Avery Maagang umalis si Calix at may business meeting daw ito, dumating narin yung makakasama namin dito sa bahay kaya ako na lang kumausap at binilin ang dapat gawin, tapos tinuro ang magiging kwarto niya. Yung black room kasi pinaayos na ni Calix at pinatanggal na ang mga nakalagay na gamit roon, para maging kwarto ni Manang Merna. Siya yung makakasama namin dito, pinagpahinga ko muna at galing pa siya sa byahe. Dumating ang mga magsusukat sakin, pinamili rin nila ako ng wedding gown design tapos singsing. Napapasimangot akong pumipili dahil mas gusto ko sana kung dalawa kami ni Calix na pumili e, kaso busy naman siya. Inabot kami ng alas onse ng umaga sa, nagpasya akong puntahan si Calix sa opisina niya. Nagbilin na lang ako kay Manang Merna na kumain na siya doon at may pagkain nam

