tama si shin mahirap ang pagtratrabaho namin ni Mary anne sa club lalo na ang trabaho ni Mary anne kung Saan nakikipagusap sya sa guest na pwedeng mabait at pwedeng May masamang pakay din , pero anong magagawa ko ? Di ko alam kong San ako nagtratrabaho lalo nat di ako Japanese tu lad nila , sa Tulad kong pinoy ang magtrabaho at kumita ay sapat na para matugunan ang pangangailangan ng pamilya ko , Hindi ko to ginagawa para Lang sa sarili ko kundi para sa kinabukasan namin ng pamilya ko mahirap man tulad ko ang rason din ni Mary anne para sa kapatid nyang si rika kelangan nyang maghanap buhay ''bulong ni elly sa sarili ng mapatingin kay Mary anne
Tumahimik muli si elly at napansin ni shin dahil sa sinabi nya ''Elly pwede ko bang mahiram ang phone mo ?'' Tanong nya ng lumingon kay elly at insngat ang kamay
''Ha ? Bakit ?ng inilagay ni elly ang cellphone mula sa side bag
'Agad na kinuha ni shin ito at May pinindot doon at matapos ay ibinalik nya '' ito elly tawagan mo ko or itxt mo ko kapag May masamang mangyari or Kung May lalaking sumunod Sanyo ni Mary anne ''sabi ni Shin sa kanya
''Ha ?pagtataka ni elly ng makita sa phone book ang number ni SHIN sa cellphone nya na nakafast dial sa number 1
"binigay nya number nya sakin ,omg magiging txmate kaming dalawa "biglang namula sielly ng nakatingin sa cellphone
Agad namang bumukas ang elevator ng makarating sila sa floor nila muling inalalayan ni elly ang likod ni shin
Habang naglalakad sila nakasalubong nila ang kapatid ni shin si AKIRA MATSUNA , ka edad ni rika na nagtataka ng makita pasan ng kapatid si mary anne , nakaheadset ito at nakikinig mula sa cellphone matangkad sa kapatid at May itim rin itong buhok at cute din tulad ni shin , tinawag ito ni shin at agad na pinagtulungang akayin sa magkabilang kamay ni Mary anne at ipinasok sa loob ng bahay nito
AKIRA MATSUNA
16 years old
Feb 26/ province of Sapporo
High school student classmate of rika
Suplado / serious /unapproachable
Youngest brother of shin
Nagtataka naman si rika at agad na lumapit sa ate nya ng inihiga sa sofa nila ''Ate Ate anong nangyari bakit tulog sya ? Nalasing na naman sya ? Sinabi ko na sa kanya wag ng magpakalasing ,Ate Ate kainis ka Ate '' nainis na si rika na nagaalala sa kapatid ng hinahampas sa braso
Umungol naman si Mary anne at bahagyang gumalaw at Nagiba ng pwesto
'' Salamat kua Shin sa tulong nyo , matagal na din di nalalasing yang si ate , pasensya na talaga '' pagpapasalamat ni rika sa kanila
'' okay lang rika , pagbawalan nyo nalang sya ulit wag malasing masyado '' nakangiting sabi ni shin habang nasalikod ang seryosong kapatid nito
''Minsan nyang ginagawa eh halos araw araw kong nakikitang lasing yan si Mary anne tska iba iba pang lalaki kasama sa susunod hayaan nyo syang matulog sa kalsada ''sabi ng seryosong si AKIRa na nagpagulat kay elly at nagpatahimik kay rika
''Ano ka ba wag ka ngang ganyan magsalita kay rika di ka marunong gumalang kay Mary anne matanda sya sayo '' sabay batok sa kapatid na si akira at inipit ang leg sa braso nagpupumiglas naman ito
''Aray kua ang sakit , totoo naman ang sinabi ko ahh ,, pasaway talaga yan si Mary .... Ann ''nahihirapang magsalitang si akira
''Pasensya na kayo sa kapatid ko ahh tumahimik ka '' sabay takip sa bibig nito ''alis na din kami sige magpahinga na kayo elly alam kong wala ka pang tulog sige ,, sabay talikod ni Shin habang hawak ang kapatid
Nagkatinginan sila elly at rika '' kapatid ba talaga ni Shin yon bakit ganon ugali nya ??' Tanong ni elly kay rika
Ganun talaga ugali ni akira , palagi nga silang nagaaway ni Ate ehh kapag nagkikita sila '' paliwanag ni rika sa kanya
Talaga ,'' nang mapatingin si elly sa jacket na pinahiram kay Mary anne agad nyang kinuha ito at inihabol kay shin na kalalabas lang
Shin, shin , jacket mo pala salamat ''habol ni elly , nakita nyang naunang naglakad ang kapatid nito
'Ahh sana kahit bukas mo nalang sinoli pero salamat , halika dito akira , ''ng lumapit si akira sa kapatid at tumingin kay elly ''kapatid ko pala si akira , sya si elly pilipino syang kaibigan nila Mary anne batiin mo sya , sabi ni shin sa kapatid
Kamusta akira , ako pala si ell,,, '' naputol si elly ng magsaita si akira
''Ahh ikaw pala ung nagbigay ng cupcake na 10 beses na nababanggit ng kapatid ko , alam mo di kasi mahilig si kua sa matamis kaya ako nalang ang umubos lahat ng binigay mo a '' agad na binatukan sya muli ni shin at tila Nahiya si shin
''Bwisit na bata to ahh , malayo ang ugali nya kay Shin kainis , May pagkabastos din to ah relax ka lang elly wag mong patulan bata pa ,, bulong ni elly sa sarili na pinipilit ngumiti
''Ikaw tumahimik ka nga dyan akira ......Amm pasenxa ka na sa kapatid ko Ahh ''nahiyang sabi nya agad nya pinapasok sa bahay nila at isinasara ang pinto na pilit binibuksan ni akira
Pinigil ni elly ang inis ''ahh naku okay lang ganyan talaga mga teenager ngayon medyo expressive ''ng pilit ngumingiti si elly
Sorry talaga elly , ma sarap talaga yung cupcake , ''mabilis na sabi ni shin na nahihiya kay elly
''Ahh okay lang shin totoo bang di ka mahilig samatamis sa bagay kahit ako din di rin ako mahilig sa matamis dahil madalas nauumay ako ,hehehe '' sabi ni elly ng ngumiti kay shin
pasensya ka na talaga elly sa kapatid ko , medyo di ko mahilig samatamis kasi nawawala panlasa ko pag nagluluto ako , sorry talaga ,pero kumain parin naman ako ng konti "nahiyang sabi ni shin kay elly na pinagaan ang kalooban ni elly
"ahh wala yon noh di mo naman kelangan pagpilitan kainin kung ayaw mo talaga , ayos lang yon ang mahalaga naibigay ko iyon sa inyo at least nakain din naman ni akira hehe next time ibang food nalang ang ipapatikim ko sayo "sabi ni elly ng mapansin ang pagkahiya ni shin
"ahh sige gusto ko sanang matikman din ang ibang dishes ng pilipino cuisine mukha kasing masasarap din baka pwede ko ring lagay sa menu ko sa restaurant "nang mabuhayan ng loob si shin at muling ngumiti kay elly at nagkainterest sa kwentuhan nila
Nang biglang bumukas ang pinto at sumingit sa kanila si akira
' Elly san... kung May gusto ka sa kapatid ko wala kang pagasa sa kanya Dahil maraming magagandang babaeng nagkakagusto sa kanya isa pa di ka type ni ku.......'' sigaw ni akira kay elly ng humarap si elly
''Tumahimik ka na sabi akira ''agad na tinakpan ni shin ang bibig nito
Nairita si elly sa sinabi ni akira '' talagang inuubos ng lalaking to ang pasensya ko ahh kung di ka lang talaga kapatid ni shin mmm titirisin kitang parang kuto,ano bang nasa isip ng kapatid nya bakit nasasabi nya sakin yon di kaya nagseselos sya dahil sa kinakausap ko si shin kainis '' bulong ni elly sa sarili
''ammm naku wag kang magalala akira malabong mangyari yon dahil magkaibigan lang kami ni shin ,tsaka bago lang ako dito sa lugar nyo naghahanap lang ako ng trabaho ''pilit na ngumingiting si elly na umuusok ang ilong
Natigilan naman si shin at akira agad na pinapasok at muling isinara ang pinto at sinandalan nya upang di na muling magbukas
''Elly sorry sa kapatid ko ahh medyo mahilig talga sya mangasar lalo na sa mga babae , pero mabait naman sya,lkung may problema ka maasahan mo kami ,itxt o pumunta ka lang sa restaurant tutulungan kita ''kumakamot sa ulo si shin na nahihiya ng husto kay elly
''Ahh okay lang shin ,,, sige ... sabi ni elly ng humabol sa kanya si shin at naglakad patungo sa kanya
''Sandali Amm elly mga anong oras break nyo mamayang gabi ?? Tanong ni shin
''Ahh mga 1 am siguro or 2 bakit?? Pagtataka tanong ni elly
''Ahh wala naman sige byebye ''agad na umalis si shin at nagpaalam sa kanya
''Kakaiba din tong magkapatid na to ahh '' bulong ni elly ng makapasok na sa loob ng bahay nila Mary anne , nakahiga parin ito habang si rika naman ay naghahanda sa pagpasok ''Ate elly Aalis na ko kanina pa ko late ate kaw na lang muna bahala kay ate slamat '' mabilis na lumabas si rika
Bumuntong hininga naman si elly ng makita si Mary Anne . ''Halika Mec dun ka na sa loob ng kwarto matulog ''gising ni elly
Laking gulat ni elly na agad bumangon si Mary anne ''gising ka na pala ''malakas na sabi ni elly
''Aray sakit ng ulo ko , umalis na ba si rika ''nakangiting agad na lumapit sya kay elly
''Ahh Oo sandali kanina ka pa gising ?'' Pagtataka ni elly na wala na ang pagkasing nito
Tumango lang si Mary anne ng nakangiti ''Wag mong sabhin ikaw !'Mec !'' Sabi ni elly ng nanlaki ang mata kanina pa pala gising si Mary anne sila ng paakyat sila ng apartment
''Sorry na elly gusto ko kasing magkaroon kayo ng bonding ni shin , kinikilig nga ko kanina pero pinipigil ko talaga ang hirap pala '' tumawang malakas si Mary Ann e
Ikaw talaga Mec kanina pa hirap na hirap nagbuhat sayo si shin masakit na katawan nya sa pagbubuhat sayo nakakahiya nga sa kanya'' nang bahagyang pinapalo si Mary anne na malakas parin ang Pagtawa
''Sori na elly kasi kapag nagising na ko di kayo makakapagusap ni shin kasi alam kong naiilang din sya sakin tska ano pwede na sya ha ?? Boyfriend material ba ? Parang narinig ko pa nga na binigay nya number nya sayo eh... txt mo xa ngayon sigurado akong reply agad sya sau Dali '' nakangiting si Mary anne ng hinawakan sa braso si elly at inaalog sa kilig
''ikaw talaga Mec !!'' Lakas mo talagang magtrip , di ko sya pwedeng itx Mec ang sabi nya sakin imassage ko daw sya pagmay mangyaring masama ayokong madisturb sya '' sabi ng seryosong si elly
''Ano ka ba elly , mabait si shin tska sa tagal naming nakatira dito parang di ko pa nabalitaang nagkaroon sya ng jowa aminin mo na kasi sakin kanina kinilig ka sa concern nya , sabi pa nga nya nagaalala daw sya satin eh ''kulit ni Mary anne ng sundan si elly papunta sa kusina
'' ang kulit mo talaga Mec , kahit naman na magkacrush ako sa kanya di naman ako magugustuhqn ni shin kasi di ako kasing Ganda mo tska Japanese dn sya ako pinay ''sabi ni elly kay Mary anne habang naghahain ng pagkain para kay Mary anne
' e di inaamin mo rin sakin na crush mo nga si shin , wag mong maliitn kagandahan nating mga pinay remember pang miss universe peg natin , tska pano mo malalaman kung di mo susubukang maging malapit sa kanya ,sa pagakaibigan naman nagsisimula ang lahat ahh''muling lumapit si Mary anne at hinawakan sa baba si elly
''Alam mo Mec mas bagay pa kayo kesa sakin , baka nga ikaw pa ang magustuhan ni Shin '' sabi ni elly ng umupo
'' hahahahaha si shin magkakagusto sakin ano ka ba ? Ni di nga nya Binibigay number nya sakin ? Kaya nga kinilig ako ng ibigay nya number nya sayo eh , tska malabo talaga kaming dalawa dahil di ko sya type at May mga boyfriend na ko '' tawang tawang sabi ni Mary anne habang kumakain
'' ah basta Mec okay Lang na ganito na kaibigan or kapitbahay kami , kasi ayoko din lg magassume sa kabaitan nya , bahala na si lord kung sino gusto nyang maging partner ko ''nakangiting sabi ni elly sa kaibigan
''Hay naku elly , basta ako team shin ako hehehe , tutulungan kita maging close pa lalo kayo , pag magkatuluyan man kayo , di ka na magugutom sa kanya dahil May sarili syang business , gwapo , mabait ,responsable masipag at yummy pa magiging citizen ka na din dito sa Japan at di ka na mamomoblema sa paguwi ng pinas , pwede mo pang makuha family mo '' biro ni Mary anne habang tumatawa
' napakaadvance mo talaga magisip Mec wala pa ngang nangyayari sayo ang dami na, ''tumawa lamang si elly sa biro ni Mary anne
Matapos nilang kumain at bahagyang maglinis ay natulog sila para makapagpahinga dahil May pasok muli sila mamayang alas 5 ng hapon hanggang umaga ulit
Habang sa bahay naman ni shin bago pumasok ang kapatid nya ay nagtalo sila tungkol kay elly
''Akira bakit ganun ka makipagusap kay elly ? Mabait si elly ,nakakahiya sa kanila kalilipat lang nila dito baka kung anong isipin nila tungkol satin ''pinagalitan nya si akira
''Kua shin bakit ka ba kasi nakikipagkaibigan sa mga pinay na yon , mukhang pera naman sila kaya nga sila magtrabaho sa club eh pare parehas lang sila '' seryosong sabi ni akira na nakaharap sa kapatid na tila May Sama ng loob
'' tumigil ka nga !! Di kita pinapaaral para mambastos ng kapwa mo ! Sigaw ni Shin sa kapatid na natigilan
'' ngayon pinagtatanggol mo na sila , e di ba dati galit na galit ka sa mga babaeng nagtratrabaho sa club at mga hostess bakit ngayon , wag mong sabihin dahil naakit ka din sa kanila,tumutulad ka na sa mga lalaking mahilig sa mga babaeng bayaran ''seryosong sabi ni akira ng nakatitig sa mata ng kapatid
''Akira !!! Sigaw ni Shin sa kapatid ng manlaki ang mata sa sinabi nito at galit man sya di nya magawang saktan ang kapatid na hinawakan nya sa damitna napasandal sa pader
agad na patabog na inalis ni akira ang kamay ni Shin at matalim na ngumiti '' kua nakakalimutan mo na ata ang naging buhay natin dati , sige hahayaan kita sa gusto mo , pero Wag ka lang magsisisi sa Huli ', sige kua aalis na ko magingat ka sa pagpasok mo sa trabaho mamaya '' ng humawak si akira sa ulo bandang taenga ni Shin
Huminahon naman si shin na nakayuko lamang sa sinabi ng kapatid , agad na lumabas si akira ng makasalubong si rika pero di nya ito pinansin sa halip ay deredretso lang papunta ng elevator humabol naman si rika pero tahimik lang dahil alam nya ugali ni akira , hanggang sa makasakay sila ng bus patungo sa school
Naiwan si shin na natulala habang naghuhugas ng plato sa kusina maaliwalas ang loob ng apartment nila puti at brown ang motif ng loob malinia at maaliwalas May mga picture sa May malapit sa tvhan mula ng bata pa sila hanggang sa lumaki May picture sila ng kanilang ama pero wala ng kanilang nanay
Matapos makapagligpit si shin tumungo sya sa kwarto nya , May maliit ng lamesa at kama at small bookshelves, umupo sya sa Kama nya at May kinuha na itim na shoe box ilalim ng kama
Binuksan nya Ito at may sunog na picture sya ng isang babaeng May karga ngbaby lalaki na si akira at sa gilid nya ang 5 years old naman na si shin , makapaldang puti at jacket ang babaeng may mahabang buhok . Ito ang ina nila Shin
'' ma , ngayon unti unti ko ng naiintindihan kung bakit mo nagagawang lahat nang iyon sa amin ni akira , sori kung Di man lang kita nadamayan kahit hirap ka na '' bulong ni Shin sa picture ng malungkot syang tumingin dito
Noong nag elementary at high school si shin kasama nila ang kanilang ina , nagtrabaho ito sa club bilang entertainer upang matugunan ang pangangailangan nila pero Hindi ito matanggap ng kanilang ama na nagtratrabaho sa kainan , kaya nakipaghiwalay ito sa kanyang ina , simula NooN naligaw ng landas si shin at nabarkada sumali sya sa gang at nagpatatoo sa kanyang likod ng isang snake dragon , sinisi nya ang kanyang Ina dahil sa pagtratrabaho nito sa club
Minsan pa ng umuwi ang kanyang Ina mula sa dating luma nilng bahay
Nag sama ito nang lalaki naiwan si akira sa bahay. sya ay elementary student palamang , sadista ang lalaking naghatid sa kanyang Ina at nakita nya itong sinasakal dahil sa Pagtatalo nila ,
''Sinabi ko na sayo na wag ka ng sasama sa iba ako lang ang samahan mo bakit nakita kong sumama sa lalaking yon ,ha...........''sabi ng lalaking nanlilisik ang mata na nasa edad 40 pataas na sakal ang ina nila shin na nakahiga sa lamesa habang magulo ang gamit
Sumigaw si akira '' okasan........ikaw wag mo syang saktan '!!!! tinulungan ni shin ang ina at kinagat sa braso ang lalaki ,
''Akira aki!!! Tumakbo ka na Dali umalis ka dto !!! Sigaw ng ina nila na mahirapan sa pagkakahinga habang hawak ang leeg
nabitawan ang ina nya pero galit na galit ang lalaki at sa halip binagbuntungan si akira na kinaladkad at hinila sa damit papasok sa kwarto
''Ikaw , lagot ka saking bata ka ang lakas ng loob mong kagatin ako !!!galit na galit ang lalaki
Agad na isinara ang pinto ,iyak ng iyak si akira na humihingi ng tulong
Habang ang Ina naman nya ay umiiyak at sumisigaw
''Wag mo syang saktan akira !!!! Akira !!habang malakas na kinakalampag ang pinto ''Wag mo syang sasaktan !!!'
''Okasan okasan tulungan mo ko !!wag wag !! Pawang tinig nalamang na Sigaw ni akira ang natirinig ng ina nila
Na laman ni shin ang kaguluhan sa bahay nila na agad pumasok sa bahay hinawi nya ang Ina na nasa pinto at agad na tinadyakan ang pinto
Bumungad sa kanya ang umiiyak na si akira na walang pangitaas na damit gayundin ang lalaki at pagsasamantalahan si akira
Agad na pinagsusuntok ni shin ang lalaki hanggang sa mawalan ng malay
At agad na binuhat ang kapatid at nagmadaling lumabas sumunod sa kanila ang Ina at itinulak ito ni Shin at na napahiga sa sahig
''Kasalanan mo tong lahat , simula ngayon patay ka na , kinamumuhian kita . !!!!! Wala kang kwentang tao !!!! Sigaw ni Shin ng galit na umiiyak na naktitig sa ina
Ang ina naman nila ay iniwan nilang umiiyak simula NooN di na muli nilang nakita ito at nagsolong buhay na sila , nakapagtapos ng high school si shin at nagtrabaho hanggang sa makaipon at magtayo ng sariling restaurant na sya mismo nagluluto , sya na ang bumuhay sa kanyang kapatid
Inalis nya ang barkada at naging mabuting kapatid May mga nagkakagusto sa kanya pero wala syang ginusto sa mga ito , dahil nais nyang tumutok sa paghahanap buhay at sa pangarap na mapagtapos ng pagaaral ang kapatid at magkaroon ng magandang buhay
Habang tinitingnan ni Shin ang mga picture nila kasama ang pamilya ay tumunog ang cellphone nya , agad nyang tiningnan ito at nakita nya ang txt mula kay elly
''Hi shin c elly to kamusta ka nagpahinga ka na ba ?? Pwede ba tayong magkita bukas May sasabihin ako sayo
Message nito sa kanya napangiti si shin at agad na nagreply sa kanya
''Gising ka pa , magpahinga ka na , May trabaho ka pa mamaya , kanina ko pa hinihintay txt mo ,''messge naman ni Shin habang nakangiti
Nang tila tumagal ang reply ,.. nagtataka si shin ''bakit kaya di sya nagreply ?, baka tulog na sila , ''bulong ni Shin sa sarili na hiniga na din
Kakaiba din si elly , natutuwa ako pag nakikita ko sya , bat kaya kinakabahan ako pagnakikita ko sya siguro kasi katulad ko sya ng nagsisimula palang ako , elly bakit nagkaroon ako ng interest na kilalanin ka.......may kakaiba sa mga pinay na wala sa mga japanese na babaeng nakilala ko , siguro dahil nakita ko sa mata nya ang pagiging tapat sa sarili nya sana maging magkaibigan pa kami at makilala ko pa sya ng husto ''nakangiti si shin habang nakatingin sa kisame
Ahh!!!!!!!! Mec Mec bakit ka nagtx !!! ''Ng mabalikwas sa pagkakahiga ng makita ang reply ni shin
''Gising ka pa pala hehehe nagtx lang naman ako kay Shin kung kamusta sya eh tingnan mo ang bilis magreply ''nakatawang sabi ni Mary anne habang nakahiga
Nakatulog na si elly ng pakialaman ni Mary anne ang cellphone nya at Texan si shin nagising sya dahil sa hagikgik nito habang hawak ang cellphone nya
''Mec naman nakakahiya tuloy baka natutulog na rin sya mec ikaw talga ''Nainis sa ginawa ni Mary anne hinampas ng unan ito at tumatawa lamang
'' Naku elly replyan mo agad si shin naghihintay na sya ''sabi ni Mary anne ng agad na lumapit kay elly at tumingin sa cellphone
''Di na ko magrereply tama na yung kanina'' Agad na tinago ni elly ang celllhone ay natulog na patalikod kay Mary anne
''Sayang naman , naghihintay ng reply si shin ikaw din '' nakangiti si Mary anne ng humiga
''Pasaway ka talaga Mec , di ko pa lubusang kilala si shin para maging txm8 kami agad nakakahiya kay Shin , di ako dapat magtxt sa kanya dapatsya ang magtx sakin ''sabi ni elly
sige elly ikaw din .. maraming nagkakagusto kay shin baka maunahan ka ...... hayan mo elly gagawa tayo ng paraan "nang yumakap si mary anne kay elly at bumubulong sa kanya
di umiimik si elly hanggang sa makatulog na sila
Nakatulog na rin si shin sa sobrang pagod sa pagtratrabaho at sa paghihintay sa reply ni elly .