***********
Nag ayos ako ng aking sarili maayos na pananamit gaya ng akin ama kapag papasok sa opisina kahit ganun ay hindi malaki ang galit ko sa aking ama bagkus ay namimiss ko siya gusto kong sabihin sa kanya na unti unti nakong natototo mamuhay ng mag isa..
Nakaalis nako ng bahay pero nakalimutan kong magpaalam kay belle kaya nag padala nalang ako ng mensahe sa kanya..
"Good morning belle nag luto nako ng breakfast kumain ka para hindi ka gutomin" saad ko sa mensahe
Nang makarating ako sa compayang pagtatrabahoan ko ay nag dasal muna ako sa loob ng sasakyan bago bumaba.. */Lord kabayan niyo po ako sa unang araw ng trabaho ko, sana ay wal akaong magawang palpak ngayon.*
Bumaba na ako ng sasakyan at maglalakad na sana ako ng biglang may sasakyan na mabilis ang takbo papunta sa harapan ng akong sasakyan,.
"Hoyy loko" lalapitan ko sana yong kotche niya pero nagulat ako ng bumaba si kirvey natigilan ako sa paglalakad.. "narinig niya kaya ang sinabi ko nako patay" pagkababa nito tumingin lang ito sa akin at ngumiti..
Ang layo talaga ng ugali nito sa ugali ni karl, kung papipiliin ako kay karl talaga ako..
Naglakad nako papunta sa building..
"Goodmorning young lady" bati ng guard sa akin..
"Goodmorning din po, ah manong guard pwede po bang faye nalang ang itawga mo sakin at wag na po kayo mag po sa akin baka kasi may makarinig sayo na tinatawag mong young lady pero empleyado lang ako dito" sabi ko sa guard
"Walang problema faye" sagot nito sa akin..
Umakyat na ako sa ikawalong palapag at nakita kong nakaabang sakin ang mga empleyado doon..
"Welcome sa summit corporation faye" maiinit na pag tanggap sa akin ng mga kapwa ko empleyado.
"Maraming salamat sa inyong mainit na pag tanggap sa akin" sagot ko dito
"Halika na faye at kanina kapa inaantay ni boss karl" hili sa akin ni lee
Pumasok na kami sa loob at andoon na ang dalawang magkapatid, hindi manlang kami nilingon ng mga to pero nag salita si kirvey.
"Unang araw late" sabu nito..
"Sinabihan ko siya na pwede siyang malate dahil first time niya lang naman, pero dapat sa susunod ay hindi na siya malalate" sagot ni karl sa kuya niya pero nakayuko pa din at nakatoon sa ginawa niya
Tahimik lang kami ni lee may sarili kaming table ni lee at magkatabi kaming dalawa, yong dalawang mag kapatid naman ay magkatabi din ang table pero nakasintro sila sa gitna kami nman ni lee ay nasa gilid,.
Habang nag hihintay kami ng ipapagaw sa amin ni lee ay nag usap muna kami..
"Hi lee may tanong ako sayo" sabi ko kay lee..
"Ha sige ano yon". Sagot nito
"Yong boss mo ganyan ba talaga ugali niyan masungit?" Tanong ko..
"Oo ganyan din yan sakin noon nong bago palang ako masungit talaga" tugon nito sa akin
"Eh si boss karl" tanong ko uli
"Tahimik lang yan at palagi g seryuso hindi nag sasalita binibiro nga yan ng boss ko tipid lang tumawa" sagot sakin ni lee..
Tumayo si karl at lumapit sakin, nilapag niya sa lamesa ko ang kanyang mga natapos nagawain, nagulat ako sa tami nito..
"Kailangan ipasa na to agad sa aking ama bago sumapit ang kinabukasan" sabi sa akin ni karl
"Ah sige po boss" sagot ko
Bumalik na ito agad sa kanyang upoan..
Sumunod naman ay si boss kirvey,.
"Lee ito naman ay sakin ina". sabi nito
"Okay po boss" sagot ni lee
Bumalik na din si kirvey sa kanyang upoan at nag aantay nalang sila ng oras para umowi..
"Faye halika sabay na tayong pumunta" sabi ni lee sa akin.
"Ah sige" sagot ko
"Sandali lang mag-papaalam muna ako sa mga young master na aalis na tayo para ihatid ito" sabi uli ni lee sa akin
Tumango lang ako, nag lakad na siya papunta sa dalawa,.. ilang sandali pa ay tinawga niya na ako.
"Tara na faye" tawag nito sa akin
Tumayo na ako, akmang lalabas na kami ng office ng dalawa nang biglang nag salita si kirvey.
"Lee mamaya ay sumama ka sakin" sabi ni kirvey
"Saan po tayo boss" sagot nito
"Sasama tayo kay karl birthday daw nang kaibigan niya" habang sinasabi ni kirvey ang mga pangungusap na iyon ay nakatingin ito sa akin.. naalala ko bigla na birthday ko ngayon,.
Biglang nag ring yong phone ko,.
"Excuses me po" lumabas na ako ng pinto at sinagot ang tawag ni belle.
"Hello bff kamusta ang trabaho" tanong nito.
"Ok naman ang unang araw" sagot ko
"Happy birthday pala bff nag luto ako ng mga putahing gusto mo at nag order din si kuya ng ilang putahing hindi ko kayang lutoin" sabi nito sa akin..
"Ha nag abala pa kayo, wala sana akong balak mag handa hahahaha thank you bff" pagpapasalamat ko..
"Ah ok nga pala may dalawang regalo ka dito yong isa red dress galing sa mommy mo, yon isa necklace pero hindi ko alam kung kanino to galing" sabi ni belle sa kain
"Talaga? Excited nakong umowi gusto kong makita ang regalo, pero may kailangan pa akong ihatid sa elder pero bibilisan ko" sagot ko dito
"Oh sige mag ingat ka" pag papaalala ni belle.
Pinatay kuna ang tawag at sakto namang lumabas na si lee..
"Sino ang tumawag sayo?" Tanong ni lee
"Si belle kaibigan ko, yayayain sana kita kayo nauna kana yayain ng boss mo hahaha" sagot ko.
"Saan" tanong niya
"Birthday ko din kasi ngayon" sagot ko
"Sayang naman di kasi makaalis ng magisa yong boss ko hahaha" natatawang sagot niya..
Nakarating na kami sa villa ng pamilyang alvares sobrang laki nila kompara sa bahay namin..
Siguro ay mass mayaman pa ang sila kesa sa amin..
Pag katapos namin maipasa ang kinakailangan namin ipasa ay nag hiwalay na kami ni lee kasi aalis pa sila ng masungit na amo niya..
"Oh pano faye una na ako ha" pagpapaalam nito sa akin
"Oo sige may pupuntahin din kasi ako" sagot ko
"Oo sige ingat ka" sabi nito sa akin.
"Ikaw din lee" pahabol ko
Pumunta ako sa aming bahay, upang makita ang aking ina at mag pasalamat sa kanyang reaglo, pero doon palang sa gate ay pinag bawalan nakong makapasok..
"Pasensya na young lady faye hindi ka maaring pumasok sa bahay na ito ng walang pahintulot ng iyong ama" sabi ng guard namin
"Ha, bahay ko pa din ito kaya may karapatan akong pumasok" nag pupumilit akong pumasok
"Pasensya na talaga faye ipinagbabawla ka nila elder dito" sabi ng katiwala namin sa bahay..
"Ganun po ba manang, pakisabi nalang po kay mommy na nag papasalamat ako sa regalo niya"
"Oo faye sasabihin ko sa kanya, alam kong pupunta ka faye kaya gustong ibigay sayo ang regalo ko, mag pakatatag ka anak" hinahaplos nito ang aking buhok habang umiiyak..
Si manang lili ay matagal ng katiwala ng aming pamilya simula maliit palang ako siya na ang nagaalaga sa akin tuwing aalis ang mga magulang ko kaya anak ang tawag sa akin nito..