11th Gift

1107 Words
11th Gift [Cheska's POV] Para akong luka luka sa dito sa kwarto ko. Bilangin ko ba naman ang mga butiking naglalakad. Eh kasi naman eh! Malaman mo ba namang ang manliligaw mo, nililigawan ang bestfriend mo, sinong bang di matatanga?! I mean, hindi man lang sa'kin sinabi ni Cathy tapos siniraan nya pa si Lany sa'kin pero sya pala yung may masamang balak behind my back? Pero may something talaga eh. Parang may kamukha yang si kyle, di ko lang maalala. Parang nakilala ko na sya dati pa. Isa pang nakakalungktot, field trip na bukas at hindi ako kasama. Pero ano bang magagawa ko? Ayaw na ng mga magulang ko na maulit ang nangyari sa'kin last year. Nakakahurt lang, bakit ba kasi nangyari pa sa’kin ang bagay na yun? "Cheska! Andyan ang bestfriend mo sa labas. Bumaba ka na dyan!" Teka, si Cathy ba ang tinutukoy nya? Tss. Manigas ang Cathy na yun sa baba. Hindi ko na sya ngayon kaibigan, joke lang. Mahal ko pa din ang babaeng yun, papalipas lang ako ng sama ng loob. "Sabihin nyo na lang ma na may ginagawa akong mas importante pa sa kanya." "CHESKA! Wag kang bastos!" "Aish. Opo na! Opo na!" Inhale. Exhale. Kakausapin ko sya ng MASINSINAN at babae sa babae. Ayaw ko namang mawala ang friendship namin dahil sa isang lalaki. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Nasa gate sya at halatang naghihintay. “Hoy Cathy na napakatraydor!” Bare with me. Gusto ko lang talagang sabihin sa kanya yan para gumaan ang pakiramdam ko. “Traydor?” nagsalubong ang dalawang kilay ni Cathy dahil sa sinabi ko. Tss. Nag maang-maangan pa. Tinuro pa nga nya ang sarili nya gamit ang hintuturo nya. “Oo, di ba inaagaw mo sa’kin ang boyf--- manliligaw ko?” Tsk. Ayaw ko mang sabihin pero lumabas pa din. “ANO? Wake up cheska. Nananaginip ka ba?  Kahit pa isaksak mo dyan sa baga mo yang si Derrick, hindi ako maiinggit. Sayong sayo na yan, at WALANG WALA akong balak na agawin sya sa’yo” Haaay. Liar!  “Hindi si Derrick ang tinutukoy ko, si Kyle. Talagang sa park nyo pa napiling magdate hah! Ang sweet, bakit di mo sya pinakilala sa'kin?” mataray kong tanong. “Huh? Kami nagdate? Patawa ka! Sya ang tanungin mo tungkol sa nakita mo” Edi umamin din ag bruhang toh. Naku! “Huli ka! Kaya ayaw mong sabihin, may tinatago kayo sa’kin” Sinabunutan nya ang sarili nya dahil sa inis. “ANO BA CHESKA? PARA KANG TANGA! MAS PINAPANIWALAAN MO NGA SI LANY KESA SA KIN, TAPOS NGAYON INIISIP MO NA MANG-AAGAW PA KO? YAN ANG HIRAP SA’YO, DI KA NAG-IISIP. Basta ka bira ng bira!" sigaw nya sa'kin. “Ikaw na din naman kasi ang nagsabi na magkasama nga kayo ni Kyle kanina, at yun din ang sabi nina Lany at ibig sabihin TOTOO yung sinabi nila. Nagpapaka inosente ka pa.” Hindi ko talaga kayang paklmahin ang sarili ko ngayon. “Yah! That’s true, di ko sya idine-deny, pero di naman nila alam kung ano ang pinag usapan  namin, at isa pa, kakalbuhin ka dapat kanina nina Lany di ba? Pero hindi natuloy. Alam mo kung bakit? Dahil nagsama ako ng mga pulis kanina sa warehouse na yun, kaya nga lang, ang pinapasok na lang namin eh yung isang babae na kinompronta ka nung isang araw para hindi magpanic ang mga tao sa loob.” Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig ko. T-totoo ba yun? Tinignan ko sya sa mata, halatang nasaktan ko sya dahil sa mga sinabi ko. Nagsimula nang tumulo ang luha naming dalawa. Hindi ko alam na ganun. May nakalimutan akong mga bagay. Nakalimutan kong sya ang ‘TINURING KONG KAPATID’ na laging nandyan sa tabi ko sa tuwing may problema ako. Nakalimutan kong sya ang ‘PADER’ ko sa tuwing may nangaaway sa’kin. Nakalimutan kong sya ang ‘ULTIMATE BESTFRIEND” ko na hindi ako iiwanan kahit kailan. “Sorry Cathy!” dahil sa hiya at inis ko sa sarili ko, niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Bakit ba nakalimutan ko ang mga bagay na yun? Wala akong kwentang kaibigan. “Sorry hindi ako naniwala at nagtiwala sa’yo. Sorry kung nasisigawan kita, patawarin mo sana ko.” Inalis nya ang pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan nya ang luha ko. “Wag mo na ngang isipin yun. Ayos lang sa'kin yun, ikaw pa! Malakas ka kaya sa'kin.” “Thank you!” "Tsk. Tama na nga to, ang drama natin eh! Dinaig pa natin si Yoona ng Girls' Generation sa drama nyang Love Rain." Hinampas ko sya sa braso, nag e-emote ako eh tapos dadali sya ng ganun. Panira lang ng moment. Hahaha! Pero wala akong magagawa, ganito talaga ang mga bestfriend. Sinasaktan ka para magtanda! Lumalaban para sa’yo! Hindi papatalo hanggat di nila natatalo ang kaaway mo at... Hindi marunong magpatagal ng isang MISUNDERSTANDING… Sila ang mga totoong kaibigan, hindi nang-iiwan. Maswerte ako at meron akong isang Cathy na nasa tabi ko. “Teka nga lang, bakit ba kasi kayo nag-usap ni Kyle?” “Sorry bessie, SECRET eh. Malalaman mo din sa tamang panahon.” “Sige, ganyan ka na! Bigyan mo kong clue!” “Che! Clue ka dyan! Di mo man lang sa’kin sinabi na inlove ka na dun kay Kyle. Paselos selos ka pa dyan, eew!" “Sinabi ko ba yun?” Kainis talaga ang isang toh, ano kaya yung pinag-usapan nila kay Kyle, ako kaya ang topic nila? “Tanggi pa tong lukaret na toh!” “Oo na! Mahal ko na sya, pero feeling ko matagal ko na yung nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.” Bakit nga kaya ganun? “May iba ka pang ex?” “Lukaret! Hindi! Basta…” Bigla syang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Boom T boom Lalalalala~~~ “BESSIE, pwede bang humingi ng christmas gift? Ilang days na lang naman pasko na.” “Anong christmas gift yan hah? Pera? Gadgets? Branded clothes? Make-up? Ano? Ibibigay ko.” Tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at binatukan ako. “Tunge! Di naman materyal na bagay ang hihingin ko sa’yo eh” “Eh ano?” “TRUST. Ayokong pagdudahan mo ulit ako ng ganun, ang sakit kaya.” sabi nya sa'kin habang nakatitig sa'kin. “Hay, syempre naman. Hindi na to mauulit. Sorry ulit.” pagkatapos nun, niyakap ko sya. Bestfriends are the best. --- A/N : Ang ending po ay nasa profile ko. Private. It means, kailangan follower ko kayo. :) Pwede po kayong mag unfollow pagkatapos. Hindi ko kasi sinasadyang iprivate. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD