Calix POV
" Calix bakit naman kasama mo yang babaeng yan? " inis na tanong ni mama pagkaalis ni Avery. Galit si mama sa kanya dahil alam ni mama kung gaano ko siya mahal, kung paano ako nasaktan nang lokohin niya ako. Si Travis lamang ang hindi galit sa kanya at hindi ko rin alam kung bakit.
" Sabi ko naman sa inyo, she's my maid. " sagot ko.
" Maid? sa dinami dami ng tao sa mundo siya pa talaga Calix? "-mama
" Amanda, stop! " napatingin ako kay papa, tila malalim ng iniisip nito.
" Why Arnaldo? totoo naman sinasabi ko? " -mama.
" Bakit wala na bang karapatang magbago yung tao? It's been five years, why don't we give her a chance? " napakunot noo ako sa sinabi ni papa.
" Arnaldo seriously? " galit na tanong ni mama.
" Dad, what happened to you? bat bigla yatang gumaan ang loob mo sa kanya? Samantalang dati ikaw itong nagpipilit sa akin na hiwalayan siya at kalimutan. " naguguluhng tanong ko.
" It's because, i realized na lahat ng tao nagkakamali pero lahat naman tayo nagagawang magbabago. "
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni papa, kung noon tutol siya sa amin ni Avery bakit ngayon tila nais niyang magkabalikan kami?
" You're crazy Arnaldo! " galit na sabi ni mama at nagwalk out ito.
" Think about it son, i know you still love her. Maiwan kana muna dito, i'll just talk to your mother. " he tapped my shoulder at naglakad na para sundan si mama.
I can't believe this! Anong nangyari kay papa? Hindi naman siya yung tipo ng taong bigla-bigla na lang magbabago ang isip.
Naglakad ako paakyat ng kwarto kung nasaan si Avery. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko silang nagtatawanan ni Travis. Close na ang dalawang ito noon pa man, kaya siguro hindi magawang magalit ni Travis dito.
" Oh kuya! " napatingin sila sakin.
" Bumaba kana dun, may pag uusapan lang kami ng ate Avery mo. " utos ko kay Travis, nagdadalawang isip man ay sumunod naman ito. Pinagkrus ko ang aking mg braso sa aking dibdib.
" Anong pinakain mo kay papa at bigla na lang siyang kumampi sayo? " mariin kong tanong dito at halatang nagulat ito.
" Hindi ko alam ang sinasabi mo! "
" Stop acting Avery! Kung inaakala mong mapapaikot mo ako, nagkakamali ka. Maaaring sila nagagawa mong paamuhin, pwes ako hindi! " singhal ko dito at yumuko lang ito na mas lalo kong ikinainis.
Lagi na lang siyang ganyan, sa tuwing kailangan ko ng explanation niya yuyuko na lamang siya at magsosorry tanda na tama nga ang mga sinasabi ko. She's totally a freaking w***e!
" I'm sorry! " as i expected, napabuntong hininga na lamang ako. Kahit anong gawin ko sa kanya wala ring mangyayari.
" May party mamaya, wear your uniform! At wag kang makikihalubilo sa mga bisita. "
" O-okay! " sagot nito habang nakayuko parin.
Naglakad na lamang ako palabas dahil mas lalo lang ako naiinis sa kanya. Kapag nakikita ko ang mukha niya naaalala ko kung paano ko sila nahuli ng bwisit na lalaking yun. Kung sana pwede ko silang patayin na lang para mabawasan naman yung sakit na nararamdaman ko.
" Kuya! " napatingin ako kay Travis na ngayon ay nasa sala.
" Can we talk? " kumunot ang aking noo, pero lumapit naman ako dito at umupo sa tabi niya.
" About what? " tanong ko dito.
" Do you still love ate? "
" Ofcourse not! Sinong tangang lalaki ang magmamahal pa sa katulad niya? " naiinis kong sabi.
" Kuya, why don't you give her another chance? " mas lalo akong nainis sa sinabi niya.
Seryoso ba sila sa sinasabi nila? kasi ako yung nasaktan dito e! Nakita nila kung paano ako umiyak at nagmumok dahil sa nangyaring yun.
" Really Travis? Why? Para lokohin ako ulit? "
" Kuya lahat ng tao nagbabago and- "
" Stop it Travis! Ako yung niloko, ako yung sinaktan at ako yung pinagmukhang tanga dito. Pero bakit feeling ko ako pa yung mali? Alam mo kung paano ako nahirapan dahil sa ginawa niya, pero bakit parang dimo yun alam? " singhal ko sa kanya.
" Kuya, at- "
" Stop this nonsense! " sigaw ko sa kanya at iniwan siya sa sala. Lumabas ako at sumakay sa aking kotse.
" Arrrrrrrgh! Why? " sigaw ko habang hinahampas ang manebela.
" I hate her! " paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili. Pinaandar ko ang kotse at mabilis na umalis. Kailangan ko munang magrelax, ayaw kong dito magka-emotional breakdown.
Inihinto ko ang kotse sa tabi ng dagat, lumabas ako ng kotse at dito inilabas yung halu-halong emosyon na nararamdaman ko na tila bigla na lang sumabog at nais nang lumabas.
" Aaaargh! " sigaw ko habang paulit ulit na sinisipa at sinusuntok ang kotse. Iniisip ko na lamang na ito yung lalaking kasama niya sa kama.
" I'm going to kill you! and you freaking w***e! Nakakadiri ka! of all people bakit ikaw pa ang minahal ko! " walang kapagurang sigaw ko habang abala ang kamay at paa. Naramdaman ko narin ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi ko ininda ang sakit sa pagsuntok at sipa dahil mas ramdam ko ang galit sa aking puso.
Nang mapagod ay napaupo na lamang ako at itinungkot ang aking braso sa aking tuhod habang sapo ng aking kamay ang aking noo kasabay ng walang sawang pagbagsak ng aking mga luha.
Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Paano niya nagawa to sakin? Minahal ko siya at binigay lahat ng gusto niya pero hindi parin pala sapat. Ganito ba talaga ang magmahal?
Avery
Nagpasya akong bumaba na muna ng kwarto dahil nahihiya na ako sa pagkukulong dito. Baka lang may maitulong ako sa mga gawain, si Calix hindi ko rin alam kung saan nagpunta basta umalis na lamang kanina sabi ni Travis.
Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang makitang paakyat din ang mama ni Calix pero nagulat ako nang ngumiti ito sa akin. Bakit? galit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa kanyang anak, pero bakit ito ngumingiti ngayon?
" Can we talk? " tanong nito sa akin na mas lalo kong ikinagulat.
" P-po? sige po. " sagot ko dito at dahan dahan akong naglakad upang tuluyang makababa ng hagdan, nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako dito. Nang makarating kami sa garden ay huminto ito at tumingin sa akin.
" My husband told me everything, gusto ko lang magsorry sa lahat, sorry kung nagalit ako sayo na hindi naman pala dapat. Dahil ikaw yung mas dapat magalit sa amin, at salamat kung hin- "
Naputol ang sasabihin nito nang yakapin ko siya, i miss them. Close na close kami noong kami pa ni Calix, tinuring niya akong parang tunay na anak.
" I'm sorry, tita. " bulong ko dito at naramdaman ko ang pagbagsak ng aking mga luha.
" Hindi mo kailangang magsorry, wala kang ginawang kasalanan. " bulong nito sa akin saka marahang hinahagod ang aking likod.
Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan niya ang aking mga kamay at tumingin sa akin.
" Kumusta kana? " tanong nito sa akin, ngumiti ako dito.
" Okay lang naman po. " sagot ko.
" Bakit ka pumayag na maging maid ni Calix? pinahihirapan ka ba niya? " nag aalalang tanong nito, umiling naman ako habang nakangiti.
" Gusto ko po siyang makasama kaya humingi ako ng tulong kay Zane. Wag din po kayong mag alala dahil hindi po niya ako pinahihirapan. "
" You still love him? " tanong nito.
" Wala pong nagbago tita, mahal ko po siya kahit na alam kong galit siya sakin at may iba narin siyang mahal. " malungkot akong ngumiti.
" I know, he still love you. Mas nangingibabaw nga lang ang galit. Pasensya na kung hindi namin masabi sa kanya ang too. "
" It's okay tita, naiintindihan ko po. "
" Wag kang mag alala, gagawin namin ang lahat para magka ayos kayong dalawa. "
" Salamat po tita and happy birthday po pala. "
" Salamat, anak " niyakap niya akong muli, hearing the word ANAK makes me happy. Hindi ko rin masisisi si Calix kung malaki ang galit niya sa akin, sa kwento pa lamang ni Zane talagang sobrang nadurog ko siya. Siguro kahit sino, kamumuhian talaga ako. Mapalad pa nga ako dahil kahit papaano ay pinayagan niya akong tumira sa bahay niya.