Episode 8

1091 Words
" Saan ka pupunta? " takang tanong ni Calix nanG makita ako at nakadamit ng panlabas. Nakaupo ito sa sofa at nagbabasa ng dyaryo. Maaga akong nagluto kanina pero hindi ko na siya tinawag para kumain dahil hindi naman siya nakain dito. Linggo ngayon at walang pasok ito. " Ahm.. magpapaalam sana ako, day off ko ngayon diba? Balak ko sanang lumabas at icheck yung condo ko. " sagot ko dito. " Walang aalis. " mariing sabi nito na hindi man lang ako sinulyapan. " A-akala ko ba off ko pag linggo? " takang tanong ko dito. " I change my mind, total wala ka namang masyadong ginagawa dito sa bahay i decided na wala kanang day off. " " Pero ka- " " Kung ayaw mo, bukas ang pinto sa pag alis mo dito sa pamamahay ko. " putol nito sa sasabihin ko kaya napabuntong hininga na lamang ako. Umakyat akong muli sa aking kwarto at nagbihis. Pababa na sana ako nang magring ang cellphone ko, kinuha ko ito at sinagot. " Hello! " bungad ko dito. " Avery! Asan kana daw? Hinihintay ka namin ni Jaycee kasama si Farrah. " " Zane, sorry. Hindi ako pinayagan ni Calix e, pakisabi na lang sa kanila. " malungkot na sagot ko dito. Nakakainis naman kasi tong si Calix, balak ko pa namang kausapin si Farrah. " Bakit daw? " takang tanong ni Zane. " Aywan ko dun sa pinsan mo. " sahot ko dito na ikinatawa niya. " Baka naman, gusto ka niyang masolo. "pagbibiro nito. " Hay naku Zane, sana nga ganun kaso alam naman nating pareho na malabo pa sa sabaw ng pusit na mangyari yun. " Narinig ko ang marahang pagtawa ni Zane. Speaking of pusit, allergy siya dito pero nakakapagtaka na kumakain siya nito. " Zane, siya ng pala. Diba, allergy si Calix sa seafood? " tanong ko dito. " Oo, bakit? " " Nung nagpunta kasi dito si Zenaida, sabi niya favorite nila ni Calix ang seafood. Nagtaka nga ako e, kasi sa pagkakaalam ko allergy siya dun. Then, nagulat ako dahil noong kumain kami, kumain talaga siya ng seafood. Halos sila ng nakaubos e. " kwento ko dito. " Hmm.. I think uminom siya ng gamot pangontra sa allergy. " sabi naman ni Zane. " E, bakit sabi ni Zenaida favorite daw nilang dalaw yun? Diba dapat alam ni Zenaida na allergy siya? Bakit kailangan niyang ilihim? " curious kong tanong. " I think, sinabi lang ni Calix na favorite niya yun dahil favorite ito ni Zenaida. And for sure, may tinitake siyang gamot tuwing kakain sila. Ganun niya kamahal si Zenaida. " Tila may kumurot sa aking puso nang marinig ang sinabi ni Zane. Mahal niya si Zenaida? Pero ano yung ginawa niya dun sa party ng mama niya? Nakipagtalik siya sa ibang babae. " Avery? " " Oh, sorry! Sige na, baka magalit na naman si Calix e. " paalam ko dito. " Sige, tawag ka lang pag may kailangan ka ha! " sabi nito. " Sige! " sagot ko at ako na ang pumatay ng tawag. Naguguluhan na ako kay Calix. Pero sa nalaman ko, mukhang mahal na nga niya si Zenaida. Imagine, handa siyang magsinungaling para masabayan ang gusto ni Zenaida. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Calix na nasa sala parin at abala sa kanyang cellphone. " C-calix... " tawag ko dito. " Oh? " tanong nito na hindi man lang ako nilingon. " Diba, allergy ka sa seafoods? " diko napigilang tanungin ito, napatingin naman ito sa akin pero sandali lamang at bumalik muli ang mga mata sa kanyang cellphone. " Yes! " maikling sagot nito. " Kung ganun, bakit ka kumakain ng seafood? " muling napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo. " Anong pakialam mo? Diba sabi ko sayo, wag mong pinapakialaman ang mga ginagawa ko? " inis na sabi nito, nakagat ko na lamang ang aking lower lip. " Sorry! " sagot ko dito at tumalikod na upang magsimulang maglinis. " Mahal mo pa ba ako? " agad akong napalingon sa kanya dahil sa tanong niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, pero wala itong reaction. " Ano? " untag nito. " Ha? Ah " i bit my lower lip and nodded. Wala namang mangyayari kong ililihim ko pa sa kanya. " Pwes itigil mo na yan, dahil wala kang mapapala sa pagmamahal sakin. " wika nito saka tumayo at naglakad, binangga pa nito ang aking braso nang mapadaan siya sakin at nagtungo sa kanyang kwarto. Sana ganun kadali, bilulong ko sa aking sarili. Hindi na ako iiyak, dahil pagod na ako. Ilang taon na akong umiiyak sa tuwing namimiss ko siya noon. Nakakapagod din! Pero hindi ko siya susukuan. Nagsimula na akong maglinis, at nagluto ako ng tanghalian pagkatapos. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi siya kumakain dito kaya ako lang ang kumain. Nagtataka na nga rin ako kung hindi ba ito nagugutom. Hindi nagtagal ay lumabas ito at nakabihis ng pang-alis. " Aalis ako, lock the house baka gabihin ako. Wag kang magpapapasok ng kahit sino. Namomonitor kita. " sabi nito at dali-daling umalis ng bahay. Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa buong bahay. Ang lungkot pala mag isa dito, sobrang tahimik. Ganito rin siguro siya kalungkot kaya halos hindi siya umuuwi minsan. " Alexa, turn off the house! "rinig ko ng pagsara ng buong bahay at pati mg ilaw. Nagtungo ako sa aking kwarto at nahiga sa kama. Nagring ang aking cellphone at agad ko itong inabot. Napabuntong hininga ako nang makita kung sino ang tumatawag. " Yes doc? " bored kong tanong dito. " Oh my god, Avery. Kanina pa ako tumatawag, finally sinagot mo rin. " reklamo nito. " Bakit na naman ba? " inip kong tanong dito. E kasi, alam ko kukulitin na naman lang ako nito. " Gusto lang kitang paalalahanan na paunti na ng paunti ang tiyansa mong mabuhay. Avery, pag isipan mo sana. Tandaan mo, laging nasa huli ang pagsisisi. " sabi nito. " Okay! " sagot ko dito at pinatayan na siya ng cellphone. She's my doctor at para ko naring bestfriend. Mula kasi nang magpacheck up ako sa kanya, naging close na kami hanggang ngayon. Naiinis lang ako sa kanya dahil palagi niya akong kinukulit. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang aking sintido. Kung mamamatay ako, masay akong mamamatay dahil sa wakas may mnagmamahal na kay Calix at mahal niya rin ito. Sana nga lang ay hindi na mangyari muli s kanila ang nagyari sa amin. SANA!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD