6th Gift
[Derrick’s POV]
“Isang tanong isang sagot, babalikan mo ba sya o hindi? Dahil kung hindi, hindi na talaga kita papahawakan sa iba.”
Nagulat ako sa tanong na kumawala sa bibig nya. Sinasabi ba nyang papakawalan nya na ko?
“Pano ka?”
May konsensya pa din naman ako. Ginamit ko sya bilang parausan, hindi naman ata tamang iiwanan ko na lang sya ng basta basta.
“Anong pano ko? Ayos lang sa’kin noh. You must follow the beat of your heart.”
Tama sya. Kailangan kong sundin ang t***k ng puso ko.
“Sinasabi mo bang, break na tayo?”
Hindi na sumagot si Lany bagkus ay nag-nod na lang. Pagkatapos nun, tumalikod na sya.
Alam kong masakit para sa parte nya ang sabihin kong mahal ko pa si Cheska. Mahal nya ko, kaya nya nagawang ibigay ang sarili nya sa'kin. Ako lang talaga tong mapusok.
[LANY’S POV]
Binigo mo ko sa sagot mo derrick. Mali ang binitiwan mong sagot, ginawa mo kong kaawa-awa sa harapan mo.
Pasensyahan na lang tayo, pero paglalaruan ko ang taong mahal mo. Paiikutin ko kayo sa mga palad ko.
Hindi ako katulad ng ibang babae na basta basta magpapatalo. What I want, i get.
Hindi ako isang loser at hindi ako papayag na matatalo nya ko. Hindi ako papayag na isang Cheska Umali lang ang ipagpapalit mo sa'kin.
Sorry na lang derrick, pero ito ang tunay na ako. I’m Lany Gail Aguilar.
Hindi ko patatahimikin ang buhay nyo ni Cheska.
Humanda ka Cheska, mahuhulog ka sa patibong ko.
[CHESKA’S POV]
Tsk. Si Kyle talaga. Pamilyar sya sa'kin, ang mukha nya pag nakaside view at ang boses nya. Nakita ko na ba sya dati? Tsk. Sa garden na nga lang ako mag-iisip para presko, dun na lang din ako gagawa ng homeworks ko.
"Cathy, punta lang ako sa may garden. Dun na lang ako gagawa ng assignment."
"Eh? Bakit? Edi dun na lang din ako."
"Tsk. Tumigil ka nga, alam kong gutom na gutom ka na kanina pa. Puntahan mo na lang ako sa garden pag tapos ka ng kumain at gumawa ng assignment."
Nagmartsa ako paalis at pumunta sa garden. Kinusot ko ang mata ko dahil sa nakita ko, yung girlfriend ni Derrick, umiiyak. Ano kayang nangyari?
Siguro may LQ sila at di nya nakayanan ang nangyari at…
Nakipagbreak sya???
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang likod nya.
“May problema ka ba?” tanong ko.
“Hah? Cheska! Ikaw pala. Wala naman. Wala akong problema.”
“wala? Eh bakit ka umiiyak? Alam mo, kung naging masama ako sa paningin mo nung una nating pagkikita, kalimutan mo na yun. Hindi ako kaaway noh tsaka hindi ako galit sa'yo.”
“Talaga? Salamat. Pwede bang mag request?”
Bigla akong kinabahan sa sinabi nyang yun. Anong request naman kaya?
“S-sige! Ano ba yun?”
Nagpunas sya ng luha bago nagsalita. Ano kayang nangyari?
“Balikan mo na si Derrick, mahal ka pa nya.”
Bigla akong napanganga with matching panlalaki ng mata. ANO DAW? Paki-explain nga. Labyu!
“T-teka nga lang. Ano bang sinasabi mo? Mag-on kayo di ba?”
“Hindi na. Break na kami. Kani-kanina lang, inamin nya sa'king mahal ka pa nya.”
Pagkasabi nya nun ay umalis na sya.
Naiwan akong tulala duon sa garden at mistulan akong tanga. Seriously, anong nangyayari? Nawiwindang na nga ako sa pagkatao ni Kyle tapos may magsasabi pa sa'kin ng ganun?
Mahal pa nya ko, pero sobrang unfair ko na kung babalikan ko pa sya. Hindi ko sya minahal ng sobra, pero mahal nya ko eh. Anong gagawin ko?
Napatulala na lang ako at umupo sa bench. Gusto kong sumigaw.
Nang mahimasmasan ako sa sinabi ni Lany, dumiretso na ko sa classroom namin.
Nang uupo na ako, nakita ko si Kyle na tahimik na nakatingin sa bintana. Ano naman kayang iniisip ng isang toh? Napg-isip isip na ba nya hindi nya na ko liligawan?
Lub dub. Lub dub. Lub dub.
Napahawak ako sa dibdib ko. Eto na naman, sa isang tao lang to tumibok ng mabilis. Hindi kaya... imposible.
Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako para sa kanya. Gangster ba talaga sya?
Bakit ba minahal nya ko ng ganito kabilis? Naging stalker ko ba sya?
Pero ang tanong, totoo ba lahat ng yun? Mahal ba talaga nya ko? Ano ba tong mga iniisip ko. Maganda nga lang pala ko kaya nya ko nililigawan.
Na love at first sight siguro sa’kin.
Ano ba yan, kalokohan naman tong sinasabi ko eh mukhang may problema yung tao.
Parang di sya yung Kyle na kilala ko. Ang tahimik at seryoso ng Kyle na kaharap ko ngayon eh.
Pumasok ang teacher namin pero wala sa kanya ang focus ko.
Ang pangit pangit kasi ng nagtuturo sa'min. Di naman, joke lang.
Ang boring lang ng tinuturo nya, Math pero puro letters! Napatingin ako kay Kyle pero ganun pa din. Nakatingin pa din sya sa bintana, may problema ba sya?
Nang matapos mag discuss ang prof namin, napagdesisyunan ko na kakausapin ko na tong si kyle.
Mukhang malalim talaga ang problema eh.
“Kyle.. may problema ba?”
"..."
NR. No response sa beauty ko.
“Huy! Tahi-tahimik mo ngayon ahh” Hinampas ko pa sya sa balikat para mapansin ako pero wa-epek!
“..."
NR pa din. Akala ko ba gusto ko nito?
“Ano ba yan? Di ako sanay na ganyan ka katahimik”
“..."
Wala pa din? Kelan ba sya iimik?
“May problema ka ba Kyle?”
“Wala”
Bigla akong nabuhayan nung sumagot na sya. Ay ewan! Ang baduy ko dun sa line na yun.
"Yung totoo, sabihin mo na kasi.”
“Naiinis lang ako sa sarili ko. Bakit ba kasi nagustuhan pa kita? Nonsense lang ang pagsunod ko sa'yo dito. Naiinis ako dun sa babaeng gusto ko.”
“H-ha? A-ako ba ang tinutukoy mo?”
“Eh sino pa ba? Ikaw lang naman ang niyaya ko para maging syota ko. Ikaw lang ang binigyan ko ng bulaklak. Nakakainis ka.”
“Eh bakit ba? Wala naman akong ginagawa ahh!”
“Wala ka pang ginagawa, sa ngayon pero pag dumating ang oras, ewan ko na lang”
Sa totoo lang, confused na ko sa sinasabi nya.
“Pwede bang sabihin mo na lang sa’kin ang problema? Para matapos na”
“Pag sinabi ko ba, may magbabago kaya?”
Ano ba yan! Ayoko ng mga ganyang tanong eh.
“Pano mo malalaman kung di mo susubukan?”
“Basta wag mo ng alamin. Iwan mo na lang ako dito. Wala ako sa mood makipag usap.”
“Ang sama mo naman!”
Mali kayang ipagtabuyan ang taong gusto kang kausapin. Hmp! Sampalin ko to eh.
“Magiging masama ka rin”
“che! Aalis na ko”
“Okay”
Wala talagang epek? Tsk.
“TAMPUHIN!” sigaw ko sa kanya.