bc

KISS MASTER, ROSS

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
powerful
sweet
bxg
lighthearted
campus
lawyer
like
intro-logo
Blurb

Ross Anderson is the king of the charts, but his latest "hit" isn't a song—it's a marriage certificate to Jana, a girl he met at a club three hours before saying "I do" in a 24-hour chapel. He needs to protect his "heartthrob" image, and she just wants to survive her sudden fame without being mauled by his obsessive fanbase.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Escape
JANA POV ANG LAKAS ng tugtog. Hindi lang basta rinig, ramdam na ramdam ko sa talampakan ko hanggang sa dulo ng mga ngipin ko habang naglalakad ako sa gitna ng dance floor. Flash—isang high-class club sa BGC kung saan nagkakandarapa ang mga mayayaman para lang magtapon ng pera. At ako? Narito ako para pulutin ang perang tinatapon nila. Isa lang naman akong simpleng waitress na pagod na pagod na sa buhay. Dala-dala ko ang isang tray ng mamahaling cocktails habang naka-glue sa mukha ko ang plastik kong customer service smile. Pero sa loob-loob ko, nagwawala na ako sa galit at inggit. Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, puro ingay, hiyawan, at amoy ng mamahaling alak na lang ba ang maririnig at malalanghap ko? halos maiyak ako habang pinapahid ang pawis sa noo ko. Kailan ba ako yayaman para hihiga na lang ako sa pera at hindi na magseserve sa mga lasinggerong ’to? Biglang nagkagulo sa may VIP section. Parang napunit ang eardrums ko sa tindi ng hiyawan ng mga babae. Paglingon ko, pumasok si Andrei Ross Anderson. Andrei Ross Anderson Ang sikat na Fil-Canadian pop star. Napaliligiran siya ng mga bouncers, mukhang cool na cool sa suot niyang black leather jacket at oversized designer shirt. Kuhang-kuha niya ang look niya sa mga Billboard posters—gulo-gulong buhok, matangos na ilong, at iyong signature lip piercing niya na kumikinang sa ilalim ng neon strobe lights. Huminto ako saglit. So what? sabi ng utak ko sabay irap. Kilala ko siya, oo. Sino ba ang hindi? Aminado naman ako na trip ko ang mga kanta niya, lalo na kapag nag-iisa ako sa kwarto at umiiyak dahil sa mga bayarin. Pero hindi ako iyong tipo ng babae na magkakandarapa at makikipagsiksikan para lang sa isang lalaki. Like duh? Para sa akin, isa lang siyang mayaman na customer na baka hindi pa mag-iwan ng tip. Kaya naman nilagpasan ko lang siya para ihatid ang order sa kabilang table. Ngunit, mukhang binaligtad ng tadhana ang gabi ko. In a matter of minutes, gumuho ang harang ng security. May mga influencers na nagtulakan, nabangga ang isang lamesa, at doon na nag-umpisa ang domino effect. Literal na nagka-stampede sa loob ng club. Lahat ng babae, gustong-gusto makalapit kay Ross Anderson. Nag-akyatan sila sa mga sofa, nagtulakan, naghiyawan—basta makahawak lang sa kanya. At dahil malapit ako sa pwesto niya, naipit ako sa gitna ng nagwawalang crowd. Nabitawan ko ang tray ko at narinig ko na lang ang pagbasag ng mga baso. Sa gitna ng gulo, nagtagpo ang mga mata namin ni Ross. Sa isang pitik ng segundo, nakita ko sa mukha niya ang matinding kaba na may halong inis? Ang popstar na si Ross Anderson, mukhang nasasakal at hindi na makahinga sa inis. Ewan ko ba kung anong sumapi sa akin. Imbes na isipin ang trabaho ko, adrenaline took over. Hinagip ko ang kamay niya. Sobrang init ng palad niya, at ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa akin. "Dito!" sigaw ko sa kanya, kahit alam kong hindi niya maiintindihan ang tagalog ko sa tindi ng ingay. Hinila ko siya nang napakalakas. Kabisado ko ang pasikot-sikot sa club kaya mabilis ko siyang naisama sa pag-duck sa ilalim ng velvet rope. Tumakbo kami sa kusina, lagpas sa mga naghuhugas ng pinggan at sa mga naguguluhang chef, hanggang sa marating namin ang back exit. Bumungad sa amin ang malamig na hangin sa madilim na eskinita sa likod ng club. Hinihingal si Ross, nakatungkod ang dalawang kamay sa tuhod niya habang nakatitig sa akin na parang hindi makapaniwala. "Are you crazy?" angil niya, lumabas ang thick Canadian accent niya. "Who are you?" "Walang akong oras para sa Q&A, Mr. Anderson. Sumakay ka kung gusto mo pang mabuhay," sagot ko habang tinuturo ang aking Honda Beat na kulay pink na punong puno ng Hello Kitty stickers. Tiningnan niya ang maliit kong motor, tapos tumingin siya sa pinto ng club na nayayanig pa rin dahil sa mga tao sa loob. Hindi na siya nag-dalawang isip. Sumakay siya sa likod ko, ang hahaba ng biyas niya kaya mukha siyang tuod na nakasiksik sa maliit kong upuan. Pinaharurot ko ang motor palayo sa BGC.Habang bumibiyahe kami sa highway, naramdaman kong sumandal siya nang konti at sumigaw. "Hey! Where are we going?" "Any suggestion?!" sigaw ko rin. "Just take me somewhere quiet!" Napangiti ako sa ilalim ng helmet ko. Alam ko kung saan kami pupunta. Matapos ang halos isang oras na biyahe paakyat sa paliku-likong daan, nakarating kami sa overlooking spot sa Antipolo. Doon, sinalubong kami ng nakabibinging katahimikan. Bumaba si Ross sa motor at naglakad palapit sa gilid ng bangin. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa ibaba. Ang buong Metro Manila—kumikinang, napakalawak, parang christmas lights na nakalatag sa dilim. Sobrang tahimik at kalmado, malayo sa magulong mundo nito. Umihip ang malamig na hangin mula sa bundok, nagulo ang gulo-gulo niyang buhok. Sumandal ako sa motor ko at pinanood siya habang naka-cross arms. For the first time, nakita ko siyang ngumiti— Ahh totoo nga, killer smile. Lumingon siya sa akin. "Wow," bulong niya, pabalik-balik ang tingin sa city lights at sa akin. "I've been all over the world, but... this is the first time I've actually felt like I can breathe." ––– NAUPO kami sa kulay berdeng damo habang nakatunghay lang sa maliliwanag na kulay ng lungsod sa ibaba. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dito, parang dahan-dahang tinatanggal lahat ng stress ko sa katawan. "What's your name?" "Jana, at your service," sagot ko habang nakatingin pa rin sa malayo. "Do you know me?" tanong niya uli, medyo seryoso ang tono. Dito na pumasok ang demonyo sa utak ko. Nagsinungaling ako. "Nope. Sino ka ba? Anak ka ba ng contractor para dumugin ka ng mga babae kanina? Kung makaasta sila parang balak ka nilang tusukin para makuha ka—" Bigla siyang natawa nang malakas. Sobra akong nagulat. Tumawa siya? "Tukusin? As in, to slice or tear down? Grabe naman, hindi naman ako baboy para katayin nila," sabi niya, tsaka napailing habang nakangiti. "Hoy, marunong ka mag-tagalog?! At saka anong tukusin? sabi ko tusukin !" gulat kong tanong, medyo napaayos pa ako ng upo. "Konti lang. I can understand almost everything, pero medyo hirap ako magsalita. My mom is pure Filipina, you know," paliwanag niya gamit pa rin ang Canadian accent niya. Dahil doon, biglang gumaan ang vibe sa pagitan naming dalawa. Sobrang dami naming pinag-usapan habang lumalalim ang gabi. Nagtatanungan kami tungkol sa mga paboritong pagkain, paboritong kulay, at kung ano-ano pang random na bagay. Mukha siyang tuwang-tuwa na may kausap siyang normal na tao na hindi humihingi ng autograph o picture sa kanya. Hanggang sa napunta ang usapan sa mga pangarap sa buhay. "Hmm, ako? Pangarap kong yumaman—" sabi ko habang nakatanaw sa mga ilaw ng Maynila. "Yon lang?" kunot-noong tanong niya, parang nag-eexpect ng mas malalim na sagot. "Oo, yon lang. Kapag mayaman ka, magagawa mo lahat. Mabibili mo lahat ng gusto mo nang hindi mo kailangang magbilang ng barya tuwing katapusan ng buwan," seryoso kong sagot. Realidad ko 'to eh. Ang daling mangarap ng kung ano-ano kapag hindi mo problema ang pambayad sa kuryente sa susunod na linggo.Tumanaw din siya sa malayo, parang may malalim na iniisip. "Well, that's true. Ako pangarap ko... tumira sa Mars." Nilingon ko siya at tinitigan ang profile ng mukha niya. "Wow, ang unique. Sana balang araw magawa mo." Ngumiti siya nang tipid, pero may lungkot sa mga mata niya. "I just want to go somewhere completely silent. Somewhere so far away that nobody knows who's Ross Anderson is. Sometimes, having everything means you actually have nothing."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook