Author's Christmas Gift #5: You're The Only One Part 3

1190 Words
CHAPTER TEN: The Truth [VALERIE’S POV]   “hindi mo ba ko ihahatid pauwi?” tanong ko kay jerry. Nakakapanibago, 2 days na nya kong iniisnob. May nasabi ba kong mali? Ang huli lang naman nyang tinanong sa akin is kung nagseselos daw ba ako? Sagot ko, HINDI. Yun kaya ang dahilan?   “hindi. Next time na lang”   “OK FINE. Nagselos ako kay sarah”    oooooops!!! Nasabi ko yung totoo. Pesteng dila to.   “what did you say?”   “nagselos ako kay sarah! Satisfied?”    nakakatunaw ang ngiti nya sa’kin. Inaamin ko namiss ko to. Whahaha! Di ko na pwedeng ideny sa sarili ko, I LOVE HIM   “sabi ko na nga ba” nilapit nya mukha nya sa mukha ko and kiss me passionately. Ang sarap nyang humalik, parang di ako nanghihinayang na sya ang FIRST KISS ko. Nagulat na lang ako ng pumasok si steven sa room namin at nakita nya kaming naghahalikan. Oh my gosh!   “pasensya na sa istorbo, but valerie, let’s talk for a while” kinuha nya ang kamay ko and hinigit ako. Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin at kung tungkol saan ang kanyang sasabihin. Nang makarating na kami sa rooftop, kinuha ko na ang kamay ko.   “bakit mo ko dinala dito?”   “wala na ba talagang natitirang steven dyan sa puso mo?”   “sabihin mo na ng diretso ang gusto mong sabihin”   “hiwalayan mo na si jerry at bumalik ka na sa akin. I promise you na hindi na kita sasaktan”   “dapat ginawa mo yan nung tayo pa, hindi ngayon kung kailan may iba na kong mahal”   “mahal mo ba talaga sya? O palabas mo lang to?”   “what?”   “alam ko na lahat valerie at itigil mo na yan ngayon, bumalik ka na sa’kin at hayaan mo na sya. Talunin mo sya sa tamang paraan”   “mahal ko sya, yun ang totoo”   “but in the end malalaman pa rin nya ang ginawa mo at sasaktan mo lang sya”   “may utak ako para magdesisyon, i don’t need your help”             Pano nya nalaman ang bagay na yun? Kinakabahan tuloy ako, balikan ko na daw sya. Hindi na ba nya naaalala ang ginawa nya sa’kin.   [flashback]           Valentines day! Sobrang saya ko dahil makakasama ko ang boyfriend kong si steven, pero isang maling akala lang pala yun dahil yun ang araw na nakipag break sya sa akin.   “valerie”  sa mahinang boses   “oh steven! San ang date natin”   “ano kasi eh—“   “ano???”   “i want to break up with you”   “ano?”   “nakikipagbreak na ko sa’yo”   “joke lang yan di ba?   “seryoso ko”   “but why? May nagawa ba kong mali? Ako ba ang problema?”   “NO! Hindi ikaw, ako. May iba na kong gusto at di na kita mahal”   “hah? Totoo ba yan?. Steven pls. Ayoko ng ganyang klaseng joke”   “sorry...” [end of flashback]             Kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya at ayoko ng masaktan pa uli. Binura ko sya sa puso ko pero walang nangyayari pero nung nakilala ko si jerry. Nagbago ang lahat, nakakausap ko si steven dati kasi di naman sya naiilang sa’kin kaya hindi din dapat ako mailang. Hindi na daw nya ko mahal tapos ngayon, mahal na nya uli ako? Nakakatawa sya! He’s so funny.     -after one and one half months-           Ang bilis ng takbo ng panahon. Examination na namin tomorrow, last 2nd grading natalo ko si jerry at ngayon nagiisip na naman ako kung papano sya hindi makakapag aral. Yayayain ko na lang siguro sya mamaya, sasabihin ko na lang kina denver. Magpapanggap na lang ulit kami na may party.   “jerry, are you free tonight?”   “mag aaral lang ako bakit?”   “may bday party kasi sa mga pinsan ko at dadalhin nila mga boyfriend nila, hindi ka pala makakasama dahil may gagawin ka”   “ahh ganun ba?, sige sasama ko”   “TALAGA? I love you jerry!” i hug him tightly, mahal ko sya but i need to this. I’m really sorry jerry. Mapatawad mo sana ako balang araw   1st day of examination.            Sumama sa’kin si jerry at gaya ng plano, nalasing sya. Ako naman, nagaral ng magdamag. First day pa lang ng exam, MAPEH, Values, Social Studies at T.L.E pa lang nakukuha namin.   2nd day of examination.             Today namin kinuha yung apat na major subjects, English, Filipino, Math at Physics. Gaya kahapon, sigurado ako na hindi nakapag aral si jerry.   RESULTS DAY.          Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, NO.1, NO. 1 si jerry at second lang ako, pano nangyari yun? Pinuntahan ko si denver at tinanong ko kung ano ang nangyari, sigurado naman daw sya na lasing si jerry nung hinatid sa kanila.   “sigurado ka ba?”tanong ko!   “oo, kitang kita ko kung gaano kadami ang nainom nya”   “pero pano yun nangyari??? Nasira ang plano natin na tanggalin si jerry sa rank 1”   “tama ba ang narinig ko valerie?” nakita ko si jerry na lumabas dun sa likod   [JERRY’S POV] “tama ba ang narinig ko valerie”   “jerry, let me explain”   “para san pa? Kaya mo pala ko sinagot dahil dun, kagabi hindi naman talaga ako nalasing, lahat ng iniinom ko, iniluluwa ko din, ginaya kita valerie, nag aral ako magdamag. Mahal kita valerie, but i think that’s over”   “jerry pls. Pakinggan mo naman ako, i will explain to you all”   “no need. Alam ko kung bakit mo ginawa yun, don’t worry, di na ko magiging harang sa makasarili mong pangarap”            Umalis na ko at iniwan si valerie. Kaya pala bigla syang naging close sa’kin dahil dun. Bakit ba di ko agad yun naisip? Nasasaktan tuloy ako ng ganito. Nakapagdecide na ko, at di ko na babaguhin pa yun.   [VALERIE’S POV] The next day...   “class, sad to say but lilipat na si jerry ng school. Inaayos na nya ngayon ang mga forms nya sa guidance office, pero sa tingin ko tapos na sya at pupunta na sa bago nyang school”            Sobrang lungkot ng klase dahil sa narinig, and it was all my fault. Kung hindi dahil sa akin, nandito pa siguro sya. Tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan.   “best ayos lang yan” sabi ni kylie, ngayon na lang ulit kami nakapag usap after 2nd grading. Di ba natalo ko si jerry kaya ayun, napilitan nyang sagutin ang pinsan ko.   “ang sakit eh, ang sakit sakit” di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kulang na lang eh humagulhol ako.   “nasa huli talaga ang pagsisisi. Hayaan mo, tutulungan kitang makalimutan yun. Bestfriends tayo di ba?” kylie said.                        Grumaduate ako ng highschool as valedictorian, pero di ako masaya. May kulang pa din. Si JERRY. Sana makapag move on na ko. Mahal ko talaga sya eh, mahal na mahal. Kulang pa nga ang word na mahal para sa’kin. Sana masaya na sya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD