Halos isang oras din yata akong nagbabad sa bathtub bago nagpasyang umahon. Paglabas ko ay siyang pagpasok naman ni Calix ng kwarto, ibig sabihin ganun din sila katagal nag usap. Hindi niya ako tinapunan ng tingin, kinuha niya ang laptop at naupo sa couch. Hindi ko na lang pinansin at nagbihis na lamang ako, wala rin naman akong karapatang magalit at magreklamo. Nagsuot lamang ako ng highwaist short at simpleng t-shirt. Hindi ko masyadong gusto ang dress, minsan lang ako magsuot nun. Pagkatapos ay inilugay ko lamang ang aking mahabang buhok at hindi na nag abalang maglagay ng kahit ano sa mukha. Wala naman ibang tao dito kundi kami lamang. Inilagay ko yung cellphone ko sa aking bulsa. Sinulyapan ko ito at kumunot ang noo ko nang mapansing hinahaplos niya ang kanyang puson, bakit kaya?

