4th Gift
[CHESKA’S POV]
Hayup na Kyle yun! Balak pang nakawin ang first kiss ko! Ang kapal. Ang kapal lang talaga, ang sarap nyang balibagin.
Ni hindi ko nga man lang pinahawak ni isang daliri ko dun sa ex ko. Oo! Wala kaming ginawa ni Kyle miski holding hands. Hindi rin ako pumapayag makipaghalikan, mas lalong makipag s*x. Hindi nya na daw kayang magpigil, at yun ang dahilan kung bakit sya nakipagbreak sa'kin.
Alam mo yun? Sarap nyang kalbuhin eh.
“Labsko, Bakit ka ba umalis?”
Napataas ang isang kilay ko dahil sa narinig ko. Tama ba yung dinig ko na tinawag nya kong 'Labsko'?
"Excuse me?”
Kumunot ang noo nya.
"Bakit ka nag-eexcuse me? Dadaan ka?"
Talaga naman. Sadya bang bobo ang isang toh? Sinamaan ko sya ng tingin gamit ang killer eyes ko.
“Hindi mo ko madadaan sa mga paganyan ganyan mo. Tss! Akala mo naman matatakot mo ko. Tsaka ikaw ang nagsabi na boyfriend mo ko. Type mo din naman pala ko, bakit di mo sinabi agad? May alam akong motel dyan sa kanto. Tara na!” Pagkasabi nya nun ay umakbay sya sa'kin pero itinulak ko naman agad. Grabe! BASTOS TALAGA EH.
“Tumigil ka nga. Hindi ako pumapatol sa isang katulad mo.” sigaw ko sa kanya. "Mamaya mahawaan pa ko ng aids mo eh." bulong ko sa sarili ko.
“Eh kanino ka pumapatol? Dun sa katulad ng ex mo? Eh wala naman kaming pinagkaiba.”
Natahimik ako bigla.
Ano nga bang ipinagkaiba nilang dalawa? Si Kyle, ginawa kong panakip butas. Minahal ko naman sya pero hindi yung tipong magpapakamatay ako pag nakipagbreak sya. Siguro, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Meron kasi kong mahal, pero hindi ko alam kung nasan na sya.
“Oh? bakit natahimik ka?”
“Wala” walang gana kong sagot. Kelan ko kaya ulit sya makikita?
“Bakit ba ayaw mong sabihin sa’kin? Ano pang use ng pagiging boyfriend ko sa’yo?”
Napasinghap ako dahil sa kulit ng lalaking toh. Hindi ba nya nagets yung 20 minutes?
“sabi ko naman sa’yo kanina, 20 minutes lang di ba?”
“Eh pano yan? Ayoko pang makipag break”
Peste. Delikado ang pagkababe ko sa lalaking toh eh.
“Layuan mo na nga ako, nakakainis kang gangster ka. EPAL!”
Napakunot ang noo ko nung nakita ko syang nakaside view. Pamilyar talaga sya, pero hindi ko pa naman sya nakikita.
“Hindi pa ko pwedeng lumayo. Ihahatid pa kita sa inyo eh.”
Napatalon ako sa gulat dahil sa sinabi nya. Bago yun ah? Isang tambay, maghahatid ng babae sa bahay? Wooh. That's new!
“HAH? Wag na.”
“Di pwede baka mapahamak ka. Hatid na kita. Hindi imposibleng may mambastos sa'yo, dahil maganda ka.”
"Hah? Ano ulit?" Tsk. Ano yung huling sinabi nya, hindi ko masyadong narinig.
"Wala."
“Ewan ko sa'yo. Basta wag mo na kong ihatid.”
Kinuha nya ang dala kong libro tsaka umakbay uli sa’kin. For the second time. Tatanggalin ko na sana ang kamay nya ng magsalita sya.
"Wag mo ng subukang tanggalin ang kamay ko. Wala kang magagawa sa'kin. Tsk. Ang kulit din eh!"
“Akin na nga yan!” Kinuha ko sa kanya ang libro pero kinuha nya uli. "Tsk. Tanggalin mo na nga yang kamay mo. Ang daming nakatingin, nakakahiya." Unti unti kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Tsk. Ayoko ng ganito. Isang lalaki lang ang naging dahilan ng pagba-blush ko. Si... hindi ko nga pala alam ang pangalan nya.
“Masanay ka na. Tsaka wag mo kong inuutusan, ako ang masusunod sa'ting dalawa.”
Aish. Gusto kong tumakbo paalis, pero nakakahiya. Para ngang wala na kong masasabi.
“Gusto mo bang sipain kita where it hurts the most?”
Hindi ko naman talaga kayang gawin yun, puro salita lang ako. Ang awkward naman kasi pag may nakaakbay sa'yong lalaki.
“Yan ang wag mong gagawin, hindi tayo magkaka anak nyan”
"ANO BA TALAGANG TRIP MO? Tanggalin mo na nga yang kamay mo!" sigaw ko sa kanya.
"Ikaw ang trip ko."
“Ewan ko sa'yo!” sabay irap, yung pagkataas taas.
“Hindi ako umaasa, mangyayari talaga yun. Tsaka, bakit ba ayaw mo pa rin sa'kin?”
Ano daw? Nagkagusto na ba sya sa'kin dati? Hmmm. Bahala sya!
Nang makarating na kami sa kanto, pinauwi ko na sya. Baka kasi isipin pa ni mama na bf ko yung gangster na yun. Eew! Ang gross!
Nang makarating na ko sa’min, kumain lang ako ng hapunan then umakyat na ko sa kwarto ko.
Nag-aaral na ko ng biglang may nagtext.
From: 09*********
Hi labsko! Kumain ka na ba? Kain ka na hah!, ayoko kasing nagugutom ka. Pero kung ayaw mong mabusog dahil sa pagkain. Bubusugin na lang kita ng pagmamahal ko.
Nireplayan ko sya ng “hu u?”. Haba haba nung text nya tapos ang ikli lang nung akin.
After a couple of seconds… nagreply na sya! Hindi naman atat magtext.
From: 09*********
Tss!
Actually kilala ko naman talaga sya. Reply pa lang eh.
Siya lang naman kasi ang tumatawag sa’kin ng labsko. Nilagay ko sya sa contacts ko at 'Labsko' ang ginawa kong contact name nya. Ewan ko ba, wala lang siguro kong matripan kaya yun na ang nilagay ko.
Humiga ako sa kama at pumikit. Maging maganda sana ang araw ko bukas.
---
*Kriiiiiiing*
Kinapa ko ang alarm clock ko sa ibabaw ng table ko at tinapon. Bumango ako at ginawa ko na ang daily routine ko. Kain. Ligo. Bihis. Ayos. Then alis!
Lumabas ako ng gate namin at nakita ko si kyle na nakasandal sa isang poste at halatang naghihintay. May mga kasama pa syang nakakatakot na lalaki. Diyos ko! Baka r**e-in nila ko. Wag naman po!!! g**g r**e na ba ito? Shet. Wag naman, madami pa kong pangarap sa buhay.
Bumilis ang t***k ng dibdib ko habang palabas ng bahay namin. Nagsisigarilyo kasi silang lahat at halatang inip na.
“Oh sige pare, alis na kami. Lumabas na yung inaantay mo” narinig kong sabi nung pinakamatangkad sa kanila.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kong nag-iintay dito."
"Sino bang may sabing maghintay ka dyan? Tss." Kahit kinakabahan, straight look ahead pa rin ako. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko sya.
"Hoy! Talagang hindi mo ko papansinin?"
"Hindi. Sino ka ba para pansinin ko? Ikaw ba si Chanyeol ng EXO? Hah? Tss!"
"Tsk. Puro ka katangahan. Sinundo kita dito dahil girlfriend kita. Heto, isuot mo. Malamig pa." sabi nya sa'kin habang inilagay sa likod ko ang jacket na suot nya.
Humarap ako sa kanya kaya napatigil sya sa paglalakad.
“Hindi mo ko girlfriend, ok?”
“Tsk. Pakipot. Girlfriend na kita, simula pa kahapon.”
“Ewan ko sa'yo! Nung isang araw mo pa nga lang ako nakikilala tapos gusto mo na agad akong maging girlfriend. Hanggang kelan mo ko paglalaruan?”
“Hindi yan nasusukat sa tagal ng pagiging magkakilala. Malay mo na-love at first sight ako sa’yo. Tsk, alam ko, ang gay nun.”
Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Tama bang sabihin ang sarili ng 'ang gay nun'
“Teka, nagustuhan mo lang ba ako dahil maganda ako?”
“Maganda ka. Yun lang. Tsk. Tara na nga!”
Ok na sana eh. ARGH. Sapukin ko kaya ng isa toh?