Avery
Nag-umpisa na ang party, nagdadatingan narin ang mga tao. Pinagbibihis ako ni tita kanina pero tumanggi ako, alam ko kasing magagalit si Calix. Ayaw ko nang madagdagan pa ang galit niya sakin.
Nasa kwarto lang ako nakakulong dahil wala parin kasi siya. Sabi ni tita hayaan ko na daw muna, uuwi lang yun pag gusto niya. Nakahiga lang ako sa kama habang malalim na nag iisip ng bumukas ang pinto at napatayo ako nang makita kung sino ang iniluwa noon.
Napalunok ako ng sunod-sunod nang mapagmasdan ang kanyang mukha lalo na ang katawan nito. Napakagwapo nito, napansin kong nagpagupit ito. Hindi naman ganun ka-iksi, sakto lamang at bumagay talaga sa kanya. Nakasuot ito ng black suit, siguradong maraming babae na naman ang magkakandarapa dito. Bukod kasi sa super gwapo na, super yaman pa.
" Stop staring " tila bumalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi nito kaya mabilis akong nag iwas ng tingin.
" Sumunod ka lang sakin sa baba at tumayo ka sa likod ko, para kung may kailangan ako mauutusan kita agad. " sabi nito habang tinitignan ako ng masama.
" Okay! " sagot ko dito, naglakad na siya pababa at sinundan ko na lamang ito.
Pagbaba namin ay marami na ang tao sa buong bahay, mula sa sala, kusina lalo na sa may garden. Kita ko ng pagtitinginan ng iba at bulong-bulungan nang makita ako. Sigurado kasing kilala ako ng iba rito dahil sikat kaming loveteam noong highschool pa lamang kami.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito. Nagtungo si Calix sa isang table kung saan may tatlong babae na hindi ko kilala pero makikita ang pagiging sosyal ng mga ito. Tumayo na lamang ako sa may gilid habang nakikipag usap siya dito.
Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang marahan niyang pagtawa dahil sa kausap niyang babae, halata rin ang pagkagusto ng babae sa kanya dahil sa uri ng mga tingin nito.
Naglakad lakad pa si Calix at nakipag usap sa iba habang ako nakasunod talaga sa kanya. Nandito rin pala yung iba niyang mga pinsan at ang sama ng mga tingin nila sa akin at nagtatanong ang mga mata kay Calix.
" She's my maid! " balewalang sabi ni Calix sa mga ito, hindi narin naman sila nagsalita pa tungkol sa akin.
Hindi nagtagal ay nakasalubong namin si Zane, kumunot ang noo nito nang makita ako.
" What is this? Bat ganyan ang suot mo? " tanong nito sa akin at napatingin pa ito kay Calix.
" Calix, nag usap na tayo tungkol dito. Wag mo naman pahirapan si Avery. " hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa sinabi ni Zane, he is truly my friend.
" Wala akong ginagawa Zane, maid ko siya at dapat lang na pagsilbihan niya ako. " wika ni Calix.
" Ca- "
" Avery? " nagulat ako sa babaeng tumawag sakin na ngayon ay nasa likod na ni Zane.
" What the hell, bat ganyan ang suot mo? Kailan kapa naging katulong? " naguguluhang tanong nito.
" She's my maid! " cold na sabi ni Calix saka ako hinila paalis dun. Sorry Farrah, kakausapin na lang kita pag uwi. Bumalik muli si Calix dun sa tatlong babae kanina, at masayang nakipagkwentuhan dito.
" Hey! " napapitlag ako nang mapansing ako ang tinatawag nung babae na kalandian ni Calix.
" What? " tanong ko dito dahil naiinis na ako.
" Ikuha mo kami ng drinks " utos nito sa akin na ikinainis ko lalo. Tinignan naman ako ng masama ni Calix kaya wala akong choice kundi sumunod na lang.
Pabalik na sana ako nang harangin ako ni Farrah na halatang galit ito.
" What are you thinking Avery? Are you out of your mind? " singhal nito sa akin.
" Farrah, mag usap na lang tayo bukas. Wag dito. " bulong ko dito dahil baka may makarinig sa amin.
" What the hell Avery! " bulyaw nito sa akin na ngayon ay pinagtitinginan na kami ng ibang tao kaya agad kong inilagay yung drinks na kinuha ko sa isang table at hinila siya palayo sa mga tao.
" Now what? " galit nitong sigaw sakin.
" Can you calm down? "
" How can i calm down? Alam mong may sakit ka Avery pero heto ka at nagpapaalipin sa kanya. " mariing sabi nito, hindi ko magawang mainis sa kanya dahil kapakanan ko lang naman ang iniisip niya.
" Farrah, okay lang ako. I can take care of myself. " sabi ko dito na halatang mas lalo siyang nainis.
" Okay fine, suit yourself. " mariing wika nito saka ako tinalikuran. Napabuntong hininga na lamang ako at naglakad pabalik ng garden nang may humarang sa akin.
" Jaycee! " masayang sigaw ko nang masilayan ang mukha nito, agad akong lumapit dito at niyakap ito. Natatawa naman siya sa ginawa ko.
" Hindi halatang namiss mo ako ha! " wika nito pagkakalas ko sa pagkakayakap.
" Anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko sa kanya pero agad kumunot ang noo nang mapasadahan ako ng tingin.
" Bat ganyan ang suot mo? " tanong nito, ang laki ng problema nila sa suot ko.
" ah, Jaycee! " hindi ko na natapos ang sasabihin nang may humiklas sa aking braso at hinila ako palayo, nilingon ko si Jaycee, akmang susundan kami pero sumenyas ako na huwag na siyang sumunod at baka magkagulo lalo.
" Let's talk! " mariing wika nito, kita ko ang galit sa kanyang mukha at tila bumabaon ang mga kuko nito sa aking balat.
Pahagis na binitawan niya ako nang makarating kami sa may gilid kung saan wala masyadong tao.
" Sinabi ko naman sayo diba, wag na wag kang makikipaglandian sa pammahay namin. " tiim bagang na sabi nito sa akin.
" Hin- "
" Saka inutusan kang kumuha ng drinks, tapos inuna mo pa ang pakikipaglandian mo dun. " sabi nito na hindi ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita.
" Kahit kailan talaga wala kana pinagbago, makati ka parin. Ito ang tandaan mo ha " wika nito at idinuro pa ang aking noo, napapikit na lamang ako ng mariin.
" Katulong lang kita at habang nasa poder kita, susundin mo ang lahat ng gusto ko. " wika nito saka ako iniwang mag isa. Naramdaman kong pumatak na ang luha kong kanina pa nagbabadyang pumatak. Nasasaktan ako, ibang-iba na siya sa dating Calix na kilala ko.
" Are you okay? " Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at agad nagpunas ng luha, i smiled.
" ah Yes! " sabi ko dito at napatingin sa maliit na umbok ng tiyan niya.
" You're pregnant? " tanong ko, she nodded. Nakaramdam ako ng inggit.
" You are? " tanong kong muli, ngayon ko lang kasi ito nakita.
" Zyrine Aguirre " sagot nito. I smiled when i heard her name, i know her pero sa pangalan lang.
" Oh, you're Zeus wife. " sabi ka, tumango naman ito. Kaya pala nababaliw si Zeus sa kanya dahil maganda ito.
" I'm Avery Scott " pagpapakilala ko saka nilahad ang palad at tinanggap naman nito.
" Bat hindi ka nakikihalubilo dun? " tanong niya, i smiled bitterly.
" Hindi naman ako bisita dito, hindi ako invited. " halatang nagtataka ito.
" Bakit naman? " tanong nito.
" Maid lang ako ni Calix " nakita kong napatingin siya sa sakin mula ulo hanggang paa na tila hindi makapaniwala.
" Zyrine, let's go! " narinig kong boses ni Zeus, napatingin kami dito.
" Avery? " gulat na tanong ni Zeus, ngumiti naman ako. Ang tagal ko naring hindi ito nakita. I know na maging siya ay may galit sakin.
" Andito ka? kumusta? " tanong ni Zeus.
" Yes, i'm with Calix and for the second question, i'm okay! " nakangiting sabi ko dito.
" So kayo na ulit? " tanong ni Zeus, umiling naman ako.
" I'm just his maid. " sabi ko nang may mapait na ngiti sa labi.
" What? " takang tanong ni Zeus.
" Sige, kailangan ko nang umalis. Baka hinahanap na ako nun. " sabi ko at nagmamadaling umalis. Ayaw kong mag explain, hindi ko rin naman alam kung ano ba ang sasabihin.
Naglalakad na ako patungo sa pwesto nila Calix na ngayon ay nagkakasayahan nang biglang may humila sakin sa isang gilid.
" Jaycee! " bulalas ko nang masilayan ang mukha nito.
" Now, explain! " mariin nitong sabi sakin, napabuntong hininga ako.
" I love him, Jaycee and you know that. Gusto ko lang siyang makasama at makuha yung kapatawaran niya. " tila hindi makapaniwala si Jaycee sa sinabi ko.
" Pinapahamak mo lang ang sarili mo, Avery. You're heart is too weak, hindi ka dapat nagtratrabaho ng mabibigat. And beside, alam mong malabong mangyari ang iniisip mong mapatawad ka niya hanggat hindi mo sinasabi sa kanya ang totoo. " tila frustrated nitong saad.
" I know, pero walang masama kung susubukan ko. "
" Avery, why don't you tell him the truth? Para naman maging maayos na kayo? " naiinis nitong sabi.
" Jaycee, i can't " sabi ko saka yumuko. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito.
" Hayaan mo na ako, i can take care of myself. "
" Damn it! You're so harheaded! " wika nito saka ako hinila at niyakap, i smiled. Mula noon hanggang ngayon, he was still my comfortzone.
" Just call me if you need help, okay? " he said, i just nodded.
" Tapos na ba kayo sa paglalandian? " nagulat ako sa nagsalita at agad naitulak si Jaycee.
" Calix! " saad ko, kita ko ang madilim nitong anyo at ganun din si Jaycee.
" I need my maid, oras pa ng trabaho niya. " wika ni Calix kay Jaycee na mas lalong ikinainis ni Jaycee at kita ko ang pagkuyom ng kamao nito.
" Ah, sorry Ca- " hindi ko na natapos ang sasabihin nang hilain niya ako papasok ng bahay at ipinasok sa tutuluyan kong kwarto, pahagis niya akong binitawan kaya napasalampak ako sa sahig.
" I already told you, wag kang makikipaglandian kapag nasa poder kita. " sigaw nito sa akin na halata ang galit nito.
" Ano, hindi kana makapaghintay? Kinakati kana? Sana sinabi mo sakin at ako na lang. "sigaw nito sakin, ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha.
" Hin- " hindi ko naituloy ang sasabihin nang hilain niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya akong bigla. Marahas ang paghalik nito na tila mapupunit ang aking mga labi, napapikit ako ng mariin at sinubukang tumugon sa mga halik nito at pinilit tiisin ang sakit. Naramdaman ko ang marahas nitong kamay na umakyat sa aking dibdib at nakaramdam ako ng sakit ng himasin niya ang aking dibdib na tila sinasadyang masaktan ako sa bawat pagdampi niya sa aking balat.
Napamulat ako nang huminto siya sa paghalik sa akin at mabilis akong tinulak na ikinabagsak ko sa sahig. Nasapo nito ang kanyang noo at parang kinurot ang puso ko nang makita ang tila pandidiri nito sa akin.
" Nakakadiri ka! Wag ka na lumabas, dito kana lang. Wala karin namang kwentang utusan. " saad nito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Hindi ko na pinigilan ang pagbagsak ng aking mga luha at ang aking paghikbi. Daha-dahan akong tumayo at humiga sa kama habang humihikbi.
Kasalanan ko rin namam kung bakit siya nagkaganito. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko at hinding hindi ko yun ipagtatapat sa kanya.