10th Gift

883 Words
CHAPTER 10: ENG-ENG si LANY  10th Gift [Cheska’s POV] Hindi ko na naman nakita yung babaeng kasama ni kyle. Pero… AYOS lang! at least nagkaintindihan na kami ni Derrick na hanggang friends na lang talaga kami. Pero, sino ba kasi yung letseng babaeng yun? Hindi ako mapakali hangga't hindi ko sya nakikita. Obsessed na kung obsessed. Nai-insecure na talaga ako, pumangit ba ko nung mga nakalipas na araw? Pano ba naman kasi, sa lahat ng nanligaw sa’kin, si Kyle lang ang nagkaroon ng ganang manligaw pa ng iba habang nililigawan ako. Ang kapal ng mukha nya. Pero hindi eh, parang kilala ko na talaga sya. Ah! Bahala sya! Sinaktan nya ang pride ko. Si Cathy? Di ko pa sya nakikita pamula nung huli naming pag uusap. Hindi sya lumalapit sa'kin at hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawa sa kanyang masama. Psh. Bahala nga sya! Isa pa sya eh, sa halip na tulungan nya ko sa problema ko, eh wala. Iniiwasan pa ko. Napatayo ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. 1 message received From: Lany Hey! Punta ka rito sa park. May sasabihin lang ako sa’yo. Importante toh! Ano naman kayang sasabihin ng isang toh? Hindi ba nya pwedeng itext na lang ako? Pumunta ko sa harap ng damitan at kumuha ng damit para makapagbihis. Nang makapagbihis ako, lumabas na ko ng bahay at sumakay sa taxi para makapunta na ng park. Nang makarating ako sa park ay hinanap pa ng mata ko si Lany at agad ko syang nakita sa may bandang masukal na bahagi ng park. “Hey! Andito ka na pala” sabi sa kin ni Lany pagkalapit ko. “Yes! Bakit mo ba ko pinapunta dito? At ano yung importante mong sasabihin sa’kin?” “Wala naman talaga kong sasabihin sa’yo. Girls!, labas na dyan” Nanlaki ang mata ko ng biglang naglabasan ang mga tropa nya. Ano naman kayang trip nitong mga to ngayon? “Kalbuhin nyo sya!” utos ni Lany Bigla na lang akong kinaladkad ng mga lintik na babaeng toh sa isang bahay. Bahay na ubod ng kapangitan. Para syang warehouse na kung ano. Pinaupo nila ako sa isang silya at tinalian. Bigla akong kinabahan ng inilabas nila ang gunting at razor. Ano ba tong ginagawa nila, seryoso talaga sila? Mukhang tototohanin ng mga toh ang balak nila sa’kin. “Aray!” Napasigaw na lang ako! Pano ba naman? Bigla na lang hinila yung kamay ko sa likod. Sinaksak na nung isang babae ang razor sa saksakan at nagsimula ng lumapit sa'kin. Oh god! Ayoko pang makalbo. Pinilit kong tanggalin ang mga kamay ko sa taling nakapulupot sa mga kamay ko. Pero walang epekto, masyadong mahigpit ang pagkakatali. Nagsumula ng tumulo ang luha ko sa mata, ayokong mawalan ng buhok. Someone, please help me. “Kasalanan mo yan Cheska, kung di ka nagpapapansin di ka na sana uli lalapitan ni derrick. Kaso, masyado ka kasing MAKATI, KIRI, MALANDI at MANG-AAGAW” Ano pa bang gusto nya? Hindi na nga ako pumayag makipagbalikan kay Derrick eh. “Wala akong inaagaw sa’yo” matapang kong sagot. “Si Derrick? Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa kanya?” “Ako ang inagawan mo, pero hindi ko na sya binawi sa’yo, kusa syang bumalik” Kinuha ni Lany ang razor at naglakad papunta sa kinatatayuan ko, gugupitan na ang buhok ko nang... “Sandali lang Boss!” napatingin ako sa sumigaw, sya yung babaeng humarang sa’kin dun malapit sa ice cream parlor “Ang istorbo mo! Bakit ba?” “Wag nyo na po syang gupitan, wala na po sila ni Derrick” “At pano naman mangyayari yun aber?” “Ewan ko, baka, may mahal na syang iba? Kasi… narinig ko kahapon sa usapan nila na hanggang friends na lang daw talaga sila” “Nagbreak agad? Kababalikan pa lang eh” sabi nung iba. “Sya yung nililigawan ni Kyle di ba?” “Gwapo si kyle, bagay kami.” “Kaya nga ehh, sana tumigil na si master” Mga tsismosa, hindi naman kaya kami nagkabalikan. “Totoo ba yung sinasabi sa’kin nitong epal na’to?” “Yes, pero may mali sa sinabi nya.” “Ano?” “Sabi nya, baka may mahal na kong iba” “So wala kang ibang mahal?” Nag buntong hininga ako bago sumagot. “Hindi, mali yun dahil may kasamang BAKA yung sinabi nya. Totoo na may mahal na kong iba. Confirmed.” "Sigurado ka?" Tumango ako bilang sagot sa kanya. “Tutulungan ka namin sa kanya para makasigurado ako na hindi mo na uli babalikan si Derrick.” –Lany “Ano? Wag na! Nanliligaw na nga sya di ba?” Humalakhak silang lahat ng sabay sabay, may timer. “Pero hindi lang ikaw yung nililigwan nya, may isa pa” Kinabahan bigla ako, makikilala ko na ba ang babaeng kinaiinggitan ko ngayon? “Hah? Kilala mo?” “Oo. Yung bestfriend mo, nakita ko nga sila sa park at ice cream parlor nung isang araw. Magkasama, tawa pa ng tawa” Lintik! Ang sarap pumatay ng tao ngayon. “Ah ganun ba? Sya sige na, uwi na ko” "Mabuto pa nga!” -Lany Kaya pala! Magkasama pala ang magaling kong manliligaw at ang bestfriend ko. Traydor sila! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD