Isang linggo na ang nakakalipas mula nang mangyari ang tagpong iyon at isang linggo narin kaming hindi nagkikita dahil hindi ito umuuwi.
Pinagsasabihan niya lang ako na wag siyang hintayin dahil hindi siya uuwi. Naririnig ko na lang ang kanyang boses na pumapailanlang sa buong bahay pero sandali lamang iyon.
Gustong-gusto ko na siyang makita pero wala akong magawa. Inuubos ko na lamang ang aking oras sa paglilinis ng bahay at sinimulan ko narin ang pagsusulat ng kwento.
" Avery! " nagitla ako sa pagtawag sa akin ni Calix, rinig na rinig ang boses nito sa buong bahay na nanggagaling sa mga speaker yata.
" Maghanda ka ng mga gamit mo, may pupuntahan tayo at mag stay tayo dun ng one night and one day. Bring your uniform. " cold na sabi nito at hindi na muling nagsalita.
Napangiti ako, sa wakas ay makikita ko na siya at makakasama. Hindi ko maiwasang maging masaya.
Agad kong tinapos ang mga ginagawa ko at naghanda ng mga gamit ko. Hindi nagtagal ay dumating na si Calix, sinalubong ko ito ng may ngiti sa labi subalit hindi niya ako pinansin at tila masama ang araw nito.
" Wear your uniform " cold nitong sabi at pumasok siya sa kanyang kwarto. Sinunod ko na lamang ang gusto niya dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba, ang mahalaga sakin makasama ko siya.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siya sa sala bitbit ang gamit niya. Nang makita niya ako ay naglakad na siya palabas ng bahay, sumunod na lamang ako dala ang gamit ko.
Paglabas namin ng bahay ay may ginawa siya sa cellphone niya at nagsara ang buong bahay.
Kinuha niya ang gamit ko at nilagay sa likod ng kotse pati ang gamit niya. Pumasok siya sa kotse nang hindi ako nililingon kaya diko alam kung sasakay ba ako o hindi, diko rin kasi alam kung saan ba ako uupo.
" Ano pang hinihintay mo? Pasko? " inis na tanong nito kaya mabilis akong kumilos at umupo sa likod.
" Gagawin mo ba akong driver? "napatingin ako sa kanya sa sinabi niya, tinignan niya ako ng masama kaya mabilis akong bumaba at lumipat sa tabi niya.
Nakaramdam ako ng saya at hindi ko maiwasang mapangiti. Sana lagi ko na lang siyang kasama at katabi, okay lang sa akin kahit sungitan niya ako palagi.
" Stop smiling! " agad nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya.
" Sorry! " paumanhin ko at tumingin na lamang sa labas.
I yawned, inaantok ako kaya pinikit ko na lang ang aking mga mata. Siguro naman gigisingin niya ako pagdating namin dun.
Nagising ako dahil sa tila may nakamasid sa akin, dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakitang nakahinto na ang kotse sa tapat ng isang malaking mansyon at wala narin si Calix.
Agad akong bumaba ng kotse at tumingin sa paligid.
" Ate Ave..... " napalingon ako sa tumawag sakin at awtomatikong napangiti ang aking mga labi nang makita kung sino ito.
" Travis? " agad itong lumapit sakin at yumakap pero agad ding bumitaw.
" Ang laki mo na! " hindi makapaniwalang saad ko, natawa naman siya.
" Kumusta ate? " masayang tanong nito, hinawakan ko siya sa ulo at ginulo ang buhok nito.
" Okay lang ako, ikaw? "
" Okay din po! teka bat ganyan po suot mo? " takang tanong nito at nakakunot noo pa.
" Ah, ito ba? ano kasi.. " hindi ko alam kung sasabibin ko ba o hindi. Sigurado kasing magagalit siya sa kuya niya.
" Gusto k- "
" Travis, she's my maid " napalingon ako kay Calix na ngayon ay nasa likod ko na.
" Maid? are you serious kuya? "naguguluhang tanong ni Travis.
" Yes! " maikling sagot ni Calix, napatingin sakin si Travis na tila nagtatanong kaya tumango na lang ako.
" Let's go! " cold na sabi ni Calix at nauna na itong naglakad papasok.
" Ate why? " tanong ni Travis nang makalayo na si Calix.
" Ahmm.. Travis, you knew what happened to us , pero bakit ikaw lang ang hindi nagalit sakin? " tanong ko dito, lahat kasi ng mga pinsan at kamag-anak nila galit at nandidiri sakin. Napayuko ito at hindi makatingin sakin.
" I knew the truth behind it! " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
" You know? " marahan siyang tumango.
" Pero hindi ko masabi sa kanila ate, becau- "
" Sssssht! i understand! " putol ko sa sasabihin niya at ngumiti.
" I'm sorry ate! " malungkot na sabi nito.
" It's okay! tara na don, baka magkaiyakan pa tayo dito. " pagbibiro ko at hinila na siya papasok ng mansyon.
This is one of their houses, malaki ito at malawak. Pagpasok namin ay nakita ko ang maraming upuan at table na nakaayos sa may garden, mukhang may party mamaya. Alam ko rin na ngayon ay birthday ng kanilang ina.
" Avery? " tanong ng mga tao sa sala nang makapasok kami. It was Calix parents and Zeus parents.
" Magandang hapon po! " bati ko sa kanila, 3pm narin naman.
" Anong ginagawa mo dito? " may galit sa tono ng mama ni Calix at kita ko rin ang pagkagulat sa mukha ng kanyang ama.
" Don't mind her, she's just my personal maid. " sabi naman ni Calix.
" Travis, samahan mo muna ang ate Avery mo sa kwarto. May pag uusapan lang kami. " utos ng papa ni Calix kay Travis at agad naman akong iginiya ni Travis paakyat sa taas.
" Sana pwede kitang tulungan ate! " malungkot na sabi ni Travis pagkapasok namin ng kwarto.
" Ano kaba? okay lang ako. Parang hindi mo naman ako kilala, i'm strong Travis. " sabi ko dito saka umupo ako sa kama, umupo naman ito sa couch.
Travis is only 10 years old nang maging kami ni Calix, and he is 15 years old nang maghiwalay kami. Very close kaming dalawa dahil lagi ko siyang dinadalaw.
" Bakit mo to ginagawa ate? " makahulugang tanong nito.
" I love him " sagot ko at ngumiti ng mapait.
" Kahit hindi kana niya mahal? kahit na masasaktan ka lang? " naguguluhang tanong nito.
" Yes, Alam mo, when you love someone, you have to be brave. Brave enough to decorate your eyes with tears, your ears with lies and your heart with a wounds. "
" Kung ganyan lang din pala ang magmahal parang mas okay na hindi na lang yan maranasan. " sabi nito saka humiga sa couch.
" Travis, hindi naman kasi palaging saya lang ang dulot nito. Kapag nagmahal ka dapat handa karing masaktan. Walang perpekto sa mundo, maraming bagay ang maaaring mangyari ng hindi natin inaasahan. Pero alam mo, masarap magmahal. Dito matututo kang maging matapang, maging matatag at magi- "
" at maging tanga ate, katulad ng pagpapakatanga mo ngayon. " natatawa niyang sabi.
" Hoy grabe ka naman! " nakasimangot kong sabi.
" Maswerte si kuya sayo! Aywan ba, nasa lahi yata namin ang pagiging tanga pagdating sa isang relasyon. " makahulugang sabi nito.
" Bakit naman? " tanong ko dito.
" Kasi si kuya tanga dahil hinusgaan ka kaagad, at kuya Zane tanga dahil nakakuha na ng ginto pumulot pa ng bato. "
Natawa naman ako sa sinabi niya tungkol kay Zane.
" Si ate Calila ayun umibig na nga, dun pa sa hindi niya pwedeng ibigin. " natatawang sabi nito.
" Ha? bakit naman? " tanong ko dito.
Pinsan din nila si Calila, medyo may pagkamataray din ito.
" Paano kasi yung lalaki papasok pala sa semenaryo! " sabi nito saka humalakhak na ikinatawa ko din.
" Seryoso, yung kasungitan niyang yun nagkagusto siya sa ganung lalaki? " di makapaniwalang tanong ko.
" Hay naku, oo ate! " natatawa paring sabi nito.
" E si Zeus kumusta? " tanong ko dito, matagal narin kasi akong walang balita sa iba. Hindi rin kasi ako nagtatanong kay Zane.
" Si kuya Zeus ate ayun natanga sa isang babae, alam mo naman yung tungkol dun. Yung kapapanganak pa lang yung babae, mahal na daw niya agad at nangakong papakasalan niya " natatawang sabi nito.
" Ah oo si Zyrine! " Kilala ko ito dahil baliw na baliw dito si Zeus, lagi niyang kwento ito sa amin.
" Okay naman na sila ngayon, balak na ulit nilang magpakasal. " -Travis.
" E si Adam, kumusta? " tanong ko naman dito. Si Adam ay pinsan din nila, at close din kami noon.
" Naku ate, andun sa probinsya mukhang wala nang balak umuwi pa ng Manila. "
" Talaga? anong ginagawa niya dun? " takang tanong ko.
" Nabihag ng probinsyana ate! " natatawa niyang sabi. Ang dami na palang nangyari sa kanila.
" E ikaw ba? " tanong ko dito na may mapanuksong ngiti sa labi.
" Ayon ate, nagkita na kami pero naduduwag akong kausapin siya. " nahihiyang sabi nito. Kahit kasi naghiwalay na kami ni Calix, kinukumusta parin ako ni Travis at nagkwekwento siya sa mga nangyayari sa kanya. Lagi niyang kwento sakin yung girlfriend niya hanggang sa nalaman ko na lang na break na sila.
" Oh, ay tanga ka nga! " sabi ko saka humagalpak ng tawa, sumimangot naman ito. Ang cute, bakit ba ang gagwapo ng mga Meyers? Lahat na yata ng reaction bagay sa kanila.
" Ate naman! hindi kasi madali, syempre may kasalanan ako sa kanya. " sabi nito saka napakamot pa sa ulo, napailing na lang ako habang nakangiti.
" Hoy ikaw bata ka, ikaw ba'y umalis na sa gang na yan? " tanong ko dito.
Binalita sakin ni Zane na nalaman nila ang tungkol sa pagsali nito sa gang.
" Hindi pa ate, hindi pa tapos ang misyon ko. " sabi nito.
Sinubukan na siyang kausapin ng mga pinsan niya pero hindi daw ito nakikinig. Pinagalitan narin ni Calix pero sadyang matigas ang ulo, hindi na ako magtataka dahil ganyan din naman si Calix.
" Ikaw talaga, paano kung mapahamak ka dyan? " nag aalala kong sabi.
" Wag kang mag alala ate, isa akong Meyers at walang sino man ang kayang tumapat sa isang Meyers na gaya ko. " pagyayabang nito.
" Ikaw talaga! " natatawa kong sabi.
Noon pa man ay nawiwili na ako sa kanya dahil masaya siyang kasama at kakwentuhan. Mabait at masunurin naman ito, yun nga lang ay nasa lahi talaga nila na kapag may ginusto sila ay walang makakapigil sa kanila para gawin ito.