1st Gift

1390 Words
1st Gift Studies. Alam kong magaling ako dyan, pero kailan ba ko matatapos mag-aral? Pag ininterview ka ba sa trabaho, tatanungin ka kung ano ang sagot sa x+y. Ang alam mo lang naman dapat dyan is yung basics gaya ng addition, subtraction, multiplication at division. Pero mas maiinis ka kapag ito na ang pinag-aaralan mo, ADVANCE ALGEBRA. Sino kayang tuwang tuwa sa subject na yan? Nanakawin ko ang utak. Ay teka, wag na lang pala. Mas precious pa rin ang brain ko sa kanya. “CHESKA UMALI! You’re not listening again to my class, tulala ka na naman dyan” Kung hindi lang ako magalang, sasagot ako dito eh. Ano bang pakialam nila kung hindi ako makinig? Kung bagsak, edi bagsak. Kasalanan nya yun, boring syang magturo. “sorry sir” Let me introduce myself, heeeere’s comes trouble! Saranghae! Okay. My name is Cheska Janine Umali, 4th year highschool student sa (toot) academy. Hindi ko itatanggi na isa kong spoiled brat. Kung anong gusto ko, mapapasakin. Kahit ano pang bagay yan, kayang kaya kong kunin. Pano? Syempre, ano bang umiiral sa bansa natin ngayon? Pera lang naman. Mayaman ang parents ko, at dahil hindi sila masyadong nakakapagbigay sa'kin ng time, kung anong hinihingi ko sa kanila eh agad nilang ibinibigay. Hindi ako galit sa parents ko dahil dun, alam ko naman kasing nagtatrabaho sila para sa'kin. Tsaka nagbo-bonding kami every month kaya open pa din ako sa kanila. Kilala ako sa school namin, pero hindi ako sikat. Kung bakit, hindi ko alam. “(poke) cheska! Labas tayo mamaya…” Nakaramdam ako ng isang daliri na sumusundot sa tagiliran ko. Tss. “Bakit?” “Ganyan ka na pala, hindi mo na ko itinuturing na bestfriend.” Napakunot ang noo ko. Anong sinasabi ng isang toh? Masyadong tampuhin. “Ano ba yang mga pinagsasabi mo Cathy? Tinatanong lang kita kung bakit tayo pupunta dun. Tampuhin mo." Kahit kelan talaga, napaka tampuhin ng bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung bakit ito pa ang naging kaibigan ko eh. Minsan nakakarumi na. Konting imbot lang, mag-iinarte na. “Makikitae kasi ako dun. Wala kasing tubig sa bahay namin na pambuhos. At least dun, isang flash lang sa kubeta at tsaka makapal na tissue, ayos na." sarcastic nyang sagot sa'kin. “Bakit ang pilosopo mo?” iniripan ko sya tapos ay tumingin na ko sa teacher namin. “Ikaw naman, jino-joke ka lang eh. Mags-shopping tayo dun.” “Bakit ba kasi ayaw mong ayusin ang pananalita mo, sa susunod na mamilosopo ka sa'kin, lalagariin ko yang leeg mo.” Actually, ganito kami palagi. Mamimilosopo sya at pagbabantaan ko, pero paulit ulit lang. Kahit sumagot yan ng 'oo' , uulit ulitin pa din nyan ang pamimilosopo. Idol nya kasi si Vice Ganda, ayun! Naging kamukha na din nya. “Oo na, sige na.” (kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggggggg) Laht ng estudyante sa room ay sabay sabay na tumayo. Kanina pa din yang mga yan na bored sa subject na toh. Hindi naman kasi magaling magturo yung teacher namin, ang kinakausap kasi eh yung black board. Magkasabay kaming lumabas ni Cathy sa room at dumiretso na kami sa parking lot. Nandun na rin ang driver ko para ihatid kami sa mall. Actually, akin yung sasakyan kaso wala pa kong driver's license dahil minor pa lang ako. Isa pa, natatakot din sina dad dahil wala akong kakayahang magpatakbo ng sasakyan. "Saan po tayo mam?" tanong ng driver ko. "Sa pinakamalapit na mall." "Sige po." Binuksan nya ang pinto at sumakay na kami ni Cathy. Ganito talaga ang buhay kapag mayaman ka.Merong mga nagaasikaso sa'yo. Nang makarating kami sa tapat ng mall, bumaba na kami ni Cathy dahil ipapark pa nung driver ko ang sasakyan ko. Nagsimula kaming lumakad ni Cathy papasok sa loob. Buti na lang at hindi masyadong madami ang tao, ayokong makipagsiksikan. Baka malapatan ako ng maasim na pawis. Nasa kalagitnaan kami ng mall ng huminto bigla si Cathy. Tinakpan pa nya ang bibig nya, nagulat ata. Saan naman? “CHESKAAAAAAA!!!” Tumingin sya sa'kin ng nag-aalangan. Nastroke ba sya? At ang lakas pa ng sigaw hah. “Bakit ba? Ang lakas ng volume nyang bunganga mo.” “MAY NAALALA KASI AKO” sigaw pa rin nya. Hindi talaga natitinag ang isang toh. Ang lakas pa din ng boses, dinaig pa ang magtitinda ng tindera sa palengke. “Ano? Naalala mong tatanggalin ko na yang trachea sa leeg mo para hindi ka na makasigaw?” “ano ka ba friend? Pag ginawa mo yun, di mo na maririnig tong sasabihin ko sa’yo” Sa itsura nya, parang wala namang mahalaga dun sa sasabihin nya. “Ano nga??? Kanina ko pang tinatanong kung ano” Ang kulit din eh. Bakit ba may thrill pa? Eh hindi naman ako kinakabahan. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?" "Malamang. Hindi naman kaya ako bulag. Tch!" Tinignan nya ko ng masama. Ayaw din kasi nyan na napipilosopo sya. Ngumuso si Cathy at tiningnan ko yung direksyon ng nguso nya… ngayon ko lang napagtanto, ang haba pala ng nguso ni Cathy. And then, I saw... Derrick, my ex, is with his b***h girl. Oh s**t lang sya. Ang bilis nyang nakapagpalit, at yun na ang ipinalit nya sa'kin? Grabe! Kamukha lang nung babae yung tuhod ko eh. Lumapit ako sa kanila ng walang hiya hiya. Tama kayo! Wala sa dictionary ko ang hiya, kapal ng mukha meron. “Hi Derrick! Kamusta? Sino tong babaeng toh? Pinsan mo? Ipakilala mo naman ako.” kahit alam kong girlfriend nya yun, hindi ako nagpahalata. “Bakit naman kita ipapakilala? Tsaka girlfriend ko sya.” Aba’t ang sama pa ng tingin ng loko, salpakan ko kaya ng dalawang jumbo pencil ang ilong nito. Kainis kasi eh. “Kasi, I'm your ex. Hindi naman masama kung ipapakilala mo ko sa girl na katabi mo, girl na mukhang boy." Nakita kong lumaki ang ilong nung kasama nya. Ang dali naman palang mapikon. “Eh ano naman ngayon? Ayokong mapasama sa SMP.” Tumingin ako sa babaeng kasama nya. “HOY babae! Rinig mo sabi nito? Kaya ka lang nya syinota because of that… ayos lang sa’yo yun?” Tinaasan ako ng kilay nung babae tsaka humawak sa katawan ni Derrick. Alam ko ding marami na ang nanunuod sa scene namin. “Hell yeah! Ayos lang sa'kin yun. Katawan lang ang habol ko sa kanya, ganun din sya sa'kin. Tsaka tama sya, December na, kailangan naming bigyan ng init ang mga katawan namin sa pasko. Gets?” Napanganga ako sa sinabi nya, pero hindi dapat ako magpatalo. "Magpapasko na pala, akala ko kasi, horror mask yang nakasuot sa mukha mo. Real face mo pala yan. Katakot ka hah?!" Sa sobrang laki ng butas ng ilong nya, magkakasya na dun ang dalawang jumbo hotdog. Hahaha! Sige, mainis ka pa sa'kin. “What? How dare you?” “Sobrang dare na dare! Inggit ka? Edi gayahin mo ko” “argghh. Let’s go na derrick, nag-iinit ako sa kanya” “nag-iinit ka? Ibig sabihin gagawin ulit natin?” –derrick “oo! So tara na, hindi mo man lang ako pinagtanggol. Kainis ka! San ba may malapit na motel dito?” YUCK! THEY’RE SO KADIRI, Kahit naman ganito ako, di ko pa binibigay ang V-CARD ko dun sa derrick na yun. Putulin ko yung sa kanya eh! “The best yung ginawa mo!” Napatingin ako sa likod ko. Nakaakbay lang naman sa'kin ang isang gwapo/manyak na nilalang. Sa hitsura nya, mukha syang gangster. Naka all black kasi sya at may piercing pa sa tenga. Tinulak ko nga, inirapan ko pa, yung abot hanggang langit. “Excuse me! Pwede wag mo kong hawakan, hindi kasi kita kilala, baka hindi ako makapag pigil” “Makapag pigil ng ano? Itigil yang kalibugan mo?” Automatic na tumaas ang kamay ko at sinampal ko sya. Nasa harap kami ng madaming tao tapos sasabihin nya yun? OMG. Nakakahiya sya. “Manyak kang lalaki ka! Layuan mo ko, Cathy tara na!” Hinigit ko ang kamay nya tsaka hinila sya palayo. “Wait Ms.! Kyle nga pala ang pangalan ko. Hahaha! Ang galing mo! Sana magaling ka din sa kama!" Nag-init ang pisngi ko at hinarap sya habang naglalakad ako. “Che! Wag na wag ka na ulit magpapakita sa’king abnormal ka. Subukan mo lang na magpakita sa'kin at makikita mo yang hinahanap mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD