Episode 5

1255 Words
********* Umalis ako sa bahay namin nang walang nagawa hindi na ako pwedeng pumasok sa sarili kong bahay dahil lang sa simpleng pagkakamaling nagawa ko.. punong puno ako nang panghihinayang sa dati kung buhay.. Andito ako ngayon nag hihirap nag tatrabaho bakit kailangan kong maranasan ito, natigilan ako sa pag dadrama nang tumawag si belle.. "Hellow" sagot ko "Hoy bff asan kana andito na mga bisita ikaw wala kapa?" Tanong nito sakin "Pauwi nako bff pasensya kana" sagot ko dito "Oh sige bilisan mo nga pala dito sa coffe shop ni kuya ha" saad nito Binilisan kuna mag maneho upang makapunta na agad, dahil may mga nag aantay pala sa aking bisita kaya.. Pag dating sa sa coffee shop nang kuya ni belle ay inayos ko muna ang sarili ko pinunasan ko yong mga natirang tubig sa mata ko mula sa mga luha ko kanina, tapos dahan dahan akong nag lakad papunta sa pinto ng coffe shop pag pasok ko ramdma ko ang effort na ginawa nang mga staff at kaibigan ko.. "HAPPY BIRTHDAY FAYE" sabay sabay nila akong binati.. ang mga bisita din naman ay mga staff lang din ng kuya ni belle at mga kaibigan namin syempre.. Nagulat ako ng makita ko sila karl, kirvey at lee, ha ako ba ang sinasabi ni kirvey na kaibigan ng kapatid niya ouch kaibigan lang ako.. char sino ba naman ako para mahalin ng seryusong lalaking iyon... "HAPPY BIRTHDAY FAYE" lumapit sakin si lee at binati ako.. "Lee al." Mag sasalita palang sana ako nang bigla niyang sinabi na.. "Shh alam ko, simula first day mo plaang sa trabaho sinabi na sakin yon ni boss karl" nagugulohan ako.. "Faye halika na tumayo ka doon pipicturan kita" tawag sakin ni belle Ako na nagugulohan pa din, panong nangyaring alam nila na si karl ang boss ko? Ha nag gulo.. nakatayo nako sa harap ng lahat pero wala pa din ako sa sarili.. "Hoy faye blow the candle bilis mo oh nangangalay nako" nagising ako sa sinabi ni maqiuñana.. "Ah hahah oo ito na" pagkablow ko ay nag palakpakan sila.. "Sige na kain na kayo" sabi ni belle sa kanila "Faye halika muna, alam kong nagugulohan ka kung panong magkakasama kami halika ipapaliwanag ko sayo" hila sakin ni belle.. Ipinaliwanag sakin lahat ni belle ang nangyari, nakaplano pala ang pag pasok sa office ni karl upang makita ako ng daddy ko na nagpupursigi s apag tatrabaho ngayon, dahil makikipag nigushohan pala ang daddy ko sa magkapatid na alvares... "Oh mag enjoy lang kayo dyan." Sabi ni belle sa mga bisita.. Ako naman ay naupo muna sa gilid para makapag pahinga sobrang bigat kasi nang nararamdaman ko ngayon ito ang unang kaarawan kong hindi kasama ang parents ko.... Habang nag mumuni muni ako sa gilid ay lumapit sakin si karl para personal na iabot ang kanyang regalo.. "Faye" si karl "Ay boss kayo po pala" sabi ko "opo muna kayo" "Wag mokong tawaging boss kapag wala tayo sa opisina, karl lang ang itawag mo sakin" sagot nito "ito nga pala regalo ko sana magustohan mo" "Ah salamat karl, hindi ba kayo umattend sa birthday nang kaibigan mo?" tanong ko "Andito na kami" maikling sagot nito "Ha ako ba yong sinasabi ng kuya mong kaibigan mo daw?" Tanong ko uli "Oo dahil yon pakilala ko sa kanya sayo" sagot nito. Ang masungit at laging seryusong lalaking ito ay nakausap ko din nang ilang minuto Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si kirvey at lee. "Hello birthday girl" sabi nito "ito nga pala regalo ko at ni lee" sabay abot nnag regalo "Sana magustohan mo yong regalo ko sayo faye" sabi ni lee "Oo naman thankyou lee" pag tapos ko mag thankyou ay dumating naman sina belle,mark lowrence at maqiuñana.. Inabot din nila yong regalo nila sakin.. "Ah faye ito pala yong regalo nang mommy mo at doon sa isang hindi kilalang nag regalo sayo" sabi ni belle "Thankyou belle at kuya mark lowrence at syempre sainyong lahat you all made my day,.. Inom na tayo". Sagot ko ayukong mag alala sila sakin dahil may regalo akong natanggap mula sa mommy ko. "Oo tara inom nalang tayo" sagot ni maqiuñana "Cheee mahina ka naman" pang aasar ni belle sa kanya "Ok sakin maging girlfriend kita belle pero ang hindi ok sakin maging kuya ang tropa ko hahaha" pag-aasar ni maqiuñana kay mark lowrence "Hindi rin ako papayag na maging bayaw kita no" sagot ng kuya ni belle "Pano pag hinanapan kita ng check's papayag ka?" Sabi ni maqiuñana "Bilisan muna hahaha" sagot ng kuya ni belle Nag tawanan ang lahat kahit na si karl ay napatawa din.. "First time kitang nakitang tumawa karl" saad ko dito Biglang napatingin sakin lahat nang sabihin ko iyon.. "Bakit may mali ba sa nasabi ko?" Sabi ko uli "Syempre bihira lang naman yan tumawa hahaha" sabi ni maqiuñana "Isipin mo nalang sobrang special ng birthday mo kasi napatawa mo si karl" sabi nang kuya nito sakin Tumahimik nalang ako ayukong bigyan nila ng meaning yong sinabi ng kuya ni karl.. Saktong naman na nag ring ang phone ko, makakatakas muna ako saglit na o-op kasi ako sa kanila.. Ah wait lang ah.. "Hello" sagot ko sa tawag "Hello faye happy birthday, kamusta kana mahal kong anak?" Ang mommy ko. "Mommy?" masaya ako na naluluha "Oo ako ito kamusta ka naman dyan sa labas anong ko" umiiyak habang sinasabi sakin ito "Mommy miss na miss kuna kayo ni dad, sobrang natutuwa po ako ngayon na nakausap ko kayo ang daddy andyan po ba?" Tanong ko sa aking ina habang umiiyak "Wala ang daddy mo umalis kaya nakatawag ako sayo ngayon" sagot nito sa akin. "Mom pati po ba ang pag tawag sakin ay ipinag bawal ng dad?" tanong ko sa kanya "Oo anak, lagi ko kinukumbinsi ang dad mo na pabalikin kana dito pero matigas ang puso ng daddy mo" himihikbi ang boses ni mom habang nag sasalita nararamdaman ko ang pang guho ng mundo ko sa sinabi ni mom. "Gusto na kita mayakap anak, nagustohan mo ba ang dress na iniregalo ko sayo?" Tanong nito "Opo mom maganda, mom alam niyo po ba kung sino ang nag bigay ng necklace sa akin?" Tanong ko sa kanya.. Sasagotin niya na sana ang tanong ko ng biglang dumating si manang lili para sabihin kay mommy na dumating na si daddy.. naputol ang pag uusap namin ni mommy nang patayin niya ito.. Babalik nako sa table namin kaya inayos ko muna ang sarili ko pinunasan ko na din ang mga luha ko,. Pag balik ko sa table ay tahimik silang nakatingin sakin lahat. "Anong problema?" Tanong ko sa kakanila "Umiyak kaba?" Tanong ni lee "Ha ako hindi ah" pag tatakip ko "Sinong nag paiyak sayo?" Tanong ni karl sa akin "Ha.." natigilan ako "Halatang umiyak ka" sabi niya uli "Aahh ehh tumawag kasi ang mommy ko" sabi ko sa kanya "Oh dapat matuwa ka kasi tumawag sayo ang mommy mo ano bang sabi sayo?" Tanong ni belle "Lahat ng communication sakin ay pinagbabawal sa bahay hindi ako pwedeng tawagan ng mom kapag andyan si dad, kanina pumunta ako doon para sana personal na mag pasalamat kay mommy sa regalo niya sa akin pero hindi ako pinapasok" kwento ko "Grabe naman ang dad mo sayo" saad ni maqiuñana "anak ka pa din naman niya" sabi nito uli.. "Cheer up" maikling sabi ni karl Natapos ang birthday ko na masaya at walang naging problema kahit papa-ano ang pangungulila ko sa aking mga magulang ay napunan ng aking mga kaibigan....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD