Avery " Love.. " napalingon ako kay Calix, bumalik na kami sa bahay niya. Hindi siya pumasok sa trabaho at dito na siya nagtratrabaho. Kasalukuyan kaming nasa cinema room at nanonood. " Hmm? " tanong ko, kita kong seryoso ang mukha nito at tila may malalim na iniisip. " Gusto kong magpaopera ka. " sabi nito na ikinagulat ko, napalunok ako. " You know? " tanong ko, kita ko ang lungkot sa mga mata niya at halatang pinipigilang umiyak. " Yeah! " sagot niya at nag-iwas ng tingin. " I can't Calix. Hindi ako magpapaopera hangga't hindi ko nasisigurong mabubuhay ang anak natin. " sabi ko saka hinaplos ng aking tiyan. " Pero Avery, hindi mo kakayanin ang manganak at mas magiging delikado na sayo kapag pinatagal pa ang operasyon. " mariing sabi ni Calix. " I know, pero Calix sana maintindih

