3rd Gift

1024 Words
3rd Gift Nagsisimula na kong kabahan. Napasubo ata ako! Sinong ipapakilala ko sa kanyang boyfriend? Magmumukha akong katawa tawa sa harap ng hinayupak kong ex at hindi dapat mangyari yun. Pero sinong ipapakilala ko sa kanya bilang boyfriend? Sabihin ko na lang kaya sa kanya na may sakit ang boyfriend ko, tapos baka mahawaan sya kaya di ko muna sya maipapakilala. Tama! Ganun.. hindi naman siguro magiging obvious kung magsisinungaling ako, di ba? Tali-talino ko talaga, Iba na talaga ang brainy! [DISMISSAL] Mukhang hindi dapat ako makita ni Derrick, parang hindi naman kasi uubra sa kanya ang naisip kong palusot. Tatakas na lang ako. Yun ang best way. Lumabas ako ng room ko at nagpaalam kay Cathy, pag magkasama kasi kaming lumabas eh siguradong mahuhuli ako. Sinimulan kong bilisan ang lakad ko para makalabas agad. Nagpulbo pa ko ng makapal para di nya ko makilala. Iniharang ko din sa mukha ko ang buhok ko para hindi na nya talaga ko makilala. Pero napakadalas talagang dumating ng kamalasan sa life natin noh? Gaya ngayon. Kasalubong ko lang naman sya. Pag minamalas ka nga naman. “CHESKA!” tawag sa'kin ni Derrick. “Oh Derrick? Ikaw pala... Kamusta? Hehe.” “Bakit parang nagmamadali ka naman atang lumabas ngayon?” "Hindi ah. Ano lang, mabilis talaga kong maglakad." GO CHESKA FOR THE BEST ACTRESS! "Ganun ba? Parang pag naglalakad naman tayo dati eh hindi ka naman ganun kabilis maglakad." Kailangan talagang mag reminisce ngayon?  "So, asan na ang boyfriend mo?" kasunod nyang tanong. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Papanindigan ko na nga ang naisip kong palusot. “HA? Ah eh. May sakit sya ehh, pinauwi sya nung nurse kanina.” Sana di nya ko nahalata. Lord... PLEASE!!! “CHESKA, ilang months ding naging tayo… kaya yang mga ganyang kilos mo, alam ko! You’re not good in lying you know? Kakagaling ko lang sa clinic dahil humingi ako ng gamot para sa ubo ng kaklase ko.” Aish! Buking. “Sabihin mo na lang kasi kung nagsisinungaling ka lang kanina. Hindi naman ako magagalit sa'yo eh.” "Pag sinabi kong meron, meron. Bakit ba ang kulit mo?!" "Eh asan sya?" Mukhang kailangan ko na talagang gumawa ng ibang paraan. Aish! "Sige na, sige na. Ipapakilala ko na sya sa'yo. Hintayin mo ko dito. Wag kang mababakla sa kagwapuhan ng boyfriend ko hah?" “Ha-ha-ha. Funny” sarcastic nyang tawa. Kainis yun ahh. Kilala nya talaga ang ugali ko, pano na yan? Aish! Manghihila na lang ako sa classroom namin ng lalaki. Tapos, babayadan ko. Sa ganda kong toh, wala naman sigurong papalag. Masaya kong naglalakad papunta sa room namin. Bakit hindi ko naisip yun kanina? Mabait naman ang mga kaklase ko ah. Maasahan sila. Pag dating ko sa room, bumagsak ang balikat ko. Dalawang beses pala kong mamalasin sa araw na to. Si Kyle lang kasi ang tao sa room, naninigarilyo. Nakataas pa ang paa, feeling nya nasa bahay nya sya. Hala. Pano na? Ano ng gagawin ko?  Ano ba dapat piliin ko? Ang mapahiya kay Derrick o ang magrequest sa isang manyak na gangster? “Ahhhh. Kyle!” Nahihiya akong lumapit sa kanya, tumingin sya sa'kin ng nakangisi. “Bakit? Talagang hinintay mo na ako na lang ang matira sa room bago ka lumapit. Should i wear off my polo now?” sabi nya habang tinatanggal isa isa ang butones ng polo nya. Ano ba tong ginagawa nya. Nakakainis naman eh! Ano ba tong napasok ko? Tsk. Pasensya lang ang kailangan. Magpapakabait muna ako NGAYON sa kanya. “Tulungan mo naman ako” “Kailangan mo din akong tulungan ngayon.” tumingin sya sa'kin ng nakakunot ang noo. "Bakit hindi ka pa dyan naghuhubad?" Relax Chesca. Inhale... Exhale... Whoo! Kaya ko toh. Fighting. “Pwede bang ano... magpanggap ka munang. uhm... boyfriend ko? For 20 minutes lang naman.” Dahil sa kaba ko ay hindi ko na sya pinasagot. Hinawakan ko na sya sa braso at dali daling hinala papunta sa covered court. [KYLE’S POV] Ano bang problema ng babaeng toh? Hinila na lang ako bigla at sinabing magpanggap daw kami bilang magsyota for 20 minutes. Tsaka bakit 20 minutes lang? Ayos lang naman sa'kin kung magtatagal kami. Maganda sya at may hubog ang katawan. Pwedeng gawing laruan. Isa pa, naagaw nya ang atensyon ko dun sa mall. Hindi ko talaga inaasahan na dun pa ulit kami magtatagpo. Patuloy si Cheska sa pagtakbo, at talagang walang balak bitawan ang braso ko. Nakarating kami sa harap ng isang lalaki. Pamilyar sya sa'kin. Sya yung kinumpronta ni Cheska sa mall.  Tss. Ano namang problema ng isang to? “yan na ba ang ipinalit mo sa akin?” pagyayabang ng lalaking kaharap ko. Bangasan ko kaya sya para matauhan? “Siya nga Derrick. Kahit saang anggulo, angat na angat yung kagwapuhan nya kesa sa'yo." Ngumisi ako sa sinabi ni Chesca. Angat na angat pala ko sa ex nya hah? “Eh ang tanong, totoo bang syota mo yan? Alam kong hindi ka pa nakakamove on sa'kin kaya wag kang magkunwari.” “O-oo naman” –Cheska “Then prove it to me, KISS HIM” “a-ano?" Napansin ko ang pag-aalinlangan ni Chesca sa mga mata nya. Tss. Ang swerte nya kaya kung mahahalikan nya ko. Yung iba nga eh naghuhubad pa sa harap para pansinin ko lang sila. “Sabi ko, halikan mo sya. Bingi mo naman. Patunayan mo sa'king syota mo ang tarantadong yan!” Tumingin sa’kin ng diretso si Cheska. Parang alam ko na kung ano ang gusto nyang sabihin. Tss. Kiss lang naman eh. Babae sya't lalaki ako, walang mali kung maghahalikan kami. Sa loob ng halos isang taon ko dito sa maynila, madami na kong nakahalikan. Pero isang halik lang ang hinahanap ko dito sa lugar na toh. Hinawakan ko ang baba nya at unti unti kong nilapit ang labi ko sa kanya at bigla na lang... PAK! “ARAY! Bakit mo ko sinampal?” “Eh hahalikan mo ko eh” “Tss. Ano bang gusto mong gawin ko?” “wala akong sinabing gawin mo, tiningnan lang kita. Makaalis na nga” AISH! Akala ko pa naman, makaka-iskor na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD