Author's Christmas Gift #5: You're The Only One Part 4

4449 Words
CHAPTER ELEVEN: THEY GROW UP [AFTER 5 YEARS]           Pagkatapos grumduate ni valerie sa college bilang suma c*m laude, agad syang naghanap ng trabaho, MALI! Sya pala ang hinanap… at ang napili nya ay ang WonderMan Company.   [VALERIE’S POV]           Grabe! Nakakapagod magtrabaho… I hate it, pero ano bang magagawa ko?? Gusto kong kumita gamit ang sarili kong pagod. Nagsarili na kasi ako, sa ngayon ay nagiipon ako para makabili ng bahay at lupa. Sa ngayon ay dito ako nakatira sa bahay ng tita ko, ang CEO ng WonderMan Company, sya ang dahilan kung bakit ito ang napili kong kompanya.   “valerie, ang aga mo atang umuwi ngayon” sabi ni tita Seny   “di po kasi ako ngayon nag overtime, pagod na ko”   “wala ka kasing lovelife kaya ganun. Tomboy ka ba??? Ni minsan di ka pa nagpapakilala sa’kin ng bf mo”   “di yun ang priotity ko tita”   “si steven, ang tagal na nyang nanliligaw sa’yo. Sa pagkakatanda ko, ang sabi mo eh, brineak nya yung jessica because he loves you so much”   “so? Kung mahal nya ko, hindi nya sana sya nakipagbreak sa’kin nung umpisa pa lang”   “pero  nakikita ko na talagang pinapatunayan nya na mahal ka nya. Kaya nga sya pumasok sa kompanya ko eh dahil sa’yo di ba?”   “maghintay sya sa wala. Hindi ko na sya mahal”   “sus. Sige alis na’ko”             5 minutes pag alis ni tita, may nagdoorbell. Sino naman kaya tong letcheng toh? Napakaistorbo, kumakain ako eh… kainis!   “HI! Good evening” si steven lang pala na may dala pang roses and chocolates   “what are you doing here?”   “aakyat ng ligaw”   “binasted na kita ng paulit ulit tapos andyan ka pa din?”   “iiwanan lang kita pag nahanap mo na ang taong magpapaligaya sa’yo”   “pinahihirapan mo lang ang sarili mo”   “masaya ako sa ginagawa ko, wag kang mag alala”            Wala na akong magagawa, pinatuloy ko na sya sa bahay dahil ayaw ko din naman syang bastusin. 1 hour after ng pagkekwentuhan namin, nakabalik na si tita seny. Pagpasok nya sa loob, nakahiga ako sa sofa at tawa ng tawa dahil kinikiliti ako ni steven. Pero mas nagulat ako dahil may kasama si tita, masama ang tingin nito sa amin at di ako maaaring magkamali, sya si JERRY. “so valerie, nagkakamabutihan na pala kayo nitong si steven”   “hindi po…”   “valerie and steven, this is jerry. Nandito sya ngayon dahil ipapakilala kita dahil ikaw ang magtu tour sa kanya sa company natin tomorrow”   “ok po”   “ahh mam Seny, alis na po ako. Ms. Valerie pasensya na sa abala”            Galit pa rin kaya sya sa’kin??? Sana napatawad na nya ko sa lahat ng nagawa ko. Pinagsisisihan ko na naman lahat ng yun eh. At sya din ang rason kung bakit di pa ako nagboboyfriend, kasi mahal ko pa sya hanggang ngayon.               CHAPTER TWELVE: THE CHALLENGE   [VALERIE’S POV]             Almost one hour din akong naging tour guide nitong si jerry at sa wakas natapos na din. Hindi sya nagopen ng kahit anong topic about sa past namin, ganun din naman ako. Ibig sabihin kaya nun, napatawad na nya ako??? Wow! So glad about that. Pero sa totoo lang, naiilang ako sa kanya kanina pa.   “naiilang ka sa’kin di ba?” tanong nya. Andito kami ngayon sa cafeteria, kumakain ng lunch   “o-of c-course not”   “wag ka ng magsinungaling, halata naman eh”   “ano?”   “Magpatatagan na lang tayo dito, ang unang umalis, talo. Oo nga pala, sabihin mo sa bestfriend mong si kylie congrats. Balita ko ikakasal na daw sya kay DENVER, yung pinsan mo na kakuntsaba mo sa panloloko”            Bigla naman akong napatango sa sinabi nya, hindi pa pala nya nakakalimutan.   “ahh oo, ikakasal na sya, pero sa tingin ko di ako makakapunta kasi busy ako sa work”   “ganun ba? I forgot! Congrats nga pala dahil ikaw ang VALEDICTORIAN ng batch nyo”   “sige mauna na ko”                  Tumayo na ako at nagwave sa kanya. Nang makalayo na ako, pumatak na ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Ang sakit kasi na talagang ipinapamukha nya  sa akin ang mga ginawa ko. Gusto ko tuloy magpakamatay.              Umupo ako dun sa isang bench ng hall at may nag abot sa’kin ng panyo. Tiningnan ko kung sino sya at nakita ko ang mukha ni steven. Halatang very worried ito sa akin dahil sa expression ng mukha nya. Hindi na talaga sya nawawala sa tabi ko lalo na pag malungkot ako. Gusto kong  mahalin ulit sya, pero hindi nadidiktahan o natuturuan ang puso. Hanggang kaibigan na lang talaga ang maituturing ko sa kanya.   “anong problema?”   “wala”   “anong wala?. Sinong nagpaiyak sa’yo hah? Sabihin mo at ng magulpi ko”   “wala nga, happy lang ako dahil kay kylie, I’m so proud of her”   “kung magsisinungaling ka, galing galingan mo naman. I don’t believe you”             Niyakap ako ni steven at nakita ko si jerry na nakatingin sa amin, pangalawang beses na to na nakikita nya kaming magkasama. Nung una ay yung sa bahay na naghaharutan kami at ito ang pangalawa, magkayakap kami. Pero nagulat ako ng may tumawag sa kanya.   “BABES!!!”   “Monica! I miss you”   “I miss you too babes”            Pero mas sumira ng puso ko ang biglang paghalik ni jerry dun sa girl. Mag syota ba sila??? I don’t want them. I don’t like this scene… gusto kong higitin ang buhok nung monica at tanggalin isa isa ang bawat buhok nito. “valerie, naiinggit ka ba sa kiss nung dalwang yon?” tanong ni steven   “hah?”   “kasi kung naiinggit ka, pwede tayong maghalikan dito”   “oo. Naiinggit ako”           Steven kiss me. Anong akala mo jerry? Ikaw lang may kaya manghalik ng iba? Hindi ako ang unang aalis dito sa company na to. Matatalo ka! I’m sure with that, mabuti nang umayaw ka na ngayon pa lang.   CHAPTER THIRTEEN: JEALOUS   [JERRY’S POV]            Hi!!! Ngayon na lang ulit me nakapag POV. Hehe!          Monica is my girlfriend now. 4 months na kami and going strong. I met her when I was college and I found out that she’s a very nice girl. Masasabi kong mas masarap syang mahalin kesa sa una kong girlfriend na si valerie, kaya naman sobrang proud ako na ako ang syota ni monica ^_^   “BABES!!!”   “Monica! I miss you”   “I miss you too babes”             Babes tawagan namin, hehe. Very common. Kiniss nya ko, so I kissed her back. Wala naman sinabi na bawal dito sa company ang mag PDA di ba??? In the other side, nakita ko si valerie na kahalikan si steven. Masaya siguro talaga sya sa ginawa nya sa’kin, wala akong nakikita na lungkot o pagsisisisi sa ginawa nyang pagtatraydor. Hayop sya! Minahal ko sya ng totoo tapos niloko nya lang ako??? Anong klase syang babae? Makikita nya ang kaya kong gawin, aalis sya sa kompanyang toh at hindi nya na ulit ako maloloko. Hanggang saan ba talaga ang kaya mo VALERIE???   “babes, tara sa office ko” yakag ko kay monica   “sure babes basta ikaw! Alam mo namang love na love kita eh”   “let’s go”             Sa kamalas malasan nga naman, nakasabay pa namin sa elevator si valerie at steven, di pala ako ang malas, si valerie.   “so valerie, di mo sa’kin nakwento na nagkabalikan kayo ng ex mo” tumingin sya sa’kin   “nakalimutan ko ba? Sorry hah. Di bale next time, invite kita sa wedding namin”   “sure, kung papayag ka, ikaw sana maging bridesmaid ni monica pag kinasal na kami”   “why not?”  langyang valerie toh, parang di man lang nasaktan. Kainis! Di bale marami pa kong oras             Paglabas namin ng elevator, nagkahiwa hiwalay din kaming apat, kami ni monica pakanan at sila valerie pakaliwa.   “babes sino yun?”   “ahh si valerie, friend ko sya nung highschool”   “friend???”   “yes”   “don’t fool me, ex mo sya no”   “uhh--- yes”   “ok, then don’t act na nagseselos ka dun sa lalaking kasama nya”   “ANO?”   “hindi ako manhid jerry, I know that you’re jealous. In the way you look and talk to her, I feel it”   “no! I’m not jealous. Trust me ok?”   “if you want me to trust you, trust me too”   “hindi nga sabi ako nagseselos eh”   “sure?”   “yup”            Niyakap ko si monica, nagseselos nga ba ko kanina??? I think I don’t because I already moved on from her.   CHAPTER FOURTEEN: MEET HER    [VALERIE’S POV]        What a good day today!!! Ang sarap ng tulog ko, walang istorbo! Hahaha, naka leave kasi ako ngayon. Makapagrelax muna, ay wag na lang pala, makapag shopping na lang sa mall, ang tagal ko na ring di nakakapamili, puro luma na isinusuot ko! Pumapangit tuloy ang looks ko! Haha, jowk! Kahit ano isuot ko, maganda ko.   ***MALL***           Grabe! Ngayon na lang ulet me nakapunta dito, busy kasi ako sa works eh. Masyadong madami. Hehe, nga pala lapit na ang payday. Love it!!!         Kakaiba ko noh??? Kung kailan di pa sumasahod tsaka namimili… yaan nyu  na!!! walang basagan ng trip, ok? : )   “miss magkano toh” tanong ko dun sa saleslady   “may price tag yan, tingnan mo na lang”   “sa lahat ng saleslady, ikaw yung pinakamasunget”   “sa’yo lang”   “ano??? Sa’kin lang? gusto mo bang ireklamo kita sa manager mo”   “just a joke! Don’t remember me??? I’m Monica, the girlfriend of your officemate. Tiningnan ko lang naman kung maaalala mo ko”   “ahh, ikaw pala. Sorry kung di agad kita nakilala”   “no… it’s okay. Ngayon pa lang naman tayo nag meet personally eh”   “gusto mo maglunch??” tanong ko. Grabe!  I’m so plastic   “okay lang, lunch na naman namin eh. San tayo??”   “mang inasal… unli rice dun” [A/N: promoter lang ng mang inasal??? Bwahahaha.. yaan nyu na! sorry sa mga hate ang mang inasal… next time jollibee naman]   “okay fine, let’s go?”            Sabay kaming naglakad ni monica. Hindi sya naiilang sa’kin dahil siguro di nya alam na ex ko si jerry. Yaan ko lang, bahala sya. Mabait sya at… madaldal? Dami nya kasing kinukwento, bakit ko pa ba sya nayaya mag lunch??? BIG MISTAKE yun!          Nakaupo na kami at kasalukuyang kumakain, di sya umiimik pero after 10 minutes, kinausap nya na ko.   “kamusta kayo ni steven?”   “ayos lang… masaya, tsaka friends lang kami”   “oh! And I thought that she was your boyfriend. Bagay kayo”   mas bagay kami ni jerry… sabi ko sa isip ko   “talaga??? Eh kayo ni jerry?”   “kami? Very ok! He’s very sweet and caring kasi”   “ganun?”   “yup, alam mo ba nung nililigawan nya ko nung college, hatid sundo nya lagi ako sa bahay. Sabay kaming kumain sa cafeteria, date lagi sa weekend pero isang beses pa lang kami nag ki kiss”   “HAH? Bakit naman?”   “kahapon nga lang kami nag kiss eh, sabi nya kasi after marriage na lang daw kami mag kiss, at kahit daw pag sawaan ko na lips nya, aking akin lang daw yun. Sweet noh”   “engage na ba kayo?”   “not yet, pero malapit na…”           Lakas ng confidence mo girl!!! Mag break sana kayo… AHEYT YOU!!! Akin lang si jerry… haha jowk!   “ahh, naku valerie tapos na lunch ko, mauna na ko sa’yo hah!”   “okay.. ingat ka!”   “nice to meet you”  inabot nya kamay nya para makipag shake hands   “me too”  then nag smile sya sa’kin, halatang di nya ko pina plastic             Mabait sya, hindi ako nagtataka kung bakit sya nagustuhan ni jerry. Because she’s almost PERFECT. Walang wala ako sa kanya, FACE ko lang panlaban ko! Naiinsecure tuloy ako sa kanya. Huhuhu!                                                 CHAPTER FIFTEEN: LETTING GO   [MONICA’S POV]              Hi there!!! It’s my first time to have a POV. Kung di nyo ko matandaan, I’m monica, the present girlfriend of jerry. First of all, wag sana kayong magagalit sa akin, di naman ako bad eh. Ang totoo nyan, gusto ko pa ngang magkabalikan si jerry at valerie. Ewan ko ba!!! Pero yun ang gusto kong mangyari, ang abnormal ko noh???            As a girl, alam ko na mahal pa din ni jerry si valerie. Di ako manhid noh! Ewan ko ba dun sa lalaking yun, nasa in denial stage pa ata sya. Parang di sya nagmature.            Ang totoo nyan, I don’t love jerry. Nag makaawa lang sya sa akin na kung pwede kaming magpanggap. Gusto nya daw kasi na makita ni valerie na he already moved on, pero sa totoo hindi pa. kung ako sa kanya, aamin na ko. Alam ko naman kasing hindi mag on si steven at valerie… pinsan ko kaya si steven, at ang babaeng gusto ko para sa kanya is jessica. Yung highschool girlfriend nya na ibrineak nya dahil napagtanto nya na mahal pa nya si valerie. He’s very very engot.   [A/N: abangan nyo po ang next story ko na pinamagatan kong ILLUSION starring kim bum as steven and kim so eun as jessica!!! ^_^ ehem ehem… kasama din po sila dito sa story na to pero hindi sila ang bida so I’ve decided na gumawa ng story nila… SOON, malapit na din naman itong matapos!]   ***back to story***             Hay naku si mr. author panira ng moment… ok back to story na!           Ngayon,nagiisip na ko ng bright idea para magkabalikan yung dalawa… ayokong maging kontrabida eh! Ano kaya??? Hay ewan… light bulb!!! Alam ko na     [VALERIE’S POV]             Ang hirap ng ganito, gusto kong magkabalikan ulit kami ni jerry pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong mapunta sya sa monica na yun… hehe lord help me.            Si jerry ba yun?   Inhale… Exhale… Inhale… Exhale…           Ok, kakausapin ko sya… kapapasok pa lang naman nya sa office nya kaya wala akong maiistorbo. Kakainin ko muna ang pride ko.         Binuksan ko ang pinto and “oh my god” napalakas pagkakasabi ko nun. Nakita ko kasi si jerry na topless at nakaupo sa kanya si monica.   “I’m sorry for disturbing you” yun na lang ang nasabi ko   “it’s ok, nasa kissing scene pa lang naman kami. Pakilock na nung pinto para wala ng makaistorbo”   “okay”           Oh my god, hindi ko na kaya toh. Konti na lang at papatak na ang luha ko. Bakit ba kailangan ko pang makita yun??? Sobrang LASWA…   “valerie… are you crying???” steven asked   “hah? Wala toh, napuwing lang ako”   “ang dalas mong umiyak ngayon ahh… nagsimula lang yan nung dumating si jerry dito sa kompanya. Dahil ba sa kanya?”   “steven…. Mahal ko pa sya”   “(sigh) ok, I let you go now, hindi na kita hahabulin basta papayag ka sa kondisyon ko”   “anong kondisyon?”   “magiging friends pa din tayo!”   “syempre naman…”   “may isa pa…” “ano?”   “promise me that you will be happy”   “di ko ata magagawa yan”   “bakit naman?”   “kasi yung taong makakapagpasaya sa’kin, iba yung pinapasaya” : (   “tandaan mo lang andito pa ko”             Ni let go na ko ni steven… dapat ko na din bang I let go si jerry??? A BIG QUESTIO MARK ON MY HEAD…                                                 CHAPTER SIXTEEN: TSISMIS?    [JERRY’S POV]             Ano kayang kailangan ni monica at tinext ako na pumasok sa office ko??? She’s so weird, ano kayang meron. Bago ako pumasok sa office ko, I saw valerie na parang may sasabihin sa’kin, pero sa tingin ko wala syang lakas ng loob.           Pagpasok ko ng office nakita ko si monica, pinaupo nya ko sa chair ko at nagulat na lang ako ng umupo sya sa harap ko, she kissed me at bigla namang pumasok si valerie. Gulat na gulat ito, at ang mata nya, parang nasasaktan??? Ahh hindi, mali lang siguro pagkakaintindi ko.           Lumabas sya ng office at susundan ko sana sya pero pinigilan ako ni monica.   “mahal mo pa sya, bakit di mo balikan???”   “HAH???”   “kaya kita hinalikan eh para marealize nyo ni valerie na mahal nyo pa ang isa’t isa hanggang ngayon”   “ano bang sinasabi mo?”   “sa tingin mo kung mahal ka pa nya, tatakbo sya. She still loves you and you still love her. Please be true to yourselves, para kayong mga engot na ewan”   “pano ka?”   “anong pano ko??? HOY! Kung ikaw magiging asawa ko, di bale na noh, may mahal kang iba kaya please follow your heart not your mind”   “thanks monica”   “your always welcome jerry!!! Good luck sa inyo!” ^_^              Dahil sa natauhan na ko, umalis na ko at hinanap si valerie. Nakita ko syang kayakap si steven at kino comfort sya. Mahal mo ba talaga ko valerie or nagpapanggap ka lang??? kasi ako, hindi nawala tong nararamdaman ko sa’yo.           Walang magagawa tong pa emote emote ko, lalapitan ko sya at mag sosorry.   “valerie… can I talk to you??”   “leave me alone with steven”   “valerie sorry”   “please??? Leave us alone” sinabi nya yun habang umiiyak   “valerie I think you need to talk with him”--- steven   “why should i??”   “para maayos nyo na tong dalawa”--- steven   “sige, pero 5 minutes lang”           Umalis na si steven at naiwan kaming dalawa ni valerie.   “valerie I still love you…”   “………………………………..”   “do you feel the same way too?”   “…………………………………”   “ganyan ka pa rin hanggang ngayon?? Kinikilig ka pa rin sa’kin?”   “nagawa mo pang magbiro”   “edi umimik ka din”   “say what you want”   “YOU… I WANT YOU VALERIE”           Biglang nagtinginan ang mga tao dahil napalakas ang pagkakasabi ko nun… BIG SCANDAL toh! Shet.   “uyyyyyy, kaya pala di masyado nagpapansinan yung dalawa kasi may something”   “they are so bagay”   “kilig much me…”           Usap usapan na kami sa building, trending kami dito. Teka?? Bakit ba kailangan kong mahiya??? Proud dapat ako kasi alam ng buong company na mahal ko sya. AYOS LANG DI NAMAN YUN TSISMIS                                                 CHAPTER SEVENTEEN: SOLUTION   [VALERIE’S POV]             Totoo ba lahat ng narinig ko mula kay jerry??? Mahal nya pa ko… oh my god!!! Gusto kong maniwala but HINDI DAPAT. Makakasira ako ng isang relasyon, kung saan masaya ang taong mahal ko, hindi ko sya pipigilan. Ganun naman talaga sa love di ba??? Kailangan laging may i-SACRIFICE. Kagaya ni steven, hinayaan nya na ko kung saan ako magiging masaya.             Lumabas ako ng wonderman company, gusto kong makapag isa ngayon. Pero san naman ako pupunta? Wala akong alam na lugar na tahimik. Di naman kasi ako masyadong mahilig lumabas ng bahay. Hay! Buhay parang life… bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.             Lakad…           Lakad…           Lakad… at madami pang lakad, nakarating ako sa isang………… BAR?             Iinom na lang ako dito at ng sa ganun makalimutan ko yang lecheng lovelife na yan.           Humingi ako ng isang beer, at may bigla akong naalala. Yung challenge ni jerry. Sabi ko na nga ba! Di nya talaga ko mahal at ang balak nyang gawin ay pagselosin ako para umalis na ko sa kompanya… okay! Panalo na sya.   “hi ms. Beautiful” sabi sa kin nung lalaking asungot   “ako ba???” engot ko noh??? Alam ko namang ako   “yup! Ikaw lang naman maganda dito eh”   “ahh thanks for your complement”   “ako nga pala si warren, you?”   “uhm--- valerie”   “nice name. ngayon lang kita nakita dito, first time mo ba here?”   “yes… may gusto lang kasi akong kalimutan… my lovelife”   “pareho pala tayo… nagbreak kasi kami kanina ng gf ko”   “baket?”  ow… I’m so FC   “selos. Lahat na lang ng babae pinagselosan nya. Nakakapanawa na rin, nakipagbreak na ko kahit mahal ko pa sya”   “hah??? Balikan mo sya”   “wait. You? What’s your problem about your lovelife?”   “mahabang kwento”   “handa akong makinig”   “okay. Yun kasing katrabaho ko ngayon is boyfriend ko nung highschool pa kami. Hanggang ngayon love ko pa sya pero sya may iba ng mahal. May nagawa kasi akong di maganda when we are highschool, kaya ayun nakipagbreak sa kin. Tapos ngayon china challenge nya ko na magpatatagan daw kami sa kompanya naming pinapasukan”   “very simple. Edi ipaglaban mo”   “madaling sabihin mahirap gawin”   “ganito na lang. ipaglaban mo sya at babalikan ko yung ex ko”   “Hah?”   “kesa nagmumukmok tayo dito, bakit di natin solusyun ang ating problema?”   “you’re right. Thanks natauhan ako. Sige I need to go na, nice to meet you warren”   “me too. Good luck”           CHAPTER EIGHTEEN: THE FINALE… YOU’RE THE ONLY ONE   [VALERIE’S POV]              Bakit ba ang tanga tanga ko??? Ngayon ko lang naisip na kailangan ko syang ipaglaban. I’m so idiot. Bukas na bukas din kakausapin ko sya. Kahit ano pang sabihin nya, tatanggapin ko malaman lang nya na MAHAL KO SYA ^_^             Maaga akong nagising, hinanda ko na ang mga sasabihin ko. Ayaw ko naman mapahiya. Pagpasok ko ng kompanya dumiretso na agad ako sa office nya. Pero nakita ko syang kayakap si monica??? Ano ba yan? Siguro hindi talaga kami para sa isa’t isa. Nawala na naman yung self confidence ko. Mag fofocus na lang ako sa trabaho. Hirap pigilan ng luha, paulit ulit na lang. nakakainis na. Ganito din yung nangyari kahapon, ang piangkaiba lang, wala ng nag cocomfort sa’kin, wala na si steven.. balita ko bumalik muna sya sa lugar nya. Di ko alam kung saan, I feel so hurt for him. Ayoko syang saktan pero kailangan, bestfriend na ang turing ko dun eh. Sana makahanap sya ng lablayf.             Umupo ako sa chair ko at binasa ang mga files na nasa harap ko. May project pa pala akong di natatapos. 5:00 na di ng ako’y natapos diretso uwi na ko, pero may isang bagay pa kong dapat gawin. Pumunta ako sa office ng aking tita at binigay ang aking resignation letter.   “valerie, bakit kailangan mo pang umalis?”   “ahh, wala po”   “may problem ba dito sa company ko?”   “nothing tita, I just want to go to other companies kasi… ahh… gusto ko ng humanap ng right man para sa’kin, at wala sya dito”   “HAH? Is that true? Oh sya sige. I will sign it na but make sure na ang bibingwitin mo is gwapo hah”   “syempre naman tita. I will choose the best man”       [JERRY’S POV]              It’s been 3 days ng umalis sya dito sa company. Ang lungkot isipin… kaya nga ito ang napili kong kompanya eh dahil nandito sya tapos ngayon lumipat na sya. Dahil siguro sa akin, binigay ko sa kanya yung challenge dahil sya ang babaeng di papatalo. Hindi sya basta susuko pero nagkamali ako, madali syang natalo sa binigay kong challenge sa kanya. Ang engot mo jerry. Bakit hinayaan kong basta na lang sya mawala?  Hindi pwede toh, pupuntahan ko sya mamaya dun sa lugar na pinagtatrabahuhan nya at sasabihin ko sa kanya na MAHAL KO SYA.   5:00 PM          Kanina pa akong nagaantay dito, pero di pa rin sya lumalabas, pumasok na kaya ako sa loob? Sa wakas! Lumabas din sya.   “valerie, mag usap tayo please”   “wala tayong dapat pag usapan”   “meron, bakit umalis ka ng kompanya?”   “di ba yun ang gusto mo? Dapat magsaya ka”   “hindi. Kaya kita hinamon dahil alam kong di ka magpapatalo sa’kin but I was wrong, madali ka palang magselos”   “mauna na ko”   “valerie, I love you”   “you must say that to monica”   “sa kanya ka pala nagseselos”   “OO NAGSESELOS AKO SA KANYA DAHIL MAHAL MO SYA”   “IKAW ANG MAHAL KO VALERIE, MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN?”   “hah?”   “di naman talaga nawala ang pagmamahal ko sa’yo, hindi kita kayang palitan”   “bakit?”   “because YOU’RE THE ONLY ONE. I love you valerie, maniwala ka sana”   “mahal mo talaga ko???”   “hindi kita mahal, mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita”   “corny, eh bakit kayo naghahalikan ni monica sa office mo”   “sabi nya, balak nya daw talaga na magkabalikan tayo at pinagseselos ka lang daw nya”   “eh  bakit magkayakap kayo nung isang araw”   “pupunta na kasi syang london, goodbye hug”   “sige na nga. Mahal na mahal din kita jerry, and I promise you that YOU’RE THE ONLY ONE, wala ng hihigit sa’yo”                       Then, they kiss each other at dinama ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.   (EPILOGUE) [VALERIE’S POV]            Andito kami ngayon ni jerry sa simbahan kasama ng mga bisita. Hindi kami ang kinakasal hah. Si kylie, tanda nyo pa sya? Yung bestfriend ko nung highschool? At ang pinsan kong si denver, yung tumulong sa’kin para maging valedictorian ako. Dahil nga natalo ko si jerry, sinagot ni kylie si denver, then she fall in love na.             Si steven? Wala na ako ngayong balita sa kanya. Sana nasa mabuting kalagayan lang sya. I miss him already. Hay! Kawawa naman sya, sana magka lovelife na! si monica naman, asa london, nagtatrabaho bilang isang fashion designer           Si warren, yung nameet ko sa bar, nagkabalikan na sila nung ex nya. Sabi naman nung ex, part lang daw talaga ng pagmamahal ang selos kasi kung di ka nagseselos, di mo sya mahal. Tama??? Pero trust pa din ang dapat na manguna sa love            How about me and jerry. Well, malayo pa before kaming magpakasal. Kababago pa lang namin maging mag bf-gf eh tapos kasal agad? Hehe… bumalik na nga pala ako sa kompanya kung saan talaga ako nagtatrabaho, namiss ko agad eh.  Di ko akalain na ang dati kong plano na mahulog sya sa akin ay aabot hanggang ganito, nahulog din ako sa kanya.          Alam kong umpisa pa lang toh ng lahat, andyan pa ang mga trials at problems pero naniniwala akong kami hanggang sa huli.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD