7th Gift
1 week na ang nakakalipas, at di pa rin nya ko pinapansin. May problema ba sya sa’kin? Bakit parang ang laki laki ng nawala sa'kin. Hindi naman kami ganun kaclose pero parang miss na miss ko na sya.
Baka naman kaya nya ko hindi pinapansin ay dahil dun sa hindi ko sa kanya pagsagot. Dahil sa pagtanggi ko na maging boyfriend nya.
Pero sa totoo lang, parang kilala ko na sya. Ayy ewan!
Sya nga pala, pito. Pitong tao na ang nabugbog nya. Limang lalaki at dalawang babae. Naiyak na lang ako nung nakita kong may ube ang mga pisngi nila. Humingi ako sa kanila ng sorry at tinanggap naman nila pero iwasan ko muna daw sila dahil baka maulit ang pangyayaring nangyari sa kanila.
Saklap noh? Dahilan lang naman yun para layuan ako ng mga friends ko pati na rin ng mga classmates ko.
Isa lang ang natira. Ang bestfriend kong si CATHY. Sa totoo lang, natatakot na din ako. Ayokong pati sya, madamay dito. Ayokong masaktan sya ng dahil sa'kin. Pinapalayo ko na nga sya, pero matibay sya eh, ayaw nyang lumayo.
The best talaga ang bestfriend kong yun. Hindi marunong mang-iwan.
Ang dalas dalas kong awayin tapos napakabait nya sa’kin. Nakukunsensya tuloy ako sa mga pambabara ko sa kanya.
Tsk. Ilang days na nga lang pala at pasko na, ano kayang magandang iregalo sa kanya? Picture frame? Hahaha. Joke lang. Ang cheap kaya nun. Photo Album na lang.
Haaay. Pumasok na naman sa utak ko si Kyle. Kainis naman. Nasa bestfriend na nga yung attention ko eh.
Sa totoo lang, ayoko syang maging boyfriend pero... hindi pwedeng magkamali tong nararamdaman ko eh. Kilala ko sya, matagal na. Hindi ko lang maalala kung saan. Hindi ko sya childhood friend, hindi ko sya crush, hindi ko sya ex.
Hayyyyyyyy!!!!
Ewan ko ba! Parang engot lang tong buhay ko!
Sana naman pansinin nya na ko. Tsk.Ano ba naman to oh! Dati ayokong pinapansin nya ko, tapos ngayon... parang kong luka luka.
Tch. Tigilan nya na din sana yung pambubugbog. Madaming nasasaktan eh.
Naglakad ako papasok ng classroom at lahat sa'kin, umiiwas. Nagsibalikan silang lahat sa kani kanilang mga upuan, ang seatmate ko, lumipat ng pwesto.
Alam ko naman eh. Ayaw nilang maisunod dun sa pito.
Sabi nga nung iba, sagutin ko na lang, gwapo naman daw kasi at baka marami pa ang masaktan.
May nagsabi pa na ang SELFISH ko raw. Self ko lang daw ang iniisip ko.
Kayo ba naman ang ligawan ng gangster ng isang araw, sasagutin nyo ba agad? Kahangalan lang ang sagot na oo, ni hindi ko pa nga sya ganun kakilala.
“Bessie!” sigaw ni Cathy pag pasok nya ng pinto.
“Anong problema mong impakta ka?” Yeah, I know. Ang hard.
“Impakta agad? Di ba pwedeng tyanak muna? OA mo hah!”
“Bakit mo ba ko tinatawag?” pagsusungit ko rito. Mahirap na kasi, baka makita kami ni Kyle at si Cathy ang isunod. So scary...
“Eh kasi naman Bessie, narinig kong pinag uusapan ka ng girls sa CR. Napaka s**t mo daw. Inagaw mo daw kasi si Derrick dun kay, Lany. Lany na malandi.”
Ano daw? Pero teka, wala naman akong ginagawa ah?
“Hah? Panu naman mangyayari yun eh hindi nga kami nag uusap nung si Derrick?”
“Ewan ko, basta ang alam ko, si Lany ang nagpakalat ng tsismis. Napakasarap talagang putulin ng dila nun. Haay, p****k na nga, tsismosa pa.”
Teka, parang mali naman ata yung sinabi nya. Hindi masamang tao si Lany, ibinibigay na nga nya sa'kin si Derrick pero wala akong balak na makipagbalikan. Nasabi ko na naman, wala talaga kong feelings para sa kanya.
“Pero mabait na si Lany, mali ang pagkakakilala natin sa kanya. Maniwala ka. Hindi sya yun.”
“Pero yun ang totoo”
Bigla akong nainis. Ito ang hirap kay Cathy eh. Sa sobrang pagkatsismosa, hindi mo na mababago ang pananaw nya.
“Hindi yan totoo Cathy. Bumait na sya, ni let go na nya si Derrick para makipagbalikan sa’kin”
“She’s a liar” sigaw nya sa'kin. Naagaw na din namin ang attention ng buong klase.
Tsk. Kasi naman eh, umandar na naman ang pagka immature nitong si Cathy.
"No, she’s not! Kitang kita ko syang umiyak at masaktan. She’s broken…”
“Bahala ka. Paniwalaan mo ang gusto mo, basta sinabihan na kita hah. Tsk, makaalis na nga. Walang kwentang bestfriend!”
Hayyy!
Lolokohin pa ko ng bestfriend kong yun.
Di ko sya pinaniwalaan, kase ang hilig nun sa tsismis, at hindi lahat ng tsismis totoo.
Pero kanina, ang mukha nya para syang galit sa’kin.
Naku! Ewan ko, galit lang sa’kin siguro dahil di ako naniwala sa tsismis nya. Nagtatampo lang yun.
“Hoy cheska! Sama ka ba?” nagulat ako nung lumapit sa'kin ang Class Pres. namin. Akala ko wala na talagang papansin sa'kin.
“Ha? Saan?”
“Edi saan pa? Edi sa fieldtrip!”
“Ahh hindi na, takot na kasi ang parents ko, remember?”
“Ah! Oo nga pala! Sayang naman, last field trip na natin to eh!”
“Oo nga eh, kung di lang sa’kin nangyari yung bagay na yun, kasama sana ko”
“Oo nga. Uwian ka na lang namin ng pasalubong. Sige.”
“Thank you!”
Tsk. Field trip.