Author's Christmas Gift #1: Higit Pa Sa Kaibigan

1391 Words
Higit Pa Sa Kaibigan   PROLOGUE:   Naranasan mo na bang magmahal ng isang kaibigan? Este matalik na kaibigan? Ako? Oo. Pero nasaktan lang ako… Ang hirap pala! Lalo na nung mga oras na itinatago mo sa kanya Yung feeling na gustong gusto mo ng sabihin, But in the end, mawawalan ka ng lakas ng loob.   TORPE?, akala nyo lang yan Ang totoo, ayaw ko lang syang masaktan…      Sinabi nya sa’kin na mahal nya ko, pero siguro bilang friend lang Pero di nagbabago ang feelings ko, mahal ko sya hindi lang bilang isang kaibigan.     ---TYRONE AND NERLYN, ang bestfriends na may lihim na gusto sa isa’t isa     SHORT STORY…            “good morning” yan na ang daily phrase ko tuwing umaga. Binabati ko pa nga kahit di ko kilala. By the way, ako nga pala si Tyrone Justin Rivera. Masayahin, makulit, matalino at syempre mabait. Good boy ata ako. Alam mo ba? Pumasok sa isip ko na maging bad boy na lang, parang yun kasi ang type ng mga girls eh, isa pa ang hirap maging good boy, sobrang dami kasing iniiwasan. Alam mo yun, gusto kong testingin magsigarilyo pero pag ginawa ko, baka maging addict ako at dalhin pa sa isang mental hospital. Bihira na lang kaya ang mga straight guys na mababait at matatalino.   Dito ako pumapasok sa TEEN DREAMERS ACADEMY, oh di ba? Pang movie lang yung name. It’s a private school pero madami pa din ang dito pumapasok. Affordable naman kasi ang tuition fee kaya nakakaya namin. 3rd year highschool na ako ngayon, in short, im a junior student.   Marami ako ditong friends, pero syempre meron talaga akong pinaka kaclose. Her name is Nerlyn Fe Sanchez. Pamula pa lang nung 2nd year, friend ko na sya. Nung 1st year, hindi di pa kami ganung close. Bihira lang kasi kung magkita kami at di kami classmates. She’s the kind of girl na kakatuwaan mo, lovable, cute, humble, always happy at grabe kung mang asar. Pero kahit ganun sya, SPECIAL pa rin sya para sa akin. Pagpasok ko pa lang sa umaga, napapasmile na ko pag nakikita ko sya, what if? Kausapin pa nya ko. Edi todo todo smile na, yung kulang na lang masira ang mukha ko dahil abot tenga ang ngiti ko.   But, I have a secret na hindi nya pwedeng malaman, na love ko sya MORE THAN FRIENDS. Alam ko na pag inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko ngayon, magkakakailangan lang kami. Hindi na kami magpapansin at lalong hindi na makakapagtawanan. Ayos na naman sa akin ang ganitong set up, pero hindi ko pa rin maiwasan na mangarap na sana, SYA NA LANG. “Good Morning Tyrone!” bati nya sa’kin na may kasama pang kindat. Syempre kahit lalaki ako, kinikilig ako, patago nga lang.   “Good Morning Nerlyn!” bati ko naman sa kanya   Normal na sa amin ang batian portion tuwing umaga. Lalapit ako sa kanya then, makikipag- kwentuhan. Kung ano ano na nga ang napag uusapan namin eh, minsan about lovelife. Naiilang nga ako kung minsan, sinasabi nya kasi sa akin mga crush nya, gaya nina Justin Bieber, Jhake Vargas, Daniel Padilla at kung sino sino pa. Kahit alam kong mga artista ang mga yun, di ko maiwasan ang magselos. Ikaw kaya? Sa harap ng mahal mo, tapos sinabi  nya sa’yo kung sino gusto nya, di ka kaya magselos?. Bwisit kasing love to eh.   Start na ng class, Geometry ang first subject namin.   “may sinabi sa’kin ang iba nyong teachers, ang ingay ingay nyo daw at ang g**o g**o at napag isip isip ko na gumawa na lang tayo ng sitting arrangement”   Buti na lang maingay kaming magkakaklase, dahil kasi dun, naging magkatabi kami ni Nerlyn. Mas malapit na ko sa kanya ngayon. Tinanong nya nga ako kung di ba daw ako naiinis kasi palagi ko na lang syang nakikita. Pihado daw na nagsasawa na ako sa buhay nya. Well, feeling nya lang yun, kahit pa 24 hours na nakatitig ako sa kanya, never akong magsasawa sa mukha nya.   “nerlyn, sabay tayo mamaya sa lunch” tanong ko   “tyrone, buong araw na nga tayong magkatabi hanggang sa canteen ba naman??? Daig mo pa ang boyfriend ko! Grabe ka!”   “boyfriend?”   “yup! Di ko pa ba nasasabi sa’yo? Boyfriend ko na yung varsity player sa basketball ng school natin, si James De Castro! Oh sige una na ko hah”   BOYFRIEND? Meron na pala sya nun. Nakakasad naman, but I need to be strong. Ako ang pumili ng desisyong hindi  sabihin sa kanya itong feelings ko. Masaya naman siguro sya sa syota nya and by that way, masaya na din ako.   [NERLYN’S POV] 2 days nang di pumapasok tong si Tyrone. Miss ko na tuloy siya. Sawa na siguro siya sa mukha ko. Maganda naman ako ahh. Baka naman may sakit sya? Dalawin ko kaya… NO NEED na pala, pumasok na kasi sya ngayon eh. First time nyang malate. Nakakapanibago, di ako binati ng good morning. Badtrip siguro sya. Bakit naman? Basted siguro. Tanungin ko na nga lang.   “HUY! Bakit ka absent ng 2 days?”   “……….”   “grabe! Nice talking hah”   “………..”   “umimik ka naman dyan, speechless sa beauty ko?”   He raised his hand at may sinabi sa teacher namin.   “mam! Pwedeng ilipat nyo po ako ng ibang upuan, ang ingay  po kasi ng katabi ko. Di ako makapag conncentrate sa tinuturo nyo”   “ok. Dun ka sa vacant seat malapit sa bintana”   Tumayo na sya at lumipat. Nakakalungkot naman, parang iniiwasan nya ako. Galit ba sya sa akin? May nasabi ba akong masama? I hate him. Hindi naman sya masungit dati pero ngayon parang nadaig pa si JIRO(character of my prince written by alyloony). Hay! Tong bestfriend ko, may problema. Ayaw lang sabihin sa’kin.   Maghapon akong di kinausap ng bestfriend ko. Haaaayy! Sobrang miss ko na sya. Sabayan ko na lang sya sa pag uwi.   “HEY! TYRONE” tawag ko. Aba’t napakasunget, meron atang buwanang dalaw ngayon. Di man lang ako pinansin? ISNABEROOOO!!!   “hi” bati ko ulet   “bakit? Anong kailangan mo sa’kin?”   “namiss lang kita. 2 days din kaya kitang di nakita. Di mo ba ako namiss?”   “nope. Maybe you should go to your boyfriend now at baka mahuli ka pa nya na nakikipag usap sa ibang lalaki”   “hah? Di naman ganun si james eh. Di yun seloso”   “maiwan na kita dito, may gagawin pa ko. See you next time!”   “ok” [TYRONE’S POV]   Sa totoo lang isang malaking desisyon na naman ang ginawa ko. Napagdesisyunan ko na, IWASAN na sya. Ayoko ng masaktan sa tuwing pinapaalala nya ang boyfriend nyang MVP.   1 month later…   Isang buwan ko na din syang iniiwasan. Miss ko na sya ng sobra sobra. Nakakainis naman, bakit ba kasi nagbf yung babaeng yun? Trip nya lang siguro pero kilala ko si nerlyn, gusto nya na ang first bf nya is very special.   [NERLYN’S POV]   Hindi na ako makatiis, tatanungin ko na sya. Andun sya sa may garden at sakto namang wala syang kasama.   “tyrone ano bang problema?” hinawakan ko sya sa braso   “wala”   “anong wala? Alam kong meron bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?”   “wala nga”   “SABIHIN MO KASI SA KIN ANG PROBLEMA MO, ANO PANG SILBI NG PAGIGING BESTFRIEND NATIN KUNG DI MO KO PAGKAKATIWALAAN?” nainis na ko sa lalaking to eh   “IKAW! YOU’RE MY PROBLEM”   “Hah?”   “IKAW ANG PROBLEMA KO, NAPAKAMANHID MO”   “what do you mean?”   “MAHAL KITA NERLYN, MATAGAL NA, BAKIT BA DI MO NARARAMDAMAN?”   “KUNG MAGSALITA KA AKALA MO HINDI KA MANHID, MAHAL DIN KITA, NARAMADAMAN MO BA YUN? HINDI DIN NAMAN DI BA? PATAS LANG TAYONG DALAWA”   “what?”   “mahal din kita!” “eh bakit nag boyfriend ka na?”   “tinitingnan ko lang kung magseselos ka, wala talaga kaming relasyon. Joke ko lang lahat ng yun”   “bakit ngayon mo lang sakin inamin?”   “eh ikaw, bakit ngayon mo lang inamin?”   “tama na nga ang explanation, can you be my girlfriend?”   “STOP!  Ligawan mo muna dapat ako noh”   Kahit na alam kong, we’re more than friends. J
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD