8th Gift

959 Words
8th Gift Sigh. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Gusto kong sumama sa field trip namin, last na yun. Kumbaga, dun na talaga kami gagawa ng memories namin. Bakit ba kasi hindi ako payagan ng parents ko?! Gustong gusto ko kasi talagang sumama eh. Bakit ayaw nila kong pasamahin? May nangyari kasi sa'kin last year! May something unforgettable experience na talagang mahirap kalimutan. As in, hinding hindi ko yun makakalimutan. That was the best field trip ever, kahit para sa iba, hindi. Kaya ayun, hindi ako makakasama. “CHESKAAAAAAAAAAAAA!!!” Napatalon ako sa gulat dahil sa sumigaw. Teka, hindi kaya si Kyle yun. O-M-G. Wala na yung tampo nya? Okay! Ayos ayos ng konti, punas punas ng mukha baka oily. Pasimple pa kong nanalamin sa cellphone ko. Baka maturn-off sya sa'kin. Ako na ang adik. “Oh Kyle bakit?” sabi ko kasabay ng paglingon ko sa likod. “Kyle ka dyan! Si Derrick toh. Tampo naman ako, talagang sya ang iniisip mo?” Oo, sya nga. May angal ka? Tss. Kabadtrip naman, nasayang ang effort ko. “Ano namang kailangan mo sa’kin?” “Bakit ba ang taray mo? Meron ka ba ngayon?” tanong nya sa'kin at hindi man lang nahiya. “Bakit ka ba tawag ng tawag? Sabihin mo na lang kasi ang sasabihin mo, ang daming echos eh.” “Sus. Kanina ang good mood mo, tawag mo pa nga sa’kin Kyle tapos nung nakita mo ko parang nawalan ka ng gana. Ayaw mo na ba sa'kin?” A-YO-KO na talaga. Niloko ko na sya dati at ang sarili ko. Pilit kong sinabi sa puso ko na gusto ko sya kahit hindi naman. At ito, parang ayoko ng maulit pa. Tama na yung pangloloko ko. Ayoko ng maulit pa ang pagkakamali ko. “Tama ka! Nawalan talaga ko ng gana kung nakita ko yang mukha mo. Sige una na ko!” Tumalikod ako sa kanya at naglakad paalis. Ayokong mabad vibes ang araw ko. Ayokong magka-pimples. Bwisit naman kasi yung Kyle na yun eh. Asan na ba yun? “Wait!” Nagulat ako ng hinila nya ko paharap sa kanya. Teka, hindi kaya makikipagbalikan na sya sa'kin, katulad ng sinabi ni Lily? “Bakit na naman ba? Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Tss! Nauubos ang oras ko sa'yo eh.” “Samahan mo naman muna ko sa park” Ano yan? Date? Oh no! Pero mukha namang sincere sya sa gusto nyang sabihin. Tsk. Sige na nga, wala pa naman akong gagawin. “Ano naman kasing gagawin mo dun?” “Ahh wala naman, namiss lang kasi kita!” Kilig? Wala. 100% ako na wala na kong romantic feelings para sa kanya. “Namiss? Duh! Loko ka talaga!” with matching hampas sa dibdib nya. Kailangan ko ng remembrance. Hahaha. “Kung maka duh ka naman parang di naging tayo” sabi nya sa malungkot na boses. "Pinandidirihan mo ba ko?" Natawa naman ako bigla sa tanong nya. Nagdadrama ba ang isang toh? “Fine. Tara na nga!” “Yes! Yan ang babes ko eh” Muntik na kong mapasuka dahil sa narinig ko. Ang gross lang. Bakit kailangan nya pang sabihin ang word na yun? “Egyot!” 30 minutes din kaming naglakad papuntang park. Malayo-layo din sa school. Di man lang ako sinakay sa isang tricycle, napaka cheap.  Maglakad daw kami para sweet? Eh sa wala nga akong maramdaman tapos sweet sweet pa syang nalalaman. Kadiri ah! “Oh? Bakit ba talaga tayo nandito?” irita kong tanong ng makarating kami sa park. Umupo pa ko sa may bench dahil talagang masakit ang paa ko sa paglalakad. “Relax lang babes” Ayan na naman. “babes ka dyan! Break na tayo, paalala ko lang sa’yo.” sigaw ko sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha nya dahil sa sinabi ko. Nasaktan ko ba sya? Tsk. Ang mean ko na naman. “Alam mo ba kung bakit ako nakipagkita dito?” Kinabahan ako sa tanong nya. Mukhang ito na ngayon. Bakit kailangan nya pang gawin toh? “Bakit? Para makipag ayos? Duh!” kinakabahan kong sagot. Alam ko na naman kasi. “Pwede ba nating ibalik ang dati?” Ayan na nga. Ayan na nga ba ang mga sinasabi ko. “Tanga ka ba? Wala akong kakayahan para makapag time travel, di na natin maibabalik yun” confident kong sagot. “I mean, pwede ba ulit kitang maging girlfriend?” Parang nanlamig ang buong katawan ko dahil sa binitiwan nyang salita. Iba pa rin pala talaga pag sa kanya mo mismo narinig ang mga katagang yun. “Sorry, hindi na natin maibabalik yun.” pag-amin ko sa kanya. Biglang lumuhod sa harap ko si Derrick. Ano ng gagawin ko? Ayoko ng ganito, ayoko ng may nagmamakaawa sa'kin. “Please, give me another chance. Hindi ko na ulit gagawin yun.” Napatingin ako sa kanan ng park, sa may bandang fountain. Si Kyle, may kasama syang babae. Bigla akong nainis. Argh. Pilit kong sinisilip ang mukha nung babaeng kasama nya pero wala eh. Hindi ko talaga makita, nakatalikod kasi. Langya ka Kyle! Puro ka kalokohan. NAKAKAINIS. Siguro, dapat ko nga syang bigyan ng isang pang pagkakataon. We all deserves a second chance naman hindi ba? “Sige, pero ito na ang last. Aaminin ko sa’yo, wala akong nararamdaman sa'yong kahit na ano. Bilang kaibigan lang.” Tumayo sya mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang dalawang kamay ko. “Ibabalik ko ang pagmamahal mo sa'kin, kahit nung umpisa pa lang alam kong hindi mo ko mahal.” Hindi pala sya manhid. Alam nya pala yun. “Patunayan mo na lang sa'kin yun.” sabi ko habang nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin kina Kyle at sa babaeng kasama nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD