SHIN MATSUNA
28 years old
JANUARY 25 / province of Sapporo
Chef and owner of his restaurant
Former gangster
Friendly , gentleman , honest and responsible person
Friend of Mary anne
May maamo syang bilugang mata , na May magandang ngiti , Kulay dark bulaw na buhok approachable syang Tao , matangkad na May katamtamang pangangatawan dahil sa mula bata palamang nagtratrabaho na sya batak ang katawan nya sa trabaho
Oo naman bibigyan ko kayo ng discount ,sige umorder lang kayo ng kahit anong gusto nyo akong bahala '' sabi ng nakangiting si shin
Agad naman na pumili ng makakakain sila at tumingin sa menu bumalik si shin sa kusina nang May lumabas na lalaki na server at syang binigyan nila ng inorder nila
''Elly okay na ba nakapili ka na ng kakainin mo '? Tanong ni Mary anne sa kaibigan
'' Oo mec '' mahinang sabi ni elly
'' elly magkwento ka naman sa lugar nyo ?? San ka nakatira sa pilipinas balita ko maganda daw ang mga beaches don ? Usisa ni megumi na nasa tapat nya na kaupo
'' Oo nga elly kasi nagsawa na kami mag sa kwento nitong si mary anne eh , May boyfriend ka na ba ?' 'Tanung ni Inu sa kanya ng nagpapacute
Habang nakangiti lamang si Mary anne at nakikinig
Ahh talaga nagsasawa ka ng makinig sakin ahh ikaw nga dyan ilang beses ko ng naririnig pangalan ng gf mong si Mishiko pagnalalasing ka '' sabi ni Mary anne ng mainis na hinila sa jacket si inu
''Aray ', aray ko ahh '' sabi ni inu ng hinihila ang sariling jacket na hawak ni Mary anne
'' uy tumigil na kayo nandyan na ang drinks natin '' saway ni akana sa kanila na agad bumitaw si mary anne kay inu
Uminom ng beer si elly na May fatal na sapporo upang humugot ng lakas ng loob para I kwento ang buhay sa mga katrabaho na napatingin sa kanya
'' sa totoo lang nagpunta talaga ako dito sa Japan para magtrabaho bilang domestic helper namasukan ako sa matandang magasawa nakatira ako sa isang probinsya sa pinas malapit sa dagat yung tatay ko mangisngisda lang sya at ang nanay ay mananahe tatlo kaming magkakapatid at bunso ako ngayon nakikitira ako sa bahay ni Mary anne dahil pinullout ang kontrata ko kaya naghahanap ako ng bagong trabaho ,pero di pa alam ng pamilya ko ang tungkol sa nangyari sakin '' seryosong kwento ni elly habang nakayuko at nakatingin sa iniinom na beer , biglang tumahimik ang mga kasama nya at nakikinig sa kanya ganun sin si shin na nakikinig pala sa kwento nya
Nang malakas na nagsalita si shin upang mabaling sa kanya ang Atensyon ng mga kasama ni elly
'
ito na ang mga order nyo !magenjoy kayo sa pagkain , masayang sabi ni shin na agad nilapag sa table ang mga pagkain,
Muling naging maingay sila at ibinaling Ang pansin sa pagkain
'' okay lang yan elly simula ngayon magiging masaya ka na di ka namin pababayaan kaming bahala sayo diba '' nakangiting sabi ni megumi sa mga babaeng kasama
''Oo nga elly kaibigan kita at ngayon mas marami ka ng kaibigan handa silang makinig sayo at tumulong mababait sila '' nakangiting sabi ni Mary anne ng hinawakan ang braso nya '' pera lang dito kay inu naku pasaway yan wala kang aasahan sa kanya '' nangaasar na sabi ni Mary anne kay inu
'' ako talaga , hayan mo elly tutulungan kita sa club akong bahala sayo '' sabi ng nagyayabang ni inu
Nagtawanan muli ang mga babae
'' salamat sa Inyong lahat ''yumukong sabi ni elly sa mga kasamahan
''Hay naku tama nayan elly nandito tayo para magenjoy bilang assistant head nyo aalagaan ko kayo at akong bahala Sanyo Kay kauri at madam cherry '' sabi ni YUGI na nakainom na
At umakbay sa katabing si megumi
''YUGI ang bilis mo talaga malasing makakainis ka '' sabi ni megumi na agad inalis ang kamay ni YUGI
Habang kumakain ay patuloy parin ang pagkwekwntuhan nila
'' Elly totoo bang sinabi sakin ni Mary anne na single ka ?since birth ?'ha ha ?usisang tanong ni akana sa kanya ng mahina
''Tumango lamang si elly sa kanya ng nakikinig pala si Sakura
''Wow talaga single ka ngayon elly gusto mo I hanap ka namin ng ka date marami kaming kilala di ba megumi ''pangungulit ni Sakura kay elly
'' ay naku sinabi ko na nga sa kanya na ipapakilala ko sya sa mga poging kilala ko para Maranasan naman nyang mainlove '' sabi ng balalaikas ni Mary anne dahil sa nakainom na sa isang oras nilang pagstay
'' Oo nga elly para next tym maggroup date tau mga girls isama natin mga boyfriend natin diba '' sabi naman ni akana
''Ha,, wag na , nakakahiya kasi baka di rin nila ako magustuhan''sabi ng inanangat ang kamay pumipiliing sa hiya
''Bakit naman maganda ka naman elly at mabait sigurado akong maraming magkakagusto sayo kelangan mo lang makisalamuha ''sabi ni megumi ng nakangiti sa kanya
Nakatingin sa landas ng preparation station naman si shin at nakikinig lamang sa mga kwentuhan nila at nakatingin kay Ella
'' ay naku elly wag kang makinig sa kanila kung gusto mo ako ang kikilatis ng lalaki para sayo , marami akong kaibigan ng gwapo at mayaman ''sabat ni inu sa kanila
''Talaga mayaman ah baka kasing tanda na ng tatay mo ang I pakilala mo kay elly o kaya ung mga gangster na Barkada mo ''pagbabara ni Mary anne kay inu na ngumiti lang sa kanila
''Alam nyo sa love di na hinahanap yan kusa yan dadating parang ang mahal kong si kauri '' sabi ni YUGI na nakatingin sa Kisame at namumula
''Shhh nagiging madaldal ka na naman ito na naman tayo ikwekwento na naman nya kung pano sya nainlove kay kauri eh di naman sya type ''ng tinakpan ni inu ang bibig ni YUGI na nagsasalita na inaalis ang kamay nya at bumulong kela elly
Ahh May gusto pala sya kay mam kauri '' sabi ni elly sa katabing si akana
''Oo dati pa yan tingin nya kay kauri diwata kaya kahit ilang beses syang pahirapan sa trabaho di nya nagagawang magalit dito kaya lang dedma naman sa kanya si madam kauri dahil puro trabaho ang nasa isip ''kwento ni megumi
'' ganun pala '' sabi ni elly ng napatingin sya sa landas ni shin na nakatingin sa kanila bigla itong ngumiti ng makita nya , yumuko lamang si elly ay bahagyang ngumiti sa Ilang
''Sino kaya ang tinitingnan ni shin baka si akana o kaya si megumi , magaganda naman kasi sila , ayoko naman na magassume akk tinitingnan nya kasi sa kanilang lahat ako ata ang di attractive ''bulong ni elly sa sarili
Lumipas ang isang oras pa at 6 am na ng umaga pasuray Suray sa paglalakad si YUGI na akay ni inu at megumi palabas ng resto bar
''O pano mauuna na kami sa Inyo ingat kayo sa paguwi ahh '' paalam ni inu sa kanila
''Sa sabay na ko sa kanila kaya nyo na bang umuwi di ba kayo nalasing ?'
Paalam ni megumi habang hawak si inu ay isinakay sa taxi si YUGI nasa labas din sila elly , akana at Sakura gayundin si shin na nagtatawag ng taxi habang si Mary anne ay nakatulog na nakayuko sa lamesa
Tumawag muli si shin ng taxi para naman kela akana at Sakura
'' shin pwede ko bang mahingi number mo para kung sakaling makakain ulit kami dito '' sabi ng kinikilig na si Sakura nakainom na inabot ang cellphone ,nakangiti naman si shin na ibinigay ang number nya
'' halika na Sakura ,, hila ni akana sa kanya upang umupo na sa taxi
Naiwan na kumakaway sila Shin at elly habang papàlayo na ang taxi
Muling pumasok sila elly sa resto bar at tiningnan si mary anne
''Mec mec Tara na tayo nalang naiwan dito Inumaga na tayo 'kalabit ni elly kay Mary anne pero umungol lang at tulog parin
''Mec pano kita mabubuhat nito ''nagaalalang sabi ni elly ng lumapit sa kanya si shin
'' elly hayan mo muna sya , ganyan talaga yan si Mary anne mamaya mahihimasmasan na rin sya madalas ko din syang nakikitang umuuwi na lasing kaya ako na rin ang naghahatid sa kanya , gusto mo sasabayan ko na kayo sa paguwi para matulungan din kitang maakay sya '' sabi ni shin ng lumapit sa kanya , nakita nya ng malapitan ang gwapong mukha nito at nunal nito sa bandang baba
Habang nagsasalita ito ay wala sa sinasabi nito ang focus nya kundi sa mukha nito
''Ang gwapo nya ang Ganda ng mata at ilong nya at ang cute nya tumawa, mukha syang pilipino pero sa kulay at pagsasalita Lang nagkaiba , sandali lasing na ba ko kung anu ano na iniisip ko parang ang init ng mukha ko '' sabi ni elly ng tinatapik ang dlawa ha pisngi upang magising
''Elly elly okay ka lang May sinasabi ka ba '' Pagtataka ni shin sa kanya habang nakikita syang bumubulong ng tagalog na salita hindi nya ito naiintindihan
Nang nagulat si elly ng hawakan sya sa balikat ni shin ''sabi ko ang gwapo mo !'napalakas na sabi ni elly na nagpagulat din sa sinabi nya at agad na tinakpan ang bibig
''Ha anong sinabi mo ?''nakangiting Pagtataka ni shin na Hindi naiintindihan ang tagalog na sinasabi ni elly
'' Muntik na ko buti na lang di nya naintindihan 'bulong ni elly sa sarili na nanlalaki parin ang mata
'' am nagulat lang ako para kasing umeepekto na ang....... alak na nainom ko '' utal utal na sabi ni elly
Muling ngumiti sa kanya si shin ''sandali lang tulungan mo akong iayos si mary anne pra makahiga sya ng maayos '' sabi ni shin
Ahh sige ''agad na tumayo si elly at tumulong sa paglipat kay Mary anne sa isang malaking sofa at inihiga ng maayos napaupo si elly gayundin si shin dahil sa bigat nito
''Grabe Mec kelan ka pa ba huling nagtimbang di ka naman mataba pero bakit ang bigat mo ''sabi ni elly ng inilagay ang jacket sa katawan at bandang legs ni Mary anne
'Ang bigat talaga nyan mary anne Hindi ko nga akalain na mabubuhat ko sya paakyat ng room nyo NooN pinas an ko sya grabe ang sakit ng katawan ko pagkatapos nangamoy pa ko dahil sinukahan nya pa ang ulo ko '' sabi ng nakatingin kay Mary anne at nakatawa ng maalala ang pagtulong dito
Biglang Natawa si elly sa nakwento ni shin na nahuli ni shin ''yan nakita ko din na tumawa ka elly , bagay naman pala sayo ''nakangiting sabi ni shin ng itinuro ang mukha ni elly
Nahiya si elly pero nakangiti parin sya '' salamat shin kasi binigyan mo kami ng malaking discount kanina tska sa pagsabay samin ''sabi ni elly
''Ahh wala yon May utang na loob din kasi ako kay Mary anne kaya nagpapasalamt din ako sa kanya , tska magkapitbahay tayo diba wag mo nang isipin yon ''sabi ni shin ng napatingin May mary anne
'' ano kaya Ibig nyang sabihin ? Bat kaya ganun nalang pagtingin ng mata nya kay Mec ? Siguro May gusto sya kay Mec?'' Bulong ni elly sa sarili ng nakatingin sa naglilinis na si Shin '' si Mary anne kasi mabait ,Matapang na babae maganda ,independent at palakaibigan maasahan talaga sya kaya marami talagang magkagusto sa kanya at madali syang mahalin , na malabong mangyari sakin dahil isa lamang akong probinsyana na di pa nagkakalovelife at ni di ko pa nararanasan ang mahalikan ,sana dito sa Japan ko makilala ang lalaking mamahalin ko habang buhay , sana , hai anu ano naman iniisip mo elly dala siguro ng alak to ,, ahhh biglang sumakit ulo ko ,,,, ' bulong ni elly sa sarili ng biglang Napa hawak sa ulo habang nakaupo sa paanan ng tulog na si mary anne
''Ayos ka lang ito inumin mo makakatanggal ng hang over ''tinig na narinig nya mula sa umupong tumabi sa kanya si Shin
'' ha ,,, sa .... sa Lamat '' mahinang sabi ni elly na kinuha ang basong May kape agad nainom ni elly ay mainit pala
''Aray ang init '' napaso ang bibig nya
Nakangiting humawak sa kanya si shin ''babalaan pa lang sana kita na mainit napaso ka na pala nasan ''sabi ni shin na inilapit ang mukha at pinunasan ang bibig ni elly ng tissue nagulat si elly , namula Ang pisngi nya ag nanlaki ang mata
''Sandali ano bang ginagawa nya , ang lapit nya sakin , hindi pa kami matagal na magkakilala pero bakit Ganito sya sakin , caring ba talaga sya sa lahat ng babae ,o baka playboy sya tama baka nga '' nasaisip ni elly ng agad na kinuha ang tissue sa kamay ni shin at agad na lumipat ng upuan sa ulunan ni Mary anne
'' ahh salamat ''nakangiting pilit ni elly
Ngumiti lang din si shin ng lumipat si elly
''Amm sorry baka naiilang ka sa ginawa ko naalala ko kasi sayo ung kapatid ko medyo kahawig mo kasi sya ng mapaso ung bibig nya kaya agad kong napunasan pasensya na elly '' nahiyang sabi ni shin sa kanya
''Kapatid ibig sabihin mukha lang akong kapatid sa kanya '' nasa isip ni elly na tila nawalan ng pagasa
''Ahh okay lang May kapatid ka palang babae , ilang taon na sya ? ''Tanong ni elly '' pagkakataon ko na ito na makilala si Shin at ma background check
'' kapatid na babae ?? Pagtataka ni shin
''Oo diba sabi mo kahawig ko ung kapatid mong babae ?tanong ni elly
''Ahh wala akong kapatid na babae ang tinutukoy ko yung kapatid kong lalaki si KYO nasa high school na sya classmate sya ni rika May pagkaclumsy kasi sya ''kwento nito
'' natuturn off na ko dito ahh sabihin ba naman na ka mukha ko daw kapatid nyang lalaki mukha ba kong lalaki akala ko pa naman mabait to slight din kung manlait noh '' sabi ng bumubulong na Nainis sa sinabi ni shin
Habang nakangiti lamang sa kanya si shin na nahahalata ang reaksyon nya sa sinabi nito pero mukhang natutuwa pa ito ,
Tumayo muli si shin at May kinuha sa ref ng kitchen at muling bumalik sa landas nila elly
Nagiisip naman si elly kung anong itatanong kay Shin
''Anyway umiwas tayo sa usapang kapatid para di tayo mabadtrip tanungin ko kaya sya about sa work nya '' natigilan sya ng May inabot sa kanyang maliit na envelope
'' Ano to shin '' Pagtataka ni elly '' ano to love letter ba to o baka ticket sa sinehan yung mga napapanood ko sa j drama relax elly bawal magpahalatang kinikilig ''bulong ni elly sa sarili
''Naisip ko kasing magagamit nyo yan ''sabi ng nakangiting si shin na umupo sa harap nya
Excited naman si elly na binuksan ng ..
'' wtf ...................................................................discounted coupon ,
tama nga sya mawawala nga ang pagkalasing ko ah. ..............................
Naku ito talaga napapala ng mga demanding at ang asa ,, wala kang karapatang mainis kay shin noh ........ kakaiba talga mga trip ng hapon ' ''nakayuko si elly habang kinakausp ang sarili
Elly elly okay ka lang masakit parin ba ulo mo '' Pagtataka ni shin
Ahh Hindi okay Lang ako he he he '' pilit na ngumingiting c elly
Sya nga pala elly salamat pala sa binigay mong cupcake 'ma sarap sya ''sabi ni shin ng tumingin sa kanya
Ha yon ba wala yon binigyan mo rin naman kami ng bento kaya okay lang '' sabi nya kay shin
''Sa Totoo lang ikaw palang ang nagbigay sakin ng pagkain ''seryosong sabi Ni Shin na tila Nahiya at umiwas sa tingin ni elly
'Ha ?Doon kasi samin sa pinas kapag nagbigay ka ng pagkain bibigyan karin kaya naisip ko na bigyan ka kahit cupcakes bawal ba dito '?' Tanong ni elly
''Di naman hehehe sa Tagal ko kasing nagluluto ng pagkain at pagdedeliver ako lagi ang nagbibigay ng pagkain di ko na rin naisip kung magbabalik sila ng bigay sakin ang gusto ko Lang mapasaya at magustuhan nila ang luto ko pero iba pala ang saya pag ikaw ang binigyan, dito kasi sa japan di uso ang magbigay ng tip o kahit pagbibigay ng pagkain sa di mo kamaganak kaya masaya talaga akong binigyan mo ako ''sabi ni shin ng pumaling ang tingin sa kanya
''Salamat elly di ko kalilimutan ang ginawa mo ''nannagniningning ang mata na yumuko
'' sandali , dahil sa cupcake seryoso ba sya , ang bilis ng kaba ko bat ganito ngayon lang May nakaappreciate ng ginawa ko at si shin lalo syang naging gwapo sa paningin ko dahil sa sinabi nya nakakattract sya ,pwede kayang , possibile kayang sya nag maging first love ko ?'napaisip si elly at napalunok sa sinabi nito sa kanya
Salamt elly ''sabi muli ni shin na nagpakilig ng bahagya kay elly at nagpamula sa mukha nya
Iniwas nya ang mukha nya upang di mahalata ni shin ang kaba nya agad syang uminom ng kape na nasa gilid nya nang mabulunan sya
'' ehem ohh ,ohhh '' ubo ni elly ng masamid
''Okay ka lang elly ,pasensya na naging madaldal na yata ako hehehe '' napangiting sabi ni shin ng inayos ang sarili
''Ahh di naman sige magkwento ka pa este baka hinihintay na kami ni rika sa bahay kelangan na namin makauwi ni Mec '' sabi ni elly ng nahihiya pa rin kay shin
''Sige sige Oo nga pala tapusin ko na din magli is para makauwi na tayo '' sabi ni shin na nagmadaling maglinis
''Hai akala ko sasabog na puso ko sa sobrang kaba ang cute talaga ni shin , kinikilig na naman ako ayi '' sa isip ni elly habang nakatingin kay shin
Matapos nitong makapagayos sa shop umalis na sila 7:30 na din sila nakasakay ng taxi at nagpahatid sa apartment nila , pinasan ni shin c Mary anne habang bitbit naman ni elly ang bag nito at inalalayan sila
''Grabe ang bigat talaga ni Mary anne ''sabi ni Shin habang nasa elevator at inaayos ang pagkakapasan dito
''Pasensya ka na shin ahh naabala ka pa sa pagbuhat sa kanya ''sabi ni elly kay shin '' siguradong pagod sya kasi kagabi pa sya nagluluto at nagtratrabaho , ang bait mo shin '' habol nya sa isip
''Okay lang elly , ''ngiti na sabi ni shin sa kanya
''Sya nga pala elly narinig kong sa club na pinagtratrabahuhan ka ni Mary anne nagtratrabaho totoo ba yon ? ' tanong sa kanya ni shin na tila nagseryoso ng bahagya
''Di kaya iniisip nyang entertainer din ako ''bulong ni elly sa sarili ''ahh mali ang iniisip mo shin Amm ,... server ako don naghahatid ng food at drinks'' paliwanag nya
'' ahh Ganon ba ? ,... nang biglang tumahimik sandali si shin
''Ano kayang iniisip nya pero di naman siguro mababa tingin nya sa pagtratrabaho ko sa club diba tska open minded naman silang mga hapon sa ganun ang alam ko nga nagiging common na sa kanila ang mga club '' sa isip ni elly
'' ahh Sorry elly , na paisip ba kita kung bakit ko natanong ,,? Di naman sa di maganda ang trabaho nyo ammm .. . Nagaalala nilang ako sa pwedeng mangyari sa nyo ni Mary anne elly '' sabi ng seryoso ni shin habang nakatingin sa pinto ng elevator
'' ha ?'' Pagtataka ni elly , na napatitig ka shin ''Sa totoo lang kasi delekado talaga ang pgtratrabaho sa mga enternmaint club dahil sa panggabi ito at maari din kayong mapahamak , di lang kasi puro matinong Tao ang puma pasok doon mas maraming masasamang Tao at ang iba pa nakakapanakit ng tao , ,'' seryosong sabi ni shin