Napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kama nang bumukas ang pintuan, agad akong napangiti nang makita kung sino ang nagbukas nito pero ang matamis na ngiting ipinaskil ko sa aking mga labi ay awtomatikong nawala nang mapagtanto kong hindi siya nag iisa at may kasama itong babae.
Ito yung babaeng kausap niya kanina at nakaakbay siya rito, kitang kita ko naman ang malawak na ngiti ng babae. Tumingin lamang siya sa akin at saka ngumiti ng nakakaloko, kasabay nun ay ang pagsara ng pinto at mahinang pag click nito, indikasyon na inilock na niya ang pintong iyon.
" Why is she here? " tanong ng babae habang nakatingin sa akin at nakataas ang kilay.
" Don't mind her, she's just my maid. " nakangising sagot ni Calix.
" Hey, b***h alis dyan. " mataray na utos sa akin ng babae na hindi ko magawang irapan dahil nakatingin sa akin si Calix. Kaya tumayo na lamang ako at lalabas na lang.
" At saan ka pupunta? " kunot noong tanong ni Calix bago ko pa mabuksan ang pinto.
" Sa labas na lamang ako. " sagot ko rito na hindi lumilingon dahil ayaw kong makita kung paano niya hawakan ang babae.
" Dito ka lang, dyan kana matulog sa couch. " mariing utos nito.
" Kahit sa sa- "
" Susunod ka sa gusto ko o aalisin kita bilang maid ko? " napapikit ako ng mariin sa sinabi nito. Anong gusto niya? Makita ko ang gagawin nilang dalawa?
Agad akong naglakad patungo sa couch at umupo dito. Napatingin ako kay Calix at nakangisi itong nakatingin sakin pero hindi pa man nagtatagal ay lumingon siya sa babaeng kasama niya at napaiwas ako agad ng tingin nang sunggaban niya ito ng halik.
Parang piniga ang puso ko, marahil ay ganito rin ang nararamdaman niya nang makita akong may kasamang lalaki sa kama. Muli akong lumingon sa kanila nagbabakasakaling tapos na silang maghalikan subalit mas lalo lang akong nasaktan dahil sa nakita. Maalab na hinalikan ni Calix ang kasamang babae na tila ba wala ako dito sa loob ng silid.
Nakita kong itinaas na ni Calix ang damit ng babae, naramdaman ko ang pangingilid ng aking mga luha. Tanging bra at panty na lamang ang suot ng babae at kitang kita ko ang magandang hubog ng katawan nito na kahit sino ay maaakit talaga.
Umiwas ako ng tingin at nagpasyang humiga sa couch patalikod sa kanila kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
" Lights on or lights off? " narinig kong tanong ni Calix sa babae na ikinatawa nito ng marahan.
" Lights off " sagot ng babae at agad naglakad si Calix upang patayin ang ilaw.
Ano bang nangyayari kay Calix? Akala ko ba mahal niya ang fiancee niya? Ikakasal na sila, paano niya to nagagawa?
Rinig ko ang tawanan nilang dalawa nang mahiga sila sa kama, sinapo ng aking kamay ang aking bibig upang pigilan ang paghikbi.
Hindi ko na alam kung ano ang tatakpan ko, ang tenga ko na naririnig ang bawat ungol at daing nila o ang bibig kong pilit nagpapakawala ng mga hikbi. Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking puso na tila kakapusin na ako ng hininga. Agad kong kinapa ang aking bulsa at kinuha ang gamot at pilit itong linunok. Lagi akong may bulsa-bulsang gamot dahil narin sa bilin palagi ni Jaycee.
Rinig na rinig ko ang bawat pagngitngit ng kama at ang pagsasalpukan ng kanilang katawan kasabay ng mga ungol at daing. Hindi nagtagal ay humupa na ang ingay nilang dalawa at tahimik na natutulog samantalang ako ay walang patid sa pag iyak. Ganito pala kasakit na masaksihan mo yung taong mahal mo na nakikipaglaro ng apoy sa iba. Well, deserve ko naman to dahil sa ginawa ko sa kanya.
Maliwanag na nang magising ako at agad akong napatayo upang tignan ang oras. Alas otso na pala ng umaga, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Napatingin ako sa salamin at kitang kita ko ang pamamaga ng aking mata. Agad akong kumuha ng damit at naligo saka nag ayos.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at napayuko ako nang pumasok si Calix na nakangisi habang nakatingin sa akin.
" Sumunod kana sa baba at aalis na tayo. " malamig na sabi nito at tumalikod na, agad naman akong sumunod dito.
Sa byahe ay walang kaming imikan, tahimik lamang akong nakatanaw sa bintana.
Minsan hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganito ang tadhana. Pagtatagpuin kayo pero darating at darating ang oras na paghihiwalayin din kayo. Na minsan kahit anong pilit nating ibalik yung dating saya, hindi na maibabalik pa. Swerte na lang talaga pag binigyan kapa ng ikalawang pagkakataon.
" Ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Bumaba kana! " Nagising ako sa pagmumuni-muni dahil sa sinabi nito at agad akong bumaba ng kotse.Nakarating na pala kami sa bahay.
" Magluto kana, nagugutom ako. " wika nito pagkapasok namin ng bahay at kaagad umakyat sa kanyang kwarto. Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga at pagkatapos ay idinala ko ang mga gamit ko sa aking kwarto at nagluto.
Pagkaluto ko ay nagtungo ako sa kanyang kwarto, akmang kakatok na ako nang pumailanlang sa buong bahay ang boses nito.
" Hindi ako kakain, ikaw na lang ang kumain. " sabi nito kaya bagsak ang aking balikat na nagtungo ng kusina. Nakakalimang subo lang yata ako, dahil narin sa wala akong gana. Paulit-ulit parin kasing bumabalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kagabi.
Pinilit kong libangin ang aking sarili upang makalimutan ang nangyari. Naglinis ako ng bahay kahit na halos wala namang lilinisin dito. Napatingin ako sa aking cellphone nang may tumawag dito.
" Hello! " bungad ko nang sagutin ko ito.
" Avery, gusto ko lang sanang kumustahin ka. Nag alala kasi ako kagabi, okay ka lang ba? Hindi na kasi kita muling nakita pa kagabi. " halata sa boses nito ang pag aalala.
" I'm okay Jaycee, salamat sa pag aalala. " ngumiti ako ng pilit na animo'y nakikita nito.
" Glad to hear that. By the way, kelan ka pwedeng lumabas? " masayang tanong nito.
" Ahm.. sa Sunday pa ang off ko e. "
" Okay, puntahan na lang kita sa condo mo. " masayang sabi nito na tila excited kaya napangiti ko.
" Sige, siya nga pala. Nakausap mo na ba si Farrah? " malungkot kong tanong, napabuntong hininga naman ito.
" Hindi pa pero hayaan mo kakausapin ko siya, wag kang mag alala dun. Hindi ka naman niya matitiis, baka nag away lang ulit sila ni Zane dahil sa annulment. "
Mas lalo akong nalungkot sa sinabi nito, talagang desidido na si Farrah na makipaghiwalay. Kung sabagay, naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niya. Dahil ako mismo naramdaman kagabi kung ano yung feeling kapag nasaksihan mo yung taong mahal mo na may kasamang ibang babae.
Ang gago rin kasi ni Zane, kahit na lasing na lasing siya hindi parin sapat na dahilan yun para mag uwi siya ng ibang babae sa bahay nila.
" Talaga bang ayaw nang bigyan ni Farrah ng second chance si Zane? " tanong ko dito.
" Ayaw na e, wala tayong magagawa dun. Irespeto na lang natin ang desisyon niya dahil alam naman natin kung gaano kasakit para sa isang tao na makita yung taong mahal mong may kasamang iba. " malungkot nitong sagot, i sighed.
" Tama ka, napakamapagbiro talaga ang tadhana. " narinig ko ang marahang pagtawa nito.
" Yes, napakamapagbiro niya. " makahulugang wika nito, kaya natawa na lang din ako.
" So pano? Kita na lang tayo sa Sunday? "
" Yeah sure. "
" Bye, Ave. Mag iingat ka dyan, tawagan mo ko pag kailangan mo ko. " napangiti ako sa sinabi nito lalo na sa pagtawag niya sakin ng Ave. Siya lang kasi ang tumatawag sakin niyan.
" Bye, Jaycee. " paalam ko dito.
Minamalas man ako sa pag ibig, maswerte naman ako sa mga kaibigan ko.