CALIX POV Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ko kay Avery at inabot ang cellphone ko sa bedside table. " hello " Bungad ko nang sagutin ko ito. " Ah, sir nacancel ko na po lahat ng meetings niyo for 3 days. Sinabi ko narin na nasa bakasyon ka. " balita ng aking secretary na si Jon. " Good, thank you! " " Welcome sir, mag enjoy kana lang muna dyan. Akong bahala dito. " masayang sabi nito kaya napangiti ako, matagal ko narin naman siyang secretary at siya ang pinagkakatiwalaan ko ng lahat. " I will, salamat Jon. " Malaki ang pasasalamat ko rito dahil kahit palaging masama ang mood ko, kahit magagalitin ako ay hindi siya umalis sa tabi ko. " Welcome sir, bye.. " paalam nito. " Bye.. " pagkasabi ko nito ay pinatay ko na amg tawag at

