****************
Kinabukasan maaga akong gumising para mag handa nang akin susuotin at makapag-handa nang breakfast sumasakit kasi ang tiyan ko na alala ko na hindi ako kumain kagabi, pagkatapos kong mag handa nang susuotin ko ay nagluto na ako nang breakfast naming dalawa ni belle..
"Belle wake up, nag luto nako nang breakfast sa baba baka magutom ka" sabi ko dito habang tinatapik siya.
"Faye sigurado ka ba na gusto mong mag trabaho ano nalang sasabihin nang mga tao kapag nalaman nilang ang anak nang isang maranyang pamilya ay naghihirap at nag tatrabaho" sabi nito sa akin..
"Wala akong ibang choice belle, ayuko naman mag pabigat sayo no atsaka hayaan mo sila wala silang ambag sa buhay ko ngayon". Sagot ko dito
"Sana ay makatagpo mo na din doon ang lalaking para sayo hahahaah" pag bibiro nito sa akin.
"Trabaho muna ano ka ba!! tara na sabay tayong mag breakfast" sabi ko dito
(Karl Alvares pov.)
"Good morning young master ang aga niyo po ata ngayon" pag bati nang driver nito sa kanya.
"Kailangan mauna ako sa office dahil may kikitain akong bagong impleyado" sabi nito habang nakangiti nang kaunti..
"Ha hahahahaha mukhang kakaiba ang babaeng iyon young master ah" sagot nito
"Kakaiba talaga" maikling sagot
"Eh kaya naman po pala ganyan ang ngiti niyo" nahuli siyang nakangiti..
"Tara na nga handley" sabi nito sa driver
Nang makarating kami sa coffice, kunti palang ang mga taong andito halatang sobrang aga ko.
"Good morning young master aga po ata natin ngayon" sabi nang isang impleyado
"May aasikasohin kasi ako, manong guard kapag may pumunta dito na babae at pinakita ang card nang companya natin ay papasok mo at paakyatin sa office ko" sagot nito sa guard
"Sige po young master" sagot nang guard
Umakyat nako sa upisina ko para doon na mag antay, kay faye pero na iinip ako kaya tinawagan ko si belle..
"Hello young lady belle" sabi ko dito
"Nakaalis na siya antayin mo nalang dyan" sagot nito.
"Bakit alam mong siya ang.." naputol ang pag sasalita ko.
"Alam ko naman na tatanongin mo siya alangan nman ako ang hanapin mo darili" singit nito
"Wow ha, sige na" sagot ko sabay patay nang cellphone.
Simula nong makita ko siya sa coffe shop nang kaibigan kong si mark lowrence hindi ko ipagkakailang maganda talaga siya lagi ako sumusulyap sa kanya kapag nakayuko siya makikita mo sa kanya na nagmula talaga siya sa mga tycoon na pamilya kutis at ganda palang panalo na...
(Faye aragon's pov)
"Andito nako,kinakabahan ako baka hindi na naman ako tanggapin dahil wala akong experience, hayst ano ka ba faye thingk positive lang kasi wag puro negative ang iniisip" kinakausap ang sarili bago pumasok sa compayang nakasaad sa card.
Naglalakad nako papunta sa pinto ng companya habang hinahanap ang aking cellphone sa bag acedenteng nabang ko ang isang lalaking mejo may katangkaran, gwapo, at malusog na pangangatawan..
"Pasensya na po" pag hingi ko nang tawad. Nakatingin lang ito sa akin ..
"Next time tumingin ka sa dinadaanan mo ha para hindi ka nakakasagi".. masungit na sabi nito sa akin
"Ah pasensya na po talaga" humingi ako nang tawad tapos yumuko.
"Wala iyon be careful" maikling sagot nito sa akin sabay alis kasama ang mga body guard...
Nakakaloka naman, ang sungit ng lalakeng yon pero teka hawig siya ni karl..
"Goodmorn.." naputol ang akin pag sasalita nang biglang magsalita yong guwardya..
"Ah good morning young lady faye tuloy po kayo nasa ikawalong palapag ang office ni young master karl" sabi nito ahabang nakangiti sa akin..
"Sige po" sagot ko
Nakakatuwa naman kilala ako nang guard pero nakakahiya talga sa pamilya namin pag nalaman na nagtatrabaho ang isang anak nang tycoon.. Ganun pa man sumakay nako sa elevator papunta sa ikawalong palapag..
Pag dating ko sa ikawalang palapag may lumapit na babae sa akin at tinanong ako..
"Ikaw po ba si maam faye?" Tanong nito
"Ah ano nga po" sagot ko
"Sunod po kayo sa akin, paki handa nalang po ng inyong resume" sabi nito sa akin
Sumunod naman ako sa kanya nakayuko ako habang naglalakad kami inaayos ko ang aking mga kailangan ipakita..
"Dito na tayo antayin moko saglit" sabi nong babae
"Ah sige po" sagot ko
Pumasok muna yong babae sa office nong boss nila, ilang saglit pa bumukas ang pinto at tinawag ako.
"Faye pasok kana" sabi nito sa akin
Pumasok ako ng walang pag-aalinlangan, hindi ko agad nakita kung sino ang mga nakaupo at nakaharap sa pintoan dahil pagkapasokko tumalikod agad ako para isarado ang pinto, pag-harap ko ay nagulat ako sa mga mukhang nakita ko, si karl at yong lalaking nabangga ko kanina... Parang gusto kong lamunin nalang ako bigla ng lupa sa sobrang nakakahiya.
"Young lady faye, sila ang namamahala ng compayang ito.. Ito si second young master karl ito naman ang kanyang kuyang si young master kirvey, btw ako naman ako secretarya ni young master kirvey" pag-papakilala sakin ng secretarya ng kuya ni karl..
Hindi ako makapagsalita ng maayos sa ngayon, sino sa kanila ang nag bigay ng card sa akin..
"Magandang umaga.." natigilan ako ng may magslaita sa kanila..
"So ikaw pala ang magiging secretarya ng kapatid ko?" Tanong ng kuya ni karl..
Ha secretarya ni karl? Ako? Sabi ko sa isip ko..
"Siya ba ang napili mong secretarya mahal kong kapatid" sabi nito uli at pag tatanong kay karl..
"Secretary lee akin na ang resume niya" utos ni karl
"Ito po" kinuha ni lee ang aking resume at binigay kay karl..
Tinignan din ito ng kuya ni karl..
"Faye aragon!!" Sambit ni kirvey
Tumingin ako sa kanya, na nahihiya..
Ngumiti lang ito sa akin..
"Wala siyang experience sa pag tatrabaho" sabi uli ni kirvey..
"Tanggap kana" maikling sagot ni karl.
Nagulat kaming lahat sa sinabi nito lalo na si kirvey.
"Sigurado kaba mahal kong kapatid?" Tanong nito kay karl.
"Kung ano ang sinabi ko yon na yon" sagot uli ni karl.
Kilala din na tycoon ang pamilyang alvares dahil maraming shareholders ang kanilang pamilya... Yes magkapatid si karl at kirvey pero may pagkakaiba sila si karl ay laging seryuso at tahimik si kirvey ay babaero at laging gumigimik..