5th Gift

906 Words
5th Gift [CHESKA’S POV] Pagdating namin sa school, almost all of the students, nakatingin sa amin. Ano na namang meron? Pinaguusapan ba nila ko behind my back? Oh God. Ayoko ng attention. Teka, hindi kaya may dumi ako sa mukha??? Wala naman siguro. Kakasalamin ko lang pag-alis ko ng bahay. Pagpasok namin ng classroom, isa isang tumayo ang mga classmates namin. Lahat sila ay lalapit sa akin at magbibigay ng rose. Kada rose ay may letter na nakasulat. C-A-N Y-O-U B-E M-Y Can you be my ano? Ang tanga naman ng gumawa nito. Biglang inabot ni lance ang isang boquet ng roses na may nakasulat na ‘GIRLFRIEND’. “Can you be my real girlfriend Ms. Cheska Umali?” sabi nya habang namumula sya. "Tsk. Ayoko ng mga ganito. Bwisit yung barkada ko!" rinig kong bulong nya. Ang mga classmates ko, ayun! Kinikilig. Nadaig pa ako. Sila yung binigyan ng rose? Ako yung tinatanong di’ba? Feeling naman nila sila. They’re so pathetic hah! “Sagutin mo na yan bestfriend!” sabi ni Cathy habang tumatalon talon pa. “Oo nga! Ang sweet kaya.” pagsang ayon ng mga classmates ko. “Ahh Kyle… hindi ba masyadong mabilis? Nung isang araw mo pa lang naman ako nakilala eh, hindi ka pa nakakapangligaw at saka… kagagaling ko pa lang sa isang relasyon, hindi pa ko handa.” pagsisinungaling ko. Handa na naman ako eh, pero parang hindi pa ito ang tamang time. Magulo ba? Hehe. “Okay! Take your time. Pero kada isang araw na pinapalampas mo, mambubugbog ako ng isa nating kaklase. Babae o lalaki.” Biglang nanlaki ang mga mata ko. Bakit nya naman gagawin yun? “Alam nating spoiled brat ka at nakukuha mo lahat ng gusto mo gamit ang pera, ganun din naman ako, lahat ng gusto ko, nakukuha ko, sa pamamagitan nga lang ng dahas.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Talaga bang gagawin nya yun? “Bakit mo ba ginagawa toh?” “Simple lang, gusto kitang mapasakin dahil iba ka sa kanila. Palaban ka, pero ang tanong na lang sa’yo ngayon, handa ka pa bang maging palaban kung madami ang masasaktan?” panghahamon nya sa'kin. Ano ba talaga tong ginagawa nya?! “Pwede ba itigil mo na to!” “Tsk. Sino bang nag umpisa ng larong to? Hindi ba’t ikaw? Ikaw ang kumaladkad sa’kin at sinabi mong boyfriend mo ko, at alam mo ba? Ikaw pa lang ang nakakasampal sa’kin pero pinalampas ko yun.” “BAKIT BA GANYAN KA HAH? GANYAN KA BA TALAGANG MANLIGAW?” sigaw ko sa kanya kahit alam kong talsikan ang laway ko sa mukha nya. “Hindi na kita kailangang ligawan, bibigay ka din naman. Sigurado ko dun.” “Mukha mo! Kapal!” “Tsk. You'll be mine. Just watch ang learn.” “Kapal ng face ahh! Panipisin mo ng konti hah!” “Tumigil ka na nga. Napaka pakipot mo.” Bago pa bumigay ang tuhod ko sa sobrang inis, pumunta na ko sa upuan ko tsaka umupo. Gusto ko sa kanyang ibato ang arm chair. Nanlalambot na ko sa mga sinasabi nya. Ano ba tong pinasok ko? Pano pa kaya pag boyfriend ko na sya? TEKA, HINDI. Ano ba yung sinabi ko? Tsk. [DERRICK’S POV] Ang galing din naman ng ex ko. Sya na nga ang hahalikan nung lalaki para di sya mapahiya, tumanggi pa. Aminado naman ako sa sarili ko na, MAHAL KO PA SYA. Bakit nya ko hiniwalayan? Simple lang, ayoko syang masaktan balang araw. I’m a jerk, makakita lang ako ng seksing babae, liligawan ko na. Nung panahong kami pa, iniiwasan ko na ang tumingin sa iba Kaso may nangakit saking babae nung nasa bar ako, hindi ko napigilan ang sarili ko. May mga pictures kaming naghahalikan at pinakita nya yun kay Cheska. Palaban si Cheska! Nung araw na nakipaghiwalay ako sa kanya, walang luha ang pumatak sa mata nya. Siguro, hindi nya naman ako mahal. Ewan! Bahala sya! Nagalit lang sya sa’kin dun sa ginawa ko. Bakit? Naihanda nya na daw kasi ang sarili nya sa maaaring break up naming dalawa. Alam nya kasi na may pagka playboy ako. Expected na nyang maghihiwalay kami at hindi magtatagal. Hindi naman yun maiiiwasan ng isang babae eh, ang magkaroon ng pag aalinlangan sa syota nila. Puro sila hinala, mali naman ang akala. “Hay naku derrick, yang ex mo na naman ba ang iniisip mo?” “Hah?” Napatingin ako sa babaeng nakahalikan ko sa bar. Sexy sye pero flirt. Walang wala yung ugali nya kay Cheska. “Tsk. Pwede ba, sagutin mo na lang yung tanong ko, yung ex mo ba ang iniisip mo?” Tumungo ako bago sumagot. “Yes” “Mahal mo pa sya?” Nagulat ako sa tanong nya. Alam nya naman ang sagot, nag fe-feeling inosente pa. “Ewan” walang gana kong sagot sa kanya. “Sabihin mo sa’kin ang totoo. Wag kang tatanga tanga dyan.” Napatayo ako dahil sa inis. “Okay fine, I still love her. Satisfied?” “Ahh, Derrick, may gusto kong sabihin sa’yo about sa relationship natin.” Nagulat ako sa biglang paglumanay ng boses nya. “Ano?” “Since katawan lang natin ang habol natin sa isa’t isa, balikan mo na sya” “Hah?” “Isang tanong isang sagot, babalikan mo ba sya o hindi? Dahil kung hindi, hindi na talaga kita papahawakan sa iba.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD