12th Gift

2419 Words
12th Gift [Cheska's POV] Ngayon na ang fieldtrip. December 24. Walanjo din naman ang faculty namin, bisperas pa ng pasko napiling mag field trip. Ako nga lang ang di kasama sa'ming magkakaklase, pihadong OP tuloy ako sa pasukan, kainis lang. Sila puro kwentuhan, ako? Makikinig lang. Heto ako ngayon, basang basa sa ulan. De jowk lang! Naglalakad lakad sa mall. Nag-eenjoy! Wala nga lang kasama. Nakakaenjoy ba yun? Ni wala nga akong makakwentuhan. Kasama din kasi bestfriend ko. Loner ako today. Bigla akong napatingin sa dako kung saan nakita ko dati si Derrick at Lany. Nakakahiya ako nun, ano bang naisipan ko't may pagsugod pa kong nalalaman?! Ewan ko ba pero bigla na lang akong napangiti ngayon. Kaibigan ko na sila, hindi naman pala talaga masama ang ugali ni Lany. Medyo medyo lang, at nadala lang din sya ng nararamdaman nya. Sa tingin ko rin, nagkakamabutihan na silang dalawa ni Derrick. Yung hindi katawan ang hinahabol sa isa’t isa hah! Si Derrick naman, sya yung nagiisa kong Boy Bestfriend. Lagi syang nandyan sa tabi ko. Gusto nya na ngang kausapin ko si Kyle kaso, Di pa ko ready. Gusto kong sya ang unang lumapit sa’kin at humingi ng sorry. Hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung bakit sya sa’kin nagtampo. Nakakaramdam nga ako ng kakulangan everyday. Para bang laging kulang. Napatalon ako sa gulat ng may biglang umakbay sa’kin. Gagamitan ko na sana sya ng judo pero nahawakan nya agad ang kamay ko. Tiningnan ko ang mukha nya, si KYLE. Nakatingin sya sa’kin at nakangiti. Palihim naman akong ngumiti, hindi ko mapigilan, umakbay din kasi sya sa’kin nung una kaming magkita dito sa mall. “Tsk. Alam mo bang nakakainis ka Cheska?!” Ano daw? Ako yung nakakainis? Eh sya nga ang dapat kong sabihan nun eh. “Hah? Ikaw nga dyan eh, di ka namamansin” sabi ko at tinanggal ko pa ang pagkakaakbay nya sa'kin. Kahit ayaw kong tanggalin, kailangan pa ding magpakipot. “Natiis mo ang isang tulad ko? May dalawa ka saking atraso” “Ako pa ngayon ang may atraso hah?” Wala na. Napataas na din ang boses ko. Ang kulit kasi eh! Sya yung may ginawang mali tapos aastang parang walang nangyari. “Hindi mo man lang ba itatanong kung ano yung dalawang yun?” Hah? Oo nga noh. Hindi ko alam kung bakit sya nagalit sa'kin. “Sige na nga, ano?” “Yung una, narinig ko si lany na nagrequest sa’yo na balikan mo na si Derrick” Ano daw? Paki-eplain nga. “Anong ginawa ko at nagalit ka sa’kin?” “Kasi," sabay hawak sa kamay ko. "alam ko na magkakabalikan na kayo at maiitsapwera na ko dyan sa puso mo” Napangiti naman ako bigla. Nagselos ba sya?. Kinikilig ako ngayon, pramis. “Seloso ka pala!” “Bakit? Selosa ka rin naman ah, sarili mo ngang bestfriend pinagselosan mo” Hinampas ko sya sa braso nya, kailangan pa ba kasi yung ipaalala? Namumula ako sa kahihiyan! ANO BA! Naiinis nga ako sa sarili ko pag naaalala ko yun. “Bakit nga pala di ka kasama sa field trip?” tanong ko. “Di ka kasama eh, tsaka wala ka bang naaalala nung last field trip nyo?” “Ahh.. meron naman, bakit?” Bigla nyang binilisan ang paglalakad sa di ko malamang dahilan. Ayan na naman sya, bipolar. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso. “Oy! Galit ka ba?” “Tampo lang” “Bakit na naman ba? Para kang tanga eh.” Seriously, ang bilis nyang magpalit ng mood. “Bakit di ka pinasama ng parent mo sa fieldtrip? Alalahanin mo nga, yan ang ikalawang bagay kung bakit nagtampo ko sa’yo ng ilang linggo” bigla nyang tinanggal ang hood nya at wala na ang kulay ng buhok nya, pati ang contact lense na dark brown na suot nya, wala na din. Inalis nya na din ang hikaw sa tenga nya. Bumalik lahat ng alaala ko sa lalaking yun, sa lalaking tumulong sa'kin nung field trip. Isa lang naman ang dahilan kung bakit eh. (FLASHBACK) Field trip namin sa Batangas, ito ang napiling location ng principal namin dahil hindi kalayuan sa maynila. Sa lahat ng field trip namin, ito na ata ang pinaka gusto ko,exciting kasi camping. 3 days ang 2 nights. Hinati kami into 38 group and each group is composed of 4 members. Napakamalas ko dahil napasama ako sa mga campus nerds. Dahil sa inis, pinili kong maglakad lakad kahit hindi ko alam kung saan ako makakapunta. Nang maramdaman ko na malayo na ako, napagdesisyunan ko ng bumalik kaya lang, bigla akong nadapa sa isang bangin. Mga 8 feet ang lalim.  Pinilit kong tumayo pero di ko kaya, nagkaron ata ng sprain ang paa ko dahil sa taas ng pinagkahulugan ko. Wala na kong choice kundi humingi ng tulong. "SIR! MAM! TULONG!" Nilakasan ko ang hiyaw ko pero wala pa ding nakakarinig. Dapat naman mag e-echo di ba? Siguro umalis muna ang mga yun at pumunta sa pinakamalapit na bayan para bumili na ng kakainin namin for the whole camping days. Tiningnan ko ang orasan ko at 5:30 na ng hapon! Malapit ng dumilim at sa totoo lang, natatakot na ko. Sumapit ang ala siyete pero wala pa ding tumutulong sa’kin. Tumulo na lang bigla ang luha ko hanggang sa, “Miss, kailangan mo ng tulong?” Lumapit sa'kin ang isang binata na medyo mukhang hindi safe lapitan. “Sorry! But I don’t talk to strangers” “Tss. Ang arte! Edi wag.” nagmartsa sya paalis at iniwanan ako. Kakainin ko muna ang pride ko, gusto ko pang mabuhay ng matagal at ayokong mamatay dito sa gubat. “Sandali! Tulungan mo ko please!” sigaw ko para marinig nya ko. Inilagay nya ang isang lubid sa bangi at humawak ako. "Kumapit ka ng mahigpit, hihilahin kita pataas." Humawak ako sa lubid gamit ang dalawang kamay ko. Unti unti kong naramdaman ang pag-angat. Pilit kong hinahawakan ang lubid kahit masakit sa kamay. Nang makarating ako sa taas, lumapit uli sya sa’kin at umupo ng patalikod. “Salta ka sa likod ko, bubuhatin kita.” Kinuha nya ang dalawang kamay ko at iniyakap nya sa leeg nya. Nakayakap naman ang dalawa kong paa sa katawan nya. Medyo awkward ang posisyon pero keri naman. Matapos ang mahaba nyang paglalakad, nakarating na rin kami sa bahay nila. Walang ilaw, walang kuryente, gasera lang. “Mag-isa ka lang dito?” tanong ko. “Hindi. Nasa bayan ngayon si nanay at tatay. Baka sa isang araw pa sila makabalik.” Nagsimula na kong kabahan, ibig sabihin kaming dalawa lang sa loob nyan. “H-hindi ka naman r-r****t di ba?” “Sinong may sabi sa’yo na hindi ako r****t? Dadalhin ba kita dito kung wala akong interes sa’yo. Ang kinis mo at halatang virgin ka pa” Bigla akong napalunok sa sinabi nya. Lumapit sya sa’kin at inihiga ako sa kama. Wala na kong lakas para saktan sya kaya humiyaw na lang ako ng ‘tulong’ “Hahahahaha! Hahahaha!” tawa nya. “B-bakit k-ka t-tumatawa?” sabi ko habang umiiyak. “Eh kasi halatang halata na takot na takot ka. Sa gwapo kong toh? Napagkamalan mo kong r****t? Baka nga ako pa ang r**e-in mo eh. Teka, ano nga palang pangalan mo?” Psh. Ang yabang, gwapo daw sya eh ang patpatin naman. Tsk! Loko loko! “Cheska. Cheska Umali. Ikaw?” "Nice to meet you, yung pangalan ko, akin na lang. Hahaha! Sige, matulog ka na.” Whoo. Buti na lang. Kumalma ang sarili ko dahil sa personality na meron sya. Makatulog na nga. --- Maingay na tilaok ng manok ang gumising sa'kin. Minulat ko ang mata ko at tumayo, pero sa kasamaang palad, hindi pa din kaya ng paa ko. “Magandang umaga binibining cheska” Automatic na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Bakit ang bilis nyang mapangiti ang isang tulad ko? “Good morning din” Inaayos nya ngayon sa plato ang pagkain namin. Well, siguro papakainin nya din naman ako di ba? Biglang kumulo ang tiyan ko. Tsk! Wrong timing. "Ang atat mo namang kumain. Teka lang ah? Nag aalburoto na yang halimaw mo sa tyan!" Nakakahiya naman. Bakit ngayon pa?! “Buti na lang nakit kita kagabi, kung hindi, malamang patay ka na ngayon” dire-diretsong sabi nya. “H-ha? Anong sinasabi mo?” “Madami ditong kawatan. Pero sa gabi lang sila lumalabas. Di ko na sinabi sa’yo kagabi kasi alam kong matatakot ka. Pasensya ka na.” What? Delikado pala dito! Tsk, pero safe na ko ngayon. Salamat kay... uhm... ayaw nyang sabihin ang pangalan nya. “Salamat, niligtas mo ko, pwede bang ihatid mo ko dun sa camp site namin?” Tinignan nya ko, tapos ang paa ko. "Hindi pa pwede. Paga pa nga yang paa mo. Mahiya ka naman sa'kin kung bubuhatin pa kita." "G-ganun?" "Pero baka nag-aalala na sila sa'kin!" "Haay. Nag aalala syempre ang mga yun." Natahimik ang buong bahay. Lumapit sya sa'kin at inihain ang niluto nyang siningag at itlog. "Yan lang ang maipapakain ko sa'yo. Pasensya na." Napatingin ako sa mukha nya na medyo namumula. "Ano ka ba! Pasalamat nga ako sa'yo eh. Tsaka ba't ka ba namumula?" "H-ha? First time ko kasing magluto para sa isang babae. S-sana magustuhan mo." Tatlong araw ang kabuuang araw na inilagi ko sa bahay niya. Palagi nya kong inaasikaso.  Ipagluluto nya ko, susubuan, aalalayan pag pupunta ng CR at nagbabantay sa pinto ng banyo kapag maliligo ako. Ang adik nya sa part na yun, alam ko. Sa loob ng maiksing panahon na yun, nahulog na ang loob ko sa kanya. Sobrang bait nya. Sobrang maalaga. Gusto kong magkaron ng boyfriend na kagaya nya! Hindi. Gusto kong maging boyfriend sya. "Psst! Di mo pa rin sasabihin ang pangalan mo? Aalis na ko ngayon." sabi ko sa kanya. Ngayon na kasi ang last day ng field trip, baka maiwanan ako ng mga yun. "Wag na. Hindi naman yun importante." Ano ba yan! Aalis ako dito ng hindi ko man lang sya kilala. "Ihahatid na kita. Sumakay ka na sa likod ko." "Hah? Pero magaling na ang paa ko." "Ayos lang. Sige na. Kabayaran mo na lang sa pagtulong ko sa'yo." Wala na kong nagawa. Sumakay ako sa likod nya. Tahimik lang sya habang naglalakad. Nalulungkot ako, parang ang lungkot kasi dito sa lugar na tinitirhan nya. Sana man lang, lumipat sila. "Anong type mong lalaki?" nagulat ako sa tanong nya. Teka, nahalata nya bang may gusto ko sa kanya? "A-ano, gusto ko na dark brown ang mata nya." pagsisinungaling ko. "H-hah? Tapos?" Kinakabahan ako, sa totoo lang. "Gusto ko may hikaw sa tenga para astig, tsaka may kulay ang buhok." "Ahh. May nag e-exist bang ganun?" "Meron syempre. Hehe. Tsaka dapat, mala kpop ang buhok. Hahaha! Yung gangster ang dating."  "Imposible pala." bulong nya. (END OF FLASHBACK) “K-kyle? Ikaw yung lalaking tumulong sa’kin last field trip?” “Ako nga.” Napatakip ako ng bibig, lahat ng sinabi ko sa kanyang description ng tipo kong lalaki, ginawa nya sa sarili nya. “S-sorry ngayon ko lang naalala. Sorry talaga.” Namuo ang luha sa mga mata ko. Kaya pala, kaya pala may kahawig sya. Sya pala yung lalaking tumulong sa'kin, at ang lalaking nagpa-ibig sa'kin. “No need to say sorry, bumalik ka na sa ex mo. Babalik na din naman ako sa pinanggalingan ko.” Bigla akong napanganga sa sinabi nya. Hindi ba nya alam na kaya binasted ko lahat ng lalaki is dahil sa kanya? Sinagot ko lang si Derrick para madali ko syang makalimutan. Ginawa ko lang panakip butas si Derrick. Ang akala ko kasi, hindi ko na ulit sya makikita, ngayong nasa tapat ko na sya, di ko man lang sya napansin. Ang TANGA ko. [Kyle's POV] Kaya ako lumipat sa academy na toh, dahil kay cheska. Umasa kasi ako na may pag-asa pa ko para sa kanya. Binago ko ang sarili ko para magustuhan nya ko pero mali ako. May iba syang gusto. Nonsense ang paagpunta ko dito sa maynila. Nung hinigit nya ko para magpanggap na maging “kami” muna daw for 20 mins. Sobrang saya ko. Hindi ko sa kanya sinabi dahil gusto kong malaman kung naaalala pa ba nya ko. HINDI na pala. Mahal ko si Cheska, mahal na mahal. Dahil sa kanya, nabago ko ang sarili ko. [CHESKA’S POV] “Kyle, hindi na ko babalik sa kanya dahil mahal kita, simula nung umalis ako sa bahay nyo, mahal na kita.” Walang reaksyon sa mukha nya. Hindi ata sya naniniwala sa'kin. “Talaga? Bakit sinagot mo si derrick?” Tumungo ako sa tanong nya. “Ginawa ko syang panakip-butas” “Bakit?” galit nyang tanong. “Dahil akala ko di na ulit kita makikita, pero mali ako. Nandito ka na ngayon, at mahal na mahal pa rin kita.” Nagulat ako ng bigla nya kong yinakap. “Akala ko, akala ko hindi mo ko gusto. Mahal na mahal kita Cheska.” “Mahal na mahal din naman kita. Nakakainis ka! Ba't di mo agad sinabi.” "Tara!" Hinigit nya ang kamay ko at dinala ko sa isang theme park. 11:00 ng makarating kami dun, buti na lang at nag 24 hours open nun ang Star City. Ang saya ko ngayon, sobra. "Sakay tayo?" "Sige," hinawakan ko ang kamay nya at pumila kami sa Ferris Wheel. Nang makasakay kami ay hindi pa rin nawawala ang ngiti namin sa labi. “Cheska ah-ano- pano ba toh?” Wow ah. Tsaka lang sya nagsalita ngayong nasa pinakataas na kami/ “Ano?” tanong ko. “Ahh, Tsk. Kainis.  C-can you. Argh! Di ko masabi.” "Ano ba kasi yun?!" "C-can you be my girl? Shet, ang corny!" Nginitian ko sya, yung pamatay, tsaka ko sinagot ang tanong nya, gamit ang isang HALIK. At sakto! 12:00 na ng sagutin ko sya. Nagputukan na ang mga fireworks at nagsilbing background ng lovestory namin. “Yun ba ang sagot mo?” “Ayaw mo?” “Syempre gusto. Hindi ata kita matatanggihan. Merry christmas," hinalikan nya ko sa noo. "and, I LOVE YOU” “Merry christmas din and, I LOVE YOU TOO” And that’s it! This heart of mine is MY CHRISTMAS GIFT FOR A GANGSTER. --- Author's Note : Kung umabot ka po hanggang dito, maraming salamat po. Merry Christmas! Pwedeng humingi ng gift si Mr.Author? Basahin nyo naman po ang story ko : 1. HOY MULTO! Inlab ako sa'yo! 2. Boyfriend: For Sale 3. College Scandal
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD