"YAYA FELINA... Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo?" tanong ni Perlas nang makita niya na kalalabas lang ng nag-iisang kasambahay nila sa basement kung saan nakakulong ang kanilang ampon na si Sheena. Kanina pa niya ito hinihintay. "Opo, senyora. Ibinigay ko na kay Sheena ang susi. Malamang, mamayang gabi ay tatakas na siya." Tumango-tango siya. "Magaling. Kailangang gumawa siya ng kasalanan para maparusahan. Kailangan niyang malaman kung ano ang kaya naming gawin ni Gener oras na sumuway siya upang sumunod siya sa lahat ng gusto namin." "Isa pa'y malapit na ang kaarawan ni senyor, 'di ba po?" "Tama ka diyan. Kailangang may takot na rin si Sheena sa aming mag-asawa sa panahon na iyon. Nasasabik na akong makakita ulit ng labis na takot sa mata ng isang tao! Sige na, magpahinga ka

