HINDI talaga natitiis ng magulang ang anak. Iyon ang napatunayan ni Sheena ng araw na iyon. Sa ika-sampung araw niya sa labas ng bahay ay nagulat siya nang pag-gising niya isang umaga ay nakatayo sa harapan niya si Perlas. Nakangiti ito sa kanya at nakalahad ang isang kamay. May pag-aalinlangan man ay inabot niya ang malambot nitong kamay. “M-mama? P-pinapatawad n-niyo na po ba ako?” Nanginginig ang tinig ni Sheena dahil sa gutom. Kahit ang pagtayo ay hindi na rin niya magawa nang maayos dahil kulang na rin siya sa enerhiya sa katawan ngunit pinilit pa rin niyang makatayo para makaharap si Perlas. Nakangiting tumango si Perlas sa kanya. “Oo, anak. Halika. Bumalik ka na sa bahay…” anito at mahigpit pa siyang niyakap. Wala nang salitang namutawi sa labi ni Sheena. Umiyak at humagulhol na

