyang ito ay tila pinagsisisihan niya ang kanyang ginawang paghalik. " J-just don't think about it, nagulat lang ako " sabi nito saka mabilis na lumabas ng aking kwarto. Hindi ko maiwasang mapangiti sa nangyari kahit na alam kong hindi niya ito ainasadyang gawin. Nagkaroon ako ng pag asang magiging okay kaming muli. Nagbihis ako agad at nahiga sa kama ng may mga ngiti sa labi. Paulit ulit na bumabalik sa aking ala-ala ang nangyari. Sobrang tagal kong inasam na matikmang muli ang kanyang mga labi at hindi ko inaasahang matitikman iyon ngayon. Nakaramdam ako ng kilig at kaligayahan kahit na alam kong mali, kahit na alam kong wala lang ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD