Nasa condo lang ako nagmumokmok, hanggang ngayon walang alam sila mama at papa sa mga nangyayari sakin. Ilang araw na akong tulala at puro iyak, kung nahirapan at nasaktan ako sa nangyari samin noon mas lalo na ngayon. Nasa sofa lamang ako nakahiga at nakatitig sa kisame habang ang mga mata ay magang-maga na kaiiyak. Nang biglang may nagdoorbell, napaisip ako kung sino ito. Kunh si Jaycee man ito ay wala akong balak pagbuksan. Siya lang naman ang pwedeng magpunta dito dahil si Farrah nasa probinsya pa. Tamad akong tumayo nang hindi ito tumigil sa pagdoorbell. Naglakad ako patungo sa pintuan at binuksan ito. Pero ganun na lamang ang gulat ko nang biglang may yumakap sakin. " I f*cking missed you! " bulong nito, napalunok ako hindi malaman ang gagawin. " A-anong ginagawa mo dito? " t

