2nd Gift
2 days na ang nakakalipas after that day. Ang pinakabastos na day na naranasan ko.
Makakalimutan mo ba naman agad yun? Napahiya ka na nga sa madaming tao dahil dun tapos sasabihan ka pa ng ganun? Meron ba syang tuliling?
Since December na, start na ng 3rd grading namin! Actually, nung November pa. Ngayon ko lang narealize.
“CHESKAAAAAAAAAAAAAAAA”
Psh… sino pa ba yan? Edi ang bestfriend kong nakalunok ng MICROPHONE WITH SPEAKER. Ang aga aga ang lakas ng boses. Take note, papasok pa lang kami ng school kaya madami ang atensyon na naagaw ng babaeng toh. Pinapasikat talaga ko.
“Bakit?”
“Sabay tayo!”
Ganyan din naman kayo di ba? Tatawagin kayo ng bestfriend nyo tapos ganun lang ang sasabihin. Hayaan na lang natin ang mga baliw na katulad nya.
Hindi ko maintindihan, hindi naman sobrang lamig sa pilipinas pero naka jacket pa sya. Alam kong malamig ang simoy ng hangin pero hindi ka naman giginawin.
"Alam mo na ba?"
"Alam mo ng ano?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. Anong dapat kong malaman?
---class
“class, you will have a new classmate from now on, ijo pls introduce yourself” –teacher
Angas nito ah! Di man lang ba nya tatanggalin ang cap nya? Walang modo, parang ako! Tsaka teka, bakit tumanggap pa ang school ng transferee eh halos nasa kalahati na kami ng 3rd grading? Ano pang makukuhang marka nyan, 65?
“I’m Kyle Lance Robles."
Hindi ba sya marunong magpakilala? Wala pang ten seconds ang nangyari, tapos na sya. Wala ba syang balak sabihin ang achievements nya sa school nya dati?
"Uhm... Mr. Robles, nothing to say more?"
"Wala na."
"Ahh, ganun ba? Sige, pakitanggal na lang nyang cap mo."
"Pano kung ayoko? Tss. Pakialamera!"
Eh wala naman pala talagang galang ang isang toh. At least ako, nagtitimpi ako kapag galit ako. Eh sya? Di na sya naawa sa adviser namin, eh ang tanda pa naman nitong kinakausap nya.
"Ijo naman, tanggalin mo na yan."
Tinanggal nya ang cap nya at nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang buong ulo nya. O-M-G. Sya yung guy na ... nameet ko sa mall. Anong ginagawa nya dito?
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay para di nya ko mamukhaan. Mahirap na at baka makilala pa nya ko. Kahihiyan toh sa school pag nagkataon.
“Okay Mr. Robles, you can sit beside Ms.Cathy”
Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi na ni Mam kung san uupo si ... Kyle? Buti na lang at kay Cathy sya napatabi. Manyak ang gangster na yun. Bwisit.
“Bakit ikaw ang nagdedesisyon kung san ako uupo? Tss!”
Hindi na nakapagsalita pa si Mam dahil umalis na sa unahan si Kyle. Naramdaman ko ding gumalaw ang upuan sa tabi ko. At alam ko na kung sino tong katabi ko.
"Dito na ko mam uupo sa tabi ni Ms. Horny!"
“Don't be a jerk Mr.Robles. Gumalang ka sa mga babae."
"Sus. Bibigay din sa'kin ang babaeng toh."
Nagtinginan lahat sa’kin ng classmates ko at lahat sila ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin. Yung ibang mga lalaki naman, tatawa tawa at nagbubulungan pa! Naku... kung pwede lang pumatay ng tao, napatay ko na tong Kyle na toh!
Ang malas malas ko naman, sa tabi ko pa umupo. Last year ko na nga dito sa school, tapos, sya pa ang makakasama ko sa nalalabing buwan ko dito. Siguradong hindi ko na toh maeenjoy.
Subukan lang nyang gumawa ng masama, patay to sa’kin. Tinignan ko si Kyle gamit ang killer eyes ko. Whoo! Mamatay ka sa tingin ko.
“HAH! Talaga naman palang pinagnanasahan mo ko noh? Ang lagkit mong makatingin eh."
“I’m not staring at you, ang kapal mo naman!”
“Wag kang mag-alala, kung aamin ka sa'kin ngayon, matitikman mo na agad ako.”
YUCK. Isaksak nga nya sa baga nya ang kayabangan nya.
“YABANG mo!”
“What? Eh ikaw nga sa'tin ang nagyayabang. In denial ka pa, type mo naman pala ko. Tss!”
What the hell he’s talking about?
Namumula tuloy ako ngayon dahil sa inis, gusto ko syang sapakin, NAKAKAINIS.
“Oh? Ms. Horny, bakit ka namumula? Affected ka sa sinabi ko?”
Kinuyom ko ang kamao dahil konti na lang talaga at masasapak ko na toh.
“Can you please shut up your mouth?” sabi ko at tinuon ang pansin sa teacher namin sa harap na nagdi-discuss.
"Bakit ba in denial ka pa? Sabihin mo na lang sa'kin na gusto mo ko para magamit mo na ko at magamit na kita. Oh ano na? Type mo ba ko?"
“Ano bang sinasabi mo? Transfer ka lang dito, ang yabang yabang mo pa”
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya pero nagulat ako dahil masyado palang magkalapit ang mga mukha namin. Tsaka... tsaka may kamukha sya.
“Di mo pa sinasagot ang tanong ko, type mo ba ko?”
“HINDI”
Sagot lang naman ang hinihingi nya, sana tumigil na sya. Naiinis na talaga ko.
“Weh? Hehe. Tatanggihan mo toh?” sabi nya sa'kin habang tinataas ang polo na suot nya. Wala pala syang sando sa loob.
“G-gusto mo bang patayin na kita?”
“Kaya mong patayin ang isang katulad ko? Tss. Mag-isip ka muna. Hindi mo kayang bilangin sa kamay ang mga nabugbog ko na dinala sa ospital.” nag-smirk sya pagkatapos.
Hindi na ko umimik after that. Naiinis ako. Naluluha pa, bakit kailangan ko pang makakilala ng isang katulad nya?
Kung wala lang kami sa room, sisipain ko talaga sya below the belt.
***RECESS***
"Cathy, ikaw na lang pumunta sa canteen. Punta lang ako ng rooftop."
Pupunta muna ako ng rooftop para naman makalangahap ako ng SARIWANG HANGIN. Tsaka isa pa, hindi naman ako gutom.
Buhawi kasi ang dalang hangin ng katabi ko. Sobrang hangin. Matatangay ang buong pilipinas.
Habang tinitingnan ko ang buong school namin, may biglang umakbay sa’kin, tinignan ko kung sino at wow! Mukha ng lintik kong ex ang sumalubong sa’kin. Bakit hindi ko man lang naramdaman na sumunod toh sa'kin?
“Nakapag move on ka na ba?” sabi nya sa'kin ng nakangiti.
“Ako? Tinatanong mo kung nakapag move on na? Syempre naman, ang gaya mong manloloko hindi dapat iniiyakan”
“Weh? Di nga?”
Ano bang akala nya sa’kin? Magpapakamartyr sa kanya? Kung alam lang nya na panakip butas lang sya, baka humagulhol pa sya. Ni hindi ko nga sya type.
“FYI. May bago na akong boyfriend. Kaya please, tantanan mo na ko.”
“Talaga? Pakilala mo ko at ipapakilala ko din sa’yo formally ang gf ko. Mamayang uwian ahh?!”
“No need. Kilala ko na sya. Her name is Lany right?”
Hindi ko inaalam ang bagay na yun. Magaling lang talagang kumalap ng tsismis ang bestfriend ko.
“Yup! How did you know? Don’t tell me na binabantayan mo lahat ng kinikilos ko?”
“Tsismis lang sa’kin yun noh, at di ba nga, may bf na ko? Tsk”
Medyo kinakabahan na ko sa sinasabi ko. Wala naman kasi akong boyfriend. Humahaba na ba yung ilong ko?
“Then prove it, ipakilala mo ako sa kanya”
“Ok fine, makikita mo!”
Umalis na ko at bumalik sa classroom ko.
Kailangan kong maka-isip ng magandang plano. Hindi dapat ako magmukhang kawawa sa mokong na yun. Kahit pa ginawa ko lang syang panakip butas, ayokong matalo sa kanya.